webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 405

Nagkaroon ng matinding sigawan sa ilalim kung saan naroroon ang mga taong nakasaksi sa labanang ito. Nagustuhan nila ang pangyayaring ito patungkol sa pesteng lider ng Scarface Gang at sa kalaban nito.

"Woohoo, hindi ko aakalaing napakabagsik pala ng galaw ng lider ng Scarface Gang!"

"Malamang ay gagawa ng hakbang ang lider ng Scarface Gang na idispatya ang kalaban niya sa pamamagitan nito!"

"Talo na siya sa labanang ito. Sa tindi ba naman ng pinsalang natamo nito ay siguradong matatalo na talaga siya sa labanang ito."

"Tsk! Kala ko ay mananalo na ang pesteng lider ng Scarface Gang pero puro lang pala yabang ang pesteng lider na yan!"

"Nakahanap na ng katapat ang lider ng Scarface Gang Buti nga sa ganid na lider ng Gang na yan!"

"Sinabi mo pa. Una pa lamang ay alam kong ang kalaban nito ang mananalo!"

"Ako rin, tumahimik lamang ako kanina kasi ayaw kong makipag-argumento."

"Malamang ay ayaw natin magkaaway-away tayo rito noh."

"Bilib talaga ako sa kalaban ng pesteng lider ng Scarface Gang!"

"Nawakasan na rin ang paghahari-harian ng lider ng Scarface Gang at ng mga ulupong nitong miyembro!"

Puno ng negatibong pahayag naman ang binabato ng mga publikong saksi sa labanang ito. Anlakas ng loob nilang batuhin ng masasakit na salita dahil alam nilang wala ng pagkakataon ang lider ng Scarface Gang na manalo sa labanang ito upang mabawi pa ang natamo nitong tagumpay noon.

Nanlalaki ang pares ng mga mata ng batang si Li Xiaolong habang nakatunghay sa direksyon ng kaniyang sariling kalaban. Masasabi kasing hindi niya aakalaing magiging suicidal ang nilalang na ito na isang kilalang lider ng Scarface Gang habang papunta ito sa direksyon niya.

Ngunit napangisi na lamang siya ng malademonyo nang may mapansing kakaiba sa paligid.

Lumiwanag ang buong katawan ng nasabing lider ng Scarface Gang. Mabilis itong nagperform ng mga handseal. Nakangisi pa ito ng malademonyo habang nakatingin sa direksyon ng batang si Li Xiaolong.

Nang makita nitong nakatayo lamang ito sa ere habang wala itong balak na pigilan siya ay mas lalong nagpasiklab ng damdamin niya na isama ito sa kamatayan. Total ay malapit na rin siyang mamatay ay isasama na nito ang pesteng nilalang na ito sa kabilang buhay. Wala na ring saysay pa para sa kaniya ang buhay niyang ito because he knows that after this fight he could no longer cultivate.

Ngunit bago pa maisagawa ng lider ng Scarface Gang ang huling hakbang upang magself-destruct siya ay nakita na lamang ng batang si Li Xiaolong kung paano tumusok at tumagos ang isang mahabang parte ng matulis na espada sa kaliwang dibdib ng lider ng Scarface Gang.

POOOF!

Lumitaw ang isang nakaitim na nilalang sa likod ng lider ng Scarface Gang na siyang pumigil at sumaksak sa bandang puso nito.

Arrrggghhh!

Isang malakas na sigaw ng palahaw ang pinakawalan ng lider ng Scarface Gang at mabilis din itong binawian ng buhay.

Wala ng buhay itong binitawan at simpleng nilaglag ng nakaitim na kasuotang nilalang.

BANG!

Nagulat naman ang lahat ng saksi sa labanang ito. Hindi nila aakalaing sa huling pagkakataon ay nabigo ang nasabing lider ng Scarface Gang na isagawa ang huling plano nito na magself-destruct.

Napakabilis ng pangyayaring ito. There's no one else could see that creature that he see for a while. Parang anino lamang ito ngunit tandang-tanda niya ang hugis ng pangangatawan ng nilalang na iyon. Hindi siya nagkakamaling isa itong assassin na siyang pumigil at pumaslang sa lider ng Scarface Gang.

