webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 212

"Mahihirapan tayo niyan Ginoong Zhengzhong. Alam mo naman na napakaraming mga martial artists ang naririto at mahirap ipoint-out kung sino ang salarin dahil napakaraming mga Xiantian Realm Expert dito." Puno ng pagkabahalang sambit ni Ginoong Ping habang hindi nito gusto ang ideyang maaaring ipagawa o gawin nila. Ayaw nilang ma-offend lahat ng Xiantian Realm Expert noh at mas lalong hindi nila mahahanap ang totoong salarin sa madaling panahon.

"Wag kayong bahala. Sa pagkakaalam ko ay apat sa mga mayroong Ultimate Xiantian Needle ay nandirito o kasalukuyan pa lamang na naglalakbay. We have a lot of time dealing with them. We will make sure that we will solve this problem no matter what happens!" Seryosong sambit ni Prison Chief Sergeant Tián Zhengzhong habang makikitang tila may gusto itong ipahiwatig.

Tila nakaramdam naman ng pagkatakot sina Binibining Niu at Ginoong Ping lalo na at sa ugali ng kanilang Chief Sergeant na si Tián Zhengzhong ay siguradong hindi ito titigil hangga't hindi nito nareresolba ang malaking insidenteng ito. Alam nilang sooner or later ay aalburuto na ang balita patungkol kay Ouyang Xiang na siyang ikagagalit ng Ouyang Family na isa sa napakamakapangyarihang pamilya sa Dou City. There's no way na hindi lilikha ng gulo ang eskandalosong pamilyang ito.

"Ano na ang plano natin Prison Chief Sergeant Tián Zhengzhong? Hindi naman siguro tayo uupo lang dito." Sambit ng magandang babaeng si Binibining Niu habang makahulugang ngumiti.

"You get the point Binibining Niu." Sambit ni Prison Chief Sergeant Tián Zhengzhong habang mabilis notong sinenyasan ang apat na kasama nitong ordinaryong opisyales nila na puro mga Early Purple Blood Realm Expert ngunit trained ang mga ito at personal na mga utusan ni Prison Chief Sergeant Tián Zhengzhong.

Mabilis namang gumalaw ang apat na Early Purple Blood Realm Expert habang makikita na bitbit nila ang tila mahimbing na natutulog na si Ginoong Ouyang Xiang. Mabilis ng mga itong binalot ang katawan ni Ouyang Xiang at sinuotan ng maskara ang mukha nito dahil mahirap na baka matukoy ng makakasalubong nila ang bitbit nilang nilalang.

Nag-usap pa ang mga ito ng madalian lamang habang mabilis din ang mga itong nilisan ang lugar na ito bitbit ang katawang napinsala na si Ouyang Xiang.

"Pwede na ba tayong umalis? Ayokong patakasin pa ang nilalang na iyon. There's no way na hindi ito haharap sa panunuan ng Dou City Prison Chamber upang litisin." Sambit ng lalaking si Prison Chief Sergeant Tián Zhengzhong habang makikita ang nag-aapoy na determinasyon sa mukha nito. Ngumiti pa ito ng palihim ngunit napansin pa rin ito ng dalawang nilalang na kasama nito sa mga oras na ito.

Napatango na lamang sina Binibining Niu at Ginoong Ping. Makikitang tila hindi nila gusto ang makahulugang ngiting nakapaskil sa mukha ng Prison Chief Sergeant na si Tián Zhengzhong. Hindi nila alam kung makakaligtas pa ang mismong salarin sa nangyaring ito kay Ouyang Xiang.

Kasalukuyang naglalakbay ang batang lalaking si Li Xiaolong papunta sa Red Cloud Sea. Malayo pa lamang ay batid niyang malapit na talaga siya sa tabig-dagat kung saan naroroon ang mga martial artists na siyang eksaktong pasukan ng lugar upang paglakbayan patungo sa katubigang parte ng Red Cloud Sea. Malakas na dumadampi sa roba maging sa mismong balat niya ang malamig na hangin na napakasariwa. This is really refreshing lalo na at hindi naman siya palaging nasa dagat at mas lalong ina ito sa munting ilog na siyang nasa pagitan ng angkan nila na walang iba kundi ang Bloody Gem River. Hindi niya mahinuha kung bakit parang parehong tunog ang Red Cloud Sea maging ang Bloody Gem River. He don't understand the logic kaya mabilis niyang ipinawala itong iniisip niya.

Maya-maya pa ay natawid niya na ang masukal na daan at makikita niyang tila papasok siya sa isang daang may kaunting mga puno lamang at tila may halong buhangin na ang mga lupa. Medyo pataas rin kasi ang daanang ito at tila papaakyat pa siya sa isang matarik na bundok which is unexpected for Li Xiaolong.

Mabuti na lamang at tila walang mga gumagalang mga mababangis na magical beasts rito kaya he can rest assured that he can walk through this piece of land without any problem pero maingat pa rin siyang lumilinga-linga sa kaniyang kapaligiran lalo na at hindi naman kasi maaaring baliwalain ang banta ng mga nakakubling mga nilalang at baka hindi siya makaiwas kung sakali mang merong panganib rito.

Ilang minuto pa ang nakakalipas at masasabi ng batang lalaking si Li Xiaolong na naging maayos naman ang kaniyang paglalakbay papunta rito. Pero labis pa rin siyang nagtataka lalo na at usually ay marami talagang pagala-gala rito maski mahihinang mga magical beast lamang ay wala talaga which is he really finds it weird.

Maya-maya pa ay nakita niya na ang eksaktong lugar ng pupuntahan niya kundi ang tabing ng Red Cloud Sea. Ngunit nagulat siya sa kaniyang nakita sa hindi kalayuan.

Tila nabalot ng napakalawak na fog o hamog ang buong tabing dagat na lugar na ito. Pansin niyang wala ring tubig ang makikitang tumataas o bumabalik sa tubig. Malamang dagat yung inaasahan niya rito alangan naman anyong lupa o maski ilog ay hindi ganito ang itsura. Mabilis siyang humalo sa mga grupo ng mga martial artists na nagkakatipon rito. Abala rin kasi ang mga ito sa mga pag-uusap ng mga ito kaya hindi mapigilang makinig ng batang lalaking si Li Xiaolong sa usapan ng mga ito. Alangan namang tumunganga siya rito at hindi makinig eh kabago-bago niya pa lamang na pumunta rito. He is not so strong na basta-basta na lamang lulusong sa bagay-bagay na wala siyang kaalam-alam noh.

"Bakit ganito ang naabutan natin sa lugar na ito. We just expect na bubungad satin ang karagatan pero bakit puno ito ng napakaraming mga hamog." Sambit ng isang lalaking balbas-sarado habang makikitang tila nakikitang nagkakamot pa ito ng kaniyang sariling batok.

"Ulol ka ba? Ano'ng hamog eh isang uri iyan ng miasma noh. Isang indikasyon daw iyan ng napakaraming kayamanan ng lugar na ito!" Sambit ng isang lalaking martial artists na Early Pulse Condensation habang makitang tila alam nito ang patungkol sa nasabing kakaibang usok na nasa tabing dagat lamang.

"I don't agree with what you are saying lalo na sa napakaraming kayamanan. Miasma is kind of an acidic substance mostly found in some rocks producing some unnecessary corrosion. Sigurado akong mapapaso ang sinuman kung sakaling lulusong sila rito sa loob ng lugar na iyan. Walang kayamanan sa miasma. Kahit hukayin mo pa yang pesting mga batong yan, wala ksng mapapala diyan!" Pangongontra naman ng isang lalaking Early Pulse Condensation Realm Expert.