webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 410

BANG! BANG! BANG!

Tatlong sunod-sunod na malalakas na pagsabog ang naganap sa isang parte ng masukal na kagubatan.

Nakatayo ang batang si Li Xiaolong sa isang tabi habang mayroong isang dambuhalang ahas ang matiim na nakatingin sa kaniya na animo'y gusto na siya nitong lapain mg buhay.

Naging alerto naman ang batang si Li Xiaolong lalo na at hindi ordinaryong magical beast ang kalaban niya. Ang dambuhalang ahas na ito ay tinatawag na Three Stripe Blood Snake. Ang katawan kasi ng nasabing dambuhalang ahas na ito ay mayroong tatlong kulay na puti, itim at pula. Kilala ang ahas na ito sa mapamuksang atake nito. It's skin is capable of gives off fires that even the leaves and everything its skin touches could lit a fire.

Nagulat nga siya na andito ito gayong hindi naman dapat. Ang Three Stripe Blood Snake ay nakatira sa mabato o mala-dirsyertong parte ng kagubatan kung saan may pinakamainit na temperatura dahil iyon ang kanilang natural na tirahan.

"Bakit nandito ang isang malaking halimaw na ito gayong hindi naman dapat." Paulit-ulit na tanong ang namutawi sa isipan ng batang si Li Xiaolong. Talagang ang mga bagay na ito ay hindi dapat isawalang-bahala dahil na rin sa mga maaaring mangyari sa sinumang naglalakbay p pagala-gala sa masukal na kagubatang ito. Masuwerte lamang siya at mataas ang cultivation level niya kung hindi ay baka ano na ang nangyari sa kaniya.

PUAH! PUAH! PUAH!

Mabilis na dunura ng sunod-sunod ang Three Stripe Blood Snake ng pulang likido patungo sa gawi ng batang si Li Xiaolong. Hindi maipagkakailang tila kakaiba ang kilos ng dambuhalang halimaw na ito.

BANG! BANG! BANG!

Mabilis namang tumalon ng sunod-sunod ang batang si Li Xiaolong upang maiwasan ang sunod-sunod na atakeng pinakawalan ng kalaban niya. This is really not fun after all.

Kung nagkamali lamang siya ng pagtalon at natamaan siya ng pulang likidong dinura ng nasabing halimaw na Three Stripe Blood Snake ay malamang ay mawawala sa isang iglap lamang ang parte ng katawan niyang matatamaan nito.

Mala-asido kasi iyon na sobrang init ang pulang likidong dinudura nito. Gawa iyon sa concentrated na klase ng fire essence pero mabilis na mawawala ang liquid form nito at maya-maya lamang ay titigas na ito sa kung saan mang bagay ito tatama.

Hindi naman papayag ang batang si Li Xiaolong na madehado siya sa sagupaang ito kaya mabilis na nagmaterialize sa kanang kamay niya ang isang mahabang metal chains. Walang ano-ano pa ay mabilis na sinuong niya ang pagitan niya sa Three Stripe Blood Snake.

PAH! PAH! PAH!

Tatlong malalakas na paghampas sa katawan ng Three Stripe Blood Snake ang ginawa ng batang si Li Xiaolong upang pinsalain ang katawan ng nasabing dambuhalang halimaw na ahas.

Shrieekk! Shrieekk! Shrieekk!

Mabilis na umatungal ng malakas ang Three Stripe Blood Snake dahil tatlong malaking hulma ng pagkalatigo ng batang si Li Xiaolong sa katawan nito na siyang medyo nangitim.

Whoosh!

Makikitang tila nagalit ang dambuhalang halimaw na ahas sa ginawang ito ng batnag si Li Xiaolong at walang ano-ano pa ay bigla na lamang nitong iginalaw ang matulis nitong buntot patungo sa kinaroroonan ng batang si Li Xiaolong.

BANG!

Sa bilis ng pangyayaring ito ay huli na upang makaiwas pa si Li Xiaolong at mabilis itong tumalsik sa malayo.

Kitang-kita kung paano walang habas na tumilapon ang murang katawan ni Xiaolong.

Pero mabuti na lamang at mabilis na naibalanse ng batang si Li Xiaolong ang kaniyang sariling katawan sa pamamagitan ng pagpapagaan nito ng sarili at pagwasiwas niya ng metal chains. Agad na nakatukod ang kamay niya sa babagsakan niya sanang malapad na puno dahilan para maaberya ang tatamuhin niya sanang pinsala.

Agad na ginamit niya nag pagkakataong ito upang sugurin ang halimaw na papalapit rin sa pwesto niya. There's no way na hahayaan siya nitong makalayo lalo na at mukhang alam niya na ang amoy nito na siyang bibiktimahin niya.

Hindi sukat aakalain ni Li Xiaolong na masyadong agresibo ang halimaw na ito. Masasabi niyang malakas nga ito.

Ilang segundo lamang ang nakakalipas at muling nagkaharap si Li Xiaolong sa dambuhalang halimaw na ahas. Tila ba walang gustong magpaawat kaya nakikiramdam naman silang pareho sa isa't-isa.

Agad na nakita ng batang si Li Xiaolong ang tila nangitim na parte ng katawan ng halimaw. Alam niyang napinsala niya ang balat nito kaya gusto niyang subukang muling pinsalain ito hangga't kaya niya.

Sa pamamagitan ng metal chains niya ay mabilis siyang nag-cast ng skill.

Skill: Metal Chain Wreck!

Agad na nagliwanag ang metal na kadenang hawak ng batang si Li Xiaolong at mabilis itong humaba habang mabilis na makikitang tila umaapoy ito.

Walang pag-aalinlangang nilatigo niya ang katawan ng dambuhalang halimaw na ahas na hindi siya tinitigilang habulin nito.

PAH! PAH! PAH!

Magkasunod-sunod na umalingawngaw ang tunog ng pagkakatama ng batang si Li Xiaolong sa balat ng halimaw kung saan ay mabilis na tumilamsik ang nangabasak nitong kaliskis na siyang pangunahing depensa ng Three Stripe Blood Snake.

SHRRRIEEEEECCCKKKLK!

Tila umatungal naman ng malakas ang nasabing dambuhalang ahas habang mabilis na ipinulupot ng batang si Li Xiaolong ang bahagi ng kaniyang metal chains rito.

HOO! HOO! HOO!

Rinig na rinig sa lugar na ito ang pagkakaipit ng katawan ng halimaw sa mahabang metal chains na nagsisilbing tali upang di makawala ang nasabing halimaw.

Pilit namang hinahawakan ng mahigpit ng batang si Li Xiaolong ang nasabing halimaw na ito.

It's a rare opportunity ito para sa kaniya lalo na ang malaking nilalang na ito na Three Stripe Blood Snake na ito.

Nilalabanan niya ito not because of the danger it can cause but something more to it. He is a Xiantian Realm Expert and having no mount means it's a lot of trouble in land while venturing into something.

Mabilis na gumawa ng kakaibang runes ang batang si Li Xiaolong sa ere at lumitaw ang kakaibang mga simbolo sa loob ng parihabang hugis. Ito ay walang iba kundi ang soul contract sa dambuhalang halimaw na ito.

Kahit nagpupumiglas pa ang nasabing halimaw ay mabilis niyang isinagawa ang proseso upang gawing mount ang Three Stripe Blood Snake na ito.

BAM!

Mabilis na nag-iba ang paligid ng batang si Li Xiaolong at nakita niya lamang ang sarili niya sa isang kakaibang lugar na sa loob ng consciousness niya.