webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 532

Pansin ni Wong Ming ang tila pagkakaroon ng kakaibang daan na siyang tinatahak niya. Pataas ang tila lupang nadaraanan niya habang pakonti ng pakonti ang mga punong nadaraanan nila. Nalungkot man si Wong Ming dahil mukhang ang Blue Crystal Tree lamang ang nadaraanan nila.

Magkagayon pa man ay marami siyang natutunan sa paglalakbay niyang ito sa loob ng Ashfall Forest na hindi pa natatapos bagkus ay alam niyang nagsisimula pa lamang.

Kitang-kita at naranasan mismo ni Wong Ming ang nakakapangilabot na mga nilalang na maaari niyang masagupa rito habang ang lahat ng ito'y napagtagumpayan niyang malampasan.

Matapos makapunta ni Wong Ming ang sarili nilang nasa isang malawak na lupain hang may naglalakihang mga mala-mansyon na bahay maging ng iba pang may kaliitang mga kabahayan. Sinong mag- aakalang sa gitna ng masukal na kagubatan ng Ashfall Forest ay may mga komunidad na namumuhay rito.

Ang mala-mansyong bahay na natatanaw nila ni Wong Ming ay higit na nagsusumigaw sa karangyaan at ancientness. Halatang matibay ito at matagal ng nakatirik sa pook na ito. Ang disensyong natatanaw nila ay halatang inukit at nililok ng mahusay na craftsman na hindi malayong miyembro din ng komunidad na ito.

Biglang napatingin si Wong Ming sa ama nitong nasa unahan lamang na napahinto din.

"Ama, bakit po kayo napahinto? Ano ba ang natatanaw nating mga kabahayan at ng naglalakihang mga mansyon?!" Sambit ni Wong Ming habang makikitang nagtataka ito sa ikinikilos ng ama-amahan niya.

"Wala naman. Masasabi kong hindi kumukupas ang kagandahan ng lugar na natatanaw natin mula rito. Ito ang lugar na siyang pakay kong puntahan, ang tribong kinabibilangan ng dati kong kasintahan." Tugon ni Head Chief Bengwin sa anak-anakan nitong si Wong Ming. Kitang-kita sa mga mata nito ang labis na kasiyahan kahit na tanaw-tanaw pa lamang nito ang nasabing tribong kinabibilangan ng dating kasintahan nito.

"Matanong ko lang ama, ano ba ang espesyal sa tribong iyan? Masasabi kong kayganda nga ng lugar nito ngunit may lakas ba ang mga ito na siyang dahilan upang hindi kayo nsgkatuluyan ng kasintahan mo noo?!" Seryosong wika ni Wong Ming habang kitang-kita sa mga mata nito na tila ba curious sa maaaring isagot sa kaniya ng amain niya.

"Malakas ang tribong kinabibilangan ng dating kasintahan ko. Kasabay nito ay nabibilang din ito sa iilang mga nakaligtas sa mga sinaunang digmaan. Itong lugar na natatanaw natin ay ang Black Clover Tribe." Masayang sambit ni Head Chief Bengwin habang kitang-kita ang saya sa mukha nito na parang nanalo sa isang patimpalak. Talagang tunay na masaya at may galak ang puso nito.

Bigla namang dumagundong ang kung anumang emosyon sa puso ni Wong Ming lalo pa't hindi niya nakakalimutan ang naganap nitong nakaraang mga araw lamang sa loob ng Ashfall Forest. Masasabi kasing hindi maganda ang naging tagpo ng paghaharap niya sa dalawang nilalang na tiyak siyang magkapatidang mga ito. Mayroong kakaiba sa mga ito na di niya maaari isipin.

Tiyak siyang galit ang tila panganay na nilalang na humablot sa kapatid nitong isang demonic tamer. Hindi niya alam kung ano'ng klaseng lakas meron ang mga ito ngunit batid niyang kakaiba ang mga ito st nakakatakot na indibidwal ang mga ito kung uunlad pa lalo ang kakayahan ng mga ito sa hinaharap.

"Black Clover Tribe?! Hindi ko aakalaing ito pa ang tribong pupuntahan namin. Nakakainis lang isipin na ganito lamang ang ipinunta ko rito at nagkaroon pa ko ng kaaway." Usal ni Wong Ming sa sariling isipan niya lamang habang halatang hindi nito nagugustuhan ang nangyayari.

Pansin naman ni Head Chief Bengwin na tahimik ang anak-anakan nito at tila lumilipad ang isip nito. Parang ngang nakakapagtaka ang ganitong klaseng senaryo na siyang hindi na siya nakapagpigil na magsalita muli.

"Mukhang natahimik ka diyan anak?! Kilala mo ba ang tribong ito?!" Pag-iiba ng tanong ni Head Chief Bengwin upang tingnan kung nakikinig ba talaga ito o hindi sa pangalawang pagkakataon.

