webnovel

Chapter 578: END OF SEASON 1

"Kahanga-hanga ang iyong nagawa Wong Ming. Hindi ko aakalaing magagawa mong matalo si Qiáo Jian sa labanang nangyayari kanina.," Masayang sambit ni Head Chief Bengwin habang makikitang tunay itong nasisiyahan sa pagkapanalo ni Wong Ming sa labanang iyon kanina.

Masasabi niyang ang nasaksihan niyang laban kanina ay tila ba kakaiba. Kung hindi siya nagkakamali ay naglalaban ang nasabing anak niyang sina Qiáo Jian at Wong Ming sa kakaibang pamamaraan.

Hindi niya alam kung paano iyon ngunit ramdam niyang nagkaroon ng labanan sa mga ito ayon na rin sa anak niyang si Qiáo Guiren na kakambal ni Qiáo Jian.

Nasa isang kakaibang illusion domain ang mga ito kung saan ay kontrolado at manipulado ito ng kakambal nito. Sa una ay hindi siya naniniwala sa pinagsasabi nito ngunit kalaunan ay napagtanto niyang totoo nga ang sinasabi nito. Sino ba ang mag-aakalang sa murang edad ni Qiáo Jian ay nagawa nito ang ekstraordinaryong bagay lalo na ang pagkakaroon ng isang domain patunay lamang na may mataas itong talento kaysa sa iba.

Ngunit laking gulat niya noong nakita nitong nagkaroon ng pasa sa mukha si Wong Ming ngunit ang sumunod na pangyayari na nasaksihan niya ay ang pagtulo ng masaganang dugo sa bibig ni Qiáo Jian na siyang dahilan upang hindi siya mapakali sa hindi kalayuan.

Hindi niya inaasahan iyon ngunit pinigilan siya ni Qiáo Guiren nang gusto niya sanang awatin ang nasabing labanang nangyayari sa Illusion domain na gawa ng isa sa mga anak niya.

Ngunit mabilis siyang inawat ni Qiáo Guiren dahil mukhang hindi naman magpapatayan sina Wong Ming at ang kakambal niyang si Qiáo Jian.

Nagtiwala naman si Head Chief Bengwin sa sinabi ng anak nito. Alam niyang mas alam nito ang kakambal nito kaysa sa kaniya kaya huminahon at napanatag ang loob niya.

Ilang minuto lamang ang nakalipas ay bigla na lamang nawala ang misteryosong harang sa pagitan ng dalawang naglalabang nilalang st doon nila nakumpirma ang resulta ng laban.

Mabilis na lumabas lumakad palabas ng arena si Qiáo Jian ng walang pasabi. Walang karea-reaksyon ang pagmumukha nito pero nabatid ng lahat ang nasabing kilos nito.

Palaisipan pa rin sa lahat kung ano ang nangyari sa dalawang panig na naglaban kanina ngunit iwinala na lamang ito ni Head Chief Bengwin dahil hindi rin naman niya malalaman.

Mabilis na nawala ang iniisip ni Head Chief Bengwin nang magsalita si Wong Ming na nasa harapan niya lamang.

"Masyado lamang niya akong minaliit kaya natalo ko siya gamit ang aking sariling pag-iisip at taktika ama kung kaya't agad ko siyang nagapi." Simpleng sagot na lamang ni Wong Ming habang kitang-kita sa mga mata nito ang saya. Masasabing medyo pinag-isipan niya ang mga katagang ito upang magmukhang kapani-paniwala at wag ng magtanong pa ang amain niya. Masaya na ang ganitong klaseng kaganapan at ayaw niyang may makaalam ng mga pangyayari sa loob ng illusion domain na ginawa ni Qiáo Jian.

"Ganon ba? Mabuti naman. O siya, magpahinga ka muna at dito muna tayo manatili sa loob ng Black Clover Tribe. " Sambit ni Head Chief Bengwin habang nakatingin ng taimtim sa binatang kinupkop niya apat na taong nakalilipas na at masasabi niyang lumaki nga ito na naaayon sa kagustuhan niya na maging masunurin at mabuti sa lahat ng sandali.

Anuman ang resulta ng labanan, matalo man o manalo ay tanggap niya pa rin ito. Hindi kasi lahat ng bagay na inaasam natin ay makukuha natin at di niya kontrolado ang nasabing laban kaya nang nanalo si Wong Ming ay napanatag ang loob niya. Alam niyang hindi nito sasaktan ng malala ang anak niyang si Qiáo Jian.

