webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 491

Mabilis ang naging takbo ng mga araw ng pamamalagi ni Li Xiaolong sa loob ng Cosmic Dragon Institute at sa loob ng dalawang linggo ay puro mga pag-aaral at pagsasaliksik ang ginagawa niya sa silid-aralan nila.

Masasabi niyang walang special treatment na nangyayari sa loob ng paaralan dahil lahat ng naririto ay talaga nga namang may kaniya-kaniyang mga kalakasan na hindi basta-bastang masasabi lamang na nakapasa dahil lamang sa tawag ng swerte.

Meron kasing mga estudyante na matatalino at meron ding katamtaman lamang at ang iba'y mga natural na tamad lamang ang pinapairal sa kanilang sarili.

Maraming mga nakasalamuha si Li Xiaolong sa loob ng dalawang linggo simula ng opisyal na araw ng pasukan. Iba-iba man ngunit wala man lang siyang makitang estudyanteng maaaring ituring niya na bagong kaibigan.

Sigurado siyang mga baguhan din ang mga ito at kagaya niya ay ngayon lamang nakapag-aral sa prestirhiyosong paaralan na ito. Ang kaibahan lamang ay isa lamang siyang estudyanteng huling nag-aral kumpara sa mga mas bata sa kaniya rito.

Isa pa sa mga dahilan kung bakit nahihirapan siyang makipagkaibigan ay dahil na rin sa tanyag siya sa buong Cosmic Dragon Institute at tinitingala siya ng lahat.

Hindi talaga niya inaasahan ang malugod na pagtanggap ng lahat sa kaniyang pagbabalik muli sa Cosmic Dragon Institute sa taong ito. This really makes his heart fluttered.

Yun nga lang ay iniiwasan din siya ng lahat dahil sa natamo niyang ranking noong nakaraan.

Ipinakilala man siya sa lahat ngunit alam niyang pahapyaw lamang ito. This is really true ngunit alam niyang hindi niya ginusto ang mga bagay na ito.

Matagal din siyang nawala ngunit pinapahalagahan pa rin siya ng nasabing prestirhiyosong paaralan at hubugin bilang isang malakas na eksperto sa hinaharap.

Isa pa sa ikinasisiya niya ay maraming mga cultivation resources ang binibigay ng prestirhiyosong paaralan sa mga estudyante na siyang tumutulong sa kanila upang pataasin ang antas ng cultivation level nila at pangtustos sa kanilang sariling mga abilidad at pag-eensayo.

Cultivation Hall, Cultivation Grounds, Alchemy Rooms, Training Rooms at iba pa ay mayroong mga access ang mga estudyanteng baguhan man o matagal ng nag-aaral sa Cosmic Dragon Institute ay libreng makakagamit nito. Ganon kabuti ang Cosmic Dragon Institute sa kanilang mga mag-aaral.

Ngayong araw naman ay isang panibagong araw para kay Li Xiaolong. Nandirito sila ngayon sa harap ng isang malaking portal na makikitang hindi pa naa-activate. Kung titingnan ay parang malaking pabilog lamang na bagay ang makikita na may malaking butas sa gitna na siyang magsisilbing pintuan patungo sa ibang lugar.

Isa ito sa pinakasimpleng portal na maituturing dahil kung hindi nagkakamali si Li Xiaolong sa mga nabasa niya patungkol sa ganitong portal ay nangangailangan ito ng enerhiya upang ma-activate ito.

Mayroon silang Energy Stones na pinapamahagi ng Cosmic Dragon Institute sa kanilang estudyante upang magawa nilang mapataas ang lebel ng cultivation level nila at ito rin ang karaniwang ginagamit upang ma-activate ang nasabing pabilog na portal.

Dito ay magsisimula na ang totoong pagsasanay nila at kung bakit nangunguna ang paaralan ng Cosmic Dragon Institute kumpara sa iba.

Yun lang ay sobrang dami nila. Li Xiaolong couldn't find his word kung gaano kalaking enerhiya ang kinakailangan upang mapatawid ang mga kapwa noya estudyante sa kabilang lugar. Sa dami nila ay mukhang mamumulubi ang paaralan upang makapasok ang mga estudyante maging ang pagpapalabas sa mga ito pagkatapos ng paggalugad sa pupuntahan nilang lugar.

Nasa kulang-kulang isang libo ang mga estudyanteng naririto. Hindi niya alam na marami din ang mga estudyante ngayong taon ng pasukan. He really didn't want to underestimate anyone here dahil alam niyang may ibubuga din ang mga ito habang ang iba ay may tinatagong kalakasan sa ibang aspeto.

Masugid siyang naghihintay habang pinaghandaan ang pagpasok niya mamaya sa loob ng nasabing portal. Kung saan man sila dadalhin ng nasabing portal ay wala silang kaide-ideya.

Samantala...

Naririto sa isang gilid limang estudyanteng binayaran ng malaki ni Mǎ Jian upang turuan ng leksyon si Li Xiaolong. Tatlong Early Purple Realm Expert habang ang dalawa sa mga ito ay Middle Purple Blood Realm Expert at Late Purple Blood Realm Expert.

Mga repeater ang mga ito hindi dahil hindi sila makapasa ngunit sa kadahilanang gusto nilang lampasuhin ang mga bagong saltang mga estudyante sa loob ng Cosmic Dragon Institute. Wala silang kinatatakutan liban na lamang sa mga Seniors nila at mga nilalang na binabayaran sila ng malaki sa pinag-uutos sa kanila ngunit ang mga mabibiktima nila ay walang takas sa mga kamay nila.

