webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 418

"Hehehe... Hindi ko aakalaing ang lakas ng loob mong bantaan ako. Hindi mo ba ko nakikilala bata?!" Nakangising demonyong saad ng nasabing nilalang na mayroong kakaiba sa kaliwang kamay nito.

"Hindi at wala akong pakialam kung anuman o sino ka man!" Seryosong saad ni Jīn Shen habang makikitang nakatingin ito ng matiim sa nasabing nilalang. Alam nilang hindi siya magpapaapi sa sinumang estranghero lalo na sa mga nanghahamak sa kanila.

"Talaga ba? Hindi mo naman siguro gugustuhing mapaslang ko ang mga kapatid mo gamit lamang ang abilidad kong kitlan ng buhay ang mga ito hindi ba?!" Puno ng pagbabantang sambit ng nasabing nilalang habang makikitang tila may kung anumang likidong tumutulo sa kaliwang kamay nito na sa unang tingin pa lamang ay alam naman na naglalaman ito ng nakamamatay na bagay.

Pssh! Pshh! Pssh!

Nagsilaglagan naman ang nasabing patak ng likido sa lupang nanggagaling mismo sa kamay ng nasabing nilalang. Hindi maipagkakailang hindi magpapatalo ang nasabing nilalang na ito o magpapasindak lamang sa banta ng nasabing lider ng Blade Brothers na si Jīn Shen. Gusto niyang ipakita ritong ito dapat ang umatras at manatili lamang sa kung ano ang lagay nito kung hindi ay hindi nito magugustuhan ang mangyayari sa kapatid nito maging sa isa pa nitong kapatid.

Mabilis na nagkatinginan ang magkapatid na Jīn Yun at Jīn Shen na wari'y nag-uusap ang mga ito gamit ang kanilang mga mata at tila nagkakaunawaan pa.

Napalingon na lamang sila sa nakababatang kapatid nila na hindi kumikibo. As if he is thinking deeply about the situation they are in.

Unti-unting ibinaba ni Jīn Shen ang mahabang espadang hawak-hawak niya maging ang kapatid niyang si Jīn Yun ay ibinaba na rin ang depensang tandang hindi na ito manlalaban pa. Alam niyang hindi niya maramdaman ang lebel ng cultivation ng nasabing nilalang na ilang metro lamang ang layo mula sa kanila. Malamang ay higit itong malakas sa kanila kumpara sa kasalukuyang lebel ng cultivation nila. They are no standing to fight their enemies.

Sa kabilang banda naman ay ramdam niya rin ang lakas ng isang dambuhalang halimaw na maihahalintulad sa isang paniki ngunit kakaiba talaga ito. Mabangis at nagngangalit ang bagsik sa bawat atakeng ginagawa nito sa nasabing dambuhalang bulaklak na nasa kalupaan.

"Ano'ng kailangan mo? Naririto ka ba upang guluhin kami sa panggagalugad namin sa lugar na ito?" Puno ng kaseryosohang sambit ni Jīn Shen. Hindi niya pinairal ang takot niya bagkus ay nilakasan niya pa ang loob niya.

Alam niyang sa harap ng isang nilalang at lalong-lalo na ng eksperto ay mistulang isa lamang siyang langgam rito at mas lalong wala siyang lakas upang makaligtas kung sakaling paslangin silang magkakapatid ng mga ito.

Ngunit isang hindi inaasahang nilalang muli ang bigla na lamang lumitaw mula sa likuran ng nasabing nilalang na may kakaibang kaliwang kamay.

Nakasuot ito ng isang jade mask at mayroong madilim na aurang nakapalibot rito na sa wari nilang magkakapatid ay natural na lamang ito sa nasabing nilalang.

"Sinabi ko naman sa iyo na wag mong sindakin ang tatlong batang iyan. Naku naman Poison Finger, kapag nainis ako sa'yo ay may kalalagyan ka sa akin." Seryoso ngunit may mapagbantang tono ng pananalita sa boses ng nasabing bagong sulpot lamang din na nilalang. Hinawakan pa nito ang balikat ng tila kilala rin nito na nagbanta sa magkapatid.

