webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 15

Nang umalis si Night Spider 🕷️ ay saka naman nakahinga ng maluwag silang lahat ng mga Elders ng iba't-ibang kaharian. Hindi nila aakalin na isang lalaking iyon ay maghahatid ng kaba sa kanila at ang paglisan nito ay animo'y nabunutan sila ng malaking tinik sa dibdib dahil isa lang naman itong kompetisyon sa recruitment nila at mabuti na lamang at silang tatlo na lamang ang natira liban sa kaharian ng Wind Fury.

"Isa itong napakagandang araw sa lahat. Hindi natin aakalaing pupuntahan tayo rito ng lahat ng kaharian. Sa ngayon ay magsisimula na ang bawat kaharian sa pagpili ng pwede nilang mai-recruit.

"Gusto kong i-recruit si Li Gumu sa aming kaharian ng Sky Ice Kingdom!" Biglang sambit ni Elder Fang San habang makikita ang kakaibang ngiti sa mukha nito.

Doon ay nabigla naman ang mga kawani ng Sky Flame Kingdom at Hollow Earth Kingdom. Hindi ata sila makapaniwala na sobrang pangahas ni Sky Ice Kingdom to think na di man lang sila nakapagsalita man lang pero agad itong nakapagsalita na animo'y hindi ito patanong kundi pautos gamit ang awtoridad ng kanilang kaharian.

"Aba, aba pangahas ka rin Elder Fang San ng Sky Ice Kingdom. To think na ginagamit mo ang awtoridad mo para pumili ng magiging disipulo niyo pero to think na ang anak ni Li Gumu ang gusto mo ay hindi ako makakapayag. This time ay sisiguraduhin kong sa aming Sky Flame Kingdom ang  pipiliin nito." Sambit ni Elder Wang Bin habang animo'y kumpiyansa itong mapapasakanya ang batang so Li Gumu para gawing disipulo ng kanilang kaharian.

"Ano'ng binabalak mo Elder Wang Bin?! Sigurado akong may malaking pasabog ka to think na sobrang kumpiyansa mo." Sambit ni Elder Zhang Xan ng Hollow Earth Kingdom. Naningkit ang mata ni Elder Zhang Xan habang sinusuri ang kabuuang anyo ni Elder Wang Bin ng Sky Flame Kingdom.

"Hahaha... Ikaw pala ang mas pangahas sa atin eh. Sa paraan ng pagsasalita mo ay kumpiyansang-kumpiyansa kang mapapasainyo ang batang si Li Gumu hahaha... Akala mo ay ikaw lang pero mayroon din akong bagay-bagay na hindi matatanggihan ng Li Clan.

"O talaga lang ha?! So magiging mortal na kalaban pala tayo sa pagrerecruit ng talentadong mga indibiduwal rito. Ano lamang ang mai-ooffer ng Sky Flame Kingdom? Mayaman pala ang kahariang ito pero sa nakikita kong kalagayan at estado ng Li Clan ay masasabi kong ang unlad pala ng kaharian ng Sky Flame to think na ang gagara ng kaharian niyo hahahaha..." Sambit ni Elder Fang San ng Sky Ice Kingdom habang makikita ang pagiging sarkastiko nito at ang hidden intention nito sa mga salitang nais nitong sabihin.

Halos naipit naman sa sitwasyon si Elder Zhang Xan ng Hollow Earth Kingdom dahil wala naman siyang planong makigulo pa sa dalawang nagkakainitang panig. Isa silang mutual na kaharian kaya anumang outside forces ng hindi pagkakaunawaan ng dalawang panig ay hindi sila nakikisawsaw. Tanging mutual benefits lamang ang gusto nilang makuha at hindi ang pagkakaroon ng alitan. Isa silang mandirigma at hindi isang makata para maging mahusay ang kanilang pananalita at pakikipagkapwa-tao gamit ang sariling husay sa pananalita kundi sinanay lamang sila sa pakikipaglaban.

"Ano ba ang gusto mong ipahiwatig Elder Fang San? Na pabaya kami sa aming nasasakupan at gusto kaming ipahiya sa aming sariling teritoryo?! At masasabi kong saming kaharian ng Sky Flame Kingdom mapupunta ang anak ni Li Mo na si Li Gumu!" Kumpiyansang sambit ni Elder Wang Bin habang halos magkaroon ng kidlat sa mata niya at ni Elder Fang San.

Ngunit maya-maya lamang ay narinig ng lahat ang isang sigaw ng isang ginang.

"Si Li Mo ba yan?! Namamalik-mata ba ko? Hindi ako makapaniwala... si Li Mo nga!" Masayang sambit ng isang ginang habang makikita ang saya sa pares ng mata nito.

