webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 50

"Malaki nga ang problemang kinakaharap mo bata. Saka sino ba talaga ang Li Mencius na tinutukoy mo?! Okay, sabihin na nating Li Clan siya at mataas ang Martial Talent niya pero isa lamang siyang 5th Mystic Grade Martial Talent eh ano naman ngayon hindi ba?! Marami namang mga malalakas na eksperto ang Sky Flame Kingdom na nananatili rito st pagala-gala sa teritoryo nito. Ano ba talaga ang dahilan nito?!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Kuha niya na galit na galit ang sinasabi nitong Li Mencius o kung sinong Pontio Pilatong nilaslng na ito ngunit hindi niya alam kung bakit ganito lamang ang galit ng taong ito. Feeling ni Fai ay gusto niyang kagatin at patayin na lamang ang nilalsng na ito gamit ang matatalas na ngipin nito given na napakalaki na ng perwisyong dinulot nito ngunit walang kaalam-alam ang karamihan lalo na ang buong Li Clan. Nanggigil na talaga siya sa Li Mencius na ito. Naintindihan niya ang nararamdaman ng batang si Li Xiaolong at napakaraming inosenteng miyembro ng Li Clan ang nasa panganib. Buti sana kung simpleng bagay lamang ang involve dito pero buhay ng mga inosenteng nilalang ang nakataya rito ngunit walang kaalam-alam ang lahat dito.

"Si Li Mencius ay pinsan ng kasalukuyang Clan Chief na si Li Sandro. Pinaniniwalaang minsang napadpad ang anak ng hari ng Sky Ice Kingdom sa teritoryo ng Sky Flame Kingdom. Nabighani ito sa lugar dito at aksidenteng nagkatagpo ang landas ng ina ni Li Mencius at ang anak ng hari ng Sky Ice Kingdom. Given na mayroong treaty at bawal magmahal ang dugong bughaw ng mga Royal Son ng Sky Ice Kingdom o alinmang kaharian sa mga ordinaryong nilalang lalo pa't hindi isang Martial Artist ang ina ni Li Mencius. Kaya ng nalaman ito ng Sky  Flame Kingdom at ng Sky Ice Kingdom ay hindi sila makapaniwala. Alam ito ng dalawang kaharian at pinagbawalan na magkita pang muli ang dalawang magkasintahan. Nakatakda na kasing ipakasal ito sa isang dugong bughaw ang Royal Son na siyang Crowned Prince pala. Dito na nag-uumpisang magkalamat ang relasyon ng dalawang kaharian na magkasundo noon ngunit nagkaroon ng alitan. Ang dalawang panig ay hindi alam kung sino talaga ang may kasalanan at ayaw maging magpakumbaba ang dalawa. Nakuha ko ang napakamaselang impormasyon na ito sa Feather Guild na siyang pinagmumulan ng impormasyon. Nagbayad pa ko ng malaki para makuha ang mahalagang impormasyon na ito. Siguradong alam din ito ng Clan Chief na si Li Sandro ng Li Clan maging ng mga Clan Officials ngunit patuloy niya pa rin itong itinatago sa lahat ng Li Clan members!" mahabang salaysay ng batang si Li Xiaolong habang napakuyom ito ng kamao.

"So all this time kinikimkim mo lang ang nalaman mo Li Xiaolong. Kaya ba nagpursigi kang magpataas ng Cultivation Level mo?! Kailan mo pa ito nalaman lahat?!" Tila nabalot ng kuryusidad ang buong kaisipan ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Hindi niya alam kung ano'ng klaseng batang nilalang ito para malaman ito.

"Noong nagsisimula pa lamang ako sa Physical training nalaman ito sa edad na apat. Aksidente kong narinig ang usapan ng Li Clan Officials noon habang pinag-uusapan nila ang bagay na ito. Alam nilang nasa delikadong sitwasyon na ang Li Clan. Pasalamat sila at suportado pa rin ng Hollow Earth Kingdom ang Li Clan dahil kung hindi ay baka ano na ang nangyari sa angkan ng mga Li." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang nakatingin sa malayo na halatang malayo ang iniisip nito.

