webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 266

...

Napansin ng batang si Li Xiaolong na mukhang umaga na. It's just his instinct.

Agad na siyang umalis sa lugar na ito gamit ang butas sa itaas na bahagi ng loob ng punong ito. Makikita ang labis na hamog sa ere tandang umaga na nga.

Plano ng batang si Li Xiaolong na maglibot-libot sa lugar na ito. Pansin niyang hindi pa siguro kumakain ang munting nilalang na ito. Alangan namang cultivation herbs ang ipakain niya rito eh gamot naman iyon. Baka makasama pa sa loob ng munting nilalang na ito at ito pa ang makapatay rito.

Naiisip niyang mas mabuting humanap siya ng mga pambihirang prutas o di kaya ay mga maliliit na mga cultivation resources upang may laman ang tiyan ng Esk. He really don't know kung paano niya papakainin ang sugatang nilalang na iyon.

Agad na nakita niya lamang ang kaniyang sariling naglalakad at naglilibot sa paligid ng lugar na ito. Pansin niyang mayroong tila kumikinang na bagay sa ere na malapit sa pwesto niya.

Nang tingnan at inobserbahan niya ito ay bigla na lamang nanlaki ang mga pares ng mata nito.

"Golden Grapes, kung siniswerte ka nga naman hehe!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa isip lamang nito habang timuturo nito ang mga baging sa itaas. Parang tumutulo naman ang laway ng batang si Li Xiaolong dahil sigurado siyang isang wild na cultivation fruits ito at malaki ang makukuha na enerhiya ng sinumang kakain nito.

Mabilis na lumipad siya sa ere at mabilis na pinitas ang limang hitik na hitik na bunga ng Golden Grapes

Masaya namang naglilibot ang batang si Li Xiaolong. Hindi naman siya maliligaw sa lugar na ito dahil minarkahan niya ang lugar na dinadaanan niya.

Maya-maya pa ay nakita niya ang sarili niyang nakatingin sa isang puno na puno ng kumikinang na maliliit na bunga ng cherries.

"Okay na rin siguro ang normal na cherries na ito. Pagkain pa rin ito, hindi naman lason ito kahit ordinaryong prutas lamang ito." Sambit ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang sariling isipan lamang habang nagkakamot ng sarili niyang batok. Sino ba naman kasi ang tangang hindi mag-iisip ng bagay-bagay na naiisip niya. Ang mahal pa naman ng cherries na ito sa bayan lalo na sa pamilihan. Nasa malamig na lugar ito tumutubo kaya there's no way that it will just bear a fruit sa mga maiinit na luggar katulad ng Sky Flame Kingdom.

Kung hindi kakainin ng munting nilalang na Esk na iyon ang kaniyang nakuhang mga cherries edi siya ang kakain. Problema ba yun.

Maya-maya pa ay sunod-sunod na mga pagpitas niya ng mga bunga ng mga normal na punong kahoy ang kinuha niya. This is so normal, alangan namang mag-expect siya na sunod-sunod na mga cultivation fruits ang makukuha niya.

Ang lahat ng nakuha niya ay nilagay niya sa loob ng kaniyang sariling Interspatial ring. Dahil masisira ang mga ito kung bibitbitin niya. Mahirap din kung sakaling may masagupa siyang nilalang sa lugar na pinupuntahan niya. That will be a disastrous ending.

Ilang minuto lamang ang nakakalipas ay napansin ng batang si Li Xiaolong na parang mayroong kumikinang na malaking nagay sa hindi kalayuan. Mabilis niyang pinuntahan ito.

Gaya ng inaasahan ng batang lalaking si Li Xiaolong ay tunay ngang isa itong cultivation fruit.

"Kung siniswerte ka nga naman. Isang Crystal Apple pala ang natagpuan ko hehe!" Nakangiting sambit ng batang si Li Xiaolong sa isip niya lamang habang makikita ang kumikinang na puno ng isang Crystal Apple Tree.

Agad na lumipad ang batang si Li Xiaolong papunta sa itaas ng puno ngunit mabilis siyang napaatras nang mabilis na lumitaw ang isang kulay pulang ahas sa mismong lugar kung saan ang mismong prutas na Crystal Apple.

"Hmmm... Muntikan na ko doon. Grabeng ahas naman to. Isang Crystal Snake." Sambit ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang sariling isipan lamang habang hindi nito mapigilang mapasimangot. Makamandag pa naman ang ahas na ito at talagang maigi nitong ikinubli ang sarili nito sa mismong crystal apple. Ito lang naman kasi ang palaging nagbabantay sa mga Crystal Apple. Mabuti na lamang at mabilis ang reflexes niya kung hindi ay baka nadali at natuklaw na siya ng medyo may kalakihang makamandag na ahas na ito.

Mabilis na lumitaw sa kananah kamay ng batang si Li Xiaolong ang kaniyang Xiantian Sword Needle. Isa ito sa maaaring gamitin niya upang mapaslang ang halimaw na ito bago pa nito subukang tuklawin siya at malason nito.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Mabilis na magpaulan ng maraming nagliliitang mga Crystal Spikes ang nasabing Crystal Snake. Ramdam nito ang labis na panganib na ini-emit ng kaniyang sariling sandata. He wants to test it's might. Hindi niya marinig masyado ang tunog ng mga crystal spikes pero nakita niya kung paano gumuhit ang makapal na hangin maging ang hamog na siyang papunta mismo sa direksyon niya.

Walang inaksayang oras ang batang si Li Xiaolong at mabilis niyang ibinato ito sa ere at pinaikot-ikot ang kaniyang Xiantian Sword Needle sa ere gamit lamang ang kaniyang sariling isipan.

PENG! PENG! PENG!

Bawat crystal spikes nang nasabing atake ng halimaw ay mabilis na nabasag. Kung hindi siya nagkakamali ay skill ito ng nasabing halimaw gamit mismo ang crystal scales nito. Ngunit parang napakahina ng tunog nito na hindi na nga niya halos marinig

"Mabangis ang isang to. But I know I could really this venomous snake!" Seryosong sambit ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang sariling isipan lamang habang mabilis nitong ginamit ang mga natutunan niyang pamamaraan upang pinsalain ang katawan ng halimaw na ito.

Mabilis na pinabulusok niya ang Xiantian Sword Needle sa mismong kinaroroonan ng makamandag na Crystal Snake. Malabo ang mata nito at masasabi niyang hindi rin makakatulong ang tunog dahil walang presensya ito dito. Ang tanging binabasehN lang ng halimaw na ito ay ang pagbabago ng galaw ng hangin.

Pumalakpak ng malakas ang batang si Li Xiaolong sa ere upang i-dsitract ang nasabing halimaw na Crystal Snake. Sa pamamagitan nito ay mai-execute niya ng wasto ang ginawa niyang pag-atake.

Szzz!

Isang mahinang pagkakatunog ang narinig ng batang si Li Xiaolong at napansin nitong bigla na lamang tumurok ang kaniyang sariling Xiantian Sword Needle sa ulo mismo ng halimaw.

Slash! Slash! Slash!

Mabilis na pinagpipira-piraso ng batang si Li Xiaolong ang katawan ng nasabing halimaw na siyang nangangahulugang napaslang niya na ito ng tuluyan.

Mabilis na kinuha ng batang si Li Xiaolong ang kaniyang sariling pakay sa punong ito kundi ang mismong Crystal Apple na siyang pangunahing pakay niya.