webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 443

Sa isang sikretong silid ay mayroong malaking pagpupulong ang nagaganap sa pagitan ng matataas na mga indibidwal sa loob ng Dou City. Halatang mula ang mga ito sa mga naglalakihan at naglalakasang mga angkan, pamilya at kung anumang organisasyong nag-eexist sa loob ng nasabing lungsod. Lahat sa mga ito ay mga lumalakad sa right path ng cultivation at karamihan sa mga ito ay hindi magpapatalo at talagang malalakas na mga eksperto.

Ang tanging kaibahan lamang ay nakasuot ang mga ito ng mga cloak o di kaya ng mga naghahabaang mga roba na halos lumaylay na sa mga sahig habang nakasuot ang mga ito ng Jade mask at iba pang mga bagay upang matakpan ang kanilang mga tunay na pagkatao.

Halata kasing mayroon silang pag-uusapang mahahalagang bagay o pangyayaring tila hindi na normal o kaaya-aya lalo na at lubos silang nababahala o di kaya ay hindi na nila makontrol ang mga kaganapang hindi naman talaga dapat mangyari.

Kitang-kita kasi ng lahat na mayroong anomalyang nangyayari lalo na nitong gabi lamang na tila ba hindi isang magandang senyales lalo na at karamihan sa kanila ay mayroong labis na kuryusidad o pagtataka kaya nga naging posible ang malaking pagpupulong na ito upang mabigyang-linaw ang mga bagay-bagay na dapat nilang talakayin o pag-usapan.

"Hindi ko aakalaing pagkatapos ng nangyari nitong nakaraang mga buwan ay mukhang sunod-sunod na ang dagok na kinakaharap ng pagsasamahan ng apat na kaharian maging ng atng Dou City. Nakalabahala ang ganitong pangyayari." Sambit ng isang lalaking opisyales ng Dou City. Balbas-sarado ito at mayroon itong hinihit na tabako sa bibig nito. Halatang mahilig itong manabako ngunit may suot itong jade mask na hapos takpan ang mukha nito liban na lamamg sa bibig nito at mga balbas.

"Alam natin iyon ngunit hindi iyon ang nakakabahalang nangyari ngayon. Ang nakakabahala ay ang misteryosong pagkalat ng nakakapanghilakbot na enerhiya kanina lamang. Hindi iyon simpleng bagay lamang. Ang enerhiyang iyon ay maaaring maging malaking banta sa atin!"seryosong pagkakawika naman ng isa pang eksperto habang makikitaan sa bises nito ang pag-aalala.

"Tama ka, nakaramdam ako ng pagkabahala roon. Someone just hold a power like that is actually a threat to us. Maaaring magdulot ito ng labis na pagkatakot sa lahat lalo na at hindi lingid sa kaalaman natin ang maaaring pagsiklab ng rebelyon!" Saad naman ng isa pang ekspertong tila malakas ang kutob nitong maaaring magdulot ng kaguluhan ito o magiging senyales ng rebelyong kinakatakutan ng lahat na mangyari muli.

"Yun ang hindi dapat na mangyari. Alam natin ang maaaring epekto nito sa lahat ng gawain ng Dou City lalo na sa mga pang-araw-araw na operasyon na ating ginagawa sa kaniya-kaniyang lugar kung saan tayo namumuhay." Turan ng isa pang martial arts expert na makikitaan ng pagkatakot sa boses nito lalo na sa kalagayan niyang ang mga tao ang bumubuhay sa kanilang sariling operasyon.

"Malaki ang mawawala sa atin lalo na sa salaping kikitain ng ating lungsod kapag lumaganap ang kaguluhan. Nakahanay ako sa mga negosyo kaya isa ako sa maaaring maapektuhan kapag nagpatuloy ang banta ng taga labas." Sambit naman ng isa pang ekspertong tila masasabing isang negosyante. Sa boses pa lamang nito ay halatang dismayado ito sa pag-exist ng mga kaguluhan sa iba't-ibang parte ng Sky Flame Kingdom maging ang banta mula sa labas ay kaniya ring pinapangambahan.