"Mabuti pa nga ama. Masyadong masakit ang pangangatawan ko para gumalaw pa haha..." Natatawang sambit ni Wong Ming habang sumang-ayon ito sa suhestiyon ng ama nitong manatili sila rito. Masasabi niyang hindi nito inaasahan ang buong pangyayari noong wala siya rito pero nakuha niya ang kaganapan noong wala siya rito.

Nakuha na ng ama nito paunti-unti ang sarili nitong kahilingan, ang magkaroon ng sariling pamilya maging ng kung ano pa man. Nararapat lamang ito dahil alam niyang mabuti itong pinuno at may pusong mamuno sa Wong Family. May malasakit din ito sa iba at nakararami kagaya ng kagustuhan ng lahat na taglay ng kanilang mga pinuno. Masuwerte siya at ito ang kumupkop sa kaniya sa loob ng ilang mga taon.

Mabilis na nagkahiwalay ang landas ni Head Chief Bengwin at Wong Ming matapos ng usapan nila. Nagkamustahan at kung ano-ano pang bagay ang kanilang naisambit sa isa't-isa bago magtungo sa magkaibang direksyon dito sa loob ng Black Clover Tribe.

Pinili ni Wong Ming na tumungo sa Cultivation area ng Black Clover Tribe upang doon mamalagi. Gusto niyang magcultivate at mag-ensayo na siyang hindi naman tinutulan ng amain niya habang may ipinadala itong umalalay sa kaniya upang hindi siya maligaw.

...

Magbubukang-liwayway na at masasabing isang panibagong araw naman para sa lahat ngunit isang malaking balita at pangyayari na naman ang naganap sa loob mismo ng Ashfall Forest.

Hindi lubos maisip ng lahat ng naririto lalo na mga Martial Arts Experts maging ng mga naninirahan rito na sa loob ng isang gabi lamang ay nabura sa lugar na ito ang existence ng Fire Demon Tribe.

Ang mas lalong nakakapagtaka at nakakapanghilakbot na pangyayari ay tila ba ang mainit na lugar ng Fire Demon Tribe ay nabalutan ng napakarami at naglalakihang mga yelo na siyang masasabing sobrang gulo ng lugar na ito na para bagang dinaanan ng malaking delubyo.

Liban sa palatandaang ito ay makikitang napaslang ang mga karamihan sa mga miyembro ng Fire Demon Tribe dahilan upang magbunyi ang lahat lalong-lalo na ang karatig na mga tribong natatakot at napasailalim sa Fire Demon Tribe. Lahat ng ito ay masasabing hindi masamang balita kundi magandang resulta para sa lahat ng inabusong mga tribo ng nasabing Fire Demon Tribe na naghahasik ng kasamaan.

Kasabay ng balita na ito ay ang biglaang pagkawala rin ng binatang si Wong Ming na siyang labis na ikinagalak at ikinasiya ng mga miyembro ng Wong Family lalong-lalo na ng mga opisyales. Wala silang masabi sa tila magandang balitang ito para sa kaniya at maipapakahulugan na wala silang pakialam sa sampid lamang na miyembro ng Wong Family na si Wong Ming.

Inaasahan rin naman ito ni Head Chief Bengwin na mawawala si Wong Ming dahil mas pinili nitong umalis sa Wong Family ngunit nakaramdam pa rin siya ng lungkot sa pagkawala nito hanggang sa masanay na lamang siya.

Ang tanging naiwan lamang sa kaniya ay ang memorya ng kahapon ngunit masaya siya para rito at masaya siyang may pamilya na siyang poprotektahan, naniniwala siyang mahahanap din ni Wong Ming ang sarili nito lalo na ang nawaglit nitong alaala ng nakaraan.

Masasabing ang kasalukuyang suliranin na lamang ng Wong Family ay ang paghahalal at preparasyon para sa susunod na uupo bilang bagong Head o pinuno ng Wong Family. Dahil sa dalawa ang anak ni Head Chief Bengwin ay napagdesisyunan ng council na kailangan na patunayan ni Qiáo Jian at Qiáo Guiren ang kanilang sariling kakayahan sa buong Wong Family.

Lumipas ang ilang mga linggo ngunit wala silang narinig patungkol sa binatang bigla na lamang nawala ng gabing iyon kasabay ng palaisipan ang misteryosong pagkabura ng Fire Demon Tribe. Kung ano man ang nangyari sa gabing iyon ay walang nakakaalam. Kasabay ng pagkabura ng Fire Demon Tribe ay ang pagkawala ng mahahalagang mga miyembro ng Fire Demon Tribe lalong-lalo na ang prinsesa ng nasabing masamang tribo.

END OF SUPREME ASURA VOLUME 9

[END OF SEASON 1]

Next chapter