Sinamaan naman ng tingin ng nasabing nilalang na tinawag ng nakamaskarang nilalang na "Poison Finger" ang nakausap ng Blade Brothers. Halatang pinapakita nitong ayaw nitong ipagsabi ng magkapatid ang ginawa nitong kabulastugan sa mga ito.

"Hindi ko pinagbantaan ang mga iyan hindi ba? Ganon ako kabait sa mga nilalang na ipinagkatiwala mo sa akin, Pinuno." Puno ng paggalang na saad ng nasabing tinatawag na Poison Finger. Talagang mahahalata mo kung sino ang superior or boss sa mga ito. Halatang inferior talaga ito sa paraan ng pakikipag-usap niya rito sa bagong dating lamang na nakamaskarang nilalang.

"Tama, hindi niya kami pinagbantaan. Nagkausap pa nga kaming ililibre niya kami ng mga bagay na gusto namin kapag nagkaoras siya." Seryosong saad ng nasabing lider ng Blade Brothers na si Jīn Shen. Halatang gusto nitong pagtripan at makaganti sa pang-aapi ng pesteng nilalang na Poison Finger na ito sa kanilang magkakapatid. Total ay hawak sila sa leeg ng dalawang nilalang na ito ay kailangan niyang sumunod sa agos ng buhay na ito.

Tiningnan naman siya ng seryoso ng nasabing bagong salta lamang na nilalang na tinawag na "Pinuno" ng nilalang na may misteryosong kamay. Hindi naman nagpatalo si Jīn Shen at matiim na tiningnan rin ang nasabing pinuno.

Sa huli ay kumbinsido rin ang naka-jade mask na nilalang. Halatang wala siyang nakitang senyales ng pagsisinungaling na siyang ikinaluwag naman sa loob-loob ni Jīn Shen.

Parang anytime kasi ay mangangain o papaslang ito ng tao sa asta ng bagong dating lamang na nilalang na nakamaskara.

"Hindi ko aakalaing napakagalante mo pala Poison Finger, talagang pinahanga mo ako sa galing mong kumausap ng mga nilalang na nasa paligid natin." Tila proud at natutuwa ang loob ng bagong dating lamang na nilalang. Makikitang hindi ito nadisappoint bagkus ay kumbinsido ito na magagawa ng inatasan nitong si Poison Finger ang mga bagay na gusto nitong mangyari.

"Ako pa ba Pinuno, lahat ng pinapagawa mo ay maayos kung nagagawa. Hindi mo maikukumpara sa limang pesteng nilalang na iyon!" Pagmamayabang na saad ni Poison Finger sa boss nito halatang pinapatamaan ang kung sinumang nilalang na gusto nitong patamaan ng mga katagang ito.

Napalakpak naman ang nasabing nakasuot ng maskarang nilalang at mabilis na nagwika.

"Magaling, magaling, magaling, tunay ngang tama lamang ako ng desisyon na personal kang isama kaysa sa limang gunggong na iyon. Mga walang modo ang mga iyon at tila ba bakasyon ang tingin nila sa lugar na gusto kung puntahan hmmp!" Seryosong saad ng nasabing nakamaskarang nilalang habang makikitang hindi rin ito natutuwa sa pinag-uusapan nilang nilalang.

"Malamang Pinuno ay gusto nilang pumapel sa pesteng karibal mo hmmp!" Sambit ni Poison Finger habang makikitang may inis rin itong nararamdaman habang sinasabi ang mga bagay na ito.

"Sinabi mo pa. Ngunit kailangan na nating lisanin ang lugar na ito. Ayoko ng pag-usapan pa ang mga bagay na ito dahil kumukulo lamang ang dugo ko kapag pumapasok na naman ang mga senaryong pilit kong binabaon!" Seryosong saad ng nasabing nakamaskarang nilalang.

"Masusunod Pinuno." Magalang na tugon ni Poison Finger sa nakamaskarang nilalang.