"Ah... Eh... Masyado lang akong nag-iisip ng bagay-bagay ama. Malay ko ba kung anong klaseng tribo ang pupuntahan natin at kung ano ang magagawa ko patungkol rito. Hindi ako pamilyar sa nasabing tribo at parang wala namang masyadong detalye patungkol sa tribong ito." Sambit naman ni Wong Ming na halatang iniiba din nito ang sagot niya. Alam niya kasing ang Black Clover Tribe ay masyadong kakaiba habang masasabi niyang ito rin ang isasagot ng sinuman patungkol sa katanungang ito.

"Tama ka sa iyong sinabi. Ang ganitong klaseng tanong ay normal na isasagot ng lahat na wala talagang impormasyon masyado sa Black Clover Tribe dahil unang-una ay masyadong istrikto ang nasabing tribong habang ang iilan sa mga mahahalagang impormasyon ay ipinasunog ng butihin kong ama dahil na rin sa bawal na pag-iibigan sa pagitan ko na nabibilang sa loob ng Golden Crane City habang ang kasintahan kong si Milanya ay nabibilang sa sinaunang tribong nagngangalang Black Clover Tribe.

"Bakit niya gagawin yun ama?! Masyado namang pinagbabawalan ka ng dating Head Chief. Alam kong labag iyon sa mata niya ngunit bakit niya ipinasunog ang mga impormasyong patungkol sa Black Clover Tribe?! Isang kabastusan iyon kung tutuusin." Seryosong saad naman ni Wong Ming habang kitang-kita na hindi naman makatarungan ang ginaqa nito.

"Iyon ay dahil na rin sa katahimikan ng dalawang panig. Black Clover Tribe and Wong Family are deeply conmected sa isa't-isa. Ang kanuno-nunuan ko at ang kanuno-nunuan ng Black Clover Tribe ay magkaibigang dikit. Ngunit dahil sa bawal na pagmamahalan na namuo sa pagitan namin ni Milanya ay nauwi ang lahat sa wala. Nawala sakin ang dating kasintahan ko at ako mismo ang dahilan kung bakit nagkaroon ng matinding alitan ang Wong Family at ng Black Clover Tribe." Seryosong wika ni Head Chief Bengwin habang makikita sa mga mata nito ang labis na kalungkutan. Hindi man niya nakita ito noon sa mga mata at emosyong ngayon lamang inilalabas ng ama-amahan niya ay nakaramdam din siya ng awa at pagkahabag rito.

All those years ay ngayon lang ata ito nagsabi ng dinadala nito. Alam niya ang pahapyaw na kwentong ito sa iilang mga opisyales ng Wong ngunit tikom ang bibig niyang ungkatin ito.

"Sa pagkakatanda ko ama ay hindi naman bawal ang pag-iibigan ng Wong Family at ng mismong Black Clover Tribe. Ngunit bakit naman naging ganon na lamang ang galit ng dating Head Chief ng Wong Family at ng mismong pinuno ng Black Clover Tribe?!" Nagtatakang turan ng binatang si Wong Ming habang kitang-kita sa mata nitong napakabigat ng parusa sa pag-iibigan ng dalawang panig kahit na sabihing malayo ang distansya ng Wong Family sa loob ng Golden Crane City at ng Black Clover Tribe na nasa loob ng Ashfall Forest.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan ang buogn paligid habang makikitang nagdadalawang-isip pa si Head Chief Bengwin na ikwento sa anak-anakan nitong si Wong Ming ang nangyari noon.

Ngunit sa huli ay nagsalita na ito sa totoong dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito.

"Dahil itinakda ng ipagkaisang-dibdib ng pinuno ng Black Clover Tribe si Milanya sa isa pang tribong ginigipit sila. Walang pag-aalinlangan na nakipagkasundo na ang pinuno ng Black Clover Tribe na siyang ama ni Milanya dahilan upang magalit ang ama ko sa Black Clover Tribe. Naging hudyat din iyon ng pagkasira ng pagkakaibigan at mabuting koneksyon ng dalawang magkaibigang panig. Isa din iyon sa dahilan kung bakit matagal bago ipinasa ng dating Head Chief ang trono nito sa akin dahil hindi pa rin lubos ang tiwala niyang magagampanan ko ang tungkuling minsang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng malaking dagok na kinakaharap noon ang Wong Family." Mahabang salaysay ni Head Chief Bengwin habang nakatingin sa malayo. Makikitang mas nalungkot ang boses na nahihimigan ng binata habang isinasalaysay ang mga nangyari noon. Hindi siya sanay sa ganitong sitwasyon lalo na at ngayon lamang ito nagkwento ng mga problema nito.

Gusto man pagaanin ni Wong Ming ang loob ng ama niya ay wala siyang nagawa kundi ang ipagpatuloy ang seryosong usapan nila. Tingin niya ay mayroon pang mga bagay na hindi sinasabi ang ama niya. Ramdam niya ang bigat ng problemang dinadala nito sa mahabang panahon matapos ang pangyayaring ito.