Nakita niyang mabilis ang galaw nitong lumipad palayo na hindi pansin ng ibang mga saksi sa labanang ito na may hinahabol siya.

Sa bilis ba naman ng pangyayari ay aakalain lamang ng iba na siya ang may gawa nun. Such a bizarre speed one could actually be fooled by it.

Napangisi na lamang ng malademonyo ang batang si Li Xiaolong habang nakatingin sa direksyon ng nilalang na may gawa sa tukuyang pagkamatay ng lider ng Scarface Gang. His instinct says that he must capture the assassin, hindi pa kasi niya alam kung sino ang may pasimuno ng paghahanap sa kaniya ng kalaban niya dito sa Chengdu Village.

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at mabilis na sinundan ang direksyon ng papalayong assassin. He needs to find the truth or else he will doom to more problems in the future. Baka dahil sa nakapaloob sa katawan niya na mapamuksang apoy ng Golden Fire Crow na maituturing na nagtataglay ng evil fire. Even an ashes cannot be seen if this beast die.

Agad na pinawala ng batang si Li Xiaolong ang Xiantian Sword Needle niya at mabilis na nagmaterialize muli ang mahabang kadenang sandata niya.

Mabilis siyang nagsagawa ng panibagong Skill.

<Skill: Snake Capturing Chain!>

Agad na nagliwanag ang hawak na metal chain ng batang si Li Xiaolong at mabilis itong humaba patungo sa direksyon ng kalaban niya.

Nagmistulang pormang mahabang ahas ang metal chains at mabilis na hinahabol ang nasabing pambihirang nilalang na sobrnag bilis at liksi ang mfa galaw nito sa ere.

Huli na ng malaman ng assassin na sinusundan at nasundan siya ng batang si Li Xiaolong na siyang kalaban ng lider ng Scarface Gang.

Mabilis siyang nahagid at nahampas ng metal chains nang umiwas siya bago pa siyang mahuli sa bandang paa nito.

PAH!

Bumulusok papalayo ang nasabing assassin matapos itong magtamo ng pinsala sa bandang binti nito. Kung hindi dahil sa bilis at liksi ng reflexes nito ay siguradong nahuli na siya ng metal chains ng humahabol sa kaniya.

Bago pa muling makawasiwas ang batang si Li Xiaolong ng kaniyang sariling kadenang sandata muli ay mabilis niyang naramdaman ang papalapit na atake mula sa kaniyang sariling likuran.

BANG!

Malakas na napaatras ang batang si Li Xiaolong ng ilang metro at mabuti na lamang ay nailagay niya ang dalawang kamay niya nang humarap siya sa umatake sa kaniyang nilalang.

Pagkalingon niya sa direksyon kung saan niya huling namataan ang assassin na hinahabol niya ay nakita niyang wala na ito at hindi niya na mahagilap ang presensya nito sa lugar na ito.

Ngunit agad namang may nagsalita sa likuran niya na alam niyang ito rin ang dahilan kung bakit nabigo siyang hulihin ang pesteng nilalang na ito upang malaman ang katotohanan patungkol sa kung sino ang may pasimuno ng lahat ng kaguluhan sa pagpunta niya sa Chengdu Village. Hindi siya naniniwalang aksidente o co-incidence lamang ang lahat ng kaganapang ito.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Do you really think na ganon-ganon ka na lamang makakatakas sa ginawa mong gulo dito sa Chengdu Village? Dream on!" Puno ng pagbabantang saad ng isang nakaputing roba habang makikita ang labis na inis sa mukha nito.

Nakita niya rin sa hindi kalayuan ang paparating pang dalawang nilalang na may kaparehas din nitong kasuotan. Hindi niya matukoy kung anong klaseng simbolo ang nakaguhit sa mga roba ng mga ito.

Pero isa lang ang sigurado siya, hindi siya tatantanan ng tatlong nilalang na ito. There's no way na mahahabol kaagad siya ng mga nilalang na ito kanina unless they are powerful enough.

Napangisi naman ng malademonyo ang batang si Li Xiaolong. Talagang hindi niya aakalaing pagkatapos ng pangalawang insidente ay may susunod pa pala.