webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 307

Mabilis na narating ang batnsg si Li Xiaolong ang nasabing parte ng kagubatan. Siyempre di siya pumunta rito upang manguha ng kayamanan noh. He just want to cultivate here thoroughly at wala naman siyang balak na makisawsaw pa sa gulo ngunit mukhang nagkakamali siya dahil ramdam niya ang dalawang presensya ng dalawang nilalang na paparating sa kaniyang direksyon.

Medyo may kakapalan ang kagubatang ito ngunit ramdam niya ang mabibigat na presensya at aura ng mga ito. Hindi pa naman ito gaanong malayo mula sa labas.

Napatampal naman sa noo ang batang si Li Xiaolong.

"Kung siniswerte ka nga naman ulit. Ba't ang kukulit ng mga ito. Talaga bang hindi nila ako lulubayan tss!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang napangisi na lamang ito sa kaniyang naiisip. "Ahaha... Ako pala ang pumunta sa teritoryo daw nila. Inangkin pa ng mga pesteng to ang lupaing hindi naman talaga sa kanila tsk!" Sambit ng batang si Li Xiaolong sa sariling isipan lamang nito.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Nakita nang batang si Li Xiaolong kung paanong bilang naramdaman nito ang bumulusok na bagay na binabalutan ng enerhiya.

Paikot-ikot pa ito habang papunta sa direksyon nito.

BUZZ! BUZZ! BUZZ!

Nailagan niya ito ngunit narinig niya kung paano tumunog at nag-vibrate ang hangin matapos nitong daanan nang nasabing sandata ngunit hindi naman ito nagkaroon pa ng tatamaan at mistulang bumalik ito.

Inobserbahan pa ito ng batang si Li Xiaolong at napag-alaman niya ang bagay na ito.

"Isang pambihirang sandata na Double Blade Sword tsk! Isa na namang swordman at hindi ako makapaniwalang maraming swordman dito but it will not be threat for me. " Sambit ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang sariling isipan habang napangiti pa ito lalo na at sa lahat ng sandatang gagamitin ay mas komplikadong gamitin ang espada at mas lalong mahirap gamitin ang double blade sword na side by side ang talim nito.

Mabilis namang tumalon ng mataas ang batang si Li Xiaolong at mabilis na hinablot ang nasabing Double Blade Sword na ito.

Ramdam niyang naa kontrol pa rin ito nang paparating na nilalang ngunit agad niyang hinawakan itong mahigpit at isinilid sa Interspatial ring niya.

Nang magtagumpay ang batang si Li Xiaolong ay masasabi niyang malaking halaga ang maaari niyang makuha sa sandatang ito. Madali lamang niyang matatanggal ang bond ng sinuman sa espadang ito. Pinag-aralan niya na kung paano ito. Mga isang milyon o mahigit pa din siguro ang halaga nito. Hindi niya lang dinispatya ang sandata ng kalaban at napakinabangan niya pa ito na maaari niyang pagkakitaan. Hindi ordinaryong Interspatial ring ang binigay ni Prince Feng sa pagliligtas niya noon at isa pa ay hindi na ito makokontrol pa ng kung sinumang sumunod sa kaniya kaya sa kaniya na ito. Para sa kaniya ay hindi pa ito gaanong bihasa sa paggamit ng double blade kaya hindi nito mapapasunod ang sariling espada nito. Kung talagang mahusay gumamit ang sinuman ng double blade na ito ay hindi siya susubok na kunin ang sandata nito. Malas lang nito dahil utak negosyante din siya.

Mabilis na tumalon-talon ang batang si Li Xiaolong sa mga sanga ng puno at mabilis na pumasok sa loob ng kagubatan hatalang nagdiriwang ang puso nito sa kagalakan. Binato ka ba naman ng napakagalanteng grasya, aangal ka pa ba?!

Nakita naman ng dalawang nilalang na siyang dalawang Early Xiantian Realm Expert ang ginawa ng batang lalaking martial artist sa paghablot ng double blade nito na siyang sandata niya habang nagdidilim ang paningin nito sa labis na pagkagalit.

"Paano yan, nakuha ng pesting bubwit na iyon ang double blade mo. Malalagot ka niyan sa angkan mo!" Nababahalang sambit ng kasama nitong Early Xiantian Realm Expert.

"Manahimik ka! Alam ko na ang pinagsasabi mo dahil hindi ako tanga! Maka-bubwit ka eh halos kaedaran lamang natin iyon. Mas bagay na tawaging insekto ang kutong-lupang iyon dahil kinuha nito ang double blade ko!" Galit na sambit ng batang lalaking martial artist habang nakita nitong tila nakatanga lamang ang kasama niya habang nakita nitong tumalon-talon na ang batang martial artist na kumuha ng double blade niya. "Ano'ng tinutunga-tunganga mo?! Habulin na natin siya dahil babawiin ko pa ang double blade ko sa kaniya. Bwiset!" Habang tiningnan nito nang masama ang kasama nito habang binubungangaan niya ito. Ilang metro ang layo nito sa kaniya at kung katabi niya lamang ito ay binatukan niya na ito nang pagkalakas-lakas.

"Ito na. Grrr... Akala nito ay matatakasan niya tayo pwes hindi mangyayari iyon!" Sambit ng kasama nitong bata habang nag-iisip na ito nang panibagong gagawin.

Mabilis itong lumipad ng mabilis patungo sa direksyong tinatahak ng batang kumuha ng double blade nang kasamahan nito.

Hindi siya magsasanib-pwersa sa kasama niyang nakuhanan ng double blade kung hindi lang siya naperwisyo ng papatakas na batang martial artist na ito. Dalawa na lamang kasi ang natira sa kaniyang mga alagad tapos eksakto namang galit na galit ang kasama niyang batang lider na isa ring Early Xiantian Realm Expert kaya pareho sila ng layunin, ang maghigante laban rito.

"Hindi ka makakatakas sakin, Huli ka!" Sambit ng batang lalaking Early Xiantian Realm na siyang humahabol ngayon.

Mabilis niyang natunton at nalaman ang pattern ng pagkakatalon nito.

<Martial Arts Technique: Stone Storms!>

Tila naramdaman ng batang si Li Xiaolong ang tila pagragasa ng mga naglalakihang mga bato sa ere na animo'y hindi magpapaawat ang umuulang batong ito na karamihan ay naglalakihan ang mga ito.

Todo iwas naman ang batang si Li Xiaolong na matamaan nang mga nangalaglagang mga tipak ng mga bato.

Napangiti naman siya. Alam niyang hindi masyadong gamay ng kumokontrol ng skill na ito ang nasabing Skill na ito. Middle Xiantian Realm lamang ang makakakontrol ng Martial Arts Technique na ito ng maayos.

Nagkaroon na ng ideya ang batang si Li Xiaolong at tama nga siya ng hinala nang lingunin niya ng mabilis ang direksyon ng kung sinuman sa himpapawid. Nakita niya ang dalawang batang Early Xiantian Realm Expert na siyang sumunod pala sa direksyon niya at rutang tinatahak niya.

Mabilis namang dinaanan ng batang si Li Xiaolong at sinuong ang tila umuulan ng bato sa lugar na ito.