Kaya nilang pumaslang para lamang sa malaking salaping binabayad sa kanila. Brutal ang mga kapaligiran ng pagpupuntahan ng nasabing portal. Kahit na it was classified as basic portal to training environment. May panganib pa rin itong dala sa mga tatanga-tangang mga estudyante at hindi kayang magsurvive sa kapaligirang pupuntahan nila.

Cosmic Dragon Institute only nurture the best candidate for their resources. Those who didn't even realize how capable Cosmic Dragon Institute nurture their students is like a big joke. Taon-taon ay may nababalitaang mga namamatay na mga estudyante at hindi na matagpuan pa ngunit ang Cosmic Dragon Institute ay walang kinalaman at sagutin para dito.

There's no room for weaklings at walang mga abilidad na mga estudyante. Mapagbigay ang Cosmic Dragon Institute sa kanilang cultivation resources ngunit hindi nangangahulugang habang buhay na lamang aasa ang estudyante sa bigay dahil kung hindi naman sila mapapakinabangan ng prestirhiyosong paaralan na ito ay what's the point of their life? Maging patabaing baboy at katamaran na lamang ang gagawin? Hindi iyon ang goal ng Cosmic Dragon Institute.

Reyalidad ito at masasabing ang mga repeater na ito ay isang uri ng mga estudyanteng gustong kamkamin ang mga bagay ng mga bagong saltang mga estudyante at kung kailangan nilang paslangin ang mga ito ay gagawin nila.

Alam na rin ng Cosmic Dragon Institute ang existence ng mga repeaters ngunit wala silang ginagawang mga aksyon laban sa mga ito. Considering na hindi sila maka-ascend sa susunod na baitang ay nangangahulugan lamang na hindi sila magiging banta sa paaralan ngunit sa mga mahihinang mga estudyante ay malaking banta ito sa kanila.

Law of Jungle is existing in Cosmic Dragon Institute. They are the perfect fit to dispatch weaklings and produces true experts. Ganon naman talaga ang dapat in order to become a huge catslyst to those who are truly become a great experts in the future.

Ngunit sa susunod na mga baitang ay walang nag-eexist na repeaters dahil kusa silang pinapaalis o pinapatalsik sa Cosmic Dragon Institute dahil hindi na sila banta sa mga estudyante kaya wala na ring rason ang Cosmic Dragon Institute na panatilihin pa ang mga walang silbing mga estudyanteng gustong kunin ang cultivation resources ngunit wala na ring ambag sa paaralan.

"Lider,Siya ba ang gustong ipadispatya ng ating boss? Ang Little Devil na siyang nangunguna sa trial ranking noon?!" Nakangising demonyong sambit ng isang repeater habang nakatingin sa gawi ng batang si Li Xiaolong na nakatingin sa harap ng portal. Wari niya'y naghihintay lamang ito sa tuluyang pagbubukas ng nasabing portal.

"Oo siya nga, balita ko ay matinik ang isang iyan. Ngunit wag kayong matakot dahil balita ko ay nagmula lamang ang pesteng Little Devil na iyan sa dukhang angkan." Pagkumpirma naman ng nasabing lider ng mga repeaters na ito. Hindi siya maaaring magkamali dahil nakita niya ito noong ipinakilala ito noong nakaraang dalawang linggo na ang nakakalipas.

Sino ba ang hindi nakakakilala sa tanyag na Little Devil na inayawan ang Cosmic Dragon Institute. Balita nila ay dahil ito sa sigalot ng dukha nitong angkan ngunit malugod pa rin itong tinanggap ng Cosmic Dragon Institute despite of him being such a runaway kid.

"Kung tama ang pagkakaintindi ko ay nagmula ito sa bumagssak na kaharian ng Sky Flame Kingdom. Buti nga sa kanila!" Sambit naman ng isang miyembro ng mga repeaters na walang kagatol-gatol. He thinks Little Devil deserves his bad luck.

"Tama, walang lugar ang mga pesteng nilalang na iyan na galing sa dating Sky Flame Kingdom. Lubha silang mahihina!"pangmamaliit naman na wika ng isa pang miyembro ng mga repeaters na ito. Hindi niya aakalaing pagkatapos ng mga bagay na nangyari ay babalik lamang ito na para bang wala siyang ginawa. Para sa kaniya ay ang kapal ng pagmumukha ng Little Devil na ito upang bumalik pa sa Cosmic Dragon Institute.

"Wag kayong mabahala, sisiguraduhin kong matutupad ang gustong mangyari ng boss natin. Kailangan nating lasunin at hikayatin ang mga bagong saltang estudyante rito upang paslangin at huntingin ang Little Devil na yan. Pagkatapos ay paslangin na rin natin ang mga ito at kunin ang mga mahahalagang bagay na nasa kanilang mga pangangalaga." Seryosong sambit naman ng nasabing lider upang patagilin ang mga ito sa maaaring pagmulan ng pakikipagtalastasan sa mga kasamahan nito.

Napatango na lamang ang apat na repeaters na estudyante sa kanilang nagsisilbing lider tandang sumasang-ayon sila sa kagustuhan nito. Kating-kati na ang kamay nila upang dispatyahin ang nasabing Little Devil na siyang target nila at gusto na nilang magkaroon ng limpak-limpak na salapi.