webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 18

Mabuti na lamang at hindi pinaghinalaan si Night Spider dahil sa kaniyang illusion technique. Makikita rin na maingat itong naglalakad at hindi pinapahalata na isa siyang tagalabas idagdag pang napakababa ng Cultivation Level ng mga miyembro ng Li Clan dahil hanggang Viscera Training Stage pa lamang ang mga ito pababa.

Nagtanong-tanong pa siya sa ibang mga tao na naririto sa bahay ni Li Xiaolong at nalaman niya na si Li Qide at Li Wenren ang pangalan ng mga magulang nito.

Narating na ni Night Spider ang lugar kung saan nakatirik ang maliit na bahay-kubo na siyang sinasabing tinitirhan ng batang pakay niya. Mabilis siyang lumakad papunta rito ngunit bigla siyang napahinto.

Mistulang nagdadalawang-isip pa ito kung kakatok ba siya at kung ano ang maaari niyang sabihin.

Ngunit ganon na lamang ang gulat niya ng makarinig siya ng boses mula sa kaniyang likuran.

"Sino ka ha?! Bakit nandito ka sa labas ng bahay namin? Siguro magnanakaw ka noh?!" Sambit ni Li Xiaolong habang naka-fighting stance into na handa na itong makipaglaban.

Animo'y napatalon naman sa gulat si Night Spider dahil sa biglaang pagsasalita ng pamilyar na boses nito.

"Li Xiaolong?!" Sambit naman ni Night Spider na animo'y nakangiti.

"Anong ngingiti mo jan?! Gagawa ka ng masama noh tapos nanakawan mo kami hmmp!" Pasupladong sambit ni Li Xiaolong at mabilis nitong inatake si Night Spider na nasa ilalim pa rin ng kaniyang Illusion technique. Medyo liblib na bahagi na ng Li Clan ang maliit na bahay-kubo na kinatitirikan ng bahay ng nasabing kaya hindi maipagkakailang kapag may magnanakaw na pumasok sa kanilang teritory ay dito ito pupunta sa liblib na parte at maghahanap ng daan palabas ng angkan nila.

Nagulat naman si Night Spider ngunit isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Li Xiaolong direkta sa tiyan nito na abot lamang ng batang si Xiao xiao.

Para maisagawa ito ng batang si Li Xiaolong ay tumalon pa ito para masuntok ang eksaktong bahagi ng tiyan na gusto niyang sipain.

Napaatras naman ng konti si Night Spider dahil huli na ng magamit niya ang kaniyang protective essence.

"Huh?!" Nagulat naman si Night Spider hindi dahil sa sakit ng suntok ng batang si Li Xiaolong kundi ang pag-eksamin nito sa katawan ng batang si Li Xiaolong lalo na sa lakas nitong ipinamalas.

"Large Success Training Stage?! Paano nangyari ito?!" Sambit ni Night na animo'y laglag-pangang nakatingin  ngayon sa batang si Li Xiaolong habang animo'y nakabukas ang bibig nito na hindi makapaniwala sa kaniyang nadiskubre.

"Masakit ba ang suntok ko?! Ito tikman mo to!" Sambit ni Li Xiaolong habang may galit na ekspresyon ito sa mukha. Binigyan niya ng magkakasunod-sunod na suntok at sipa ang inaakala niyang magnanakaw na si Night Spider.

"At talagang dito mo pa balak tumago at balak mo atang magnakaw na magnanakaw ka. Naghihirap ngang maghanapbuhay si inay at itay para may pangkain at pantustos sa gastusin namin tapos magnanakaw ka lang! Huhulihin kita sa kahit anong paraan at patutumbahin kita grrr...!!!!!!" Sambit ni Li Xiaolong na sobrang naiinis rito. Naalala niyang nakatakas noon ang pesteng magnanakaw sa kanilang bahay at ang mga ipon ng mga magulang nito ang natangay. Sino ba naman ang gugustuhing pagnakawan muli ng magnanakaw na walang awa kung magnakaw. Halos kumulo ang dugo ni Li Xiaolong rito.

