webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 263

Nagising na lamang ang batang si Li Xiaolong sa isang tabi ng damuhan. Pakiramdam niya ay nagkabali-bali ang katawan niya mula nang pagkagising niya. Naalala niya kung paano siya marahas na tumalsik mula sa paghawi ng malakas na hangin.

Agad na inayos ng batang si Li Xiaolong ang kaniyang sarili at in-inspeksyon niya pa kung kumpleto pa ang mga parte ng katawan niya kung may nawala ba sa kaniya o wala.

Agad namang napahinga ng malalim ang batang si Li Xiaolong nang mapag-alaman niyang walang nawala sa kaniya at walang malalang tama ang katawan niya mula sa malakas na pagkakabagsak sa lugar na ito.

Napansin niya ang isang maliit na nilalang na nasa gilid niya lamang sa hindi kalayuan. Sugatan ito at napakaraming pasang natamo. Kitang kita niya na nagpupumilit itong makatakas mula sa pagkakaipit nito mula sa malaking batong nakadagan sa katawan nito.

Lubos namang nahabag ang batang si Li Xiaolong sa naging kalunos-lunos na sinapit ng nasabing nilalang na natatanaw niya ilang daang metro lamang mula sa kinaroroonan niya. Kung hindi dahil sa makapal na hamog na nakastandby sa ere ay hindi niya mapapansin ito.

Maingat namang tumayo ang batang si Li Xiaolong mula sa pagkakaupo nito. Kahit na medyo masakit pa ang kaniyang sariling katawan ay pinilit niyang maglakad patungo sa direksyon kung saan naroroon ang nasabing nilalang na natatanaw niya sa kaniyang pwesto.

Masasabi niyang nakaramdam siya ng konsensya lalo na at mukhang sa kaniya mismong sitwasyon kanina kaya nangyari ang masamang sinapit ng nilalang na ito.

Hindi niya naririnig ang palahaw nito dahil na rin siguro sa penomena ng lugar na ito kaya kahit ano'ng klaseng ingay ang gawin niya rito o ninuman ay siguradong hindi maririnig ng sinuman. Masasabi niyang nagpapasalamat pa rin siya at hindi siya napuruhan sa malakas na pagkakatalsik niya sa lugar na ito na siyang pinagbagsakan niya.

Agad na niyang pinuntahan ang kawawang nilalang na sigurado siyang kanina pa ito na-trap sa nasabing malaking batong dumagan rito.

Nang malapitan niya na ito ay napansin niyang natrap nga ang medyo maliit na nilalang na ito. Hindi niya masasabing maliit ito dahil higit na mas malaki itong nilalang. Halos kasing laki na nito ang matabang aso.

Inobserbahan itong maigi ng batang lalaking si Li Xiaolong at napansin niyang kakaiba ang nilalang na ito. Magkagayon man ay nahabag ito nang makita nitong hinang-hina na ito at mukhang na-trap ang kaliwang paa nang nasabing halimaw.

Tama nga siya dahil ang malaking batong ito ay nakita niyang kasama niyang tumalsik rito sa lugar na ito kung hindi siya nagkakamali ng pagkakaalala.

"Hmmm... Talagang may kasama pa kong bumagsak rito. Aba'y talaga nga namang nakakapangilabot naman ito kung sa akin ito bumagsak." Nahintatakutang sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong. Sino ba naman kasi ang gugustuhing madaganan ng batong ito eh napakalaki nito at higit na mabigat ito. Kung hindi siya nagkakamali ay hindi ito normal na bato at kahit nga ang munting halimaw na ito ay hindi man lang nakaalis sa pagkakadagan nito sa kaniya.

Masasabi niyang sobrang solid ng mga bato rito at hindi maaaring baliwalain ang kakayahan nitong paslangin o aksidenteng mapaslang ang sinumang madaganan nito. Tiningnan naman ng batang si Li Xiaolong ang nasabing paa ng halimaw. Sobrang hinang-hina na ito at pansin niyang wala na itong lakas upang magpumiglas pa.

Agad namang naghanap ng matibay na kahoy ang batang si Li Xiaolong at nang makahanap siya ay mabilis na naghukay ito sa paligid ng nasabing munting nilalang.

Nakakatakot pa naman ang nilalang na ito dahil hindi alam ng batang si Li Xiaolong kung ano'ng klaseng hayop ito o magical beast. Hindi alintana ng batang si Li Xiaolong na mataman siyang tinitingnan ng nasabing halimaw.

May parang sinasabi pa ito ngunit tanging tikab lamang ng bibig nito ang nakikita nito.

Agad na nahugot naman ng batang si Li Xiaolong ang nadaganang paa nang nasabing munting nilalang na ito. Pansin niyang hinang-hina ito at mabilis niyang nilinisan ang sugat nito gamit ang naka-imbak na isang maliit na gourd na lalagyan ng isang alak.

Isang mahalagang disinfectant ang nasabing alak na ito. Natuwa naman ang batang si Li Xiaolong dahil kahit sa mga paglalakbay niya rito ay napakinabangan niya ang regalo ng mayabang na prinsipeng si Yuán Feng sa mga emergency na sitwasyong ito.

"Pasalamat na lang talaga ako at marami ang nakalagay na pambihirang mga bagay ang loob ng Interspatial ring ng prinsipeng ito. Kahit may kayabangan ito ay galante naman ito tsk!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang naiisip nito ang reaksyon ng mayabang na prinsipeng si Yuán Feng. Magagamit niya pa ang prinsipeng ito sa mga plano niya sa hinaharap lalo na sa kinakaharap na suliranin ng Li Clan. Pipigilan niya na makaupo sa trono ang Crowned Prince. Kahit na may sa asal hari ang prinsipeng may attitude na ito ay masasabi niyang may moralidad naman ito at ayaw nitong magkaroon ng utang na loob. Kung alam niya lang na napakagalante nito ay nilubos niya na ang pagigingn galante nito pero naisip ng batang si Li Xiaolong na hindi naman siya katulad ng iba na abusado kaya para sa kaniya ay okay na rin ang mga kapalit ng pagtulong niya rito.

Pagkatapos na malinisan ng batang si Li Xiaolong ang malalaking mga pasa at sugat na natamo ng nasabing munting nilalang na ito mula sa pagkakaipit ng malaking batong kasama niyang tumalsik at bumagsak rito ay mabilis niyang ginamot ng maingat ang mga sugat na natamo ng nilalang na ito.

Inilabas naman ng batang si Li Xiaolong ang mga cultivation herbs na palagay niya ay makakatulong na magamot ang mga sugat na natamo ng munting nilalang na ito. Kahit papaano naman ay may puso siya sa mga magical beasts o sa anumang nilalang na naagrabyado nito. Ipinalagay niya na isang magical beast ito lalo na at mukhang kanina pa talaga ang paghihirap nito sa pagkakatrap sa nasabing malaking batong ito. Kung normal na hayop lamang ito ay baka tigok na ito. Ang sakit na naramdaman nito kani-kanina pa ay hindi ma-imagine ng batang si Li Xiaolong.