webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 556

BANG!

Sumabog ang pira-pirasong parte ng katawan nito sa lugar na ito habang ang iilan sa mga ito ay gumulong-gulong pa palayo.

BAM!

Agad na nangabasag ang mga tipak ng yelo na bumabalot sa katawan nito. Mapapansing mabuti ang hulma ng mukha nito sa pagkakakinlanlan ng nasabing nilalang na kumitil sa buhay ng mabangis na Ice Python.

Mabilis na hinawakan ng pumaslang na nilalang ang kaniyang mga kamay na animo'y sobrang lamig. Kitang-kita ang pamilyar na mukha nito na walang iba kundi si Wong Ming, ang binatang lumitaw sa kalagitnaan ng kaganapang nangyari kani-kanina lamang.

Masasabing nagkaroon ng malaking pagbabago sa awra nito maging sa abilidad na meron ito.

Agad na umupo si Wong Ming na naka-lotus position sa kinaroroonan niya habang makikitang biglang lumiwanag ang buong katawan nito na siyang senyales na nag-uumpisa na itong magcultivate. Ang protective essences na namumuo sa buong katawan nito ay proteksyon niya mula sa labas habang isinasaayos niya ang magulong enerhiyang nasa loob ng dantian niya.

Isang oras muli ang nakakalipas ay agad na nawala ang enerhiyang nagmumula sa katawan nito senyales na natapos na ito sa pagcucultivate.

Gumuhit ang malawak na ngiti sa mukha ni Wong Ming habang kitang-kita na masaya ito sa panibagong yugto ng buhay niya.

Agad na gumalaw ang katawan niya ng mabilis at narating niya ang kinaroroonan ng walang malay pa ring binatang nasa hindi kalayuan. Ramdam niya ang pamilyar na awrang nasa katawan ng binata. Kung hindi siya nagkakamali ay isa ito sa miyembro ng mga bagong lipi ng dating ancient tribes.

Magkagayon pa man ay hindi naman siya ganon kasama upang iwanan lamang ang nilalang na ito rito, mawawalan ng saysay ang pagligtas niya rito.

Pasalamat nga siya sa mga ito at nagising ang diwa niya dahil sa mga ito lalo pa't alam niyang matagal siyang nawalan ng malay at nakatulog ng mahimbing dahil sa demonic essences sa katawan niya.

His life now is not in danger anymore. Masasabi niyang maswerte pa rin siya at nakahanap siya ng suitable cultivation practices na magkokontrol ng evil fire na nasa loob ng pangangatawan niya.

Hindi maaaring mabalewala ang nasabing banta ng evil fire sa katawan niya ngunit ngayon ay tuluyan niya ng na-supress ang nasabing masamang apoy na naninirahan sa katawan niya.

Ayon sa ama niya maging sa mahuhusay na manggagamot ng Wong Family ay ang apoy na ito ang nagpapahirap sa kaniyang Cultivation at hindi ito matanggal-tanggal sa kaloob-looban niya.

Ngunit ngayon ay tuluyan ng lumakas ang loob niyang hindi na siya mahahadlangan ng evil fire na nasa katawan niya. Ang kailangan niya ngayon ay lubos na mamanipula ang bagong elementong taglay niya, ang elemento ng yelo, isa sa hybrid element na nasa kategorya ng tubig.

Mabilis na binitbit ni Wong Ming ang nasabing walang malay na binata at inilabas ang munting pakpak sa likod niya. Agad na lumipad siya papalayo habang may ngiti na nakapaskil sa labi nito dahil lahat ng paglalakbay niya ay tila masalimuot man ngunit mayroong nangyaring lubos na ipinagpapasalamat niya.

...

Ilang araw muli ang nakalilipas habang makikitang nakatingin sa malayo si Head Chief Bengwin. Makikitang naglalakbay ito upang hanapin ang anak-anakan niyang si Wong Ming.

Mahigit isang buwan na kasi ang nakalilipas ngunit ni anino ng binata ay hindi niya nahanap man lang.

Marami na ang nangyari sa loob ng ilang mga linggong naging dahilan upang umayos ang kalagayan niya sa loob ng Wong Family.

Paano ba naman ay kasama niya ng namumuhay ang babaeng pinakamamahal niya na si Milanya o sa totoong pangalan nitong si Qiáo Ya.

Masasabing niyang masuwerte pa rin siya dahil biniyayaan siya ng supling na kambal na sina Qiáo Jian at Qiáo Guiren.

Malalaki na ang mga ito at masasabing kaedaran lamang ni Wong Ming ang mga anak niya.

Nang maalala niya ito ay labis na nakaramdam siya ng lungkot. Una ay dahil ang magkambal ay hindi niya nakasundo sa nakalipas na buwang lumitaw siya doon sa loob ng Black Clover Tribe at pangalawa ay dahil sa hindi pa nahahanap ang inaanak niyang si Wong Ming.

Sunod-sunod din ang kakaibang penomena at kakaibang galaw ng ibang mga tribo sa loob ng Ashfall Forest dahilan upang nandirito pa rin sa loob ng malawak na kagubatang ito.

Pakiramdam niya ay halo-halo ang mga naganap sa buhay niya ngunit alam niyang magbubunga din ang gagawin niya.

Sa kasamaang palad ay tila ba malayo pa rin ang loob ng kambal niyang mga anak sa kaniya. Mula pagkabata hanggang sa paglaki ng mga ito ay walang pagkalinga na natanggap ang mga ito sa kaniya bilang ama at hindi man lang siya naging mabuting haligi ng tahanan sa mga ito kaya naiintindihan niya ang emosyon at reaksyo nng mga ito.

Walang dudang mga anak niya ang mga ito lalo pa't unang tingin pa lamang sa mga ito ay halos pinagbiyak na bunga niya ang magkambal na anak niya na puro mga binata na.

Kapwa malalakas ang mga ito at kahit magkambal ang mga ito ay marami ang kaibahan ng mga pag-uugali't-gawi ngunit parehong malalakas pagdating sa mga labanan.

Si Qiáo Guiren ay ang bunso sa mga ito at isang flute master. Ang lakas nito ay nanggagaling sa tunog na nalilikha niya na mayroong iba't-ibang kakayahang maaaring magpabago ng sitwasyon lalo na sa pakikipaglaban.

Kahit bunso ito ay hindi maaaring maliitin dahil nagawa na nitong magamay ang kakayahan nito sa paggamit ng sandata nitong isang plawta at kayang kumontrol ng malalakas na halimaw sa buong durasyon ng labanan. Ito rin ang pinakamabait ngunit masungit sa magkambal niyang anak.

Si Qiáo Jian naman ay ang panganay sa magkambal at ubod ng sungit. Kitang-kita sa pamamaraan ng pagsasalita nito na wala itong kinatatakutan. Kakaiba ang pamamaraan ng pagcucultivate nito maging sa pakikipaglaban. Kaya nitong lumaban sa malayo man o malapit habang makikitang marami na itong karanasan sa pakikipaglaban o pagpaslang ng mga nilalang.

Nagsusumigaw sa pagiging dominante ang kilos pananalita at pamamaraan ng pakikipaglaban nito.

Hanggang ngayon ay hindi niya pa ito kasundo at hindi na siya umaasa pang kikilalanin pa siyang ama ni Qiáo Jian. Bakas sa awra at pamamaraan ng pagkakatitig sa kaniya ang muhi na nararamdaman nito sa kaniya. He always says na wala siyang kwentang nilalang lalo na kung magkakasalubong sila ng landas sa hindi inaasahang lugar na aksidenteng magkikita sila.