webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 526

BANG! BANG! BANG!

Tatlong magkakasunod na pagsabog ang bigla na lamang umalingawngaw sa nasabing lugar kung saan naroroon ang binatang si Wong Ming dahilan upang matakpan ng napakakapal na usok ang buong lugar na ito.

Mabuti na lamang at mabilis na pinrotektahan ni Wong Ming ang kaniyang sarili laban sa mapaminsalang atakeng pinalasap sa kaniya ng nagpakilalang kapatid ng demonic tamer na iyon.

Ramdam ni Wong Ming may dala-dalang galit ang nasabing nilalang na iyon sa kaniya. Hindi niya alam ngunit parang pamilyar sa kaniya ang ganoong klaseng senaryo ngunit pakiramdam niya ay lahat ng ito ay pawang coincidence lamang.

Sa ilang oras niyang pananatili rito ay hindi niya aakalaing dalawang naglalakasang nilalang at magkapatid pa ang makakasagupa niya sa nagdaang mga oras.

Matapos mawala ang napakakapal na usok ay saka na lamang napansin ni Wong Ming na wala na ang presensya ng dalawang nilalang na ngayon niya lamang nakatagpo ng landas.

"Magkapatid? Kung gayon ay malalakas palang tunay ang mga naninirahang mga tribo lalo na ang mga kaedaran ko lamang na mga bagong henerasyon ng mundong ito. Nakakatuwa namang isipin hehehe." Nakangising turan ni Wong Ming sa kaniyang sariling isipan lamang habang mabilis na pinagpag ang kaniyang sariling robang suot at mabilis na naglaho sa hangin.

...

Maya-maya lamang ay nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang naglalakad patungo sa isang malaking kubo. Ngunit nakakapagtaka lamang ay bakit ito nasa gitna ng gubat habang gawa ang nasabing bahay sa pagkain.

Iyon ang napansin kaagad ni Wong Ming matapos niyang obserbahan ang nasabing misteryosong kubo sa gitna ng kagubatan.

May nadaanan at nakita siyang mga bahay kanina ngunit ngayon ay talaga nga namang masasabi niyang may mali sa nasabing malaking kubo na nakikita niya. Hindi pangkaraniwan ang lokasyon nito habang ang mga kabahayang nadaraanan niya ay gawa lamang sa mga matitibay na mga uri ng kahoy na magkakalayo ang agwat habang ang isang ito ay nasa gitna ng parang habang napapalibutan ng mga naglalakihang mga kahoy na animo'y bakas ang buhay sa kapaligiran nito lalong-lalo na sa bandang kubo mismo.

Hindi man maisip ni Wong Ming ang nasabing bagay na ito ay may kung anong klaseng pwersa ang humila sa kaniya upang puntahan ang nasabing malaking kubong ito na nagpabukas ng kuryusidad sa nasabing binata.

Kitang-kita ang mangha ni Wong Ming sa kaniyang sariling nakikita lalo na ang mga mumunting palamuti at dekorasyon ng nasabing bahay na animo'y gawa sa mamahaling bagay lalo na ang maliwanag na bagay na nakasabit sa daang tinatahak niya.

Nakakadala at nakakahalina ang nakikita ng mata ni Wong Ming. Hindi niya inaasahang sa gitna ng kagubatang ito ay parang may nakatirang isang taga-labas.

Hindi naman pumasok sa isip niya na coincidence lamang ito at masasabi naman niyang baka mayroon lang talagang posibilidad na may tumira na taga-labas sa loob ng kagubatang ito ng Ashfall Forest.

Habang papalapit ng papalapit si Wong Ming sa nasabing malaking kubong tanaw na tanaw niya ay ramdam niya ang kagalakan lalo na at tila natakam siya ng maamoy ang kakaibang putaheng naaamoy niya sa bawat paghaplos ng hangin sa mukha niya.

Hindi niya maipagkakailang mayroon pang bagay na nagpakalam sa sikmura niya gayong isa na siyang ganap na martial arts expert.

