webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 413

"Pero hindi ito ang pinagkasunduan natin boss hindi ba? Alam mong iba ang usapan natin nitong nakaraan." Nagpipigil ng inis na saad ng lider ng White Falcon Gang. He clearly understand what they negotiate about last time. Wala sa usapan nila ang bagay na pinagsasabi ng boss niya sa kasalukuyan.

"Pwes ako ang masusunod, kuha mo. Gawin mo na lamang ang sinasabi at pinapagawa ko sa iyo." Puno ng awtoridad na saad ng nasabing nakaupong nilalang sa isang may kalakihang silya sa silid na ito.

"Pero Boss, alam nating pareho na hindi iyon ang napag-usapan natin. At nahalughog ko na ang buong kagubatan ngunit wala ito. Ano ang maaari kong gawin kung hindi ko ito mahanap doon?!" Puno ng pagkabahalang sambit ng Lider ng White Falcon Gang. Tila may bakas ng takot sa boses nito. He didn't know how to handle this situation lalo na at hindi niya alam kung paano mahahanap ang pesteng nakalaban niyang ito. Ginawa niya naman ang lahat ngunit ito pa rin ang naging resulta.

"Walang pero pero kung ayaw mong malintikan sakin. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin." Puno ng pagbabantang wika ng nakaupong nilalang habang matiim itong nakatingin sa nasabing lider ng White Falcon Gang. Tila ba hindi ito natutuwa sa mga rason ng nasabing lider ng gang.

Wala namang nagawa ang nasabing lider ng White Falcon Gang kung hindi ang hindi bukal sa loob na sumang-ayon sa nasabing boss niya. Alam niyang wala siyang magagawa kundi ang gumawa ng mga hakbang upang masolusyunan ang problemang kinakaharap nito.

Sino ba naman ang tutol diba? Hawak siya ng leeg nito kaya ang pagtutol ay isang maling desisyon.

"Masusunod boss. Sisikapin kong maging mahanap ng buhay ang nilalang na pinapahanap mo." Sambit ng nasabing lider ng White Falcon Gang na labas sa ilong ang pagsang-ayon ngunit di niya ipinapakita ito dahil siya rin ang mapapasama sa huli.

"Mabuti at sumang-ayon ka na. Kung kailangan niyong galugarin ang pinakapusod ng gubat ay gagawin niyo. Huwag kang mag-alala dahil magpapadala ako ng mas maraming malalakas na eksperto upang tuluyan niyong mapalabas ang pesteng nilalang na iyon. Kung buhay pa ito magpahanggang ngayon sa loob ng pusod ng kagubatan ng Disenchanting Forest ay sigurado akong mahahanap niyo siya." Puno ng kumpiyansang turan ng nasabing nilalang na nakaupo habang nakatingin sa nasabing lider ng White Falcon Gang. Talagang makikitang pinagplanuhan niya itong mabuti.

Sa medyo may kadilimang silid na ito ay masasabing biglang naging magaan ang atmospera lalo na at sang-ayon sa dalawang panig ang nasabing kondisyong ito upang hulihin ang nasabing nilalang na siyang nakalaban mismo ng group ng White Falcon Gang at masasabi niyang isa itong malaking prebilihiyo at advantage sa kanila.

"Talaga po ba boss? Kung gayon ay hindi na ako tatanggi sa malaking tulong niyong ito. Mauna na ako boss." Puno ng kagalakang sambit muli ng lider ng White Falcon Gang. Malaking bagay ito para sa kaniya lalo pa at hindi na siya maaaring mangamba pa sa oras na magsimula silang haanpin ang pesteng nilalang na iyon sa pusod ng kagubatang ito.

