webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 178

Malaki din ang pinoproblema niya sa mismong pamunuan ng Sky Flame Kingdom na siyang mahilig gumawa ng away at mga masasamang hakbang sa angkan ng mga Li kahit na wala naman silang ginagawang masama. Ni hindi nga naisipan ng kasalukuyaang Li Clan na mag-umpisa ng rebelyon sa mga ito ay talagang inumpisahan ng mga ito. Kung magpapatuloy ito ay talagang malulupig ang buong angkan ng Li sa mga awtoridad na gustong mawala ang Li Clan ng tuluyan.

...

Iwinala na muna ng batang lalaking si Li Xiaolong ang mga problema niya patungkol sa angkan niyang kinabibilangan niya at sa Sky Flame Kingdom lalo pa't hindi maganda na isipin ang mga personal matters na ito. Kailangan niyang lumakas kaagad sa madaling panahon. Hindi titigil ang Sky Flame Kingdom sa panggagawa nito ng gulo kung ang gusto nitong lupigin ay wala naman talagang sapat na lakas upang lupigin. Parang takot ang mga ito sa maaaribg gawin ng Li Clan? Pero imposible iyon hindi ba?!

Sa loob ng Sunrise Inn...

Nang gabi ding iyon ay desidido na ang batang lalaking si Li Xiaolong na puntahan ang nasabing lugar ng Red Cloud Sea kung saan ay tila natuyo daw ang Ocean Basin ng nasabing baybayin. Hindi naman siya nagkamali lalo na at narinig niya ang usapang iyon sa mga tao sa paligid niya. Hindi naman siya tsismoso, gusto niya lang makumpirma ang mga impormasyong sinabi ng babaeng namamahala ng Sunrise Inn na tinutuluyan niya.

Maraming mahahalagang impormasyon lamang ang nakalap niya patungkol sa kaganapan sa Red Cloud Sea at iyon ay nasa kasalukuyang ekspedisyon pa rin ang mga grupo ng mga martial artists na gumalugad at sinubukang puntahan ang napakadelikadong lugar na iyon. Maraming mga kakaibang pangyayari ang nagaganap sa parteng baybayin na iyon ngunit marami pa rin ang gustong sumunod sa yapak ng mga ekspertong ipinadala ng malalakas na mga indibidwal para sa sarili nilang benefits.

Nalaman din ng batang lalaking si Li Xiaolong na hindi lamang ang mga Magical Beasts ang nagkaroon ng pagbabago sa lugar na iyon maging ang mga halaman at pag-usbong ng mga kakaibang halaman doon na naging Medicinal Herbs ay talaga namang nasa top list ng mga martial artists na gustong pumunta sa lugar na ito. This will help them alot lalo na at napag-alaman ng mga martial artists na ang mga medicinal herbs na matatagpuan ngayon sa Red Cloud Sea ay may malakas na vitality kaya ang blood extractions ng nasabing mga medicinal herbs na ito ay nasa astronomical price din ito.

Hindi din basta-basta ang mga medicinal herbs na ito lalo na at para mapanatili nito o mapalakas pa lalo ng medicinal herbs ang sarili nito upang mabuhay ay kumain din ito ng mga buhay na mga bagay o nilalang. Ito ang magiging pataba nila.

Konti lang ang alam ng batang lalaking si Li Xiaolong sa mga pambihirang medicinal herbs na ito ngunit mayroon naman siynag secret books na binili niya mula sa bayan. Sa kasalukuyan sana ay naglalakbay pa lamang siya papunta rito ngunit sinuswerte lamang siya  pero nasayangan siya sa mga nakuha niyang mga medicinal herbs.

Matalas naman ang isipan niya at malaki ang storage capacity ng utak nila kumpara sa mga ordinayong mga taong nabubuhay sa mundong ito. Ang simpleng mga babasahin ay hindi problema sa kanilang mga martial artists.

Nalaman man niya ang mga medicinal herbs na nakasulat sa mga libro ay hindi naman niya isinasawalang bahala ang posibleng mga factors lalo na kung ibang species ng buhay na medicinal herbs ang makasagupa niya. Ang mga medicinal herbs na mayroong malakas na blood vitality ay siguradong hindi madaling matalo ang mga ito. Mawawalan lang ang mga ito ng lakas kung sakaling mabunot ng sinuman ang medicinal herbs mula sa lupang kinatatabuman nito. Ito ang pinakaunang rules na dapat tandaan.

Pinagsabay ng binatang lalaking si Li Xiaolong ang pag-aaral ng mga medicinal herbs at ng pagcu-cultivate nito.

Alam niyang anytime soon ay mapapasugod sa Red Cloud Sea ang mga hindi mabilang na mga martial artists lalo na ng mga dumayo rito. Kapag dumayo ang mga ito sa isang lugar ay talaga namang hindi din ang mga ito magpapatalo o panghihinaan ng loob kaagad agad. Masasabing may taglay din ang mga ito ng lakas at abilidad para maglakbay papunta rito.

Alam niyang ang mga bagay na nakikita niya sa paligid ay parang props lamang ang mga ito lalo na at walang sinuman ang mangangahas na gumawa ng panibagong eksena. Halos lahat ay busy sa balita sa loob ng Red Cloud Sea. Although it's so dangerous pero alam niyang to gain a higher value of wonderful things in life, kaialngan mo ding magbayad ng malaki even your life is at risk. This is how life work here. The more dangerous the place you explire, the more benefits you get as a martial arts experts. Yun lang ay ang mortality rate ay masyadong malaki ang porsyento baka doon ka na rin mailibing ng buhay if you encounter some tragic events.

...

Kinabukasan ay walang inaksayang oras ang batang lalaking si Li Xiaolong hangga't wala pang balitang naghuhudyat na pwede ng pumunta sa mismong Red Cloud Sea ay hindi siya gagalaw ng siya lamang. Kahit na isa siyang Xiantian Realm Expert ay siguradong walang laban din kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan sa padalos-dalos niyang paglalakbay doon. Hindi siya tanga para hindi mabalanse ang important goal niya at ang iniingatan niyang buhay.

Gaya ng mga habilin ng kaniyang sariling nga magulang ay kailangan niyang maging mapanuri at kalmado sa lahat  ng oras . Hindi niya gugustuhing isa siya sa masasawi sa paglalakbau na ito. Maraming namamatay  sa ganitong klaseng hakbang upang suungin ang isang kakaibang lugar na katulad ng Red Cloud Sea. Ang pulang dagat na tila humahalik ang mga ulap kung umaga ay talaga namang nskakamangha pero nagigiing inconvenient din ang ganitong klaseng taktika.

Isa sa hinihintay niya lang talaga ay maraming mga lalahok sa ekspedisyong ito. He can gain alot from this adventure paputa sa Red Cloud Sea  alam niyang marami ang magiging luhaan at konti lamang ang suswertehin sa paglalakbay  na ito habang ang iba ay  masuwerteng magtatamo ng inaasam na  bagay na nakatago sa delikadong tuyong water basin ng Red Cloud Sea.

...