webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 398

BANG! BANG! BANG!

Sunod-sunod na pagsabog na lamang ang umalingawngaw sa lugar na ito sa parte ng Chengdu Village. Masasabing ang mga martial artists na naririto ay lumayo sa pinangyarihan ng gulo at labanang kasalukuyang nangyayari.

Lima laban sa isa, ito ang nasaksihan ng lahat lalo na at masasabing nagkainitan na talaga ang dalawang panig.

Hindi naman mapigilang ng lahat na mapasinghap.

Puro mga Middle Xiantian Realm ang apat na miyembro ng grupong ito na tinatawag na Scarface Gang. Samantalang ang lider nito ay tinatawag ay isang Late Xiantian Realm Expert na.

Li Xiaolong just think of it as not as good as he think of it lalo na at mukhang magkalebel lamang siya ng lakas sa mga ito maging ang lider nito ay hindi rin niya basta-bastang mapapatumba lamang.

Nakita niya naman ang mga martial artists na naririto na halos mga dayo na natutuwa sa pangyayaring ito. Narinig niya pa ang mga sigawan ng mga ito.

"Ang malas lang niya, napagtripan siya ng Scarface Gang."

"Tunay ngang hindi talaga naging mabuti sa kaniya ang pagpunta niya rito."

"Palibhasa ay dayo lamang ito, it would be better kung binigay niya na lamang ang mga dala nitong salapi para hindi siya madala sa bingit ng kapahamakan."

"Kay bago-bago eh lapitin ng gulo tsk!"

Ilan lamang ito sa mga naririnig niyang mga negatibong pahayag ng mga saksi sa kasalukuyan niyang laban nang maagaw ng pansin niya ang pagsalita muli ng mga kalaban niya.

"Kung hindi ka gagamit ng sandata o atake ay siguradong matatalo ka lamang. Iiwas-iwas ka lang, Talagang minamaliit mo kami hmmp!" Saad ng lider ng Scarface Gang habang mabilis nitong sinenyasan ang mga alagad nito na siyang ikinangisi rin ng mga ito.

Mabilis na iwinasiwas ng lider ng Scarface Gang ang malaking palakol na hawak nito. Kung paano ito lumiwanag habang tinatamaan ng sikat ng araw ay tandang napakatalim nito at bagong linis lamang. Ready to pierce a flesh na matatamaan nito.

Li Xiaolong prepared himself from upcoming attacks by those martial artists. Alam niyang hindi basta-basta ang Scarface Gang na ito. Alam niyang mahihirapan siya sa mga ito.

Nakita niya kung paano naglabas ng mga naghahabaan at naglalakihang mga espada ang mga alagad ng nasabing lider ng Scarface Gang.

Sabay-sabay na sumugod nag mga ito sa pwesto niya na animo'y mga mababangis na mga leong gusto siyang sakmalin.

Li Xiaolong began to make a move sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga atake ng kalaban niya.

BANG! BANG! BANG!

Nagkahati-hati at sumabog ang mga lupang tinatapakan ng batang si Li Xiaolong matapos niyang umatras papalayo mula rito. Kung nahuli lamang siya ng pagkakakilos upang umatras ay siguradong malaking hiwa at pinsala ang natamo ng batang si Li Xiaolong mula sa mga atake ng kalaban niya.

Nagulat na lamang siya ng bigla na lamang siyang sinugod muli ng mga miyembro ng Scarface Gang maging ang nasabing lider nito.

"Sumuko ka na. Amin na sabi ang mga salaping meron ka!" Puno ng pagbabantang turan ng miyembro ng Scarface Clan. Halatang may inis sa tono ng pananalita nito.

"Madali naman kasi kami kausap eh. Wag ka ng manlaban pa!" Paalala ng isa pang miyembro ng Scarface Gang. Para rito ay walang kabuluhan kung manlalaban pa ito kung sakali.

"Wala ka din magagawa kung manlaban ka pa dahil mapapasaamin di ang mga salaping tinatago mo sa iyong katawan!" Puno ng kumpiyansang saad ng isa pa. Talagang gusto nitong pagdiinan ang mga bagay na maaari niyang magamit upang lansiin ang kalaban nilang nag-iisa lamang.

"Hehe tiba-tiba tayo nito kung magkataon na marami itong tinatagong mga salapi!" Puno ng kumpiyansang sambit ng isa pang miyembro ng Scarface Gang. He is looking forward for his own part of benefits.

Tila nagkatinginan pa ang mga ito na masasabing may binabalak na namang hindi maganda.

Hindi nga siya nagkakamali nang sabay-sabay na nagcast ang apat na miyembro ng Scarface Gang ng pambihirang skill nito na siyang mabilis ng mga itong isinagawa.

<Sword Skill: Shattering Sword Waves!>

Isang malakas na enerhiya ang naramdaman ng lahat ng nakasaksi sa malayo. Talagang nagkaroon ng malaking distansya ang mga ito sa nasabing labanan.

They are really sure that this full robe man could really dodge those attacks from this attack of Scarface Gang.

Isang malakas na aura at pormasyon ng isang hugis espadang sandata ang bigla na lamang nagmaterialize kung saan ay lumipad ito sa ere. It does

Talagang makapigil hininga ang nasabing labanang ito.

Nakita nila kung paanong tumigil na lamang ang batang si Li Xiaolong sa gitna ng nasabing atakeng patungo sa kaniyang kinaroroonan.

Nagimbal at nahintatakutan ang mga nakasaksi sa labanang ito. Hindi nila inaasahan ang mga bagay na ito.

BANG!

Isang malaking pagsabog ang nangyari sa lugar na ito. Umalingawngaw ang napakalakas na pagsabog.

Napasinghap na lamang ang nakasaksi habang ang iba ay makikita ang labis na kagalakan. They are really rooting for Scarface Gang to succeed dahil iyon naman talaga ang palaging inaasahan nila. Scarface Gang is not to be trifled with lalo na at kilala ang mga ito sa loob ng Chengdu Village.

"Mabuti nga sa kaniya. He just act more than he can chew!"

"Sinabi mo pa, that kind of people will dig on his own grave!"

"Kawawang nilalang ngunit kasalanan niya rin yan!"

"Kay bago-bago dito pero antapang at ginawa pa nitong salungatin ang Scarface Gang!"

"Buti nga, yan ang klase ng nilalang na mapagmataas kaya hindi nito alam ang makakabuti sa kanya!"

Ito lamang ang mga iilan sa mga pahayag na maririnig sa lugar na ito.

Ngunit nagulat na lamang ang lahat ng makitang may isang pigura ng nilalang na unti-unting naaaninag na nakatayo sa kaninang pwesto nitong tinamaan.

Halos lahat ng mga taong kaninang sobrang maingay at nagbabato ng mga negatibong pahayag sa nilalang na siyang ang batang si Li Xiaolong ay halos manlaki ang mga mata nila. They can't utter a single word.

Labis ring nagulat at natulos sa kinatatayuan nila ang mga miyembro ng Scarface Gang lalo na ang mismong lider ng mga ito.

Hanggang sa nawala na ng tuluyan ang makapal na usok at bumungad sa kanila ang walang kahit na ano'ng galos itong nakuha sa nasabing pag-atake. Even the martial artists witnessing this kind of scenario is flabbergasted about it.