webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 430

BANG! BANG!

Kasalukuyang nagsasanay ang batang si Li Xiaolong habang marami rin ang mga batang nagsasanay sa loob ng malawak na cultivation ground ng Green Valley.

Talagang hindi maipagkakailang ang mga bagay-bagay ay tila ba nagawan niya ng pamamaraan upang mailigtas niya ang mga mamamayan ng Green Martial Valley Union mula sa kamay ng mga nanggugulo sa loob ng Sky Flame Kingdom.

Tatlong araw na ang nakakalipas ng mamalagi na ang dalawang estudyante galing sa Vermilion City na si Mèng Shuchun at Cháng Shan na ngayon ay masugid na nagcucultivate na rin kasama nila.

Nalaman niyang tatlong buwan ang palugit ng misyon nila sa pagpunta nila sa loob ng Dou City at sa apat pang kaharian upang hanapin ang anak ng isang mataas na opisyales ng Vermilion City. Tikom ang bbibig ng matipunong binata na si Cháng Shan ukol dito at pawang sumusunod lamang ito sa ipinag-uutos sa kaniya ni Mèng Shuchun. Wala ding magagawa ang mga ito kung sakaling mabigo sila o hindi sapagkat normal lamang iyon.

Ang tanging alam ni Cháng Shan ay patay na raw ang anak ng mataas na opisyales na ipinagkatiwala sa ama ng bata na ang mismong kasalukuyang patriarch ng Yì Clan ayon na rin sa nasaganap ng mga ito na balita mula sa Dou City.

Hindi naman alam ni Li Xiaolong kung bakit sila pa ang ipinadala ngunit alam niyang wala siyang paki sa maaaring sigalot na dulot nito. Kailangan niya lang ng panahon upang lumakas pa lalo. Nagpapatunay lamang na higit na malalakas ang mga martial arts experts mula sa labas kaya kailangan niyang pag-igihan ang pagpapataas ng Cultivation Level niya maging ang lakas niya sa pakikipaglaban lalo na kung sa mismong mapanganib na engkwentro mula sa mga malalakas na nilalang.

Wala naman siyang problema sa mga ito at malaking pabor pa nga ang pagtuloy nila rito. Kahit ang lalaking estranghero na si Cháng Shan ay malakas din ito lalo na at nasa Early Purple Heart Realm na ito ngunit kumpara sa lakas ng isang Peak Purple Heart Realm ay masyado itong mahina kaya alam mo na kung sino ang lider sa mismong misyong ginampanan nila ar sino ang nagsisilbing alalay lamang.

Tatlong Thunder Type Dragon Veins ang nilagay ng batang si Li Xiaolong sa tatlong magkakaibang direksyon upang mas mapalawak at masakop lahat ng lupain ng Green Valley sa pagkakaroon ng mayamang natural na enerhiya ng mundong ito o sa simpleng salita ay Qi.

Nagimbal naman ang dalawang estranghero sa kanilang nalaman lalo na at kahit sa pamamalagi nila ay malaki ang naitulong nito sa kanilang katawan kaya hindi na rin sila nagreklamo pa na dito mamalagi. Libre na nga ay maganda din ang pakikitungo sa kanila ng maliit na pook na ito.

Dahil na rin dito ay naging special guests sila ng Green Valley. Sa loob ng pamamalagi nila ay pansamantalang magiging miyembro sila ng Green Martial Valley Union lalo na at saksi sila sa nangyayaring gulo sa mga lugar na sakop ng Sky Flame Kingdom.

Ang matinding panganib talaga ay nalalapit ng mas sumiklab pa lalo na sa mga araw na ito.

BANG!

Isang malakas na pagsabog ng magic flare sa ere ang narinig ng lahat lalo na ang bago pa lamang na nagpapahinga na si Li Xiaolong.

Kitang-kita niya ang malaking kulay pulang ilaw sa ere na kung hindi siya nagkakamali ay isa iyong senyales ng masamang balita.

Lahat ng mamamayan ng Green Valley ay kailangang pumunta sa pangunahing cultivation ground upang doon magtipon-tipon.

Hindi naman nag-aksaya ng oras ang batang si Li Xiaolong at naglakad na ng mabilis patungo sa nasabing lugar kung saan mismo nagpaputok ng magic flare.

