webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 387

"O saan ka naman nagpunta aking kapatid? Kanina pa kita hinahanap eh." Tanong ng binatang prinsipe na si Prinsipe Yaozu sa bagong dating na nakagintong roba na walang iba kundi ang Crowned Prince.

Tiningnan naman siya ng Crowned Prince habang may ngiti ito sa mga labi niya.

"Ano pa ba edi binisita ko ang pesteng panganay na anak ng kasalukuyang hari ng Sky Ice Kingdom." Walang prenong sagot ng Crowned Prince sa pambungad na tanong ng kapatid niyang si Prince Yaozu.

"You mean that bastard Lei? Hindi ko aakalaing pumunta ka pa sa Sky Ice Kingdom para sa childhood friend mong yun. Matapos niyang iwanan ka sa ere ay babalik na iyon. Ang kapal naman ng pagmumukha nun, gago ba siya?!!" Puno ng galit na sambit ni Prinsipe Yaozu nang malaman nito ang sagot ng kapatid niya. If he knows how traitor that guy is lalo na ang ina nito ay hindi siya magkikiming paslangin ito kapag nagkita sila.

"Oo, sino pa ba ang Lei na kakilala natin. Hindi ako pumunta sa Sky Ice Kingdom kundi pumunta siya rito ng kusa. Muntik ko na siyang mapaslang ngunit kinuha siya ng pesteng nilalang na iyon. Sa kritikal na tama nito ay hindi na bubuti ang lagay niyang iyon ay siguradong namatay na rin ito." Puno ng kasiguraduhang sambit ng Crowned Prince na animo'y siguradong-sigurado sa mga sinasabi nito.

Nanlaki naman ang pares ng mga mata ng batang si Li Xiaolong sa narinig niya. Talagang hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. It's his first time na maririnig ang patungkol rito.

"Talaga ba? Ano'ng ginawa mo sa kaniya aking kapatid?! You mean tinulungan siya ng kalaban niya?" Seryosong tanong ni Prinsipe Yaozu sa nakakatandang kapatid nitong ang Crowned Prince mismo. Nakakagimbal pa rin itong balita para sa kaniya. Talagang nagbago na nga ang kapatid niya kumpara noon kaysa ngayon na nagustuhan niya talaga. Lei is a bad influence for his elder brother at iyon ang gusto niyang mangyari. Gusto nitong ayusin ang gulo ng dalawang kaharian but the Crowned Prince doesn't want it.

"Pinalasap ko lang naman ang ganti ko sa kaniya. Mapapaslang ko na sana siya ngunit napinsala ako ng pesteng nilalang na iyon buwisit! May mga nilalang pang dumating kaya imposibleng masundan ko pa sila!" Puno ng inis na sambit ng Crowned Prince habang napakuyom pa ito ng kamao nito halatang nagpipigil lamang ng kaniyang sariling galit.

"Ano ngayon ang plano mo? Nakita mo ba ang mga pesteng miyembro ng Red Skull Alliance? Talagang nagiging agresibo na sila at pumapatay ng mga nilalang. Siguradong malalaman at malalaman ito ng Wind Fury Kingdom." Puno ng pangambang turan ni Prinsipe Yaozu habang makikitang hindi nito nagugustuhan ang mga nangyayari.

Mas dumilim ang paningin ng Crowned Prince nang maalala ang pesteng mga nilalang na pinapasok niya sa Sky Flame Kingdom. Kapag nalaman ng mga karatig kaharian ang ginawa niyang kabulastugan ay siguradong hindi sila mangingiming imbestigahan kung sino ang may pasimuno nito. Kapag nangyari iyonay siguradong wala siyang kawala pa.

"Iyon ang gusto kong asikasuhin ngayon, masyado na silang ulol pumatay ng mga martial artists sa Swamp Dungeon. Samahan mo kong iligpit ang mga iyon!" Puno ng determinasyong saad ng Crowned Prince habang nanlilisik ang mata nitong tumingin sa malayo. He really needs to calm down right now at pag-isipang mabuti kung paano papaslangin ang parasitikong nilalang na siyang mga miyembro ng Red Skull Alliance. Sa lahat ng bagay ay ito ang hindi niya inaasahan.

