webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 518

Mabilis na napabangon si Wong Ming nang bigla na lamang bumukas ang pintuan. Kasalukuyan siyang nasa cultivation room nang malawak na mansion habang kitang-kita niya ang malaking pintuang bigla na lamang bumukas at iniluwa nito ang isang matipunong lalaking may balbas sa paligid ng mukha nito.

Mabilis na tumayo ang binatang si Wong Ming habang kitang-kita niya ang tumatayong ama niya na lumalakad patungo sa kaniya. Tatlong araw na kasi ang nakakalipas nang mangyari ang kaganapang iyon na ikinabahala ng lahat lalo na ng ama niyang si Wong Bengwin na nasa hindi kalayuan papalapit sa kaniyang pwesto.

Mabilis namang nakarating sa pwesto niya ang ama niyang si Wong Bengwin na nakasuot ng karaniwan nitong sinusuot bilang isang head chief ng Wong Family. Hindi niya man ugaling magpakita ng pagkamangha lalo pa at maswerte pa rin siyang kinupkop, binihisan at pinalaki ng maayos sa pangangalaga nito.

He can't demand anything at kontento na siya sa kung anong klaseng bagay ang meron siya. Ayaw niyang darating ang panahong siya pa ang dahilan upang bumaba at mapatalsik sa pwesto nito ang ama niyang hindi nito ginusto na mangyari iyon. Not now and it will never happened just like those predators na nasa paligid-ligid lamang nila.

Mabilis namang nawala ang mga iniisip nito nang mabilis na nagsalita ang ama-amahan niyang si Wong Bengwin.

"O Wong Ming, hindi ko aakalaing nag-eensayo ka ngayon, okay ka na ba ha?!" Nag-aalalang wika ng ama-amahan ni Wong Ming na si Wong Bengwin habang nakatingin ito ng seryoso sa gawi ng binata.

Kitang-kita ang pinaghalong lungkot at kawalan ng lakas ng loob ang mga mata nito habang natangin ito sa binata habang hindi nito lubos maisip na mag-eensayo ito o magcu-cultivate ito kaagad matapos ang masamang insidenteng nangyari noong nakaraang tatlong araw.

Okay lang po ako ama. Masyado lang pong exaggerated ang pagkakasabi ng mga manggagamot na nagpadala ng mensahe sa iyo." Sambit ng binatang si Wong Ming habang nakangiti pa ito ng malawak.

"Exaggerated man o hindi ay kailangan mo pa ring mag-ingat palagi. Hindi ko aakalaing magkakasubukan kayo ng lakas ni Wong Xianliang noong nakaraan edi sana ay inagahan ko ang pagbisita ka rito sa mansyon." Seryosong saad ni Wong Bingwen habang makikitang gusto nitong paiwasin si Wong Ming sa mga maaaring makaaway o makapinsalang mga nilalang sa kaniyang paligid lalong-lalo na ang anak ni Wong Jianguo na si Wong Xianliang.

"Hanggang ngayon ba ama ay mayroon kayong alitan ni Ginoong Wong Jianguo? Mukhang matagal ng mainit ang dugo nitong mag-ama sa atin ni Wong Jianguo. Hindi lamang iyon dahil mukhang pinupuntirya na rin ako ng anak nitong si Wong Xianliang." Nagtatakang sambit ni Wong Ming habang kitang-kita sa mga mata nito na hindi nito nagugustuhan ang panghihimasok ng mag-amang Wong Jianguo at Wong Xianliang sa buhay nila.

Siyempre ay hindi niya ipinahahalata na may alam na siya dahil ayaw niyang maging komplikado ang lahat ng ito sa kaniya maging sa ama nito. Ayaw niyang pangunahan ang desisyon nito at ito na rin ang magsabi ng lahat sa kaniya.

Mabilis na natahimik ang ama niya ngunit kitang-kita niya na naging seryoso ang mukha nito habang nangungunot ang noo nitong napatigin sa malayo.

