webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 202

"Alam ko na, ang pesteng craftsman lamang ang maaaring gumawa nito hehehe! Hindi ka makakatakas sa akin!" Malademonyong sambit ng impostor na anyo ng nilalang na ito. Inaalala pa nito na isa pa rin siyang preso ngunit masasabi nitong kailangan niyang magpalakas pa lalo at maging Middle Purple Blood Realm Expert sa madaling panahon. Sigurado siyang nakatunog na ang Dou City Prison Chamber sa pagkawala niya.

Biglang lumapag ang demonic path cultivator na ito sa lupa. Makikita ang kakaibang ngising hindi matanggal-tanggal sa mukha nito. Nagpalabas ito ng kakaibang enerhiya sa katawan nito na siyang bigla na lamang nagpawala at nagpahilom sa natamo nitong sugat. Parang kusang sumarado ang natamong sugat nito at gumaling.

"Pagbabayaran ng nilalang na ito ang pagkabulilyaso ng mga plano ko maging ang pagkakapinsala ko ngayon. Maraming blood essence ang nawala sakin kYa pagbabayan niya ang laaht ng ito ng sariling buhay nito!" Sambit ng demonic path cultivator na ito sa malalim na tono ng boses. Isa ito sa epekto ng paggamit i pagsunig nito ng sarili niyang blood essence. Alam niyang ang talisman na nakatama sa kaniya ay may halo ng isang napakapurong blood Essence mula sa Blood Gem Crystals ngunit isa itong uri ng lason dahil sa kakaibang paggamit ng craftsman sa nasabing Blood essence sa loob ng Blood Gem Crystals.

Ang awra at enerhiya ng hindi pa kilalang demonic path cultivator na ito ay bigla na lamang mas tumaas at naging nakakatakot tandang gagawa ito isang pambihirang demonic skill. Nakapikit ang mata nito sa buong durasyon ng pagsasagawa nito ng skill.

Maya-maya pa ay bumukas ang dalawang pares ng mata nito. Bumungad ang dalawang pares ng purong itim na mga mata niti ba animo'y parang hindi sa tao. Nakangisi pa ito na siyang mas magbibigay kulabot sa makakakita nito. Isa ito sa palantandaan na gumagamit ng Forbidden Skill o Demonic Skill ang isang nilalang.

<Demonic Skill: Demonic Shadow Eyes>

Nakita na lamang ng demonic path cultivator ang daan pasulong. Sinuyod nito ang daan sa mabilis na pamamaraan. Nakita nito ang lahat ng mga halimaw na pagala-gala kung saan ay hindi niya pinansin.

Sinuyod ng sinuyod nito ang bawat lugar hanggang sa makita niya ang tila blurry figure ng isang nilalang na nakasuot ng kayumangging roba na mabilis na lumilipad sa pagitan ng mga matataas na puno.

"Sa wakas ay nahanap na rin kita. Hindi ko aakalaing ang matandang lalaking hukluban pala ang craftsman na ito. Matanda na ang nilalang na ito at hindi ko na rin mapapakinabangan pa ito. Kaya papaslangin na kita gamit ang pambihirang demonic skill ko na ito!" Puno ng panggigigil na sambit ng demonic path cultivator habang malapit na nitong maabot ang mismong likuran ng matandang lalaking hukluban na steady lamang ang phase ng paglipad nito.

...

Kasalukuyang lumilipad ang batang si Li Xiaolong. Pansin niyang tila may parang sumusunod sa kaniya. Kanina niya pa napapansin ang tila kakaibang enerhiyang bigla na lamang sumulpot dito.

Agad na napalingon ang batang si Li Xiaolong sa likuran niya at napansin niya ang tila parang anino ng isang nilalang na siyang labis na ikinapagtataka at ikinabalisa nito.

Bigla na lamang itong sumulpot sa gilid niya at mabilis na iwinasiwas ng anino ang parang kamay nitong napakatulis.

Ngunit huli na ang batang si Li Xiaolong uoang magawa pa nitong iwasan ang atake dahil inatake na siya ng nasabing kakaibang pigura ng nilalang na gawa sa anino.

Agad na inilagay ng batang si Li Xiaolong ang braso nito sa kaniyang harapan upang masangga ang atake ng nasabing anino.

Naramdaman na lamang ng batang si Li Xiaolong ang napakalakas na pwersa ng atake ng misteryosong anino sa kaniyang braso.

Agad na nawalan ng balanse ang batang si Li Xiaolong sa paglipad at parang papel itong bumulusok pailalim.

BANG!

Isang malakas na pagsabog ang nangyari kung saan ay tila walang kalaban-laban ang batang si Li Xiaolong sa paunang atake ng nasabing misteryosong aninong umatake sa kaniya.

....

Tumilapon ang murang katawan ng batang si Li Xiaolong sa isang madamong parte ng daan. Talagang masaklap ang pagkakabagsak nito sa lupa. Isang makapal na usok ang tumakip sa buong lugar na pinagbagsakan niya.

Hindi naman mapigilang mapangiti ang mismong may kagagawan nito kundi ang pekeng lider na siyang isa palang preso na nakawala mula sa isa sa Dou City Prison Chamber.

Hindi nito mapigilang makaramdam ng kasiyahan lalo na't nakita na nito ang pagkakabulusok ng matandang hukluban sa isang bahagi ng daan.

Inaasahan na rin niya ito at masasabi niyang wala itong kalaban-laban sa kaniya. Gamit ang Devil Eyes na skill niya at ang Shadow Clone na siyang binibigyang buhay at kinokontrol niya ay sigurado siyang matatalo niya ito.

"Hindi ako tuluyang matutuwa kung hindi ko muna paglalaruan ang matandang hukluban na ito. Sinira niya ang aking mga plano kaya mas gugustuhin kong maglaro muna kami bago ko siya tuluyang paslangin hehehe." Sambit ng kriminal na siyang nagpanggap bilang isang lider ng grupong ito sa kaniyang isipan lamang. Makikitang ang antisipasyon sa mga mata nito. Kasalukuyang naka-lock ang kaniyang sariling katawan sa isang tabi lalo na at ang kasalukuyan niyang kinaroroonan ay hindi sa mismong sariling katawan niya kundi sa Shadow Clone nito.

Ang shadow clone niya ay isa sa pambihirang abilidad na natutunan niya noong nasa loob siya ng espesyal na kulungan na ginawa upang isilid siya rito. Bunga ito ng walang sawa niyang pag-eensayo upang dumating ang araw na ito upang makalabas sa mala-impyernong lugar na iyon. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na hindi na siya babalik roon.

Kaya nga ang matandang lalaking sumira sa plano niya ang unang nakatikim ng pambihirang kakayahan niyang ito at ng forbidden skill niyang ito. His own combat ability is multiple times stronger than his current cultivation level kaya masasabi niyang mananalo siya sa matandang hukluban.

Maya-maya pa ay napatayo si Li Xiaolong habang nakatago pa rin ang kaniyang totoong anyo sa kaniyang sariling kalaban. Ramdam niyang uminit ang buong katawan niya dahil na rin sa Blood Gem Armored crystal sa katawan niya na isa sa mga proteksyon niya sa kaniyang sariling katawan kung kaya't hindi napinsala ang supt niyang roba o ang mismong katawan niya dahil sa mabilis at napakalakas na pwersa ng atake ng nasabing Shadow Clone.