webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 323

It's kinda mysterious lalo na at espesyal ang kakayahan ng sinumang kayang magpalabas ng ganitong klaseng bagay. Lotus symbolizes a sacred mark. It can be said that the one who can make it in younger years, they could be a powerful martial arts expert in the future.

Li Zhilan cultivation speed is more frightening than Li Xiaolong expected. It could be on par on him dahil na rin siguro sa pagiging martial arts genius nito. Isa pa ay alam niyang nagmula ito sa malakas na angkan ng Yì at hindi mapagkakailang ang pwersa ng Yì Clan ay hindi rin basta-basta lamang. He even sense some frightening energy on Yì Clan's Patriarch and even to those high ranking officials of Yì Clan na pumunta noon sa mismong kinaroroonan ng pagkawala ng batang si Yì Liqiu na ngayon ay si Li Zhilan. Alam ng batang si Li Xiaolong na sa susunod ay siguradong malalagpasan pa siya ni Li Zhilan at alam niyang kagagalitan siya ng buong Dou City maging ng buong Yì Clan sa ginawa niya. Takot ba siya sa mga ito? Ang sagot ay hindi. Inorder for him to not to be frighten ay lamangan ang mga ito.

...

Kasalukuyang nanonood ang batang si Li Xiaolong kasa-kasama nito ngayon ang nakababatang kapatid nitong si Li Zhilan. Kapwa bagot na bagot ang mga ito dahil sa kakacultivate nila.

WHOOSH! WHOOSH! WHOOSH!

Tila nagkaroon naman ng hindi mabilang ng mga lumilipad na mga Xiantian Realm Expert. Yun lang ay kapansin-pansin na mga enerhiyang sumasabog sa pwesto ng mga ito sa himpapawid.

Ang mga Houtian Realm Expert naman at mga Pulse Condensation Realm Expert ay nagsasama sa isang lugar at masasabing sila ang nagpapadala ng mga atake sa pamamagitan ng kanilang sari-sariling natutunang martial arts skills.

Isa din itong ensayo at napapangiwi na lamang ang batang si Li Xiaolong sa ganitong klaseng ensayo habang si Li Zhilan ay nakapaskil sa magandang mukha nito ang labis na kasiyahan.

"Ba't ang asim ng mukha mo Kuya Xiaolong?! Kani-kanina lamang ay okay ka naman ah." Sambit ng kapatid nitong si Li Zhilan habang makikitang lihim pa itong napatawa.

Hindi naman ito nakaligtas sa paningin ng batang si Li Xiaolong. Kung tuso ang kapatid nito ay mas tuso siya rito.

"Tsk! Mukhang ngayon ay hindi na. Hanggang ngayon pala ay nag-eexist pa rin ang naimbentong training na iyan?!" Pigil na inis na sambit ng batang si Li Xiaolong.

"Hahahaha... Halatang hindi mo nagustuhan ang training na ito kuya ah. Oops, mukhang may naalala ako hahahaha!" Sambit ng batang babaeng si Li Zhilan habang makikitang hindi na nito mapigilang tumawa.

"Tigilan mo ako Li Zhilan. Alam ko na yang naiisip mo. Wag mo ng ipaalala sa akin ang kalokohang naiisip ni Peacock Tribe Chief Huang Chen!" Tila naiinis na sambit ng batang si Li Xiaolong. Alam niyang plano talaga ni Ginoong Huang Chen na inisin siya noon idagdag pang inis din ito sa ama niya at siya ang napagtripan nito.

Imagine, siya lang ang kaisa-isang Xiantian Realm Expert noon edi malamang ay siya ang ginawang "target" ng mga ito na patamaan. Pero sorry nalang si Peacock Tribe Chief Huang Chen dahil mautak siya. Gumamit siya ng defense skills na hindi siya matatamaan ng mga ito but he can't escape from Peacock Tribe Chief Huang Chen's tricks. Ano pa edi sinira lang naman nito ang mga proteksyon niya sa katawan niya. Ayon bugbog sarado siya ng mga atake na kala niya nga ay katapusan niya na. Buti na lamang ay hindi gaanong kalakas pa noon ang mga martial arts skills ng mga ito pero kung nangyari ito sa kaniya ngayon mukhang araw-araw siguro siyang bugbog-sarado at 50/50 ang lagay niya.