Ramdam ni Wong Ming na masasarap na putahe ang nasa loob ng malaking kubong natatanaw niya. Hindi niya pa man nakikita ito ay para siyang naglalaway na asong ulol. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili ngunit parang may mali ngunit hindi niya alintana ang naghihintay sa kaniya sa loob ng nasabing kakaibang kubo na hinahatak ang mga paa niya sa direksyon nito.

Hindi nagtagal ay nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang nasa tapat ng pintuan ng nasabing kubo. Hindi mapigilan ni Wong Ming na matakam sa naamoy niya pa lamang kanina pa sa malayo.

Pansin ni Wong Ming na hindi lang may kalakihang kubo ang nasabing estraktura ang nakikita niya kundi isang malaking mansyon pala ito na gaya na halos kasinlaki ito ng mansyon nila o higit pa.

Hindi naman mapigilan ni Wong Ming na hindi magalak lalo pa't baka ang nakatira rito'y isang maharlika o mga nakakaangat na mga nilalang sa loob ng tribong kinabibilangan nito ngunit isa iyong malaking katanungan sa kaniya.

Hindi kasi ito bahay na maituturing na karaniwang nilalang lamang ang nakatira rito dahil sa lawak nito. Isa pa ay tila gawa ang nasabing bahay na ito sa pagkain dahil sa nakakakalat na pagkain sa paligid niya.

CRREEEAAKKKKK...!

Bigla na lamang lumangitngit ang nasabing may kalakihang pintuan sa tapat mismo ni Wong Ming. Ramdam ni Wong Ming ang maliwanag na atmospera at parang natameme siya nang bumungad sa kaniya ang napakaraming mga taong nasa loob ng nasabing malaking mansyon.

Napakaingay at napakaraming mga paroon at paritong mga nagsisilbing mga taong tila kumukuha ng mga gustong orderin ng mga taong naririto.

Naglakad papasok si Wong Ming habang kitang-kita niya ang mga nagsisiksikang mga nilalang na naririto.

But Wong Ming didn't even think that this place is a magical place anymore dahil ramdam niya ang nakakapangilabot na awra ng isang nilalang sa isang madilim na pasilyong tinatanaw niya.

Ramdam ni Wong Ming ang bigat ng enerhiyang bumabalot sa loob ng malaking mansyong pinasukan niya dahil na rin sa misteryosong enerhiyang umaalpas sa madilim na parte ng malaking mansyong ito.

Hindi na nagpatinag si Wong Ming kahit ramdam niya ang kilabot at hilakbot ng kung anumang nilalang sa madilim na parte ng malaking mansyong ito at sa muling paghakbang ni Wong Ming ay bigla na lamang nagbago ang buong lugar na kinaroroonan niya.

POOOOOFFFFFF! POOOOOFFFFFF! POOOOOFFFFFF!

Ang napakagandang mansyong napasukan niya ay napalitan ng napakasukal na kagubatan habang may malahiganteng sapot ang nakikita niya sa bawat parte ng lugar na ito na animo'y gawa ito ng isang halimaw.

Kung hindi nagkakamali si Wong Ming ay hundi ito gawa ng ordinaryong halimaw kundi isang malakas na nilalang na mayroong kakaibang abilidad.

SHHHHRRRRIIIEEECCCKKKKK!

Isang malakas na atungal ng isang halimaw ang narinig ni Wong Ming sa madilim na parte ng lugar na tinatanaw niya kanina pa.

Lumabas ang isang nagliliwanag na dambuhalang halimaw sa parteng direksyon na tinitingnan ng nasabing binata. Isang dambuhalang gagamba.

Imbes na matakot at umalis si Wong Ming ay nilabanan niya ang takot niya dahil isang malaking oportunidad ito upang palakasin ang spiritual weapon niya.

"Kung siniswerte ka nga naman. Isang Illusion Weaving Arachnid ang aking natagpuan sa gitnan g parang. Sa lakas nito ay maaari akong umunlad nito sa aking kakayahang gamitin ang spiritual energies ko sa aking katawan hehehe." turan ni Wong Ming sa isipan niya lamang habang umalpas sa labi niya ang kakaibang pagngisi niya.