webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 637

Nanonood lamang sa hindi kalayuan si Wong Ming. Masasabi niyang mga hangal ang mga ito kaya gusto niyang panoorin kung ano ang magaganap sa mga ito.

Nakita niyang dali-daling tumungo ang tumatayong lider ng mga grupong ito ng kalahok ang patungo sa lawa. Lumipad pa ang ito habang sumunod na ang siyam nitong mga alagad. tatlo lamang ang babaeng eksperto habang pito naman ang mga lalaking miyembro ng grupong ito kasama na ang pinuno.

Bago pa man makarating ang isang grupo ng mga kalahok sa kinaroroonan ng Giant White Pearled Lotus ay bigla na lamang nagulat ang mga ito nang mayroong kulay itim na itim na mga galamay ang bumulusok paitaas dahilan upang magulat ang mga kalahok na ito.

Ngunit nahuli na ang walong miyembro ng grupong ito dahil tumalsik ang mga ito sa malayo matapos na makaiwas ang dalawang eksperto ng grupong ito.

Matalas ang senses ng lider at ng babaeng kasamahan nuto kung kaya't hindi sila ang natamaan.

Maya-maya lamang ay umahon ang kaanyuan ng isang dambuhalang magical beast. Isang Black thorned octopus.

Shrriiiieeekkkkk!

Umatungal pa ang nasabing halimaw dahilan upang makaramdam ng pangamba ang sampong nilalang na ito.

Yun lang ay lima sa mga Kasamahan ng mga ito ay napuruhan dahil ang mga galamay ng Black Thorned Octopus na mayroong mga mahahabang tinik.

Idagdag pa ang mga natamong pinsala dahil sa lakas ng paghampas sa kanila ng Black Thorned Octopus. Masasabing may paralysis effect ang mga tinik kung kaya't manghihina ang sinuman sa mapipinsala ng nasabing halimaw na ito.

"Kasalanan to ng binatang iyon! Kung hindi niya sana tayo dinala rito ay hindi tayo mapupuruhan nito!"

"Tama! Hindi niya man lang tayo binalaan sa panganib mula sa ilalim ng katubigang ito ng lawa!"

"Grrr! Nanggigigil ako sa kaniya. Hindi sana ako mapupuruhan kung hindi niya tayo nilinlang!"

Ito ang sambit ng mga sugatang miyembro ng grupong ito. Masasabing hindi ng mga ito inaasahan ang existence ng Black Thorned Octopus na siyang masusing binabantayan ang Giant White Pearled Lotus.

Ngunit isang kakaibang ngisi ang biglang nakapaskil sa mga labi ng nasabing lider nang mabilis itong sumugod sa dambuhalang oktopus.

Sino ba ang mag-aakalang hindi ito aatras. Ang Black Thorned Octopus na ito ay isang Third Grade Beasts at mahihirapan ang sinumang nasa Xiantian o Purple Realm na mga eksperto na labanan ito. Halos kasingpantay lamang nila ang lakas nito ngunit sa kabuuang aspeto ay hindi.

Sumugod na rin ang apat pang kasamahan nito. Masasabing hindi sila magpapatalo at makukuha nila ang pambihirang cultivation flower na ito na isang breakthrough flower.

Sa isip ng nasabing lider na may kabuluhan ang gagawin nila.

Nagsagawa ng skill ang nasabing lider ng grupong ito gamit ang inilabas nitong isang mahabang espada.

Skill: Fire Blazing Sword!

Naiisip kasi nitong magkaaway na elemento ang apoy at tubig kung kaya't natitiyak niyang mapapaslang niya ito.

Bigla na lamang umapoy ang isang naturang espadang hawak nito at mabilis nitong nilapitan ang Black Thorned Octopus at pinaghahampas nito.

Talagang napakakunat ng balat nito ngunit malakas itong tinusok ng lider ang kaniyang mahabang nag-aapoy na espada patungo sa balat ng Black Thorned Octopus habang patuloy itong umiiwas sa hagupit ng galamay nito.

Bahagya pa itong dumistansya habang makikitang inaatake din ng mga kasamahan nito ang Black Thorned Octopus sa malapitan.

Mga short range ang mga kasamahan niya gamit ang mga palakol, espada, sibat at tanging ang babaeng kasamahan nito ang umaatake gamit ang mga pana sa hindi kalayuan.

