webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 395

Lumipas ang mga araw at kasalukuyang nandirito pa rin ang binatang prinsipeng si Lei sa loob ng Green Valley. Naging mahirap ang mga nagdaang araw sa kaniya lalo na at labis na nagalit si Elder Lee sa naabutan nitong senryo kung saan ay ang isang buong bahay nitong nagsisilbing tirahan at bahay-pagamutan nito ay nangangalahati na lamang ang parte nito.

Kaya nang nalaman nitong ang binatang prinsipeng si Lei ang may kinalaman at mismong may kagagawan nito ay labis itong nagalit.

Nangialam na nga rin ang mga matataas na opisyales ng Green Martial Valley Union sa usaping ito lalo na sa suliraning kinakaharap ni Prinsipe Lei. Alam na alam nila kung paano at gaano kahirap pakiusapan ang matandang manggagamot na ito lalo na kung hindi mo ito mapapakiusapan ng maayos.

Matigas ang puso nito at mas mahirap intindihin ang prinsipyong nilalakaran nito. Bugnutin at napakabilis nitong mainis, yan ang pagkakalarawan ng halos lahat ng mga nakakakilala sa matandang lalaking manggagamot na si Elder Lee.

Higit na mas matanda ito sa kahit na sinuman sa kanilang naririto at mas lalong wala itong kinakatakutan na iba pang nilalang na naririto kahit na ang Pinuno ng Green Martial Valley Union na si Li San ay walang nagawa sa kagustuhan ng matandang elder na ito considering na ito ang may ari ng pagamutan. Natural ay magagalit din talaga ang sinumang nilalang na sinira ang sariling tirahan nila noh.

Kaawa-awa si Prinsipe Lei dahil sa ginawa nito ay napilitan itong ito mismo ang magkumpuni ng mga sinira nitong mga gamit sa bahay ni Elder Lee. Araw-araw at buong magdamag itong nagtatrabaho rito sa pag-aayos without anyone's help. Siyempre this is the deal that Elder Lee and Green Martial Valley Union Leader Li San agreed para na rin matapos ang usapan. Walang tutulong rito upang maayos ang mga nasira.

...

Kasalukuyang nasa sentral na pamilihan ng Sky Flame Kingdom ang batang si Li Xiaolong. Gusto niyang magliwaliw muna lalo na at marami din siyang inasikaso nitong nakaraang mga araw. Bumili din sila noong nakaraang araw ng mga nasirang gamit ni Elder Lee. Buti na lamang at hindi galante ang matandang lalaking manggagamot na si Elder Lee kung hindi ay baka naubos na ang perang nasa kaniyang pangangalaga.

Hindi naman maaaring magulang niya ang sisingilin niya dahil unang-una ay siya mismo ang nagdala roon kay Prinsipe Lei sa Green Valley. Alangan namang sila pa ang sisisihin sa nangyari. Hindi niya man inaasahan ito pero kailangan niyang gawin ito. Sa lahat ba naman ng tirahan na sisirain ay sa matandang lalaking bugnuting manggagamot pa ito nanira ng mga ari-arian kaya kahit na gusto niyang tulungang kumpunihin ang bahay pagamutan nito ay hindi maaari.

Maya-maya pa ay nakita niyang tila nagkakagulo ang mga tao habang nagkukumpulan ang mga ito ilang metro lamang sa kaniya. Wari niya ay may mainit na pinag-uusapan naman ang mga ito.

Agad niyang nilapitan ang mga ito ng pasimple lamang. Halata rin niyang hindi lamang siya ang gustong makiusyuso sa lugar na ito.

"Hindi ko talaga aakalaing mayrooong kaguluhan ang nangyayari sa Sky Flame Kingdom at Sky Ice Kingdom. Biruin mo ba naman ang daming namatay na mga martial artists!"

"Kaya nga eh, masyado ng nagkaroon ng labis na kagimbal-gimbal na pangyayari nitong nakaraang mga araw. Sino kaya ang gumawa ng karima-rimarim na krimeng ito sa kanila?!"

"Mukhang may nanggugulo na naman sa katahimikan ng kaharian natin at sa pagitan ng Sky Ice Kingdom!"

"Haha... Mga pesteng Sky Ice Kingdom na yan, nagawa pang idamay ang nananahimik nating kaharian para lang sa mga personal nilang gusto. Nakakairita!"

"Kuta kasi yang Sky Ice Kingdom ng mga kriminal, gusto pa atang yurakan nito ang ating kaharian!"

"Basta ako, hindi talaga ako natutuwa sa Sky Ice Kingdom na yan!"

Ito lamang ang naririnig ng batang si Li Xiaolong habang pasimple din siyang tumalikod at naglakad palayo sa nagkukumpulang mga tao.

Nang makalayo na siya ay mabilis siyang umalis papalayo sa pamamagitan ng paglipad upang ikubli ang sarili sa makakapal na kaulapan sa langit.

Buti na lamang at naka-disguise siya. Ilang linggo na rin niyang nababalitaan ito. Sapat na rin ang nakalap niyang mga impormasyon.

Kung hindi siya nagkakamali sa pag-analisa ng mga bagay-bagay ay napagtanto niyang iisa rin pala ang tinutukoy nilang pumapaslang ng mga walang awang mabibiktima ng mga ito. Ito ay ang mga pagala-galang mga miyembro ng Blood Skull Alliance.

Ang lugar na pupuntahan niya ngayon ay ang Chengdu Village. Ito ay isang malaking bayan sa pagitan ng Sky Flame Kingdom at Sky Ice Kingdom. Isang delikadong lugar lalo na at halos dayo ang lahat ng mga dumadaan at namamalagi sa lugar na ito na ang mga awayan at kaguluhan ay naging normal na lamang.

Pinaniniwalaang andito namamalagi ang mga malalakas na grupo ng mga bandido maging ang pinakakuta ng mga takas ng mga kriminal. para kasing safe haven ng mga ito ang lugar na ito. Ang kasamaan nila ay paramg wala na lamang. Malapit lamang sa lugar na ito ang karumal-dumal na nangyaring insidente na binalita nitong nakaraang araw lamang.

Sa una ay parang normal lamang ito sa batang si Li Xiaolong pero to think na sunod-sunod na malawakang patayan ang nangyayari sa lugar na ito ay napapaisip siya na hindi na ito normal. This will be on a state of chaos lalo na at hindi lingid sa kaalaman niyang pinapasok ng pesteng Crowned Prince ang mga kasapi ng Blood Skull Alliance ay hindi gagawa ang mga ito ng mabuti. They are classified in a notorious killers and cannot control their lust on bloodsheds.

Kung magpapatuloy ito, sigurado siyang gagawa na ng hakbang ang dalawa pang kaharian ng Hollow Earth Kingdom at Wind Fury Kingdom para matigil ito. Or worst, this will trigger a war between kingdoms. Li Xiaolong together with the Green Martial Valley Union will suffer from the aftermath of War.

"Pesteng Crowned Prince. Sisiguraduhin kong babagsak ka sa huli at mapaparusahan ka sa kalapastanganan mo!" Puno ng inis na saad ng batang si Li Xiaolong. Talagang hindi pa rin nahuhuli sa akto ang Crowned Prince. Bawal din siyang mag-akusa sa mga bagay laban sa Crowned Prince without a proper and sufficient evidence dahil baka siya lang ang mapapasama sa huli kung ipipilit niya ang kagustuhan niya.