webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 512

Nagising na lamang si Wong Ming sa isang kakaibang lugar na maihahalintulad niya sa malaparaisong lugar ngunit naglalaman ng kakaibang enerhiya at misteryosong pakiramdam.

Masasabi niyang tila pamilyar sa kaniya ang lugar na ito ngunit hindi niya maalala o ma-distinguish kung anong lugar ba talaga ito.

Pagkagising niya lamang sa lugar na ito ay pakiramdam niya ay hindi ito isang panaginip lamang kundi kakaiba ngunit pambihirang lugar na ngayon niya lamang napuntuhan. Gulong-gulo ang isip niya kung kailan niya ba napuntahan ang lugar na ito o saan ba ito matatagpuan sa loob ng Golden Crane City. Ewan, basta ganon ang sistema ng sakop ng utak at kaalaman ni Wong Ming.

Para sa kaniya ay kontento na siya sa buhay niya at ang tanging pinoproblema niya ay kung paano niya mapapanatili sa pwesto niya ang kaniyang tumatayong sariling ama sa apat na taong wala siyang maalala tungkol sa kaniyang nakaraan. He really believes that everything he has been through is just for one goal. He didn't want to ruin everything just because of his past.

Masasabi niyang hindi na importante ang nakaraan niya because he has everything he wants and he can buy things he doesn't have. Naniniwala siyang ang lahat ng bagay na meron siya ay nabibili ng salaping meron sila.

Ang nasa isip niya ay masigurong walang mawawalang bagay ang ama-amahan niyang si Wong Bengwin lalo na ang pinakainiingatan nitong posisyon bilang Head Chief ng Wong Family.

Wala siyang alam sa asawa ni Wong Bengwin ngunit wala naman siyang balak na usisain pa ang patungkol rito. Even the elders and other officials ay tikom ang kanilang mga bibig sa ganitong mga usapin patungkol sa personal na impormasyon patungkol sa ama niyang si Wong Bengwin.

He really believes that he's father has been secretive to everything he has lalo na sa mga maseselang impormasyon naglalaman at nilalaman ang buhay nito. Magkagayon man ay nirerespeto niya ito alinsunod sa narinig niya mula sa napagtanungan niyang mga opisyales sa loob ng Wong Family.

Patuloy na naglalakad si Wong Ming sa solidong daanan hanggang sa natanaw niya ang hugis pabilog na platform habang makikitang mayroong kakaibang estatwang hugis taong tila inukit ng isang mahusay na iskulptor dahil malayo pa lamang ay nakuha kaagad nito ang atensyon niya.

Wala siyang kaide-ideya kung sinong nilalang ito lalo na at tila hindi nito napansing palapit na siya ng palapit sa nasabing hugis taong estatwa na gawa sa pambihirang bato.

Hindi man niya nasisiguro kung sino ito ngunit unti-unting naging malinaw ang pigura ng isang babaeng kahit tila inukit lamang ay napakaganda nito at tila buhay na buhay ang nasabing pigura nitong napakaganda pagmasdan.

Wong Ming find the statue an interesting one. Para sa kaniya ay kung hindi lamang inukit ang napakagandang babaeng ito at literal na tao ito at gumagalaw ay baka pag-awayan pa ito ng kung sinumang mangingibig na gustong hingin ang kamay ng nasabing napakarikit na babae.

But upon looking up and careful observation, pansin ni Wong Ming na ang karikitan ng dalaga lalo na ang reaksyon ng mukha nito ay hindi lang simpleng reaksyon kundi tila naglalaman ng emosyon. Yung tipong ang mata nito ay kakikitaan ng magkahalong lungkot at saya and it hits different.

Wong Ming didn't notice that a tear fell from his eyes sa hindi niya mawaring dahilan. Parang pakiramdam niya ay malapit sa puso niya ang estatwa ng isang babaeng bato. Pakiramdam niya ay matagal na niyang kilala ang magandang babaeng estatwang ngayon niya lamang nakita at sa kakaibang lugar pa na ito.

Maya-maya pa ay naramdaman ni Wong Ming ang tila paggalaw ng konkretong bagay na bumuo sa lugar na ito na siyang tinatapakan niya at pansin niyang yumayanig ang buong lugar na ito sa hindi niya mawaring dahilan.

Unti-unting lumalakas ang pagyanig ng buong lugar na ito na hindi alam ni Wong Ming kung saan siya kakapit dahil tila hindi tumitigil ang nasabing kakaibang penomenang ito sa lugar na ito.

Hindi napansin ni Wong Ming na dumistansya siya sa lugar na siyang kinatatayuan niya malapit sa babaeng estatwa na parang buhay.

Mabilis na napadapa si Wong Ming nang tila yumanig ng biglaan at napakalakas ang lugar na ito. Halos manginig naman si Wong sa tindi ng tila kakaibang lindol na ito na siyang nararanasan niya ngayon.

Bzzzz! Bzzz! Bzzz!

Tila napakapit na lamang si Wong Ming sa solidong bagay na magaspang na parte ng sahig ng misteryosong lugar na ito. Masasabi niyang walang senyalesg pagtigil ang pag-uga o pagyanig ng buong lugar na ito sa hindi malamang dahilan na para bang may mangyayaring kakaiba na siyang hindi niya inaasahang mangyari kung sakali man.

Maya-maya pa ay unti-unting tumigil ang matinding paglindol at pag-uga ng kalupaan sa hindi rin malamang dahilan na siyang ipinagpapasalamat naman ni Wong Ming dahil halos mapaltos o magkasugat-sugat na ang palad niya dulot ng matindi niyang pagkapit.

Nakakabahala at nakakatakot man ang pangyayaring ito ay napatayo naman siya ng tuwid matapos makarecover sa matinding kaganapan kani-kanina lamang. Kahit sino naman kasi ay talagang kakabahan sa nangyari kanina. Hindi kasi normal ang kaganapang kanina at maaari siyang malaglag sa pabilog na platform na ito.

Kahit tingnan pa kasi ni Wong Ming ang lalim o dulong bahagi sa ilalim ng pabilog na platform na ito ay wala man lang siyang makitang bagay maliban sa makapal na hamog galing sa baba.

He didn't want to try anything about it, alam niyang hindi niya kayang mag-risk alang-alang sa bagay na hindi niya sigurado kung ikakabuti niya ba o ikapahamak niya.

Wooohhhh! Wooohhhh! Wooohhhh!

Nakarinig si Wong Ming ng kakaibang tunog mula sa malayo na siyang mabilis naman niyang tiningnang mabuti at napansin niyang ito pala ay nanggagaling sa mismong hugis babaeng estatwa.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong unti-unting nagkaroon ng bitak-bitak sa mukha ng nasabing babaeng estatwa at lumaki ito ng lumaki pagapang sa katawan nito.

Nakaramdam naman si Wong Ming ng pagkabahala at pagkagulat sa pangyayaring ito. Merong parte sa kaniya na nag-aalala siya sa hugis babaeng estatwa. Hindi naman kasi niya alam kung anong gagawin niya.

Maya-maya pa ay nabalot ng kakaibang liwanag ang buong lugar na siyang kinaroroonan ng hugis estatwang bato at napansin niyang ito ay nagmumula sa mismong estatwa.

Nagulat na lamang siya ng bigla na lamang kusang sumabog ang buong babaeng estatwang bato na siyang nagdulot ng malakas na pagsabog.

BANG!

Umalingawngaw ang malakas na pagtunog ng pagsabog dahilan upang matuod si Wong Ming sa kaniyang sariling kinatatayuan.