"Napakadelikado ng ginawa mo batang Li Xiaolong. Sa edad mong apat ay lakas loob kang pumunta sa Feather Guild?! Nababaliw ka ba noon?!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai habang hindi nito alam kung matatawa siya o maiiyak. Kahit siya ang ilagay sa sitwasyon ng batang si Li Xiaolong ay hindi niya gagawin ang bagay na ito let alone makipagnegosasyon sa Feather Guild na nasa Sky Flame Kingdom ang sub-branch nito.

"Hahaha... Ano ang katatakutan ko kung ang binayad ko ay hindi nila matatanggihan. Ang Feather Guild ay kilala sa pagbibigay ng napakaraming maseselan at napakaimportanteng impormasyon. Ang pagiging bias ng mga ito o pagkampi sa alinmang organisasyon o kaharian ay mawawala ang kredibilidad ng mga ito. Paano pa kaya sila nag-eexist hanggang ngayon diba kung ang pangunahing layunin nila ay mangalap ng mga mahahalagang impormasyon at pagkakitaan gamit ang hindi matatanggihang halaga para sa impormasyong ibibigay nila?!" Sagot ng batang si Li Xiaolong sa nagsasalitang Quoll na si Fai.

Tila natuwa naman si Fai sa sinabi ng batang si Li Xiaolong. Sa edad nitong anim ay marunong na itong maghandle ng sitwasyon. Ngunit nagtataka pa rin siya sa kapalit ng impormasyong ito.

"Ano nga pala ang binayad mo para sa impormasyong binigay nila sa iyo?!" Lubhang napakaekstraordinaryong bagay ito para pansinin ka ng Feather Guild, tama ba ko?!" Tanong ng nagsasalitang Quoll na si Fai habang nasa uluhan ng batang si Li Xiaolong. Tila nalilito siya sa kung gaano kalalim at kataas ang kaalaman ng batang si Li Xiaolong habang tumatagal ang pagsama niya rito.

"Isa lang naman iyong piraso ng High Grade Blood Gem Crystal. Hindi naman ganoon kal----------!" Sambit ng batang si Li Xiaolong ngunit mabilis itong naputol ng magsalita si Fai.

"Anoooo?!!!!!!!!! High Grade Blood Gem Crystal para lamang sa katiting na impormasyon na iyon?! Baliw ka na ba bata?! Ang Low Grade Blood Gem Crystal at ang Middle Grade Blood Gem Crystal ay napakahirap hanapin how much more ang High Grade Blood Gem Crystal?! Nag-iisip ka ba?!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai habang nanlalaki ang pares na bilugang mga mata nito. Kung nasaksihan niya ang pagbibigay ng High Grade Blood Gem Crystal sa Feather Guild ay baka makalmot niya ng grabe ang kung sinumang tumanggap ng ekstraordinaryong bagay na ito o baka malala pa magawa niya sa mga ito.

"Hindi mo kilala ang Feather Guild, Fai. Ang kanilang reputasyon at lakas ay hindi ko rin alam. To the point na hindi ako maaaring gumawa ng gulo at ang iba pang kumukuha ng mga impormasyon sa kanila ay talaga namang nakakatakot ang kanilang lakas na tinatago. Ramdam kong ang bawat miyembro ng Feather Guild ay mayroong napakataas at napakalalim na Cultivation Attainments. Hindi rin sila tumatanggap ng ordinaryong bagay at sa murang edad ko ay binigay nila ang impormasyong gusto kong malaman. Talaga namang maaasahan ang mga ito at hindi ka nila ibubuko sa kung sinuman kaya alam kong ligtas ako sa kahit na anong problema." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang ini-explain nito ang mga bagay-bagay patungkol sa Feather Guild at sa paraan ng kanilang serbisyo.

"Feather Guild? Hmmm... Parang narinig ko na ang Guild na ito noon ngunit hindi ko aakalaing pati sa maliit na lugar na ito ay naririto ang presensya niyo." Sambit ng nagsasalitang Quoll sa kaniyang isipan lamang. Tila ba hindi nito alam ang bagay na ito. Parang pinagsisihan niyang hindi niya inalam ang pag-exist ng Guild na ito noon pa man.