Agad na sumenyas ang nasabing nilalang na nakaupo upang senyasang maaari ng umalis ang nasabing lider ng White Falcon Gang. Wala na rin siyang magagawa pa lalo na at maging siya ay pinapadali na rin ng nasabing nilalang na gustong ipahanap ang misteryosong nilalang na siyang nakalaban mismo ng White Falcon Gang at ng iba pang gang ngunit purong nagtamo ng pagkasawi ang mga ito sa kamay ng nasabing misteryosong nilalang.

...

Ilang araw lamang ang nakakalipas ay tinupad nga ng nasabing boss ng lider ng White Falcon Gang ang ipinangako nitong pagpapadala ng maraming mga eksperto upang galugarin ang pusod ng kagubatan ng Disenchanting Forest.

Kasalukuyan silang nakatipon-tipon sa isang lugar na malapit mismo sa bukana ng kagubatan. Dito kasi napagpasyahan nilang magtipon-tipon bago manggalugad sa loob ng Disenchanting Forest maging sa pinakapusod nito. Lahat kasi ng gagawin nilang aktibidad ngayon ay upnag tugisin at hulihin ang huling nakalaban ng mismong lider ng White Falcon Gang at ng iba pang mga bumagsak na gang.

Sa isang sulok ay nag-uusap ang group ng White Falcon Gang. Sa mga gang na mga tanyag ay halos sila lamang ang natira rito. Ang Bloodlust Gang maging ang Scarface Gang ay tuluyan na kasing nabura at natural na sila pa rin ang kasalukuyang nangunguna at mainit ang pangalan sa Chengdu Village. Halos lahat ay humahanga sa kanila but this is not what they are thinking about just like this. Kung susuriing mabuti, White Falcon Gang suffers from financial problems...

"Pinuno, bakit ganito ang kinahahantungan natin. Akala ko ba ay tapos na ang panggagalugad natin?!" Sambit ng isang miyembro nitong napakalaki ng katawan na animo'y wrestler. Bitbit nito sa balikat nito ang nasabing malaking espada. Masasbaing hindi pa rin nito matanggap na natakasan sila ng pesteng nilalang na nakalaban nila. Halatang nanggigigil na rin itong mahanap ang misteryosong nilalang na iyon upang makabawi man lang.

"Tama, masyado atang delikado kung manggagalugad tayo sa pusod ng kagubatan ng Disenchanting Forest. Alam mo naman boss kung gaanong laganap ang nasabing usap-usap patungkol sa sikreto ng pinakapusod ng kagubatang ito." Puno ng pangambang sambit ng batang si Li Xiaolong hinggil sa usaping ito. Malaki ang epekto ng noo'y sinubukang galugarin ng mga martial arts experts noon ang pinakapusod ng Disenchanting Forest maging ang mga nagkukwento nito ay bakas din ang takot lalo na at may katandaan din ang mga ito kaya talagang maniniwala't maniniwala talaga ang makakarinig nito.

"Hmmp! Ang duduwag niyo naman pero may punto kayo sa sinasabi niyo. Isinasaalang-alang ko din ang mga sinabi niyo sa akin. Halos ilang araw na rin nating nagalugad ang Disenchanting Forest ngunit hindi ang pinakasulok-sulukan nito. Kaya nga mayroon akong malaking surpresa na siyang isang magandang balita para sa atin." Sambit naman ng nasabing lider ng White Falcon Gang habang nakangisi ito ng malademonyo. Who knows how can they become more capable in the future at sigurado siyang kapag nagtagumpay ang misyon niyang ito para sa kinikilala niyang boss ay sigurado siyang gagantimpalaan siya nito ng malaking pabuya para sa nagawa niyang kontribusyon. Alam niyang galante ang boss niya kaya hindi siya rito mabibigo kung sakaling mangyari nga ang kaniyang sariling inaasahan.

Puno ng pagtatakang nakatingin namang sa kaniya ang dalawang alagad nito. Sa grupo ng gang nila ay sila na lamang tatlo ang natira. This will really a big step for them to continue to thrive. Their gang could be considered to be so small right now but they hope for a brighter future ahead of them.