"Itayyyy! Inayyyyy! May magnanakaw!!!!" Malakas na sigaw ni Li Xiaolong habang mabilis niyang inundayan ng sipa at suntok ang magnanakaw.

Pilit namang nanglalaban si Night Spider dahil nakikiliti siya ngunit maya-maya pa ay ...

"AHHHHHHHHHHHH!!!!!"

Isang malakas na sigaw ni Night Spider ng malakas siyang kagatin ni Li Xiaolong habang kapit-tuko ito sa kaniyang parteng leeg.

"Ano bang klaseng batang ito. Mukha atang chanak ang gusto kong maging disipulo at hindi isang tao." Sambit ni Night Spider habang pilit nitong ipinalalayo ang kapit-tukong si Li Xiaolong sa kaniyang katawan. Parang nagsisisi siya kung bakit siya gumamit ng Illusion Technique at naranasan ang brutal na pagpapahirap sa kamay ng isang anim na taong gulang na bata.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Isang pigura ng babaeng nakaitim na kasuotan ang dumating sa lugar nina Li Xiaolong at ng nagbabalat-kayong si Night Spider. Ito ay walang iba kundi si Li Jianxin. Ibang-iba ang aura nito noong nag-host ito at hindi kakikitaan ng kahinhinan ang mga galaw nito pero nakakahalina tingnan ang astig nitong galaw bago tumuntong sa lupa at tumayo ng tuwid.

"Anong kaguluhan ito?! Uhmm...  i-ikaw b-ba y-yan N-night S-spider?!" Sambit ni Li Jianxin ng nauutal. Kitang-kita niya kasi na mayroong enerhiyang nakaharang sa mukha ng nasabing nilalang habang kitang-kita niya kung paano ito kapitang mabuti ng batang si Li Xiaolong.

Namilog naman ang mata ni Night Spider sa kaniyang narinig na boses sa kaniyang likuran at tiningnan niya ng mabuti kung sino ito at nagulat ito ng bahagya.

Napatigil naman ang batang si Li Xiaolong sa paghabol at pag-agaw ng tenga ng lalaking inaakala niyang magnanakaw at namilog rin ang mata nito. Agad siyang tumalon paatras mula rito.

Tiningnan pa ng batang si Xiao² ang lalaki pero hindi naman ito.

"Nagkakamali ka ata ate... Ang pangit niya po saka malayo po ang itsura niya kay Kuya Night Spider eh." Sambit ni Li Xiaolong habang pinagmamasdan pa ang lalaking napagkamalan niyang magnanakaw ngunit tinatawag ng kanyang Senior Sister Li Jianxin na si Night Spider ito.

"Miss Jianxin?! Paanong nandito ka pa?!" Sambit ni Night Spider habang tinitingnan ng mabuti si Li Jianxin. Animo'y isa itong ninja dahil purong itim ang buong kasuotan nito na mapagkakamalang magnanakaw pa kumpara sa kaniya.

Imbes na sagutin siya ni Li Jianxin ay nilapitan ng dalaga ang batang si Li Xiaolong.

"Little Xiao², pumasok ka muna sa loob ng bahay niyo at sabihin mo sa magulang mo na may espesyal kayong bisitang darating. Mamaya ko na sasagutin ang mga katanungan mo okay?!" Malumanay na sambit ni Li Jianxin na siya namang tinanguan ng batang si Li Xiaolong at mabilis na kumaripas ng takbo ngunit bago pa man pumunta sa loob ng maliit na bahay-kubo ay tiningnang maigi ng batang si Li Xiaolong ang magnanakaw daw na si Night Spider.

Nangunot pa ang noo ng bata tandang hindi ito naniniwala sa sinabi ng kaniyang Senior Sister Li Jianxin at napanguso pa ito. Mabilis din itong pumasok sa kanilang bahay ng walang lingon likod. Marahil ay takang-taka ito sa buong pangyayari.