"Panahon na siguro upang sabihin ko sa'yo ang patungkol sa kay Wong Jianguo at anak nitong si Wong Xianliang. Isa lamang si Wong Jianguo sa anak ng dating Head Chief na siyang ama ko sa maraming concubine nito. Tanging ako lamang ang nag-iisang anak nito sa unang asawa nitong pinakamamahal nito. Dahil doon ay ako ang pinili bilang susunod na Head Chief ng Wong Family na siyang dahilan kung bakit naging malayo ang loob namin sa isa't-isa ni Wong Jianguo. Pakiramdam niya kasi ay inagawan ko siya at ipinagkait ang mga bagay na para sa kaniya ay isa akong mang-aagaw ng mga bagay-bagay na gusto niya." Seryosong turan ni Wong Bengwin habang mahihimigan ang lungkot sa tono ng pananalita nito na halatang nasasaktan din ito sa pangyayaring iisa lamang ang maaaring mamuno sa Wong Family at hindi maaaring maging dalawa.

Hindi masisisi ni Wong Bengwin kung bakit ganito ang nangyayari sa ugaling meron si Wong Jianguo dahil na rin siguro sa inggit at pagiging walang oras ng ama nila sa kanila lalo na rito

"Kung ganon ama ay bakit hindi niyo binigay sa kaniya ang kagustuhan nitong maging Head Chief? Ginusto mo bang sa iyo mapunta ang posisyong ito o may malalim kang desisyon kung bakit ikaw ang tumanggap sa mabigat na responsibilidad na iniwan at iniatang sa iyo ng yumao mong ama?!" Puno ng katanungang wika ng binatang si Wong Ming habang kitang-kita niyang naguguluhan ang ama niyang si Wong Bengwin sa sitwasyong kinaroroonan niya.

"Kung ako lang ang maaaring magdesisyon ay handa akong ibigay ito kay Wong Jianguo ngunit pinagbantaan na ako ng ama namin na hinding-hindi mangyayari ang kagustuhan kong mapunta lamang itong titulo na ito kay Wong Jianguo dahil sa pagiging makasarili nito. Ang ina nito ay mahilig gumasta ng pera at maluho ito sa salaping meron ito. Hindi niya gugustuhing mabaon sa utang at magkaroon ng malaking utang ang Wong Family sa kahit na sinuman. Even I want to decline this kind of title, nakapagdesisyon na ang ama namin na ako ang papalit sa pwesto nito sa ayaw at sa gusto ko." Seryosong saad ni Wong Bengwin habang makikita sng labis na kalungkutan sa mukha nito. Gustuhin niya mang tumanggi ngunit wala siyang magagawa pa dahil iyon ang desisyon ng nakararami at tinaguriang panganay pa siya sa lahat ng anak ng dating head chief.

Kaya ngayon ay naririto pa siya sa posisyong ito dahil ayaw niyang biguin ang ama niyang namayapa na mapunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan nila.

Biglang nalungkot ang mukha ng binatang si Wong Ming habang kitang-kita na naguguluhan ito sa sinabi ng ama-amahan niyang si Wong Bengwin ngunit nagsalita itong muli upang kumpirmahin ang kaniyang mga naiisip na mga bagay-bagay.

"Kung gayon ama ay nangyayari na ang kinatatakutan ng lahat ng mga opisyales at iyon ay ang mawalan ka ng karapatan upang magpatuloy sa iyong pwesto?!" Sambit ng binatang si Wong Ming habang kitang-kita sa mata nito ang nangungusap na tingin at tila punong-puno ng katanungan ang mga mata nito.

Biglang napaiwas ng tingin si Head Chief Wong Bingwen dahil sa narinig niyang sinabi ng anak-anakan niyang Wong Ming.

"Parang ganon na nga Wong Ming anak. Pasensya na ngunit hindi ko maaaring maipasa sa iyo ang aking titulo bilang Head Chief. Nanganganib na tayo lalo na ako na mapatalsik lalo na at kaugalian na ng Wong Family ang pagiging istrikto sa pagpili ng susunod na Head Chief. Kung hindi ako makakahanap ng hahalili sa akin sa susunod na mga taon ay mawawalan ako ng karapatang manatili sa aking pwesto magpakailanman." Malungkot na saad ni Head Chief Bengwin habang kitang-kita sa mukha nitong may kalumbayan ang puso't isipan niya