Sakay ng isang flying Sword ay mabilis na bumaba ang isang lalaking may mahabang brown na buhok habang kulay green naman ang mata nito na katulad na katulad sa physical features ni Li Gumu. Walang duda, siya ang isa sa mga eksperto ng Li Clan.

"Magandang Umaga sa inyong lahat lalo na po sa inyo Elder Zhang Xan. May problema po ba dito?!" Patanong na sambit ni Li Mo halatang nagtataka siya sa tinginan ng dalawang kaharian ng Sky Ice Kingdom at Sky Flame Kingdom.

"Li Mo, nagkaroon lang ng problema sa pagrerecruit ng mga disipulo rito. Medyo hindi--- ah ehhh----" sambit ni Elder Zhang Xan na animo'y nahirapang i-explain ang dapat nitong sabihin. Takot siyang malaman kong ano ang maaari niyang masabi.

Ginagalaw-galaw naman ni Elder Zhang Xan ang kaniyang mata habang tinuturo nito ang dalawang elder habang masakit na nagtitinginan.

"Mga kagalang-galang na Elder, ano ang pinagtatalunan niyo?!" Magalang na tanong ni Li Mo habang pasalin-salin niyang tiningnan sina Elder Fang San ng Sky Ice Kingdom at ni Elder Wang Bin ng Sky Flame Kingdom.

Kapwa natigilan naman ang lahat at napalunok naman ng laway sina Elder Fang San at Elder Wang Bin dahil wala silang masabi sa prangka at direktsng tanong na ito ni Li Mo.

"Uhm, bakit wala na rito ang kinatawan ng Wind Fury Kingdom? Akala ko pa naman ay maaabutan ko ito. Tungkol naman sa anak ko ay ako ang magdedesisyon at isasama ko siya sa Hollow Earth Kingdom para magabayan ko siya ng maayos. Ayoko rin itong malayo sa akin kaya kung maaari Elder Zhang Xan ay maaari ko na siyang dalhin sa Hollow Earth Kingdom ngayon mismo. Ayoko ng i-delay ang paglipat nito doon upang masimulan ko ng sanayin ito sa paggamit ng sandata at palakasin pa ang aking anak na maging mahusay na mandirigma sa hinaharap."

"Kung iyan ang gusto mo Ginoong Li Mo! Naiintindihan namin ang iyong desisyon. Alam mo namang hindi kami tututol sa iyong kagustuhan. Isa pa ay magulang ka nito at nasa sainyo pa rin kung saan siya pwedeng mapunta o yung tatahakin niyang landas hehe..." Sambit ni Elder Fang San habang nakangiti ngunit sa totoo lang ay gusto niyang sabihing "Panira ka talaga ng momentum dahil kung hindi ka dumating ay sa Sky Ice Kingdom na sana ang anak mo. Papipirmahan ko pa sana siya ng contract pero okay lang, may araw rin kayo sakin hmmmp!" Pero di niya tinuloy dahil alam niyang siya lang ang magmumulhang kontrabida rito.

"Tama ang sabi ni Elder Fang San, Li Mo. Masyadong sinanay mo na ang anak mo sa paggamit ng espada at mga pagsasanay ng isang mandirigma ng Hollow Earth Kingdom. Sana ay balang araw ay magiging magiting itong mandirigma ng Kahariang kinabibilangan nito." Sambit ni Elder Wang Bin habang pakiramdam niya ay unti-unting nabasag ang kaniyang puso at nagkapira-piraso na ito. Minsan ka nga lang nakahanap ng ganito katalentadong bata ay bigla naman itong nawala kung sa talinhaga pa ay "ginto na nga naging bato pa." Kung bakit ba naman anak ni Li Mo itong si Li Gumu edi sana ay kaya pa nilang kumbinsihin ito pero sa ugaling ipinapakita nito maging sa pananalitan ito ay pinal na ang desisyon nito unless kung malaki talaga ang i-ooffer ng kaharian pero imposible iyon.

Habang naririnig ito ni Li Mo ay hindi niya mapigilang paningkitan ng mata ang dalawang elder na sina Elder Fang San ng Sky Ice Kingdom at Wang Bin ng Sky Flame Kingdom ng palihim habang inoobserbahan ang mga ito. Hindi niya aakalaing nagkasundo ang mga ito ngayon. Nabalitaan niya noong nakaraan pa na may alitan ang dalawang kahariang ito kaya nga pumunta siya rito upang mapigilan ang pagrecruit ng mga ito sa kaniyang anak. Para ano? Para maipit ito sa gulo ng nagbabanggaang kaharian? Hindi niya iyon papayagan. Hindi niya hahayaang maagrabyado ang kanilang angkan lalo na ng mga klase ng taong ito.