Literal na walang pakundangang nanghahasik ng gulo ang mga miyembro ng Red Skull Alliance na hindi niya makontrol ang pinanggagagawa ng mga ito sa lugar na sakop ng Sky Flame Kingdom, this will be a huge problem kung malalaman talagang siya ang nagpapasok sa kanilang kahariang ito.

Hindi siya makagalaw ng malaya dahil parang parehong blessing at curse ang titulo niya bilang Crowned Prince. Hindi pa nga ibinibigay sa kaniya ang gusto niyang bagay mula sa Red Skull Alliance na hawak ng beast tamer na iyon.

"Yan ang gusto ko sa iyo aking kapatid. Kailangan talaga natin iligpit ang mga ulol na nilalang na iyon bago pa sila tuluyang makapaminsala. Wind Fury Kingdom will not be a good enemy if you wanted to ascend to the throne." Puno ng paalalang wika ni Prinsipe Yaozu. Malaking problema nga ang Red Skull Alliance lalo na kung wala silang mahihita o mapapala sa mga ito lalo na ang Crowned Prince.

"Yan nga ang gusto kong mangyari eh. Kailangan ko ang tulong mo. Siguro naman ay marami kang koneksyon rito hindi ba?!" Seryosong tanong ng Crowned Prince sa nakababatang kapatid nitong si Prinsipe Yaozu. He really wanted to know how capable and influential his brother in Swamp Dungeon.

"Ako pa ba? Even those strongest bandits ay kilala nila ako. Bakit?" Sagot ni Prinsipe Yaozu habang nakakunot ang noo. Sa dating kasi ng tanong ng kapatid niya ay parang may binabalak ito.

"Mabuti naman. Gusto kong ikaw ang magbigay ng personal na mensahe upang paslangin ang kalaban nating miyembro ng Red Skull Alliance. Magbigay ka rin ng malaking pabuya para sa mga ulo ng mga ito. Gusto kong mapaslang sa lalong madaling panahon ang dalawang nilalang na iyon! Kung maaari ay pati ang limang kasapi pa ng alyansang ito!" Puno ng kaseryosohang pahayag ng Crowned Prince habang masasabi niyang ito ang unang plano niya para i-restrict at iligpit ang dalawang pesteng nilalang na siyang miyembro ng Red Skull Alliance. Kung hindi niya gagawin ito ay malamang sa malamang ay siya pa rin ang madedehado. Ayaw niyang mangyari ito.

"Yun lang ba? Walang problema iyon but I can't guarantee you na mapapaslang nga ang dalawang nilalang na siyang kasapi ng Red Skull Alliance. Masyadong malakas ang mga ito dahil alinman sa dalawang nilalang na ito ay may kakaibang mga kakayahan at abilidad beyond anyone's capabilities. Mas mabuting ilagay ko din ang mga katangian ng mga ito para maging aware ang mga grupo ng mga bandidong kriminal lalo na ang mga lider nila na halang din ang mga kaluluwa." Seryosong saad ni Prinsipe Yaozu habang nakatingin sa kapatid nitong ang Crowned Prince mismo.

Mabilis silang ngumisi ng malademonyo halatang nagkakaunawaan silang pareho at napatango na rin ang Crowned Prince.

Hindi kasi niya inaasahan na malaki ang maitutulong sa kaniya ng kapatid niyang si Prince Yaozu. Sa susunod ay ang mga pesteng kapatid naman nila ang aasikasuhin nila maging ang mga prinsipe ng Sky Ice Kingdom. Walang maaaring pumalya sa plano niya na makaupo ng tuluyan sa trono bilang bagong hari mg Sky Flame Kingdom. Sa oras na mangyari yun, he will do everything in his power pars lupigin ang bawat karatig kahariang kinamumuhian niya.