webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 542

Hindi niya gugustuhing sumama rito lalo pa't alam ng ama-amahan niya na maraming sikretong nakapaloob sa katawan niya at sa misteryosong pagkatao niya. Hindi niya gugustuhing malagay sa panganib ang maraming buhay lalo na ang Wong Family dahil sa kaniya. He have to survive or else ay hindi na niya matutuklasan kung sino ba talaga siya at saan siya nanggaling.

Sa isang iglap ay biglang pinabulusok ni Wong Ming ang laksa-laksang bilang ng mga sword Needles patungo sa kinaroroonan mismo ng nasabing nilalang.

BANG! BANG! BANG!

Sa isang iglap ay sumabog ang buong lugar na siyang kinaroroonan ng kalaban ni Wong Ming na isang halimaw. Dinig na dinig niya ang malakas na daing ng dambuhalang halimaw na may naglalakihang mga pakpak hanggang sa nagliwanag ang buong katawan nito dahil sa pagtusok ng napakaraming mga sword needles.

Ramdam na ramdam ni Wong Ming ang napakaraming mga enerhiyang dumaloy sa mga sword needle clones.

Nagpupumiglas ang nasabing halimaw ngunit huli na ang lahat. Ang orihinal na Sword Needle ay nanatili sa mismong puso ng halimaw at patuloy na sinisipsip ang mga enerhiya nito sa katawan.

Kitang-kita ni Wong Ming ang unti-unting pagkatuod ng halimaw at parang unti-unting naging bato ang paa nito hanggang sa naging estatwang bato na ang buong katawan nito.

BANG! BANG! BANG!

Sumabog ang buong katawan ng nasabing halimaw na nilalang pagkatapos ng pangyayaring ito kung saan ay bumalik sa mismong kamay ni Wong Ming ang pagmamay-ari nitong sword needle na nagliliwanag ng kulay asul.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paaanong nagkaroon ng malaking pagbabago sa hawak niyang espadang tila may nakaukit na anyo ng isang nilalang mula rito, kung hindi siya nagkakamali ay ang anyo ito ng isang demonyong nilalang na bagong kalaban niya lamang.

Nakakapagtaka ngunit ramdam ni Wong Ming na nagbunga ng malaki ang pagtatapos ng laban niya laban sa Full Demon Form ng isa sa miyembro ng Fire Demon Tribe.

Kitang-kita ang kasiyahan sa mga mata ni Wong Ming habang mabilis na naglaho ang pigura nito sa hangin.

Ngunit kasabay ng paglaho at paglisan ni Wong Ming sa lugar na ito ay ang paglitaw ng dalawang nilalang sa ere. Isang magandang babaeng tila nalampasan na ang kadalagahan nito habang kasa-kasama nito ang isang lalaking may katandaan na rin base sa nagkukulay puting buhok nito.

Nakalutang ang mga ito sa ere habang inililibot nila ang paningin sa wasak na wasak na lugar na ito na parang dinaanan ng delubyo mula sa napakainit na labanan kani-kanina lamang.

Mabilis ba bumuka ang bibig ng nasabing magandang babaeng nakasuot ng kulay dilaw na roba habang may sigla ang mga mata nito.

"Hmmm... Totoo ba ang nasaksihan ko kanina Tribal Chief Creyo, isang demon slayer ang nasabing nilalang na iyon?!" Puno ng pagtataka ngunit may pagkamanghang wika ng magandang babaeng may tattoo sa gilid ng noo nito na isang kulay guntong buwan. Kitang-kita sa mga mata nito na parang nag-aalinlangan pa ito.

Ramdam niya kasi ang kakaibang lakas na meron ang nilalang na iyon na pumaslang sa demonyong nilalang na nilabanan ng binatang estranghero.

