webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 568

Natahimik naman si Phlox Guard Chief Saleos sa winika ni Demoness Crea sa kaniya. Halatang may punto ito at iniisip niya ring mali ang desisyon niya na iwanan ito. Hindi niya alam ang patungkol sa lahi ng mga tao lalo na sa katangian ng mga ito lalo pa't nakatuon lamang ang atensyon niya sa pagpapalakas at pag-eensayo ng mga miyembro ng hukbong sandatahan ng Poseidon Phlox Demon Clan.

Ngunit nagulat na lamang sila ng biglang nagkaroon ng malakas na paggalaw sa katubigan ang biglang nangyari kung saan ay mabilis na bumulwak ang malaking bahagi ng tubig sa kailaliman ng lawang sakop ng teritoryo ng Poseidon Phlox Demon Clan at niluwa nito ang kanilang pinunong pinakahinihintay nilang dumating.

"L-lord Damon?! Ikaw nga, kuya!!!" Sambit ni Demoness Crea habang makikitang mabilis itong napayakap sa kakatuntong pa lamang sa lupa ng kaniyang kapatid.

Hindi nito alintana na nabasa na pala siya ng tubig na galing sa lawa ngunit mahigpit na yakap ang ginawad niya rito na agad namang ibinalik ng nasabing kapatid nitong si Lord Damon.

"Akala ko ay hindi ka na babalik kuya at tuluyan ka ng nagawan ng masama ng pesteng binatang iyon mula sa kabilang mundong iyon huhu!" Parang batang sambit ni Demoness Crea habang kitang-kita ang pagtulo ng mga luha nito.

Maya-maya pa ay mabilis na kumalas ng yakap si Lord Damon at si Demoness Crea.

May ngiti sa mga labi ni Lord Damon na lubos namang ikinapagtataka ng dalawang nilalang na nasa harapan niya at agad din itong nagsalita.

"Walang masamang nangyari sa akin doon. Tanging ang reverse scale ko lamang ang naging kabayaran ko sa binatang iyon na m-------!" Sambit ni Lord Damon ngunit agad na naputol ito ng magsalita kaagad-agad si Demoness Crea na ngayon ay nawala ang mga ngiti sa mga labi nito.

"Reverse scale lang? Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo kuya? Nalinlang ka na talaga ng tuluyan ng isang hamak na binatang iyon na mula sa mga lahi ng tao. Naaalala mo ba ang sinabi sa atin ng namayapa nating mga magulang ha? Na sakim ang mga lahi ng taong iyan. Minsan na rin silang pinagkatiwalaan ng angkan natin maging ng ibang mga lahi ng demonyo ngunit ano'ng iginanti nila sa atin? Wala kundi ibayong problema lamang na pinagsisisihan nilang gawin!" Mahabang litanya ni Demoness Crea habang makikitang hindi ito natutuwa sa kahit na sinumang nilalang na mula sa mga lahi ng tao. Yung naramdaman ng mga magulang at mga ninuno niya ay ramdam na niya. Nalinlang nga ang kapatid niya dahil ibinigay nito ang reverse scale na siyang naglalaman ng halos lahat ng Cultivation nito. Kung hindi ito malaking bagay para sa kaniya upang magalit, ano ito?!

"Patapusin mo muna ako aking kapatid, Crea. Masyado kang malala kung mag-isip. Noong una ay akala ko rin ay likas na masasamang nilalang ang mga tao ngunit kagaya ng mundo natin ay mayroong mga mabubuti at masasamang nilalang. Sinubukan ko ang binatang iyon mula sa mundo ng mga tao ngunit talagang napakaswerte ko lalo pa't hindi ito mapagsamantala. Sa sitwasyon siguro ay oo ngunit sa kayamanang nakuha nito mula sa akin ay hindi. Alam nito ang patungkol sa pinakainiingat-ingatang sikreto ng lahi natin ngunit hindi niya ito inabuso. Kung gusto niya itong kunin sa akin ay gagawin nito ang lahat ng magagawa nito upang sapilitang kunin iro sa akin ngunit kabaliktaran iyon sa aking naiisip. Kumuha lamang ito ng demonic essences ko na agad din naman niyang ibinalik ang reverse scale ko." Mahabang salaysay ni Lord Damon habang makikitang nakangiti ito ng malawak.

Makikitang hindi kumbinsido si Demoness Crea sa pinagsasabi ng kaniyang sariling kapatid na si Lord Damon ngunit naunahan siyang magsalita ng kanina pang nakikinig sa usapan nila na si Phlox Guard Chief Saleos.

"Demonic Essences lang ang kinuha niya sa inyo Lord Damon?! Paanong nangyari ito? Akala ko ba ay sobrang ganid ng mga nilalang na nagmula sa kanila?!" Nagtatakang tanong ni Phlox Guard Chief Saleos habang kinukumpara ang mga impresyon ng mga ninuno nila at ng kasalukuyang pinuno nilang si Lord Damon.

