webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 521

Lakad dito, lakad doon ang ginawa ni Wong Ming habang kitang-kita nito kung paano siya nagkandaligaw-ligaw sa malawak ngunit masukal na kagubatang ito ng Ash Fall Forest. Hindi niya alam ang kaniyang sariling gagawin dahil kanina pa siya dinadala ng kaniyang paa habang sinusubukan nitong lumusot-lusot sa iba't-ibang parte o direksyon ng nasabing pook na ito.

Halos maubos na rin ang enerhiya niya sa paglipad-lipad kanina lalo na at iniisip niya ring hindi oto magandang gawin lalo na at baka mahagip o makasagupa siya ng mga mababangis na mga magical beasts na maaari niyang ikapahamak. Hindi niya maaaring gawin iyon sapagkat manganganib ang buhay niya kung sakaling iyon ang maganap. Isa pa ay hindi niya lugar ito at Hindi niya alam ang pasikot-sikot ng masukal na kagubatang ito na maaaring maging malaking disadvantage sa kaniyang sariling kaligtasan.

Ngayon ay napaupo na lamang siya sa ibabaw ng malaking flat na bato habang nakatuon ang kaniyang sarili sa silangang bahagi kung saan ay natatamaan ang halos buong katawan niya ng sinag ng haring araw.

Nag-umpisa na siyang magcultivate upang bawiin ang nawalang lakas ng katawan niya. Hindi naman kasi magandang tingnan ang kalagayan niya lalo na kung mawalan siya ng enerhiya msging ng pisikal na lakas sa loob ng malawak na kagubatang ito.

Alam niyang wala siyang maaasahang nilalang sa loob ng lugar na ito kundi ang kaniyang sariling ama-amahan na si Wong Bengwin ngunit ngayong wala na ay sarili niya lamang ang dapat niyang asahan. Hindi uso ang pagiging lampa at madaling magtiwala lalo na at itinatak niya sa kaniyang isipan na kahit ang mga tribong nakatira rito sa loob ng Ashfall Forest ay maaari siyang paslangin ng mga ito ng walang pag-aalinlangan ng walang dahilan.

Kailangan niyang mag,-ingat ng mabuti dahil maaaring ang kaniyang pagtitiwala ang maghahatid sa kaniya sa kapahamakan.

Hindi namamalayan ni Wong Ming na lagpas tatlong oras na ang nakalilipas nang bigla na lamang nakaramdam ng dalawang malalakas na enerhiyang umalpas mula sa malayo patungo sa direksyon niya.

Nakaramdam naman ng ibayong panganib si Wong Ming nang mapansin niyang ang lugar na kinaroroonan niya ay hindi magandang sitwasyon lalo na at hindi niya maaaring takasan ang anumang nilalang na patungo sa kaniya.

Ssssssss! Ssssssss! Ssssssss!

Rinig na rinig ni Wong Ming ang tila malakas na tunog na pinakawalan ng nasabing nilalang na kung hindi nagkakamali si Wong Ming ay isang uri ng magical beast ito nagmumula.

Whoosh!

Hindi naman nagkamali si Wong Ming nang inaakala dahil nakita niya sa hindi kalayuan ang kakaibang halimaw na ngayon niya lamang nakita. Kakaiba at nakakapanghilakbot ang anyo ng nasabing magical beast.

Double Headed Fire Snake!

Ito agad ang pumasok sa isipan ni Wong Ming nang makita niya ang dambuhalang halimaw na ahas. Kinilatis ni Wong Ming ang anyo ng nasabing halimaw dahil mayroon lamang isang dambuhalang katawang ahas ang nasabing halimaw ngunit dalawa ang ulo ng Fire Snake.

Namangha naman si Wong Ming dahil sa mga aklat niya lamang nakikita ito ngunit ngayon ay totoong-totoo na talaga ito. Buhay na buhay at galit na galit pa itong nakatingin sa kaniya na tila naglalaway pa ito na animo'y natatakam sa buhay na nilalang na nasa harapan ng nasabing dalawang halimaw.

Imbes na matakot ay hindi naman mapigilan ni Wong Ming na mapangiti na lamang dahil mukhang nagkamali ng tantiya ang nasabing pambihirang halimaw.

Walang alinlangang sinugod ng Double Headed Fire Snake ang kinaroroonan ni Wong Ming habang nakatingin ito ng takam na takam sa anyo ng binatang si Wong Ming.

Bumuga ang Double Headed Fire Snake ng kaniya-kaniyang mga bolang apoy dahilan upang mabilis itong bumulusok sa kinaroroonan ng binatang si Wong Ming.

BANG! BANG!

Dalawang malalakas na pagsabog ang naganap na siyang sumabog sa mismong kinaroroonan ni Wong Ming.

Ssssssss! Sssss! Ssssssss!

Naglabas ng tunog ang nasabing Double Headed Fire Snake ngunit agad din itong nakaramdam ng presensya sa hindi kalayuan.

Maaaninag ang pigura ng isang binata na walang iba kundi si Wong Ming habang kitang-kita na wala man lang itong natamong pinsala sa nasabing biglaang pag-atake ng Double Headed Fire Snake.

"Hahahaha... Hindi ko aakalaing kakaiba ang Double Headed Fire Snake na ito dahil mukhang wala ito sa sarili nitong wisyo. Ang ispiritung meron ito ay tila nawasak ng kung anumang spiritual weapon. Napakasama ng nilalang na may gawa nito dahil magwawala ng magwawala ang nilalang na ito sa kung sinumang nilalang na mahagip nito sa daan!" Makahulugang wika ni Wong Ming sa kaniyang sariling isipan lamang.

Kung sinuman kasi ang may gawa nito ay alam na alam nito kung paanong puminsala ng espiritu ng mga magical beasts. Hindi niya matukoy kung sino ngunit mukhang bagong-bago pa lamang ang pinsalang idinulot nito to the point na halos ma-dissipate na ang spiritual energies ng nasabing Double Headed Fire Snake.

Kung nasabi man niyang brutal ang ginawa ng kung sinumang nilalang ay dahil hindi na mababalik sa dati ang isipan at instinct ng halimaw na ito at may taning na ang buhay nito.

Gustuhin man ni Wong Ming na tulungan itong halimaw na ito ngunit wala na siyang magagawa pa dahil hindi niya sakop ng kaniyang lakas at maging ang kaniyang sariling abilidad na ibalik ito sa normal.

Maya-maya pa ay nakita ni Wong Ming na mas naging grabe ang paglalaway ng dambuhalang halimaw na Double Headed Fire Snake at mas pumula na parang dugo ang mga mata ng nasabing halimaw na nagpapahiwatig na malala na ang lagay ng halimaw na ito at manghahasik na ito ng lagim sa kung sinumang nilalang na matatagpuan nito.

Biglang umapoy ang katawan ng nasabing Double Headed Fire Snake habang sinubukan nitong hampasin ng dambuhalang buntot nito si Wong Ming.

BANG! BANG! BANG!

Tatlong sunod-sunod nitong pinag-aatake ang binatang si Wong Ming ngunit hindi man lang nito matamaan ang nasabing binata.

GRROOOAAARRRR!!!!!

Bigla na lamang umatungal ng malakas ang Double Headed Fire Snake habang kitang-kita ni Wong Ming na hindi na normal ang kalagayan ng dambuhalang halimaw na ito dahil nakita ni Wong Ming na mas humaba ang mga ngipin ng Double Headed Fire Snake at naging itim na itim ang ngipin nito habang ang anyo ng dambuhalang halimaw ay mas naging nakakatakot habang naging matingkad na pula ang buong pangangatawan nito.