"Maging ako man ay napahanga sa kakayahan at determinasyon sa nasabing binatang iyon. Hindi kp aakalaing mayroong tunay na mandirigma ang Golden Crane City na gumagala sa loob ng Ashfall Forest ngunit wala ka bang napapansin sa nilalang na iyon Duàn Yuèliàng ?!" Seryosong saad ng matandang lalaki na animo'y may kakaibang napapansin sa binatang iyon.

"Napapansing kakaiba?! Bukod sa napakalakas ng binatang iyon ay alam kong sa isang tingin ay taga-labas ito base sa postura nito at kagamitan nitong galing sa labas ng malawak na kagubatang ating maituturing na tahanan, tama ba ko Tribal Chief Yong." Masayang sagot naman ni Duàn Yuèliàng habanng makikitang wala itong napapansin liban sa katangian ng binatang mula sa labas ng Ashfall Forest.

"Hindi iyon ang gusto kong sabihin Duàn Yuèliàng. Alam naman natin na ang binatang iyon ay taga-labas ngunit ang lakas nito ay masasabi kong hindi ordinaryo, hindi ordinaryo kung ikukumpara sa kaedaran nito!" Tila naguguluhang saad ni Tribal Chief Yong habang kitang-kita sa mga mata nito ang labis na pagtataka sa mga nasaksihan niya kanina.

"Yun din ang gusto kong sabihin sa iyo Tribal Chief Yong. Hindi ordinaryong binata lamang iyon bagkus ay napakalakas nito para matalo ang nasabing halimaw na iyon." Masayang wika ni Duàn Yuèliàng habang makikitang inulit nito ang pagkakasabi niya.

"Hindi iyon ang gusto kong sabihin Duàn Yuèliàng. Ang nais kong sabihin ay kung paano nito nagawang lamangan ang kakayahan ng halimaw na demonyong iyon sa huling pagkakataon. He is just clearly a Golden Blood Realm Expert samantalang ang kalaban niya ay bigla na lamang lumamang ng dalawang boundary nang hindi nito napapansin ng binatang iyon!" Seryosong turan ni Tribal Chief Yong habang kitang-kita sa mga mata nito ang labis na pagtataka.

Halos manlaki ang mga mata ni Duàn Yuèliàng at parang lumuwa ito ng mapagtanto nito ang mga sinasabi sa kaniya ni Tribal Chief Yong na ngayon ay parang malayo ang iniisip.

"Hindi ko aakalaing napansin mo iyon Tribal Chief Yong. Masyado akong namangha sa kakayahan ng binatang iyon sa pakikipaglaban ngunit hindi ko napansin ang malaking pagbabago sa kalaban nitong isang uri ng demonyo." May lungkot na wika ni Duàn Yuèliàng habang makikitang tila ba naging malaking bagay at malaking kakulangan iyon sa lagay niya.

Mapapansin na naging seryoso ang mukha ng mga ito lalo na si Tribal Chief Yong.

"Nahuli na tayo mg punta rito Duàn Yuèliàng ngunit batid kong tao ang demonyong iyon. Hindi na rin nakakapagtaka iyon lalo pa't isang Fire Demon ang nasabing nilalang na halimaw na nakalaban ng binatang taga-labas!" Seryosong saad ni Tribal Chief Yong habang makikita sa mukha nito ang labis na pangamba na para bang may kung anong klaseng bigat nang sabihin niya ang mga katagang ito.

Nanlalaki naman muli ang mga mata ni Duàn Yuèliàng sa tinuruan ng kanilang Tribal Chief na si Tribal Chief Yong. Hindi na nito mapigilang magsalita ulit.

"Fire Demon Tribe? Ang isa sa mga tribo ng mga Ancient Demon Tribe na hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pag-exist?! Akala ko nga ay hindi totoo ang nasabing kakayahan ng mga miyembro ng mga demonic tribe na magpalit-anyo bilang isang uri ng demonyo." Puno ng pagkahilakbot na saad ni Duàn Yuèliàng habang sinasabi ang mga katagang ito.