webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 628

"Maraming salamat sa pagpunta niyo ngayon. Hindi ko aakalaing hanggang sa huli ay magiging tapat pa rin kayo sa bumagsak na emperyong ito ng aking mga ninuno." Sambit ng babaeng sinasabing reyna ng pitong mga tapat na mga tagasunod nito sa malawak na bulwagang ito ng malaking palasyo.

"Hinding-hindi kami susuko at magtataksil mahal na reyna. Ipinapangako ko, babawi tayo sa kanila at papaslangin ko silang lahat!" Sambit ni Dark Cadel habang may galit sa tinig nito.

"Tama, papaslangin natin sila lalo na ang mga taksil na iyon!" Nanggagalaiting sambit ni Serpent Lady. Kitang-kita kung paanong biglang nagbago ang buhaghag nitong buhok at naging mga malalaking mga serpyente na handa nang manuklaw.

"Huwag kayong maging ganyan. Hindi natin kaya ang laksa-laksang mga alagad ng mga kalaban natin!" Sambit ni Child Calling Demons. Pinaglalaruan pa ng maliit na mga daliri nito sa kanang kamay ang itim na cube.

"Kung hindi lamang nabigo ang ating mahal na reyna sa pagkamit ng godly inheritance ay hindi mangyayari ito!" Saad ni Wrecking Sailor habang nakahawak sa mga balbas nito.

"Tama ka, masyado tayong naging kampante kaya hindi natin inaasahan ang pagsabotahe ng mga iyon!" Turan ni Demon Stick Warrior na kinokontrol ang inis nito.

Nakaramdam naman ng kakaiba si Child Calling Demons nang inspeksyunin nito ang kanilang mahal na reynang kasalukuyang nakaupo sa malaking trono nito.

"Ang cultivation lebel mo mahal na reyna... Bakit ganyan lamang...?!"puno ng pag+aalalang saad ni Child Calling Demons.

Dahil sa natural na abilidad ng itim na cube na hawak niya ay kayang-kaya nitong inspeksyunin ang sinuman kahit na hindi niya man gustuhin.

Lahat ng masasabing mga kakaibang bagay o kaganapan mula sa isang kilometro mula sa kaniya ay malalaman niya ito. Dito rin nagmumula ang halos lahat ng pagcu-cultivate.

Mabilis namang napaatras ng bahagya ang magandang binibining isang ganap na reyna. Animo'y hindi ito aware sa natural na abilidad ni Child Calling Demons. Alam niyang katulad niya ay makapangyarihan din ito.

"Wala ka na doon ginoo, alam mong nabigo ako sa nangyari sa pagkamit ko ng pambihirang pamana sana." Ani ng mahal na reyna na kitang-kita ang kalungkutan sa mukha nito.

"Hindi, hindi ako naniniwala. Halos kalahati na lamang ang cultivation na nasa iyo. Ano'ng nangyari mahal na reyna?!" Bulalas nang hindi makapaniwalang saad ni Child Calling Demons. Ang kanilang noo'y napakamakapangyarihang reyna ay kasalukuyang napakahina na. Hindi nito aakalaing sa mahigit apat na taon nitong pagkawala sa lugar nila ay humina na ito ng tuluyan.

"Nangangalahating cultivation? Paano na ito mahal na reyna? Paano natin maisasagawa ang paghihiganting gusto nating mangyari kung wala na kaming nangungunang lakas niyan? Saan na napunta ang kalahating cultivation mo mahal na reyna?!" Matalas na sambit ni Dark Cadel habang makikitang tila anumang oras ay papatay ito ng nilalang.

Naging magulo na rin ang awrang nakapalibot rito. Kung normal na mga nilalang lamang ang naririto ay nanginginig na siguro ang mga ito sa lupa sa halip ay tila kalmado at tahimik na nag-iisip ng malalim ang mga ito.

"Umayos ka Dark Cadel! Alalahanin mo kung saan ka lamang dahil kahit ano'ng gawin mo ay tagasunod ka lamang at ang mahal na reyna pa rin ang kinakaharap mo! Ano'ng ikinagagalit mo? May maitutulong ba iyan sa kasalukuyang suliranin natin?!" Nanggagalaiting wika ni Evil Soltice habang naapirap pa ito matapos nitong tingnan ng masama si Dark Cadel.

Sila dapat ang kinikwestiyon hindi ang mahal na reyna. They are incompetent kung tutuusin lalo pa't wala man lang silang nagawa noon at ngayon ay tila malabo pa sa malabo na makakagawa sila ng hakbang ng sila lamang.

Matataas man ang lebel ng cultivation nila ngunit kailanman ay malabong makamit nila ang godly inheritances sa mga Ancient Pagodas.