"Taga-labas? Bakit hindi nalang natin sabihing ang mismong Blood Skull Alliance ang may pakana ng lahat ng ito at ang Sky Flame Kingdom. Dapat sa Sky Flame Kingdom ay burahin sa mapa!" Walang kagatol-gatol na saad naman ng isang eksperto na halatang napaka-straightforward nito magsalita ng nasabing mga pangungusap.

"Tama, isama na ring burahin ang mga lupaing iyon tutal ay sila naman tala ang nag-umpisa ng gulo, tayo lang ang tatapos sa mga kahibangan nila!" Gigil na gigil na sambit ng isang eksperto sa malayong parte ng nasabing malaking silid na ito. Para sa kaniya ay dapat ng parusahan ang sinuamng nagpasimula ng gulo.

"Nag-iisip ba kayo ng malawak? Alam nating lahat na karatig-lupain lamang natin ang Blood Skull Alliance, maaaring tayo lamang ang unang maaapektuhan sa pagsalakay ng mga ito kung sakaling sumiklab ang kaguluhan sa Sky Flame Kingdom." Seryosong wika naman ng isa pang ekspertong nakakubli ang totoong anyo nito sa lahat. Halata kasing pinag-isipan nitong mabuti ang sasabihin nito alinsunod sa topikong pinag-uusapan nila.

"Sang-ayon ako sa katwiran niya. Tayo ang paunang depensa ng apat na kaharian. Sigurado akong magsisisi tayo kung sakaling sumali pa tayo sa sigalot ng apat na kaharian dahil kilala sa pagiging tuso at masama ang Blood Skull Alliance!" Turan naman ng isang eksperto na napatayo naman ito sa kaniyang sariling upian. Sinusuportahan niya ang ganitong ideya lalo na at nakikita niyang isa itong positibong suhestiyon galing sa kapwa niya eksperto.

"Hindi na rin kataka-takang kumikilos na ang mga ito upang guluhin ang apat na kaharian. Lumabas sa matinding imbestigasyon ang abnormal na aktibidad sa loob ng Sky Flame Kingdom ngunit hindi naman ito nangangahulugang sila ang nagpasimula dahil wala tayong matibay na ebidensiya." Sambit ng malumanay na boses na masasabi mong isang babaeng martial arts expert ito. Mahihimigang hindi ito sang-ayon sa maaaring gagawing hakbang ng Dou City sa Sky Flame Kingdom na wala namang matibay na ebidensiyang ito ang nagpasimuno ng lahat ng mga suliraning kinakaharap ng apat na kaharian at ng Dou City.

"Hmmm... Di ba natin maaaring sugpuin ang Sky Flame Kingdom? Alam naman nating sila ang pinaka-suspiscious sa lahat. Masyado ata nilang inaabuso ang kalayaang meron sila!" Wika ng matinis na boses na halatang inis na inis ito habang sinasabi ang mga katagang ito. Para rito ay masyadong inaabuso ng mga ito ang mga bagay-bagay na malayang gawin ang Sky Flame Kingdom kaya nangyari ang mga bagay na dapat ay hindi nangyayari sa kasalukuyan.

"Tama, mga walang disiplina ang mga tao roon at karamihan sa mga ito ay duwag at mahihina sa pakikipaglaban kaya nga kahit simpleng mga laban lamang ay hindi nila maprotektahan ang mga sarili nila!" Tugon naman ng isang eksperto. Mukhang pumunta ito at nag-obserba sa mga mamamayan ng Sky Flame Kingdom lalo na nitong sumiklab ang mga kaguluhan sa nasabing kaharian.

"Mukhang hindi kayo nakarinig ng balita mula sa Sky Flame Kingdom ah? Umuwi na ang lider ng hukbong sandatan ng kahariang ito, naalala niyo pa ba si Prince Nianzu?!" Serysong saad naman ng isa pang ekspertong nagsalita kanina. Halatang gusto nitong ibahin ang usapang maaaring magpalala ng atmospera sa loob. Di naman kasi magandang tingnan na sila pa ang nag-aalitan.