webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 166

Napakasakit sa kaniyang damdamin kung paano niya maalala ang kaniyang kapatid na magmakaawa sa dalawang kriminal na halang ang kaluluwa habang binibitbit ng mga ito papasok sa loob ng hidden Forest at kung paano nito tawagin ang pangalan niyang "Ate Hua! Ate Hua!  Ate Hua! tulungan mo ko! Ayoko ko na dito!"

"Bakit hindi nalang ako ang namatay kaysa sa kapatid ko. Bakit ganon na lamang iyon. Wala siyang kalaban-laban huhu... *cries sound" humagulgol na sambit ni Yì Hua habang nakatigilid ngayon sa kaniyang sariling kama tila hindi pansin nag masaganang luha na dumadaloy sa kaniyang sariling mukha habang namumugto pa ang pares ng nagagandahang mata nito sa kakaiyak.

"Sa Sky Flame Kingdom, humanda kayo, balang araw ay maniningil ako!" Galit na saad ng magandang dalagang si Yì Hua habang patuloy pa rin itong humahagulgol dulot ng labis na kalungkutan nadarama at hindi matanggap ang pagkasawi ng kaniyang nakababatang kapatid na si Yì Liqiu.

...

Samantala...

Sa isang maliit na secluded area kung saan napiling manatili ng batang lalaking si Li Xiaolong habang mayroon pang nilalang na batang babaeng na hanggang ngayon ay wala pang malay.

Ginawa na lamang ng batang lalaking si Li Xiaolong nag dapat niyang gawin katulad ng pag-aasikaso o pagcheck ng kalagayan ng batang babaeng hindi niya pa kilalang lubusan ay pinili niya ring magcultivate at kung minsan ay nagawa niyang pag-aralan pa ang mga pahina ng cultivation manual niya na Asura Art of Divinity kung saan ay masasabi niyang tila kahit papaano ay hindi niya ramdam ang paglipas ng mga araw.

Napakanipis man ng mga Yuan Qi na siyang natural na enerhiya rito ngunit pinili niya lamang na makontento sa bagay na ito. Importante sa kaniya ay magising na ang batang babaeng sugatan na patuloy na naghihilom ang mga natamo nitong pinsala sa katawan.

Hindi namamalayan ng batang lalaking si Li Xiaolong na lumipas pa ang mga araw kung saan ay tatlong linggo na pala ang nakalilipas matapos ang insidenteng kinasangkutan ng batang babae at nawili na rin siya na magliwaliw muna upang maging kalmado ang kaniyang isipan.

Sa tatlong linggo na nakalilipas ay patuloy pa rin siya sa pagpapasubasta ng kaniyang mga sariling mga gawa katulad ng mga pambihirang talisman na nasa Middle Xiantian Realm pababa na siyang ito ang limitasyon ng lebel na ipinapasubasta sa loob ng Jade Auction House dulot na rin ng nakakahindik na aksidente o trahedyang sinapit ng batang babae na inaakala ng ilan na patay na o nasawi sa mismong loob ng Hidden Forest.

Gusto na niya sanang i-turn over ang batang babaeng kinilala niya na si Yì Liqiu na anak pala ng makapangyarihang Patriarch na si Yì Fan ngunit nalaman niyang pinutol na nito ang magandang ugnayan sa mismong Sky Flame Kingdom na siyang nagdulot ng mapait na alaala sa buong Yì Family na naninirahan sa Dou City. Ibig sabihin lanang nito ay hindi maaaring makipag-ugnayan ang nasabing Yì Family sa Sky Flame Kingdom nang mahabang panahon dulot ng kapinsalaan at pagkamatay ng kanilang anak sa mismong lugar nito. Ang parte ng gubat na kinamatayan ng batang babaeng si Yì Liqiu ay pinutol lahat ang mga puno na nakapaligid rito at ginawang protective area ng Sky Flame Kingdom. Naghatid man ng mensahe ng pakikiramay ang mismong Sky Flame Kingdom maging ang Jade Auction House na nasangkot o nadamay ay tumalbog pabalik ang mensahe nila tanda na hindi pa rin matanggap ng buong Yì Clan ang pangyayaring ito.