BANG!

Napatalsik naman sa malayo ang isang 15 year old Xiantian Realm Expert na siyang ginawang"target ng napakaraming Pulse Condensation Realm Expert at Houtian Realm Expert sa ilalim. Hindi pa rin tukoy kung sino ang may gawa nito ngunit mukhang sa skill na tumama rito ay parang pamilyar ito sa kaniya.

"Nice one Rén Yang! Mas lumakas ang Sword Skill mo ngayon ah!" Sigaw naman ni Li Zhilan na siyang napatakip ng dalawang tenga ang batang si Li Xiaolong dahil sa lakas ng bunganga ng kapatid nitong kala mo ay nakalunok ng megaphone.

"Salamat Ate Chilan--- hehe... Binigay sakin ng lolo ko ang baging sword skill ko!" Masayang sambit ng batang si Rén Yang habang hindi pa nito maisalita ng maayos ang pangalan ni Li Zhilan.

Nakita naman ng batang si Li Xiaolong ang tila kakaibang pag-uusap ng mata ng kapatid nitong si Li Zhilan at ni Rén Yang na ilang buwan lamang nila nakikilala. May potensyal din ang batang si Rén Yang ngunit mukhang naiisip niya na ang kakaibang kilos ng mga ito.

"Hmmp! Li Zhilan, mukhang may ipaliwanag ka na naman mamaya sa akin. Hindi ba sinabihan na kita at nina inay at itay na wag mong pasusubukan ang binigay sa'yong bagong sword skill sa ibang tao lalo na sa mas bata sayo?! Naku naman!" Napatampal sa noong sambit ng batang si Li Xiaolong. Alam niyang suitable ang sword skill na ito sa kapatid niyang si Li Zhilan pero hindi naman pwedeng ibigay lamang ito sa mas bata pa sa kaniya na si Rén Yang. If the sword Skill will be uncontrollable at magkaroon ng aksidente. That will be a disastrous event.

"Ahehe... Wag ka na magalit kuya. Ang kulit kasi niya hehe." Sambit ng batang babaeng si Li Zhilan at pasimple itong lumakad patungo sa nagkukumpulang batang martial artists na nasa baba partikular na sa pakay nitong si Rén Yang na kumakaway-kaway pa sa kanilang gawi.

Halos nangangalahati na ang naihakbang ng batang si Li Zhilan patungo sa gawi ng mga batang martial artists ay naramdaman nitong tila hindi siya gumagalaw at may pumingot sa kaniya.

"Aray ko naman kuya. Inaano ka ba diyan. Hinihintay ako doon oh." Sambit ng batang babaeng si Li Zhilan habang pilit itong umaalis sa pwesto nito ngunit mas hinigpitan pa ng batang si Li Xiaolong ang pagkakapingot rito.

"Gusto ko lang ipaalala sa'yo Li Zhilan. Tigilan mo ako sa kakarason mo. Hindi na mabilang ang ginawa mong kalokohan nitong nakaraang linggo. Mukhang gusto mo pang gawing tagapagmana ng kalokohan mo si Rén Yang. Uwi!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang pinaningkitan niya ng mata ang nakababatang kapatid nitong si Li Zhilan dahil siya rin naman ang pagsasabihan ng mgs magulang nila.

Makailang ulit din siyang natakasan ng kapatid nitong parang megaphone ang bunganga at sobrang pasaway to the point na kung wala sigurong harang dito ay kung saan-saang lupalop na nagpupunta ang tuso niyang kapatid na si Li Zhilan at ang gusto nitong pamanahan ng kalokohan nitong si Rén Yang.

Mabilis namang umalis ang batang si Li Zhilan pabalik ng lugar nila kanina. Siyempre babantayan niya muna ang tagapagmana ng kapatid niya na si Rén Yang na mukhang isinasabuhay na ang kalokohang tinuro sa kaniya ng magaling niyang kapatid na si Li Zhilan.

Paulanan niyo ng REVIEW at COMMENT tong libro kong ito para madami pa pong makabasa. Di ata napapansin ng iba yung libro ko huhu... May nagbabasa pa po ng libro ko o wala? haha tao po...

jilib480creators' thoughts