webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 193

"Hello, sino ba naman kasi ang nagsalita kanina patungkol sa Cultivation Manuals at patungkol sa pambihirang martial arts skill nito. Kung tumahimik sana kayo edi sana naglalakbay at nakarating na tayo sa mismong Red Cloud Sea." Maarteng sambit muli ng isang magandang babaeng sopistikada. She is over with this kind of team. Gusto niyang mainis sa mga ito sa totoo lang.

"Tama, sino bang madaldal ang nagsalita kanina. Ikaw ba ha?!" Sambit ng babaeng Houtian Realm Expert sabay turo sa isang lalaking Pulse Condensation Realm Expert. Matiim niya itong tiningnan.

"Hi-hindi a-ako a-ah. Sila yun." Sambit ng binatang lalaking patpatin na isang Pulse Condensation Realm Expert sabay tingin sa ibang mga martial artists partukular sa mga hanay ng kapwa nito Pulse Condensation Realm Expert.

Tiningnan naman nito ang isang martial artist na nakita nito.

"Hoy, hindi ako ah!"  Pagtanggi naman nito sabay tingin sa iba pang mga martial artists na kasamahan nila.

"Mas lalong hindi ako!" Depensang sambit ng isang lalaking Pulse Condensation Realm Expert.

"Ba't ako nadamay diyan eh wala naman akong sinabi kanina!" Naiiritang sambit ng magandang babaeng Pulse Condensation Realm Expert

"Wag niyo kong pagbintangan eh mas lalong tikom ang bibig ko kani-kanina pa." Nakabusangot na sambit ng isang lalaking Pulse Condensation Realm Expert habang dinedepensahan niya lamang ang kaniyang sarili sa mga alesgasyon ng mga ito

"Basta ako nag-oobserba lang ako kanina." Simpleng sambit ng isa pang lalaking Early Pulse Condensation Realm Expert.

"Talking is not my thing." Walang kaemo-emosyong sambit ng isa pang lalaking Pulse Condensation Realm Expert.

"Nanonood lang ako kanina kaya mas lalong hindi ako noh!" May diing sambit ng isa pang lalaking Pulse Condensation Realm Expert.

"Napagbintangan pa ko eh halos hindi ako makakilos ng mabuti dahil sa halimaw na Giant Wood Pine Beast kanina!"maarteng sambit ng isang babaeng Early Pulse Condensation Realm Expert.

"Halos maihi nga ako sa pantalon ko kanina kaya imposibleng ako ang magsasalita sa mga oras na iyon!" Sambit ng isa pang patpating Middle Pulse Condensation Realm Expert habang tila sumusuko ito sa mga ito.

Kaniya-kaniyang sambit naman ng mga Pulse Condensation Realm Expert habang tinatanggi nila ang paratang ng mga ito sa kanila ng kapwa nila Pulse Condensation Realm Expert. Tila ba wala sa mga ito ang nagsalita kanina sa lugar na kung saan pinangyarihan ang nasabing pang-aambush ng isang malakas na halimaw na Giant Wood Pine Beasts. Kung susuriing mabuti ay tila hindi mo malalaman kung sino ang nagsisinungaling sa mga ito dahil parehong mga ekspresyon sa mukha nila ang namamayani. Seryoso din ang bawat isa sa kanila. Kung titingnan mo ang mga ito sa ngayon ay parang mababait na kuting.

Tiningnang maigi ng Xiantian Realm Expert ang mga ito ngunit makikita nilang tila wala sa mga ito ang mayroong bahid ng pagsisinungaling. Napa-tsk na lamang ang iba sa mga ito. Sampong Xiantian Realm Expert sila at nalipat ang tingin ng mga ito sa Houtian Realm Expert na halos kasing dami rin ng mga Pulse Condensation Realm Expert na siyang pumapangalawa sa pinakamarami.

"Wag niyo po kong tingnan ng ganyan. Mas lalong hindi ako ang nagsalita patungkol sa Cultivation Manuals na iyan." Pagtanggi naman ng binatang lalaking Late Houtian Realm Expert.

"Wala akong kinalaman  diyan noh. Inosente po ako!" Depensa rin ng isa tandang hindi nito gustong madamay sa ganitong klaseng problema.

"Ako rin, wala akong ginawa kanina ha. Tikom ang bibig ko sa usaping iyan!" Panapos na sambit ng binatang lalaking Middle Houtian Realm Expert habang tahimik itong naupo sa gilid.