Wala namang nasagap na masamang balita ang batang lalaking si Li Xiaolong patungkol sa kalagayan ng Green Valley sa tatlong linggo niyang pagkawala. Masasabi niyang naging mabuti ang dulot ng trahedyang sinapit daw ng batang babaeng anak ng Yì Family Patriarch dahil tinigil ng Sky Flame Kingdom ang pagpapahirap o paggalugad sa buong Green Valley na alam niyang hindi titigil ang Sky Flame Kingdom sa paghanap ng ebidensyang nagpapatunay na totoo ang malawak na minahan ng Blood Gem Crystals.

Alam niya kasi na ang Sky Flame Kingdom ay nagpapalamig lamang for the mean time pero sa oras na lumipas ang insidenteng ito ay saka naman ito magpapakita ng mga pangil nito at magsisimula naman ng gulo lalo na sa mga walang kalaban-laban na mga lugar kagaya na lamang ng Green Valley. Naiinis na nga siya sa pagiging oportunista ng kung sinumang nilalang ang may pasimuno nito.

Sa kabilang banda mas pinoproblema niya ngayon ay ang kalagayan naman ng batang babaeng si Yì Liqiu na sa tingin niya ay nasa ibayong panganib pa rin ang buhay nito. Narinig niya kasing Blue Crystal Pill daw ang naging pinag-ugatan ng nasabing trahedyang nangyari kay Yì Liqiu pero hindi niya makumpirma ito lalo pa't walang ibinigay na opisyal na sagot ang mismong Patriarch na si Yì Fan ng Yì Family ukol dito. Isa pa ay hindi niya maibabalik sa mga ito ang anak nito at baka siya pa ang pagbintangan na kumidnap rito dahil wala pang maski isang nahuli sa limang martial artists na kumidnap rito.

Isa pa sa ikinapagtataka niya ay ang pwersang nasa likod ng Jade Auction House. Nagtataka siya sa kung ano ang totoong estado at lakas ng nagmamay-ari ng mismong Jade Auction House. Nakakapagtaka na hindi man lang kinwestiyon ng Yì Family ang Jade Auction House sa pangyayaring ito ngunit it doesn't mean na okay pa ang mga ito. Marami pa ring mga pekeng impormasyon na lumalaganap sa bawat kalyekaya ingat na ingat siya na makagawa ng bagay na ikakapahamak niya.

Wala pa rin siyang balita patungkol sa mismong Feather Sect lalo na ang branch. Naiinis siya sa mga ito lalo na ngayon ay na-ban pa ang katulad niya. Ginawan pa siya ng malaking karatula sa labas at nakadrawing pa ang mukha nito. Matutuwa pa sana siya sa tila recognition na ito ngunit laking dismaya niya ng mabasa ang nakalagay. "NoT ALLOWED tapos may ekis pa sa buong mukha nito na sketch lamang." Ginawa ba naman siyang tila kriminal ng mga ito na siynsg kinausok ng dalawang butas ng ilong niya. Mabuti na lamang at nakadisguise siya bilang matandang si Honorable Long at malayo ang Jade Auction House kaya hindi siya namumukhaan ng sinuman na naririto. Mas maugong kasi ang nangyaring trahedya sa anak ng Yì Family Patriarch kaya ganon na lamang siya kalimutan ng mga martial artists na nakakita sa kaniya noon.

...

Sa isang hapag kung saan nakahimlay ang tila natutulog na batang babaeng niligtas ng batang lalaking si Li Xiaolong ay bigla na lamang na gumalaw ang dalawang daliri nito sa kamay habang ang mata nito ay tila gusto nitong magmulat ng mata mula sa mahimbing na pagkakatulog.