Nahihirapan ang mga itong paslangin ang nasabing Black Thorned Octopus dahil sa napakakunat nitong balat.

Malakas na pinagtataga pa ng apat na kasamahan nito ang nasabing magical beast na nagbabantay ng Giant White Pearled Lotus.

Shrriiiieeekkkkk!

Ngunit biglang umatungal ng malakas ang dambuhalang Black Thorned Octopus at naging mas magulo ang mga galamay nito dahilan upang ang tatlong kasamahan nito ang tumalsik sa katubigan ng lawa ng malakas.

BANG!

Malalakas na pagsabog sa tubig ang maririnig habang makikitang napuruhan ang isa sa mga ito.

Ang mga sugatang miyembro ng grupong ito ay tumulong na rin kahit papaano sa pamamagitan ng long range attacks ng mga ito gamit ang mga pana nilang kinokontrol nila gamit ang enerhiya.

Tila bumalik ang sigla ng laban nila laban sa Black Thorned Octopus at nabuhayan ang loob nila dahil parang nasasaktan na nila ang mabagsik na magical beast na ito.

Tiningnan naman ng lider ang dalawang kasamahan nitong mayroong mga pinsala sa katawan ngunit nakabawi na ito ng lakas at pahinga kung saan ay pumwesto ang mga ito sa likod niya habang nakalahad ang magkabilaang mga kamay ng mga ito sa likod niya.

Masusi pa ring nanonood si Wong Ming sa matinding labanan at sagupaan Black Thorned Octopus at ng sampong bikang ng mga kalahok na isang grupo kung tutuusin.

Napansin at napanood ni Wong Ming ang buong labanang ito at masasabi niyang may kalakasan din ang grupong ito.

Mas nakaagaw sa kaniyang sariling pansin ang ginawa ng dalawang nilalang na tila nagbabahagi ng lakas sa nasabing lider ng mga ito.

Unification Energy transfer ito kung hindi nagkakamali si Wong Ming. Ang alam niya ay kaya nitong maging triple ang lakas ng isang martial artist na ito sa maliit na oras lamang ngunit lubos na tataas ang attack ability nito.

Hindi nga nagkakamali si Wong Ming dahil biglang nagsagawa ng pambihirang martial arts skill ang nasabing lider ng grupong ito.

Skill: Heavenly Kick!

Mabilis na nagliwanag ang buong katawan ng nasabing lider ng grupong ito at isang malakas na sipa ang binigay ng lider ng grupong ito dahilan upang tumalsik ng ilang metro ang Black Thorned Octopus.

Mabilis na kumilos si Wong Ming upang kunin ang nasabing Giant White Pearled Lotus sa pamamagitan ng paglangoy sa tubig.

Hindi siya mahihirapan sa pagdaan sa tubig ng hindi nalalaman dahil sa Ice Demon Transformation niya. Kahit na hindi siya mag-anyong demonyo ay sigurado siyang maisasagawa niya ng perpekto ang mga plano niya.

Hindi nagtagal ay narating niya ng mabilis ang mismong Giant White Pearled Lotus at pinutol ng maigi ang bahaging bulaklak lamang at mabilis na pinahigop ang nasabing bulaklak ng Giant White Pearled Lotus gamit ang interspatial ring niya na hindi inaalerto ang sinuman.

Agad na lumayo at nilisan ni Wong Ming sa lugar na ito nang hindi nalalaman ng sinuman. Para saan ba ang katalinuhan niya kung hindi niya gagamitin.

Akala ng mga kalaban ay nakakalamang na sila nang mabilis na nagliwanag ang buong katawan ng Black Thorned Octopus at nagpalabas ito ng mga itim na tinta sa itim na itim nitong balat.

Tila nagbago ang temperament ng nasabing Black Thorned Octopus dahil sa hindi malamang dahilan.

PUFFFFFF!!!!

Umulan ng napakaraming tinta sa paligid at mala-asido at makamandag ang nasabing itim na tinta ng Black Thorned Octopus.

Kasabay pa nito ang pag-ulan ng mga tinik nito sa mga galamay nito.

Walang nagawa ang lahat ng sampong mga kalahok na ito kung hindi ang tingnan ang sariling mamamatay sa hagupit ng Black Thorned Octopus na nagwawala.

Sa huli ay tanging ang nagwawalang Black Thorned Octopus lamang ang natira habang makikitang nai-teleport ng maayos ang sampong kalahok palabas ng trial.