webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 47

Tatlong araw muli ang nakalilipas. Nakaalis na rin ang dalagang si Li Jianxin kasama ang iba pa nitong kasamahan.

Naging matiwasay pa rin ang buhay ng bawat mamamayan ng Li Clan habang ginagawa ang nakagawian nilang gawain lalo na sa bukid.

Hindi pa nagpapakita ang Haring araw sa kalangitan sa bandang silangan ay gising na ang batang si Li Xiaolong. Sa loob kasi ng tatlong araw ay mabilis na siyang nagtungo sa isang parang na siyang nagsisilbing Cultivation area niya kung saan siya palaging nagcu-cultivate.

Ang siyamnapu't-siyam na Cultivation Manuals ay tinago niya sa loob ng kaniyang kwarto sa isang tagong parte nito.

Ang napili niyang pag-aralan ay ang Asura Art of Divinity. Isa itong Ancient Cultivation Manuals na naglalayong gawing makapangyarihan ang isang Martial Artists ngunit sa kasalukuyang Cultivation Level ng batang si Li Xiaolong ay hindi pa rin siya maaaring magproceed o magskip ng mga basic training na nakasulat sa Ancient Cultivation Manuals na ito. Ang power requirements at mga ibang factors ay lubhang matataas at napakahirap matutunan ng kung sino-sino lamang. Tanging ang mga Asura Grade Martial Talent lamang ang maaaring matuto nito.

Napakasaya ng batang si Li Xiaolong ngunit nang marinig ang requirements nito ay tunay nga namang nagpaasim o nagpayukot ng mukha nito.

Ang mga ibinigay sa kaniya ng kaniyang ama na mga manual ay bitbit-bitbit niya pa rin ito kahit saan siya magpunta. Mahirap na dahil baka magtaka ito sa kaniyang ikinikilos lalo na ang kaniyang sariling inang si Li Wenren  ay baka hindi siya makasagot sa mga ito kung ano ang idadahilan niya. Kahit kasi mababa ang Cultivation talent ayon sa ama at ina niya maging ng buong Li Clan dahil sa mga pumalpak na resulta niya ay hindi ito hinadlangan ng kaniyang sariling mga magulang para sa kagustuhan nitong mag-ensayo.

Nagulat din ang nagsasalitang Quoll na si Fai na liban sa kaniya ay walang nakakaalam na isang ganap na Xianxia Realm Expert na ang kasalukuyang Lebel ng Cultivation ng batang si Li Xiaolong. Maging ang mga magulang nito ay hindi alam ang patungkol rito.

Ang mas nakakamangha sa batang si Li Xiaolong ay mayroon itong mataas na attainment sa Craftsmanship lalo na sa pag-imbento ng mga bagay-bagay. Ngunit kahit na sabihing nasa Grandmaster Level na ang Craftsmanship nito ay hindi pa rin ito tiyak lalo pa't wala siyang pinanghahawakang titulo at base lamang iyon sa pagsusuri na ginawa ng nagsasalitang Quoll na si Fai.

"Hoy batang Xiaolong bakit naman tayo lumagpas at nilagpasan natin ang Cultivation Area mo?! Hmmm..." Tila nagtatakang sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai habang nasa uluhan ito ng batang si Li Xiaolong.

"Malamang maliligo sa ilog. Ano pa nga ba?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang mabilis nitong binabaybay ang direksyon kung saan ito.

Napatahimik na lamang ang nagsasalitang Quoll na si Fai. Alam niyang hindi maaaring balewalain ang mga ginagawang kilos ng batang si Li Xiaolong. Napaka-unpredictable talaga ng batang ito. Kahit siya ay nalinlang ng batang nilalang na ito. Sinong mag-aakala na isa itong Xanxia Realm Expert.

[ Mayroong Cultivation Level kasi ang sinusunod ng mundong ito na isang tinatawag na universal Cultivation. Magmula sa physical trainig o body training na ang pinakaunang training na ito ay tinatawag na Strength Training, dito ay magkakaroon ka ng kakayahang magkaroon ng kakaibang lakas lalo na kapag nakamit mo ang Small Success nito na maikukumpara sa tatlong kabayo hanggang sa siyam na kabayo kapag nakamit mo na ang Large Success nito.