"Iyon din ang inaakala ko ngunit imbes na pagdudahan ang binatang iyon ay mali ako ng masamang inaakala. Akala ko nga ay nawalan ako ngunit hindi ko aakalaing bibigyan niya ako ng pambihirang kapalit sa pagbibigay ko ng maraming demonic essences sa kaniya mula sa aking reverse scale." Masayang sagot ni Lord Damon habang abot langit ang pagngiti nito na lubos namang ikinapagtataka ng dalawang nilalang na kasama niya sa gilid lamang ng lawang kinaroroonan nila.

"Ano'ng ibig mong sabihin aking kapatid este Lord Damon? Pambihirang kapalit? As if naman na may maibibigay na mahalagang kapalit ang mga pesteng nilalang kagaya ng mga ganid na nagmula sa lahi ng mga taong iyon!" Nagtataka ngunit naiinis na saad ng magandang babaeng si Demoness Crea. Kitang-kita kung paanong naningkit ang mga mata nito. Baka sumpa pa ang ibabalk ng mga lahing iyon na naninirahan sa kabilang mundong ginagalawan ng mga ito.

"Hmmm... Parang hindi kayo naniniwala sa sinasabi ko. Kaya patutunayan ko ang sinasabi ko sa inyo upanf maniwala kayo!" Simpleng sambit ni Lord Damon sa seryosong tono ng pananalita nito.

Agad na itinutok nito ang sariling kamay nito sa lawa at sa isang iglap ay biglang naging yelo ang buong lawa. Kasabay nito ang biglang pagbalik sa dati ng katubigan.

"Paano mong nagawa iyon Lord Damon?! Isa iyong pambihira at sinaunang skill ng mga Ice Demon Clans na wala na sa mundong ito. Paano ka nagkaroon ng ganitong kalakas na abilidad?!" Sambit ni Phlox Guard Chief Saleos habang makikitang halos lumuwa ang mga mata nito.

Hindi kasi isang simpleng bagay lamang ang nagawa nito. Napakabilis man ng pangyayaring ginawa nito kanina ay alam niya kung gaano kalakas ang nasabing pangyayaring naganap kanina. Ang lawang nasa harapan lamang nila ay napakapambihira, hindi ito kailanman nabalutan ng yelo, natinag ng hangin, nagambala ng pagyanig ng lupa at mas lalong hindi ito kailanman naapektuhan ng apoy o mainit na klima kapag tag-init. Sagrado ang lawang ito na pinoprotektahan ng Poseidon Phlox Demon Clan magpasahanggang ngayon.

Nang nabalot pa lamang ng yelo ang buong lawa ay nagpapatunay lamang ito na kayang-kaya ni Lord Damon na magpalabas ng malakas na enerhiya.

"A-anong klaseng bagay naman ang ipinalit sa'yo ng binatang iyon Lord Damon? Paano'ng nangyari na nakakapagpalabas ka ng Ice Skill, hindi lamang simple kundi sobrang lakas. Kahit ang pambihirang lawang ito ay naapektuhan ng pambihirang lakas mo!" Nagtataka ngunit may pagkamanghang wika ni Demoness Crea habang makikitang pinipigilan nitong mautal. Hindi niya aakalaing gagantihan ng binatang iyon ang kapatid niya.

Kasabay nito ay mabilis na napangiti si Lord Damon ng matamis habang pasalin-salin itong nakatingin sa dalawang nilalang na lubos niyang pinagkakatiwalaan.

"Isang demonic essence ang ibinigay niya sa akin. Akala ko noong una ay ordinaryong demonic essence lamang ito ngunit ako ay nagkamali ng inaakala dahil walang katulad ang mga ito. Napakapuro at naglalaman ng misteryosong insights patungkol sa mga Ice Demon at Water Demon. Hindi ordinaryong nilalang ang binatang iyon at iyon ang sigurado ako!" Malakas na saad ni Lord Damon sa seryosong tono ng pananalita nito.

"Paano'ng nangyari iyon Lord Damon? Matagal ng nabura sa kasaysayan ang lahi ng mga Ice Demon at paaanong nagkaroon ng insights iyon pati sa lahi natin?! Baka kalaban ang isang iyon!" Sambit ni Demoness Crea habang ito magpapatalo.

"Imposibleng mangyari ang sinasabi mo Crea. Kung kalaban siya edi sana kinuha niya ng buo ang reverse scale ko at alam rin nito na pabagsak na ang angkan natin ngunit hindi ito nagdalawang-isip na suklian ako ng isang pambihirang demonic essences." Sambit ni Lord Damon habang nakangiti.

Mabilis itong naglakad papalayo papunta sa mismong malaking mansyon na tinitirhan nila. Malawak man ang teritoryo nila maging ang populasyon nila sa Poseidon Phlox Demon Clan ngunit hindi ibig sabihin nito ay ligtas na sila. Ilang mga buwan mula ngayon ay siguradong sisiklab ang kaguluhan mula rito.

Ngunit ngayong tila may pambihirang bagay na meron siya ay siguradong mapoprotektahan niya ang mga ito.

Ngunit nawala ang mga ngiti ni Lord Damon nang mapansin ang tila tumtubong yelo sa braso niya. Ang malakas na demonic essence sa loob ng reverse scale niya ay may kapalit.