webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 291

...

Mabilis na kumilos ang batang si Li Xiaolong at gumayak na upang umalis na sa Sunrise Inn. Isang bagong umaga na naman para sa lahat lalo na sa katulad niya.

Hindi na ikinubli ng batang si Li Xiaolong ang sarili niya sa publiko. Nang mag-inquire siya dito sa Sunrise Inn ay mabilis siyang tinanggap ng caretaker ng Inn na ito. Siguro ay alam na nito ang Recruitment Day na gaganapin kaya hindi na ito nagtanong pa. Marami ding mga batang martial artists na dayo rin dito kaya wlaang naging problema sa pagrenta ng mga solid dito.

Sa pagkalabas pa lamang niya sa Inn ay mukhang papasikat na ang haring araw. Makikita ang labis na ingay na siyang normal na niyang naririnig sa lungsod ng Dou. Talagang buhay na buhay ang mga taong naririto habang abala naman sa pang-eengganyo ang mga nakahilerang mga nagbebentang mga tindero't tindera sa mga taong dumadaan.

Naglakad naman ng matulin ang batang si Li Xiaolong upang bumili ng nasabing mapa na siyang magagamit niya papunta sa nasabing lugar kung saan mismo nakatirik ang Cosmic Dragon Institute na siyang gusto niyang puntahan para makilahok sa nasabing Recruitment Day. Pansin niyang halos marami sitang nakikitang mga batang martial artists na katulad niya kaibahan sa mga normal na araw sa sentral na rehiyon.

Naalala niya nga palang mayroong anunsyo patungkol sa araw na ito at hindi naman ngayon market day kaya pala ppaasikat palang ang harinf araw ay napakaingay na. Kitang-kita niya na napakarami talagang mga batang martial artists habang ang iba ay may kasama pa ang mga ito habang ang iba naman ay wala. Talaga nga namang isang kakaibang araw o masasabing espesyal na araw ito.

Mas binilisan naman nito ang paglalakad patungo sa bilihan ng mapa. If he is lucky, he could get it lalo na at normal na mapa lang naman ang bibilhon niya so it doesn't have that cost much.

Maya-maya pa ay nakarating siya sa isang ordinaryo at maliit na Map Shop. Agad naman siyang nagsalita upang agawin ang atensyon ng isang tindero.

"Manong, may binibenta po ba kayong mapa ng lugar Cosmic Dragon Institute? Baka kasi maligaw po ako doon eh." Inosenteng pagtatanong ng batang si Li Xiaolong habang makikitang nahihiya ito.

"Ah, iyon ba, tamang-tama dahil meron ako dito." Sambit ng matandang lalaki na siyang tindero ng maliit na map shop na ito.

[Ang map shop ang pinakamatumal bumenta lalo na at mapa lamang ang inooffer nila kumpara sa ibang mga scroll shops ay wala silang panama rito. Konte rin nag Renta at buwis nila kumpara sa mga ito. Usually ay map shop lamang ito sa umpisa ngunit sa katagalan, they could have some variety of offers sa nasabing shop. Parang mini-version sila ng scroll shop]

Inabot naman ng mabilis ng matandang lalaking tindero ang nasabing ordinaryong mapa na siyang malugod na tinanggap ng batang si Li Xiaolong.

"10 bronze coins lang yan bata. May discount na yan." Masayang sambit ng matandang lalaking tindero habang makikita ang labis na pagngiti nito.

Agad namang nagbayad ang batang si Li Xiaolong. Binigay niya ang isang supot na kulay kayumangging tela at nilapag niya lamang ito sa harap ng lamesang tabla.

"Maraming salamat po!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang mabilis itong naglakad papalayo.

Natanaw naman ng matandang lalaking tindero ang papalayong bata na sa tingin niya ay lalahok ito sa nasabing Recruitment Day na gaganapin sa harap ng Cosmic Dragon Institute.

Agad namang niyang nilapitan at kinuha ang iniwang bayad ng batang lalaki na pinagbentahan niya. Naintindihan naman niya kung bakit dito nito inilagay dahil hindi naman ito ganoon kataas para maiabot nito sa kaniya ang bayad nito.

Nang kalansingin niya ang nasabing naiwang supot ng batang lalaking pinagbimentahan niya ay hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig.

"Bakit ganoon na lamang ang tunog nito? Parang iba?! Paanong----" Sambit ng matandang lalaking tindero habang nanginginig ang kamay niyang binuksan ang nasabing maliit na supot. Nagulat na lamang siya sa kaniyang sariling nakita.

Naluluha naman nitong tiningnan ang dinaanan ng batang bumili sa kaniya kanina.

Nakita niya lang naman na sampong gold coins ang laman nito at hindi sampong bronze coins.

100 bronze coins ay katumbas ng isang 1 silver coins habang ang 100 silver coins ay katumbas ng 1 gold coins. Samakatuwid ay ang halaga ng sampong gold coins ay Isang libong Silver coins o katumbas ng 100,000 bronze coins.

Tila napasinghap naman sa gulat at tuwa ang matandang lalaking tindero habang makikita ang labis na saya. Hindi niya aakalaing may magbibigay sa kaniya ng ganitong klase na napakalaking halaga ng salapi. With this he could really have his own scroll shop right away.

"Maraming salamat bata. Hulog ka ng langit. Kapag nagtagpo muli ang landas natin ay papasalamatan kita ulit." Sambit ng matandang lalaking tindero habang mahigpit nitong hinawakan ang nasabing supot ng tela na naglalaman ng sampong gold coins.

Masugid niyang hinihintay ang pagbabalik ng batang lalaki ngunit kahit ilang oras niya itong hinintay ay hindi niya pa rin ito bumabalik ni anino nito.

...

Naririto na ngayon ang batang si Li Xiaolong sa nasabing sakayan patungo sa Cosmic Dragon Institute. It is really a huge one o masasabing napahabang tren pala ito. Isa ito sa personal na transportasyon ng mga estudyante ng Cosmic Dragon Institute but now they are experiencing riding from it. Hindi nga makapaniwala ang lahat but it is really a reality now lalo na at mukhang ito ang kauna-unahang gumawa ng paraan ang Cosmic Dragon Institute na i-reach out ang mga lalahok na mga batang martial artists hindi kumpara noon na kaniya-kaniyang sakay pa ang mga estudyante papunta doon.

Kaya doon pa lamang ay marami na ang nabigong makalahok at awtomatikong tanggal na sila kapag nahuli sila. Ito ang first day ng pagpapadala ng mga lalahok na mga estudyante siyempre ay susulitin niya na ito lalo na at marami din ang sa tingin niya ang sasakay dito if sa susunod na araw pa siya sasakay at tutungo sa Cosmic Dragon Institute. Ayaw niyang makisiksikan noh tsaka libre pa ito.

Isa pa sa nagustuhan niya ay hindi ganoon karami ang mga sasakay sa ngayon lalo na at ang iba ay namimili palang siguro sa mga oras na ito.