webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 55

Hindi rin nagtagal ang buhay ng isang Early Xiantian Realm Expert na mula sa Tierra Clan kung saan ay binawian rin ito ng buhay.

Walang emosyon naman ang makikita sa mukha ng batang si Li Xiaolong habang makikita pa rin sa pares ng mata nito ang kalungkutan matapos nitong ilibing sa tabi ng Bloody Gem River ang nasabing lalaking miyembro ng Tierra Clan.

May isa pa siyang napansin. Halatang hindi ito tunay na Early Xiantian Realm Expert kundi isa lamang Early Pulse Condensation Stage.

"Hindi ko aakalaing nakapaslang ako ng isang nilalang na isang Early Pulse Condensation Stage lamang." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita ang lungkot sa pares ng mata nito.

"Ano ka ba naman bata, hindi mo kasalanan yun. Nabigla ka lamang sa buong pangyayaring iyon. Tunay na mapanlinlang ang taktika nito." Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Alam nitong hindi intensyon ng batang si Li Xiaolong ang paslangin ang isang miyembro ng Tierra Clan na mayroong kakayahang magpalit ng wangis lalo na ng mga Magical Beasts. Kahit siya ay siguradong gagawin rin ang ginawa ng batang si Li Xiaolong at pawang self defense lamang ang ginawa nito upang protektahan ang kaniyang sarili sa mapangahas na atake ng sumakabilang buhay na miyembro ng Tierra Clan na mula sa Hollow Earth Kingdom.

"Oo alam ko iyon kaya sising-sisi ako sa aking ginawa. Malamang ay naiisip kong mayroong foul play na nangyari dito. Nang bawian kasi ito ng buhay ay unti-unting bumaba ang Cultivation Level nito at mayroong mga malalaking ugat ang lumitaw sa buong katawan nito. Malamang ay malakas ang isinagawa kong atake para bawian ito ng buhay." Malungkot na saad ng batang si Li Xiaolong habang makikiyang pumapatak-patak ang luha sa mata nito. Kung ang mga kilalang kaaway niya ang namatay ay siguradong hindi niya babalaking bigyan ito ng maayos na libing at ipapakain sa mga halimaw sa ilalim ng Bloody Gem River ngunit hindi niya kilala ang martial artists na ito na miyembro pala ng Tierra Clan na mula sa Hollow Earth Kingdom. Kahit anumang pilit niya sa kaniyang sarili na sabihing self defense o aksidente lamang ang nangyari ay mali pa rin ito para sa kaniyang isipan.

"Hmmm... Napansin ko rin yan bata. Base sa aking kaalaman ay hindi ako magkakamali na kumain ito ng forbidden pill para tumaas ng ganito kabilis ang Cultivation Level nito. Sa marahas na pag-atake nito sa'yo ay napansin kong wala na ito sa tamang katinuan. Ang kinain nitong forbidden pill ay sigurado akong isang one time use lamang na gamot ito o masasabi kong hindi gamot kundi isang lason. Sigurado rin akong ang iyong nakitang mga naglalakihang ugat nito ay tanda na tuluyang nasira ang buong dantian nito. Parang nasaid ang buong Essence Qi nito sa katawan kaya ang kamatayan nito ay talaga namang inaasahan na ito." Seryosong sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai habang sinasabi ang lahat ng kaniyang sariling obserbasyon. Hindi niya ito sinabi upang pagaanin ang loob ng batang si Li Xiaolong kundi ang sabihin ang mga odd things o foul play kung saan ay tila nakikita niya ang mga ito ng malinaw base sa naging resulta ng pagsusuri niya sa namatay na miyembro ng Tierra Clan.

"Huh?! Kahit hindi ko siya inatake ay mamamatay rin ito ng tuluyan?! Anong klaseng Forbidden Pill naman ang tinutukoy mo Fai?! Talaga namang nakakahindik naman ang sinapit nito. Kung ikakamatay niya lang naman ito bakit nito kinain ang Cultivation Pill, tanga ba siya?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang tumigil ito kakaiyak. Ang kaniyang sariling lungkot ay napalitan ng inis. Makokonsensya pa sana siya ngunit ang marinig ang sinabi ni Fai ay talaga namang nakakainis ito at nakakagalit. Sa kaniya ba naman itapon lahat ng sisi.

