webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 509

Mabilis na sumugod si Wong Ming upang lumaban pabalik sa hambog na si Wong Xianliang lalo na at mukhang mainit ang ulo nito sa kaniya.

Ramdam niyang hindi ito magpapatalo sa kaniya. To the point na gusto siya nitong saktan sa mga oras na ito.

Li Xiaolong become aware of the danger Wong Xianliang can do to him.

Mabilis na nagliwanag ang black stick na sandatang hawak-hawak ni Li Xiaolong kung saan ay senyales ito na gagawa ito ng panibagong martial arts skill.

Skill: Energy Drift Strike!

Naramdaman naman ni Wong Xianliang ang mabilis na pagbabago sa awra ng binatang si Wong Ming dahilan upang mabahala ito. Kitang-kita nila kasi kung paano nito nagawang ilagay ang mga eenrhiya sa katawan niya galing papunta sa mismong misteryosong itim na stick na siyang gamit niya pang-atake bilang ganti kay Wong Xianliang.

Wong Ming smiles devilishly, alam niya kasing hindi ito maaaring patagalin pa dahil maisasawalang bahala ang mga bagay na maaari niya pang gawin upang turuan ng leksyon ang pesteng nilalang na katulad ni Wong Xianliang.

Ito kasi ang masasabi niyang hindi magpapatalo. He is just defending himself from unknown harm brought by Wong Xianliang. Alam na alam niya na galit na talaga ito.

Mabilis na nawala si Wong Ming sa kinaroroonan niya kanina dahilan upang mabahala si Wong Xianliang sa ginagawa nito.

BANG! BANG! BANG!

Sunod-sunod na pagwasiwas ni Wong Ming ang ginawa nito upang masigurong matatamaan nito si Wong Xianliang.

Masasabing umabot na sa sukdulan ang inis niya rito habang si Wong Xianliang naman ay galit na galit na rin habang sinasangga nito ang mga atake ni Wong Ming na tila ba ayaw rin nitong magpagapi sa isang sampid na henyong katulad ni Wong Ming.

Out of all of those younger generation of royal families ay wala pa siyang nakikitang banta sa pagkuha ng titulo at simpatya ng lahat liban na lamang kay Wong Ming.

Noong dumating kasi sa buhay nila ang pesteng sampid na si Wong Bin na para sa kaniya ay lahat na lamang kasi ng mga bagay na gusto niya ay nakukuha nito. Lahat-lahat na, mapa-materyal na bagay na gusto niya maging sa mga elders ng kanilang Wong Family ay naagaw na rin ng anak-anakan ni Wong Bengwin. Hindi  ito papayag na maging kawawa siya sa hinaharap dahil na rin sa mga bagay na gusto nitong makamit ay napunta lamang sa hindi naman nila kadugo, ni katiting na karapatan ay para sa kaniya ay walang puwang si Wong Ming na angkinin  ito.

Talagang sa lahat ng bagay ay tinadhana na talagang maging mortal na kaaway sila ni Wong Ming dahil na rin sa lahat ng gusto niyang mapasakanya ay hindi na rin niya nakukuha.

Bumalik sa alaala niya ang nangyari kanina bago niya sinugod ang pesteng malaking mansyon ng tito Wong Bengwin niya. Maituturing niyang malapit sa puso niya ang nasabing tito niya ngunit sa apat na taong nag-eexist ang anak-anakan nitong si Wong Ming ay napunta na ang buong atensyon niya rito maging sa pamamahala sa kapakanan ng Wong Family. Ang inaasam niyang buong suporta nito ay araw-araw na lumalabo. He can't handle his emotion to greatly reduce Wong Ming into pieces. Ito lamang ang maaari niyang gawin to create a better plan for himself in the future.

Mukhang sa henerasyon nila ay malabong siya ang piliing maging susunod na Head Chief ng Wong Family dahil rinig na rinig niya ang usapan ng mga elders at si Wong Ming ang pipiliin nila. Ang isipin pa lamang ito ay nadudurog na ang puso niya na pilit na kumikirot dahil sa labis na inis, galit at pagkainggit dahil para sa kaniya ay dapat sa kaniya ang lahat ng bagay na ito lalo na ang magiging susunod na head Chief ng Wong Family. Seeing he will be inferior to Wong Ming, hindi niya matatanggap ito.

BANG!

For the second time, tumalsik sa kalupaan si Wong Ming nang marahas na iwinasiwas ni Wong Xianliang ang espadang pinangsasangga niya sa sunod-sunod na atake ni Wong Ming.

Napangiti na lamang siya sa kalunos-lunos na sinapit ni Wong Ming sa espadang hawak niya na kilala sa katawagang Fatal Sword. Sino ba naman kasi ang gugustuhing makaharap ang bagsik ng pambihirang espadang ito na minsan na ring ginamit sa matinding labanan ng mga ninuno nila sa mga labanang sinuong ng mga ito.

Ngunit ang espadang ito ay hindi rin basta-basta ang paggamit nito, he will sacrifice a lot of his own energy essence para lamang mailabas ang totoong potensyal nito.

Magkagayon pa man ay worth it ang paggamit nito lalo na kung paano nitong mapinsala ang pesteng nilalang na si Wong Ming. Tila naliligayahan siyang nakikitang wala itong kalaban-laban sa kaniya.

"Wala kang laban sa akin Wong Ming. Kung ako sa iyo ay sunuko ka na lamang!" Malakas na sambit ni Wong Xianliang habang nakatutok ang hawak nitong Fatal Sword sa direksyon ng pinagbagsakan ni Wong Ming. Ngumisi pa ito ng malademonyo dahil sa ragumpay na ito na magapi si Wong Ming ng madalian.

Akala niya kasi ay ang lakas-lakas ni Wong Ming ngunit sa tingin niya ay napakahina nito. Sa simpleng atake pa lamang niya ay nagapi na niya ito. Pinatunayan niya lamang na mali ang mga elders sa pinili nilang kampihang susunod na mamumuno ng Wong Family.

Ngunit mabilis namang nag-iba ang emosyon at reaksyon ni Wong Xianliang nang makita nito ang ama niyang lumitaw sa hindi kalayuan lamang.

Ang mukha ng ama niya ay kakikitaan ng labis na  galit na siyang dahilan upang maguluhan si Wong Xianliang sa paglitaw nito.

"Ama, bakit nandirito ka? Hindi mo ba nakikitang tinuturuan ko pa ng leksyon ang pesteng si Wong Ming? Ngayon ay napatunayan ko na higit na malakas at karapat-dapat ako na maging susunod na pinuno ng Wong Family!" Masayang wika ni Wong Xianliang habang abot ang ngiti sa mga mata nito.

Ngunit ang emosyon ng ama niyang si Wong Jianguo ay hindi nagbabago bagkus ay bumusangot pa ang mukha nito.

Biglang naglaho ang pigura ng ama nito at nagulat na lamang siya na isang malakas na sampal ang natamo niya ng lumitaw sa harapan niya ang nasabing ama niyang si Wong Jianguo.

"Isa kang malaking hangal Xianliang. Hindi ko aakalaing ngayon ka pa talaga gumawa ng ganitong gulo!" Galit na galit na sambit ni Wong Jianguo na siyang makikitang nagpipigil lamang na saktang muli ang anak nitong si Wong Xianliang.