webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 619 : Volume 11

Mula sa himpapawid ay unti-unting makikita ang maraming grupo ng mga nilalang na pumunta sa lugar ng Red City.

Iba't-ibang mga kulay ang nakikita ni Wong Ming na suot-suot ng mga nilalang na ito maging ng mga simbolong nakatatak sa mga kasuotan ng mga bagong dating na mga nilalang.

Buti na lamang at malawak ang parte ng lugar na ito na kasalukuyang ginaganap ang mga kompetisyon kung hindi ay baka nagsiksikan na sila sa dami ba naman ng mga lumahok maging ng mga gusto lamang manood ng labanan.

Maraming usap-usapan ang nangyari ngunit mabilis ring nagbago ang lahat nang dumating ang mga pangunahing nangangasiwa ng kompetisyon na isinasagawa ng Flaming Sun Guild.

Pansamantalang natigil ang mga kompetisyong nagaganap hanggang sa inanunsyo na lamang ng MC sa malakas at klarong boses na matutuloy ang nasabing kompetisyon ng Flaming Sun Guild sa susunod na dalawang linggo.

Marami ang nadismaya at marami din ang natuwa ngunit para kay Wong Ming ay alam niyang tila mababago at mas hihirap ang kompetisyong ito.

Isa sa pinakamalaki at pinakatanyag na guild sa tatlong mga naglalakihang siyudad ang Flaming Sun Guild. Misteryoso at tila kinatatakutan rin ang nasabing guild sapagkat ang pwersa nito ay hindi masukat at wala ring eksaktong lokasyon ang nasabing guild.

Alam niyang hindi basta-basta ang Flaming Sun Guild. Bilang lamang ang nakakapasok rito at alam niyang hindi naman dadagsa ang marami pang mga kalahok galing sa iba't-ibang parte ng tatlong siyudad kung hindi tunay ang kredibilidad nang nasabing guild.

Naiisip ni Wong Ming na ang ganitong pagbabago sa kompetisyong ito ay mas kailangan niyang paghandaan ang nalalapit na pagsasalang sa kanila. Alam rin niyang kung mayroon mang pagbabago ay pabor iyon sa kaniya o sa lahat sapagkat oportunidad ito para sa lahat, mapabata man o matanda habang ipinapakita bula ang kanilang kahusayan sa paglalaban o labanan.

Ngunit maituturing din itong disadvantage sa katulad niyang nanalo na ng siyam na round ng elimination round.

Kagaya ng iba ay nagsiuwian na rin sila maging ang mga manonood lamang sa nasabing kompetisyon.

Lahat ay tikom ang bibig at hindi na kumontra la, siguro ay takot rin ang mga ito sa integridad ng nasabing guild. Sino ang mangangahas na kumontra?

Sa halip na gumawa ng kung ano-anong bagay ay nagsimula na lamang magcultivate si Wong Ming sa tinutuluyan niya.

...

Lumipas ang tatlong araw...

Umaga pa lamang ay nasa masukal na kagubatan na si Wong Ming. Unang araw niyang naglakbay sa loob ng masukal na kagubatang ito upang marating ang Red Mountain Ranges, ito ang pinakapakay niya.

Dahil sa sagana ng Red Moon Tree ang buong Red City ay nahanay rin ng kaisa-isang mountain ranges na ito ang pangalan ng nasabing punong ito.

Ang Red Moon Tree ay isang punong kulay pula ang dahon nito at tila hugis buwan ang dahon nito.

Kung marami ang nakakalat na mga Red Moon Tree sa sentral na bahagi ng siyudad ng Red City ay halos sampong beses naman ang bilang ng napakaraming Red Moon Tree dito.

Talagang napakakulay ng masukal na kagubatang ito. kung tutuusin. Ngunit hindi ito ang pakay niya.

Ilang minuto pa ang nakalipas at narating na niya ang isang malawak na ilog habang tanay na tanaw na niya ang paanan ng nasabing Red Mountain Ranges.

Kakaiba ang kabundukang ito at masasabi ni Wong Ming na hindi niya aakalaing napakalawak nito at medyo hindi maganda ang atmosperang nakapalibot rito.

Gayunpaman ay mas pinili niya na lamang na makipagsapalaran sapagkat nasa Bahagi na siya nang kaniyang cultivation na kailangan na niyang paunlarin ito. Nasa Late Golden Blood Realm na siya at sa puntong ito ay kailangan na niyang pataasin ito lalo pa't ayaw niyang mahuli pa ang lahat.

Ang kalaban niya ay nasa Purple Blood Realm at dahil sa pagdagsa pa ng maaaring makalaban niya ay sigurado siyang mayroong mga nakatapak na sa Golden Realm kung hindi siya nagkakamali.

Hindi siya pamilyar sa tatlong Siyudad ng Dou City, Red City at ng Dark Mist City kung kaya't natitiyak niyang may hahadlang pa sa mga gagawin niyang pagsasaliksik patungkol sa pagkawasak ng Ancient Mint City. Kung sino man ang nagbenepisyo sa nasabing pagkabura sa mapa ng Ancient Mint City ay isa ito sa tatlong naglalakihang siyudad.

Isa pa ay mayroon siyang kailangan sa Dou City at iyon ay patungkol sa katauhan niya ngunit dahil sa laki ng gulong kinakaharap nito ay maaaring mabura na din ito sa mapa dahil sa nangyayari rito.

Ang Red Skull Alliance, isa ito sa itinurong ugat ng pagkahina ng Dou City ngunit alam niyang mayroon pang ibang kasabwat kung bakit tanging ang dalawang kaharian at iba pang maliliit na sangay na lamang ang tila may pwersang gumagawa o pinagmumulan ng lakas na lamang ng Dou City.

Magkagayon pa man ay alam ni Wong Ming na hindi dito nagtatapos ang nasabing problema. Kahit na hindi siya makakaalala o kahit maliit na memorya ng nakaraan ay alam niyang malaki ang papel ng Li Clan kung bakit nag-eexist pa rin siya.

Isa sa dahilan kung bakit pumunta siya rito sa Red Mountain Ranges ay upang tuklasin kung totoo rin ang alamat patungkol sa Fountain of Memories, isang sinaunang fountain artifact na minsang napadpad sa kabundukang parte ng lugar na ito.

Hindi man makumpirma ni Wong Ming ngunit sa palagay niya ay kailangan niyang galugarin ang lugar na ito upang malaman kung totoo nga ba ito o pawang haka-haka lamang.

Lumipad na lamang si Wong Ming patungo sa kabilang pangpang ng nasabing malawak na ilog lalo pa't walang ibang daanan rito. Mas lalong hindi siya pwedeng lumangoy sa hindi masukat na lalim ng tahimik na ilog na ito dahil baka kung ano pang nilalang ang mabulabog niya at baka sagpangin pa siya ng mga ito.

Pagkatawid na pagkatawid ni Wong Ming ay nakita niyang mayroong nakaharang sa kaniyang daraanan. Medyo maalinsangan ang lugar na ito at hindi masyadong pumapasok ang liwanag ng lugar na ito ngunit batid niyang kanina pa siya nito nakita at minamatyagan kung kaya't malaya itong tinatanaw siya para sa pagkakataong ito.

Isang higanteng oso ito na kung tawagin ay Silver Fang Bear. Ang kagat nito ay maikukumpara sa pagkagat nito sa pilak kung kaya't alam ni Wong Ming na sa mortal niyang pangangatawan ay siguradong mapipinsala siya ng magical beast na ito.