"Oo, wala ng tsansang mabuhay pa ito. Naubos din nito ang kaniyang lahat ng potensyal maging ang kaniyang sariling fires of Life ay paupos na noon pa. Sa palagay ko ay hindi nito kinain ng sapilitan kundi kinontrol ang mga ito kumain ng Forbidden Pill na ito dahil wala namang mga pasa na natamo ito. Talagang ang pagpunta ng mga ito sa Li Clan ay tunay na planado ito." Seryosong ambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai habang makikita na naguguluhan ito sa pangyayaring ito. Mukhang hindi lamang simpleng bagay ang nangyayaring ito.

"Sigurado ka ba diyan sa sinabi mo Fai?! Walang Clan ang may kakayahan ng pagkontrol ng isip ng tao liban na lamang sa kakayahan ng isang malakas na ekspertong mayroong mataas na attainments sa larangan ng hipnotismo. Tama ba ko?!" Seryosong sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita na napakuyom ito ng kaniyang sariling kamao. Alam niyang ang hipnotismo ang isang nakakatakot na abilidad o kakayahang maaaring taglayin ng isang nilalang lalo na kung ang layunin nito ay masama. Kapag napasailalim ka kasi sa kontrol ng nilalang na ito sa pamamagitan ng iyong utak ay siguradong mararamdaman mo na kaya kang ikulong nito sa pinakailalim ng iyong kaisipan sa loob ng iyong utak. Sa oras na mangyari ito ay malaya na ito sa lahat ng kaniyang gustong gawin lalo na kung wala itong ibang layunin kundi ang pahirapan ang biktima o ipagawa ang bagay na labag sa kalooban nito ay malugod na susundin ito ng biktimang wala sa kaniyang tamanag kaisipan.

"Oo bata, Walang ispisipikong Clan o anumang assosasyon ang mayroong ganitong klaseng kakayahan dahil unang-una ay hindi ito isang normal na kakayahan lamang na dumadaloy sa isang pamilya pero hindi pa ako sigurado sa bagay na iyon pero maraming mapaplad na tao ang biniyayaan nito ngunit ang klase ng pag-unlad ng kakayahan nila ay di ako sigurado kung gaano kabilis o kabagal. Ikinalulungkot ko bata ngunit hindi ko matukoy kung malakas o napakalakas ng nilalang na ito ngunit sa ginawa nito sa isang miyembro ng Tierra Clan ay talaga namang hindi ito gagawa ng ikabubuti kundi ikakasama pa nito at ng mga nialalng na gusto nitong saktan. Ang pagbago nitong nakaraan ng mga lebel ng mga halimaw na lumalabas tuwing nangyayari ang natural na penomena ng Bloody Gem River ay talaga namang hindi kapansin-pansin at walang maaaring sisihin dito." Seryosong sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai habang makikitang wala itong maisagot na malinaw sa ibang detalyeng gustong malaman ng batang si Li Xiaolong. Kagaya nito ay limitado rin ang kakayahan niya lalo na ang kaniyang kaalaman sa ngayon.

Tila hindi naman makapaniwala ang batang si Li Xiaolong sa lahat ng kaniyang nalaman. Medyo lumuwag ang mabigat na pakiramdam sa kaniyang loob dahil sa sinabing ito ni Fai. Hindi niya aakalaing mayroon palang nilalang na sangkot sa insidenteng ito. Tila sa kasalukuyan niyang lagay ay imposibleng mahuli ang nilalang na sa likod ng pangyayaring ito ngunit may clue na ito sa kaniyang nalaman, isa itong nilalang na mayroong abilidad sa larangan ng hipnotismo o pagkontrol ng isip ng mga nilalang.

Unti-unti ko pong ini-edit yung mga libro ko dito. Ito po ang Official Book Volumes ng libro ko dito sa Webnovel.

I don't entertain any book contracts for this book. It will always be a FREE book for everyone to read.

jilib480creators' thoughts