Sa kaniyang paglalakad patungo roon ay napansin ng batang si Li Xiaolong na marami rin ang nauna sa kaniyang maglakad. Halos lahat ay mayroong balisa at nagtatakang mukha. Ang mga nasa unaahn niya ay tila malakas na nag-uusap lalo na ang grupo ng mga kabataang higit na nakakatanda sa kaniya.

"Kinakabahan ako sa magic flare na ipinaputok sa ere. Diba ay dapat sa importateng okasyon lamang iyon ginagamit?"

"Oo nga, maging ako ay hindi na rin alam ang aking gagawin lalo na at mukhang mayroong mga nangyayari na hindi natin alam."

"Sabagay, ano lang naman ang papel natin hindi ba? Napakaliit lamang ng ating lupain kumpara sa kabuuang lupain ng Sky Flame Kingdom."

"Wag tayong magpakampante, tsaka isa pa ay baka hindi naman iyon gaanong kaimportante siguro."

"O baka naman aksidenteng ipinutok ang Magic flare hindi ba? Baka false alarm lang iyon."

"Maaari nga. Ngunit kailangan pa rin nating pumunta roon upang makumpirma ang ating mga katanungan sa ating mga isip."

"Tama ka. Bilisan na natin!"

Iyon lamang ang narinig ng batang si Li Xiaolong at halos makikitang nagsiunahan ang mga itong tumakbo papunta sa pangunahing cultivation ground ng Green Martial Valley Union.

Kaya pala hindi niya ito masyadong kilala dahil magkakaibang mga angkan pala ito ng noo'y katabi lamang ng Green Valley. Napangiti na lamang siya. Hindi niya aakalaing marami pala talagang nakinabang sa naging ambag niya sa Li Clan ngunit wala siyang pakialam kung hindi man siya marecognize ng mga ito, ang importante ay okay na ang mga ito.

Medyo na-guilty pa rin siya dahil kung naging maagap lamang siya ay nailigtas niya pa sana ang iba pang mga Clan Chiefs noon ngunit wala pa siyang malaking salapi noon pero atleast, he even tried to compensate it without a need of giving back to himself.

...

Sa loob ng Golden Page Artifact...

Magkasalubong ang mukha ng magandang babaeng si Mèng Shuchun habang pinapanood ang isang tila malaking screen sa ere. Hindi niya aakalaing sa loob ng tatlong araw ay nakita niya kung paano gamitin ng batang yagit na nagngangalang Li Xiaolong ang kaniyang sariling presensya lalo na ang maimong aktuwal na katawan niya upang linlangin ang pesteng kasamahan niyang si Cháng Shan.

Given na hindi sila close nito at sunud-sunuran sa kaniya ay nagmumukha itong walang alam sa nangyayari sa kaniya. Na siya itong nakakulong habang makikitang may kumukontrol sa kaniyang sariling isipan.

Nakikita niya ang mga bagay na nangyayari sa aktuwal na katawan niya dahil na rin sa pambihirang Vermilion Eye na meron siya.Tanging siya lamang ang nakakakita ng tila malaking screen dahil ang totoo ay projection lamang ito ng espesyal niyang abilidad sa

mata.

Pero kahit na yamot na yamot ito ay masasabi niyang mabuti talaga ang loob ng batang nagngangalang Li Xiaolong. Ang hindi niya lamang maintindihan ay kung bakit siya nito ikinulong sa kakaibang lugar na ito.

Sa loob ng tatlong araw na ito ay hindi niya aakalaing hindi pa rin siya makalabas sa pesteng lugar na ito. Sinubukan niyang magsagawa ng mga pambihirang martial arts skills upang puntiryahin ang mga lugar na naririto lalo na sa bandang itaas na bahagi ng lugar na ito ay wala pa ring nangyayari. Sinubukan niyang gumawa ng mga pinakamalalakas na atake ay tila ba naglalaho na lamang ito na parang bula. O di kaya ay kahit na tumama ito sa mga bagay-bagay ay wala man lang makikitang gasgas man lang o crack sa mga tinatamaan niyang lugar lalo na sa mismong pabilog na platform na kinaroroonan niya sa kasalukuyan.

"Buwiset kang bata ka, pag ako ay makakalabas dito ay le-letchonin kita ng buhay!" Sambit ng magandang babaeng si Mèng Shuchun habang mabilis na lumabas ang nakakapasong init ng lumalagablab na apoy. Halatang gusto na nitong magwala ng magwala para lang makahanap ng paraan upang makalabas sa lugar na nag-iisa lamang siya.