webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 175

Nagpaalam na ang batang lalaking si Li Xiaolong sa mga pamilya Zēng lalo na at ang destinasyon ng mga ito ay hindi tugma sa kaniyang lugar nap pupuntahan.

Sa wakas ay naririto na ang batang lalaking si Li Xiaolong sa Dou City. Talaga ngang napakalawak ng lugar na ito. Walang panama ang apat na kaharian sa lawak ng lugar na ito. Yun nga lang ay ang unang parte ng Dou City na napuntahan niya ay isang sentral na lugar ng kalakalan at pamilihan kung saan ay marami siyang naririnig na mga ingay mula sa nagkukumpulang mga tao sa bawat stalls ng mga tindahan.

"Dinadagsa talaga ang lugar na ito ng Dou City. Di ko aakalaing mayroong mga malalakas na cultivators ang naririto ngunit sa anyo ng mga ito ay talagang kinukubli din ng ilan sa mga ito ang kanilang mga cultivation level hmmm..." Namamanghang sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang tila may galak sa kaniyang puso.

Magkahalong saya at pangamba ang nararamdaman ng batang lalaking si Li Xiaolong nang mapansin niyang tila marami talaga ang mga malalakas na ekspertong naririto. Sa pag-oobserba niya pa lamang ay halos karamihan sa mga ito ay nasa Pulse Condensation Realm, Houtian Realm at mayroon ding mga Xiantian Realm Expert ang naririto sa kasalukuyan. Mas nagtaka siya sa ilang mga buminili lalo na at hindi niya man lang malaman ang mga lebel ng Cultivation ng mga ito.

Woosh!

Mabilis na nagtago ang batang lalaking si Li Xiaolong sa isang haligi ng kahoy nang napansin niyang tila naramdaman ng isa sa mga martial artists na tila mayroong nag-oobserba sa kaniya. Kasama ang kasamahan nito ay tila nag-uusap ang mga ito na para bang napansin nitong tila sinusuri siya.

Napahinga na lamang ng maluwag ang batang lalaking si Li Xiaolong lalo na at hindi siya nadiskubre ng lalaking tila mayroong bagay na nakaharang sa loob ng katawan nito lalo na sa dantian nito. Mahuhuli talaga siya nito kung sakaling nahuli lang siya. Nakatulong din ang napakaraming mga tao upang hindi siya mahuli.

Napakamot na lamang sa kaniyang sariling batok ang batang lalaking si Li Xiaolong lalo na at napakadelikado pala ng ginawa niya. Sigurado siyang eksperto ang mga ito sa mas mataas na boundary kumpara sa kaniya. Hindi siya dapat maging padalos-dalos lalo na at ang lugar na ito ay hindi basta-basta lamang. Puro mga dayuhan at manlalakbay ang naririto sa sentral na lugar ng Dou City. Kahit gustuhin man ng batang lalaking si Li Xiaolong na magpakitang gilas bilang Xiantian Realm Expert ay siguradong mapapaslang pa din siya kung di siya mag-iingat.

Alam niyang ang mga may potensyal na mga batang martial artists ay hindi kailanman pinapalabas ng basta-basta sa kanilang angkan at mas lalong hindi sila yung tipong nagpapakasasa sa yamang taglay ng pamilya nilang kinabibilangan.

Agad namang nag-ayos ang batang lalaking si Li Xiaolong bilang anyong matanda katulad ng ginawa nito noon sa pagpunta sa mga bayan sa loob ng Sky Flame Kingdom noon. Mas ligtas pa ito kaysa maging batang palaboy-laboy dito. Baka pagtripan lang siya ng mga martial artist dito. Hindi niya gugustuhin iyon lalo na at gusto niya pang mahanap si Fai na munting kaibigan niya na isang quoll.

"Saan ko kaya hahanapin ang mukhang pusang iyon. Sinabi ba namang dito magkita pero di ko aakalaing napakalawak ng lugar na ito sa sentral na parte ng Dou City. Ano ba naman to?!" Tila nanghihinang sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong lalo na at imposibleng makita niya kaagad ang mukhang pusang gala na munting kaibigan niya.

Agad na iwinala ito ng binatang lalaking si Li Xiaolong lalo na at di naman siya tumupad sa usapan nito. Naalala niyang nag-away pala sila munting kaibigan niyang iyon. There's no way na hajanapin siya nito. Sigurado naman siya nA kung makakapasok siya sa loob ng Cosmic Dragon Institute ay siguradong ihahayag sa publiko ang mga estudyanteng napili. This will serve na lahat ng estudyante at mga pamilya o angkang kinabibilangan nito ay protektado ng paaralan. Those that makes difficult to any related affiliations sa mga estudyante ay sakop nito. Thoses that will makes something bad to them will definitely suffer from the wrath of Cosmic Dragon Institute.

Ganon kalakas ang pwersang nakapaloob sa Cosmic Dragon Institute lalo na at ayon sa Zēng Clan ay pinamumunuan daw ito ng malalakas at makapangyarihang mga indibidwal. Halos lahat ng mga nasa Dou City ay takot sa bagsik ng paaralang ito. Takot nga ang mga kilalang mga pamilya o angkan sa loob ng Dou City kaya imposibleng hindi takot ang apat na kaharian dito.

Kasalukuyang gumagala ang batang lalaking si Li Xiaolong sa eskinitang malayo sa mga tao. Delikado man ang lugar na ito ngunit alam niyang hindi naman gaano itong pinapansin lalo na at gusto niya ding maghanap ng matutuluyan sa pamamalagi niya sa Dou City. Hindi naman kasi siya maaaring magpalaboy-laboy lamang dito kasi napakadelikado para sa kaniya.

Hindi namamalayan ng batang lalaking si Li Xiaolong na makikita niya kaagad ang isang maliit na inn kung saan ay masasabi niyang pwede niyang rentahan ang isang room dito.

Agad na siyang pumunta papasok sa inn na ito.

Nakita niyang nakita ang isang babaeng nasa counter. Agad na kumatok ang batang lalaking si Li Xiaolong na nakadisguise bilang isang matandang lalaki.

"Magandang araw ineng, may available pa bang silid dito?!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa matandang boses.

Napangiti naman ang magandang babae. Makikitang nasa twenties na ang edad nito. Hindi naman ito nag-aksaya ng oras at nagwika.

"Opo Lolo, meron pa ditong mga bakanteng rooms. Kayo na lamang po ang mamili." Masayang sambit ng magandang babaeng nasa counter.

Normal na inn lamang kasi ito at halos di nga kinukuha dahil walang espesyal sa lugar na ito. Karaniwang kinukuha ito ng mga low level martial artists o di kaya ay ang mga mahihirap na mga Cultivators. Mas prefer kasj ng ilan ang may special functions na inn kung saan ay mayroong malawak na espasyo, may cultivation area at iba pa.

Nag-usap pa ng matagal ang batang lalaking si Li Xiaolong at ang magandang babaeng nalaman niya na siyang namamahala ng inn na ito. Plano ng batang lalaking si Li Xiaolong na umupa ng ilang buwan dito bago maganap ang nasabing selection.