webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 191

Ilang minuto pa ang nakakalipas matapos lisanin ng mga nabigong grupo ng mga martial artists ang lugar ay lumitaw na lamang ng biglaan ang nakamaskarang itim na lalaki isang Purple Blood Realm Expert na siyang lider ng mga ito.

"Hindi ko aakalaing madali ko lamang mapapaalis ang mga pesteng nilakang na iyon. Mabuti na lamang at hindi nila ako naramdaman sa paligid nila kung hindi ay mahihirapan akong paalisin ang mga ito hahaha!" Seryosong sambit ng nakamaskarang itim na Purple Blood Realm Expert habang malademonyo pa itong napahalakhak sa huli.

Agad nitong tiningnan ang tila papatapos na sa paghigop ng enerhiya ang isang mapamuksang halimaw na walang iba kundi ang Giant Wood Pine Beast na makikita ang labis na paghigip nito ng blood essence sa napaslang at nabiktima nitong kaawa-awang mga martial artists.

"Mabuti na lamang at nasa mahigit apatnapong Martial artists ang napaslang ng mapamuksang halimaw na ito. Hindi na ako makapaghintay pa na mapaslang ito at kunin ang lahat ng blood essence na nakuha nito sa katawan ng mga napaslang nitong mga pesteng mahihinang martial artists hehe." Parang baliw na sambit ng nakamaskarang itim na lalaking Purple Blood Realm Expert. Makikitang malademonyo pa itong napangisi at ang mata nito ay mistulang namumula na parang mata ng isang demonyo. Gustong-gusto talaga nito ang makamit ang mga blood essence na nakuha ng halimaw na ito maging ang blood essence ng mga napaslang nitong mga martial artists.

Ito ang isa sa madaling pamamaraan ng pagpapataaa ng lebel ng Cultivation niya. Hindi ito isang mabuting paraan ng pagcucultivate kundi pamamaraan ito ng mga demonic practitioners na gustong makapagpataas ng lebel ng Cultivation sa maikling panahon lamang. There are a lots of impurities sa mga blood essence ng mga nilalang na napaslang at kukunan mo nito. Kaibahan ito sa mga ores na mayroong purong enerhiyang giangamit sa pagcucultivate. Isa ito sa masasabing normal na gawain ng mga demonic practitioners para lakaran ang demonic cultivation path nila. This is way too brutal at too savage lalo na at hindi makatao ang ganitong klaseng pagcucultivate. You have to stain yourself to kill to achieve higher cultivation boundaries.

GROOOAAAAR!!!!!

Isang malakas na pag-atungal ng dambuhalang halimaw na Giant Wood Pine Beast ang bigla na lamang pinakawalan nito. Masasabing hindi maipagkakailang ang kabuuang itsura ng halimaw na ito ay nakakatakot. Ang tila nangingitim nitong katawang puno maging ng mga ugat nito sa katawan at ng mga sanga nito ay tila may lumiliwanag na mga kulay pulang mga dots na patuloy na pumapasok sa katawan nito. Walang dudang mga Blood Essence nga ito na Patuloy na pumapasok sa katawan ng nasabing halimaw na Giant Wood Pine Beasts.

"Mabuti at tapos ka na halimaw sa paghigop ng mga Blood Essence ng mga nabiktima. I am really glad and looking forward na labanan ka ng tuluyan!" Nakangising sambit ng nakamaskarang itim na Purple Blood Realm Expert habang makikitang tila patuloy na namumula ang pares ng mga nito.  He is surely want to kill this kind of Magical Beast.

Walang ano-ano pa ay biglang lumitaw ang dalawang mahahaba at nakakatakot na kamay ng halimaw na Giant Wood Pine Beast maging ang dalawang magkabilaang paa nito ay lumitaw din sa pamamagitan ng paghati ng katawan nito sa ibabang bahagi nito na animo'y napakaimposibleng mangyari pero nangyari. Indikasyon lamang na busog na busog na ang halimaw na ito at gusto na nitong paslangin ang nilalang na nasa harapan niya.

Mas tumaas pa ang height nang nasabing Giant Wood Pine Beast at mas na-emphasize ang mga nakakatakot na kamay nito at ang sumasayaw nitong mga sanga sa ulo.

Walang ano-ano pa ay bigla na lamang nag-stretch out ang nakakatakot na kanang kamay nang halimaw papunta sa kinaroroonan mismo ng nasabing nakamaskarang itim na lalaking Purple Blood Realm Expert.

BANG!

Isang malakas na pagsabog ang nangyari kung saan ay bigla na lamang napatalon ng malakas at paatras ang nakamaskarang itim na lalaking Purple Blood Realm Expert. Nakangiti pa itong pinagmasdan ang nasabing mapamuksang halimaw na Giant Wood Pine Beast.

Ngunit hindi napansin ng nakamaskarang itim na lalaking Purple Blood Realm Expert ang isa pang kamay ng halimaw na Giant Wood Pine Beasts na papunta na sa kinaroroonan nito.

Nanlaki na lamang ang pares ng mga mata ng nakamaskarang itim na lalaking Purple Blood Realm Expert nang makita nito ang papalapit na atake.

BANNNGGGGG!

Tumilapon ng malakas sa malayo ang nakamaskarang itim na lalaking Purple Blood Realm Expert matapos nitong hindi naiwasan ang atakeng pinatikim sa kaniya ng dambuhalang halimaw na Giant Wood Pine Beasts. Mistula siyang isang pako na bumaon sa lupa kasabay ng isang malakas na pagsabog.

Mabilis namang tumayo ang nakamaskarang itim na lalaking Purple Blood Realm Expert at nakita nitong nahati ang pang-ibabang bahagi ng maskara nito.

Mayroong dalawang maliit na guhit ng sugat ang bandang pisngi nito tandang natamaan talaga siya ng nasabing halimaw na Giant Wood Pine Beasts sa bandang mukha.

Agad namang pinahid ng nakamaskarang itim na lalaking Purple Blood Realm Expert ang dugong tumutulo sa pisngi nito at mabilis na nagwika.

"Hindi ko aakalaing makakaya akong pinsalain ng isang katulad mong halimaw ka! Isa akong Purple Blood Realm na siyang papaslang sa'yo!" Sambit ng nakamaskarang itim na lalaking Purple Blood Realm Expert habang mabilis na nagbago ang aura nito. Nagkaroon ng kulay itim na enerhiyang bumalot sa katawan nito at naging parang kulay dugo ang mata nito dahil sa labis na pamumula nito habang ang kamay nito ay mismong dalawang kamay nito ay naging parang kamay ng isang halimaw. Parang kamay ng isang mabangis na magical beast ito lalo na ang mga kuko nito. Nangingitim pa ito na animo'y parang kamay ng isang patay.

Nakaramdam naman ng ibayong panganib ang halimaw at parang naapektuhan siya ng enerhiyang inilalabas ng kalaban nitong isang martial artist. Nagsusumigaw ang beast instinct nito ng panganib kaya mabilis itong tumakbo papalayo.

Blag! Blag! Blag!

Maririnig ang mahihinang pag-uga ng lupa dahil sa mabilis na pagtakbo ng halimaw na Giant Wood Pine Beast lalo na at nakaramdam ito ng matinding panganib.

"Hahaha... Saan ka tatakbo halimaw. Akala mo ay makakatakas ka sa akin hehehe!" Parang baliw na sambit ng nakamaskarang itim na lalaking Purple Blood Realm Expert habang mabilis nitong sinundan ang direksyon tinatahak ng nasabing halimaw.