"Tama, hindi naman kasalanan ng isa ay kasalanan na ng lahat noh! Basta tahimik lang din ako kanina!" Sang-ayon din isa sa sinabi ng nauna. Tinanggi rin nito ang paratang ng mga Pulse Condensation Realm Expert.

"Mas lalong wala akong kinalaman diyan. Hindi nga ako maka-concentrate sa panonood sa halimaw  na  Giant Wood Pine Beast kanina eh." Pagtatapat na sambit ng isang may edad na lalaking Late Houtian Realm Expert.

"Nasa halimaw na Giant Wood Pine Beast ang tingin ko kaya imposibleng nakisali ako sa usapan patungkol sa Cultivation Manuals ng lider natin!" Pagrarason naman ng isa pang lalaking Early Houtian Realm Expert.

"Sang-ayon ako sa sinabi mo. Mas nakamamatay ang mapamuksang atake ng halimaw na Giant Wood Pine Beast kaya mas natakot ako rito!" Mahinhing sambit ng isang babaeng Middle Houtian Realm Expert. Matatakutin din kasi ito at sa unang kita mo palang ay hindi na gagawa ng masama.

"Nakatago ako sa likuran kaya imposibleng nakisali ako sa usapan patungkol sa mga manual-manual na yan!" Direktang pagtanggi ng isa pang babaeng Peak Houtian Realm Expert.

Halos lahat din ng mga Houtian Realm Expert ay tikom ang bibig at hindi rin umamin sa kung sinuman ang nag-open up ng usapin patungkol sa Cultivation Manuals at sa mismong pambihirang martial arts skill na ginamit ng lider nila kanina.

Sino nga ba ang aamin kung napakarami nilang naririto. Siguradong hindi lang mapuputok ang bibig ng aamin kundi baka paslangin din sila ng kapwa nila kasamahan rito. Kahit kailanman ay hindi aamin ang mga ito sa kasalanan nila. Sino nga ba ang aamin eh wala naman talaga ang mga itong binig upang aminin ang sarili nilang kasalanan. Kilala ang mga martial artists sa pagiging ma-pride at hindi sila kailanman aamin sa kasalanang nagawa nila. Kaya imposibleng may mapipiga ka sa mga ito ni katiting na impormasyon kung sino ba talaga.

Hindi naman naging satisfied ang mga Xiantian Realm Expert lalo na at sampo lamang silang naririto. Alam nilang sa sarili nila na mas lalong hindi sila ang nauna sa pagsasalitang ito. Alam nilang nasa hanay ng mga Martial artists na mga Pulse Condensation Realm Expert at Houtian Realm Expert lamang ang naunang magsabi patungkol rito.

Ngunit ang tingin ng mga Houtian Realm Expert maging ng mga Pulse Condensation Realm Expert ay nasa kanila na. Animo'y parang hinihintay nila na may umamin sa kanila. Sino bang matutuwa sa ginagawa ng mga ito.

"Wow ha, talagang ang kapal ng mga mukha niyong tingnan kami ng ganyan lalo na ako hmmp! Kayo ang naunang magsalita patungkol sa Cultivation Manuals na naglalaman ng mga martial arts skills ng Dance of the Nine Swords!" Sambit ng magandang babaeng Late Xiantian Realm Expert habang makikitang gusto niyang sumbatan ang mga Pulse Condensation Realm Experts at ang Houtian Realm Experts dahil tandang-tanda niya na ang mga ito ang unang nagpasimula ng mga ito.

"Kayo talaga ang naunang magsalita patungkol sa Cultivation Manuals na iyon. Sa inyong hanay yun nagmula!" Walang pakundangang pagdiin ng isang binatang lalaking Middle Xiantian Realm Expert sa mga mahihinang martial artists na nakikita niya.

"Oo nga, kami pa pinagbibintangan niyo eh malamang kayo lang ang mga madadaldal kanina hmmp!" Naiinis na sambit ng isang may edad na babaeng Middle Xiantian Realm Expert habang sabay duro sa mga Houtian Realm Experts at sa mga Pulse Condensation Realm Experts.

Hindi naman maganda ang mukha ng tatlong Xiantian Realm Expert pero ang pitong Xiantian Realm Expert ay tahimik lamang. They are not affected from this kind of situations lalo na at wala silang pakialam. Ang gusto lang nilang malaman ay kung sino ang nagpasimula nitong lahat.