Those Ancient Pagodas have remains of godly inheritances ng mga namayapa o di kaya ay nag-ascend sa iba't-ibang mga lugar para maglakbay at mas maging makapangyarihan pa lalo.

Ngunit sila? Wala atang nagtagumpay dahil kahit ilang beses nilang subukang pasukin ang mga Ancient Pagodas ay hindi sila nito tinatawag kagaya ng mahal na reynang minsan nang nakarinig ng tawag mula sa loob ng Ancient Pagodas.

Palaisipan pa rin kung bakit nabigo itong magtagumpay sa pagkamit ng godly inheritances at tuluyan ng makakuha ng titulo bilang isang Goddess.

Bago pa magsalitang muli si Dark Cadel ay pinigilan na ito ng kasamahan nito sa bulwagang ito.

"Tumahimik ka na lamang bata kung ayaw mong ipatuklaw kita sa mga gutom kong mga alagang kating-kati ng pumaslang ng makikitid ang utak!" Mapagbantang turan ni Serpent Lady na animo'y nagpipigil na lamang mainis at atakehin ang walang respetong si Dark Cadel. Kitang-kita kung paanong mas lumaki at nakakatakot ang mga serpyente nasa ulo mismo ni Serpent Lady habang nakatingin ang mga ito sa gawi ni Dark Cadel at parang handa na itong paslangin ang nasabing binata.

Natahimik na lamang si Dark Cadel at napalunok ng laway. Para sa kanya ay nakakatakot talaga ang babaeng ito na siyang kagaya niya ay tapat na tagasunod ng mahal na reyna at ng mga ninuno nito.

"Ipagpaumanhin mo mahal na reyna ang katabilan ng dila ni Dark Cadel. Masyado pa siyang bata upang maintindihan ang lahat ng bagay na ito!" Paghinging paumanhin ni Serpent Lady habang makikitang nabigay galang itong muli sa mahal na reyna.

"Dahil nangangalahati na lamang ang sariling cultivation mo mahal na reyna ay susubukan naming tantiyahin ang kasalukuyang cultivation mo hehehe!" Makahulugang sambit ni Child Calling Demons at sa isang iglap ay nagbago ang buong kapaligiran.

Kakaiba ang kakayahan ni Child Calling Demons at sa katandaan nito ay malamang sa malamang ay hindi ordinaryong ilusyon lamang ang kayang gawin nito.

Ang lahat ng mga nilalang sa nasabing bagay sa loob ng ilusyon nito ay totoo at kayang-kaya nitong puminsala sa kanila.

Ngunit hindi pa man nag-uumpisa ang labanang ito ay bigla na lamamg lumabas ang kakaibang uri ng simbolo sa noo ng mahal na reyna at napatalsik ng napakalakas silang lasht maging ang nasabing napakalakas na ilusyon na ginawa ni Child Calling Demons ay nawasak.

Napahandusay naman ang lahat ng mga nilalang sa loob ng malawak na bulwagang ito.

Mabilis namang tumayo ang lahat ng mga tapat na tagasunod ng babaeng nakaupo sa trono.

Parang wala man lang nangyari kanina at nakatingin lamang ito sa kanila.

"Hindi ko aakalaing nagtagumpay ka mahal na reyna. Ang simbolong iyon ay isang God's Mark hindi ba? Nakuha mo ang godly inheritances sa loob ng Ancient Pagoda!"

"Napakalakas mo talaga mahal na reyna. Hindi ko aakalaing kahit kalahati ang cultivation level mo ay kayang-kaya mo pa ring makipagsabayan sa amin!"

Ngunit mabilis na itinaas ng magandang binibini ang kamay nito at tumayong muli sa kaniyang trono.

"Hindi ako isang ganap na diyos at hindi ko natapos ang trial sa loob ng Ancient Pagoda. Hindi ako kailanman magiging isang diyos!" Kalmadong wika ng mahal na reyna. Napakakomplikado ng Ancient Pagoda at kahit siya ay nabigong matapos ang trial.

Ang mga ninuno niya maging ang mga magulang niya ay tuluyang nakakuha ng titulo bilang mga diyos at diyosa ngunit siya ay bigong makamit ito.

"Lilisanin ko muna ang lugar na ito upang magcultivate sa malayo. Bumalik ako rito upang sabihing mawawala pa ako ng matagal at alam kong sa pagbabalik kong muli rito sa lugar na ito ay handa na tayong muli upang makamit natin ang magandang layunin natin lalo na sa mundong ginagalawan natin!" Makahulugang sambit ng magandang binibining ito at sa huling pagkakataon ay lumabas ang kakaibang simbolo sa noo nito at nagbago ito ng anyo bilang isang Water Esk bago ito tuluyang naglaho sa hangin.

Naiwan namang nakatulala ang lahat lalo na kung paano'ng nagbago ng anyo ang nasabing mahal na reyna nila at nawala ito na parang bula.