Ang pangalawang Stage naman ng physical training ay ang Flesh Training Stage (Small-Medium-Large Success). Dito ay unti-unting magiging durable ang mga balat mo maging ang iyong laman ay titigas. Napakahelpful din ng physical training na ito kung saan ay hindi ka maaaring mapinsala kaagad ang mga body parts mo lalo na ang laman-loob mo. Kapag nakamit mo ang Small Success nito ay maaari kang tumagal sa pisikal na labanan at kapag nakamit mo ang Medium Success nito ay maaaring maging malakas ang pangangatawan mo lalo na sa pangmatagalang mga laban o labanan.

Ang Viscera Training Stage (Small-Medium-Large Success) naman ang masasabing pangatlong stage sa Physical training. Ang Physical training na ito ay masyadong marahas lalo lalo pa't mas pinapatibay nito ang maaaring maging lakas ng isang Martial Artist lalo na ang protection sa inner part ng katawan ng isang Martial Artist.

Ang kasunod naman nito ay Altering Muscle Stage (Small-Medium-Large Success) kung saan ay isang uri ito ng training kung saan ito ay naglalayong palakasin ang mga muscles mo sa iyong  katawan lalo na sa panig ng mga Martial Artists. Ang kakayahan nilang mag-regenerate ng kusa ng mga sugat-sugat sa katawan o alinmang pinsala sa madaling panahon lamang. Ngunit nakadepende pa rin ito sa kung gaano kalakas o kataas ang kakayahan o abilidad ng isang indibiduwal na martial artists para magawa ito.  Isa ito sa pinakamahirap na physical training lalo pat muscles ito sa katawan ang pinag-iisipan.

Ang Bone Forging Stage (Small-Medium-Large Success) naman ang panglima sa Stages ng Physical training na ito kung saan ay may kinalaman ito sa pagpapatibay ng buto sa iba't-ibang parte ng katawan ng mga Martial Artists. Hindi kasi simpleng physical training ito sapagkat nakapukos ang iyong training sa pagpapatibay ng iyong mga buto sa katawan. Alinman sa mga naunang training ay tunay ngang napakahirap gawin. Let alone sa pagpapatibay ng buto sa iyong katawan.

Ang ikaanim at masasabing pinakamahirap sa lahat ay Pulse Condensation Stage na iba kaysa sa ibang physical training sapagkat inihahanda na ang iyong sarili sa pagkamit o pagtapak sa totoong Realm. (Early-Middle-Late Success) Tinatawag din itong Half True Realm. Sa Early Success ay masasabing makakamit mo lamang ito kapag matagumpay mong napadaloy ang Essence Qi  papunta sa iyong dantian.

Bawat galaw o kumpas ng kamay mo ay mapapadaloy mo ang mumunting enerhiya papunta sa sarado pang dantian pabalik sa iyong kamay, paa, tuhod at sa ibang parte ng katawan sa pagsagawa ng atake o mismong sa pag-eensayo. Makakamit mo lamang ang Middle Success ng Pulse Condensation Stage kapag nabuksan mo na ang mismong dantian mo na nasa parteng tiyan mo mismo. Ito ang pinakamahirap sa lahat ng Stages dahil bubuksan mo ang mismong dantian ng pwersahan. Kapag matagumpay mong nabuksan ang iyong dantian ay siguradong magiging martial artists ka na sa hinaharap pero nakadepende pa rin iyon sa sarili mong kakayahan.

Ang Late Success ng Pulse Condensation Stage ay isang mahirap na paraan kung saan ay dapat mag-ipon ng paunang Essence Qi papunta sa kinaroroonan ng kaniyang dantian. Ngunit karamihan ng mga Essence Qi ay lumalabas papunta sa magiging atake ng martial artists kung saan ay konting-konti na lamang ang maaaring matira at magiging pondo sa dantian. Every 1000 bits ng Essence Qi ay ang maaaring matira lamang ay 0.001 Essence Qi sa dantian ng isang martial artists. Paano na lamang ang maaaring mangyari kung sa pamamagitan lamang ng training ito ay siguradong ilang milyong beses na pag-eensayo sa pagkontrol ng Essence Qi papunta sa dantian mo ang maaaring gawin mo para makamit mo ang nasabing Late Success Stage kung saan ay pupunuin mo ang mismong dantian mo ng napakaraming Essence Qi upang macondense mismo ang dantian para makagawa ng pure essence qi.