webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 157

"Blue Crystal Pill ba yan?!"

"Tanga ka ba, malamang ay oo. Mukha bang nagsisinungaling si Miss Hee na siyang nagrerepresenta ng Blue Crystal Pill?!"

"Kaya nga, isang hamak na katulad mo ay napakamangmang. Nakaselyo o selyado ang Blue Crystal Pill kaya ganyan ang itsura niyan!"

"Kung di ka ba naman tanga. Isang pambihirang pill yan na kahit ikaw ay hanggang tingin na lamang!"

"Ignorante!"

Tila masama naman ng tingin ng lahat sa isang martial artist na nagsalita kanina. Tunay ngang wala nga itong alam sa mataas na uri ng pill katulad ng Blue Crystal Pill. Sa kaanyuan pa lamang nito ay masasabing hindi ito nasa noble class at mas mababa ang estado ng buhay at pamumuhay nito.

Nakita naman ito ni Miss kaya mabilis naman siyang nagwikang muli.

"Tama at mali ang inyong sinasabi. Ang Blue Crystal Pill na ito ay kakaiba sa lahat ng Blue Crystal Pill na nakita ko. Nakita niyo ba ang patterns ng Blue Crystal Pill na ito, nakareverse ang pattern nito kumpara sa nauna dahil ang epekto ng pill na ito may additional effects ngunit ang pill na ito ay tanging Xiantian Realm Expert lamang ang makaka-consume nito dahil kung hindi ay baka sumabog ang katawan ng sinumang kakain na below Xiantian Realm." Nakangiting sambit ng magandang babaeng host na si Miss Hee na umalingawngaw sa buong bulwagan na ito.

"Hmmm... So hindi natin mako-consume ang nasabing Blue Crystal Pill na ito?!"

"Oo, malamang ay ganon na nga. It turns out na hindi ito simpleng Blue Crystal Pill!"

"Sayang naman. Kung mako-consume ko sana itong Blue Crystal Pill ay siguradong tataas ang lebel ng Cultivation ko."

"Malas ko naman. Gusto ko sanang makuha ito pero right now ay hindi ko pa mako-consume ito!"

Ilan lamang iyan sa mga dismayadong pahayag ng mga martial artists na naririto.

Sa loob ng ikalimang numero ng pribadong silid ay nag-uusap ang magandang dalagang si Yì Hua at ang tiyuhin nitong si Elder Yì Huizhong.

"It turns out na para sa akin pala ang Blue Crystal Pill na ito hehehe...!" Masayang sambit ng magandang dalagang si Yì Hua habang nakatingin sa gawi ng entablado kung saan ay hawak-hawak ni Miss Hee ang kaniyang pangunahing pakay rito.

"Wag kang pasisigurado aking pamangkin. Maraming mga Xiantian Realm Expert ang naririto na gusto ring makuha at pangunahing pakay sa pagpunta rito ang Blue Crystal Pill. Siguradong hindi magiging madali ang pagkuha natin nito." Pagpapaalala naman ni Elder Yì Huizhong sa kaniyang pamangkin na bakas sa magandang mukha nito na atat na atat na ito. Malakas ang kutob niya na hindi madlaing makuha ang pill na ito na siyang highlight ng Pagpapasubasta ngayon.

"Hmmmp! Sa atin pa rin mapupunta ang Pill na ito. I can really assure you uncle na worth it ang pagpunta natin rito."

"Hay nakung bata ka. Basta kung sobrang laki ng halaga ng salapi ang maigugugol natin ay ikaw ang magbabayad sakin. Alam mo namang hindi ako ganoon kayaman kumpara sa pamilya niyo." Nakasimangot na sambit ng matandang lalaking si Elder Yì Huizhong sa kaniyang pamangking si Yì Hua. Totoo naman kasi ang sinabi niya, wala siyang binatbat sa yaman ng miyembro ng pamilya ng kaniyang sariling kapatid. Sobrang yaman ng mga ito na kahit siya ay mamumulubi talaga kung gagastos siya ng malaki. Birthday gift niya kasi ang Blue Crystal Pill na ito sa pamangkin niyang si Yì Hua, alam niyang magtatampo ito kapag di siya nakapagbigay ng ganitong klaseng regalo.

"Deal Uncle! Opps, pwedeng ikaw nalang kumuha?! Hehe..." Awkward na sa sambit ng magandang dalagang si Yì Hua habang napangiti pa ito sa huli.

"Tuso ka din pala Yì Hua. Ako naman ang ipapahamak mo sa kapatid ko hmmp!" Tila inis na sambit ni Elder Yì Huizhong na tiyuhin ng dalagang si Yì Hua.

"Just this one Uncle. Kailangang masecure ko ito. Alam mo namang importeng bagay ito sa akin lalo na sa kasalukuyan kong lakas." Sambit ng magandang dalagang si Yì Hua habang tila nagpapaawa effect pa ito sa kaniyang tiyuhin.

"Ano pa nga ba. As if naman naman na may choice ako tsk!" Tila sumusukong sambit ni Elder Yì Huizhong hàbang nakatingin sa pamangkin nitong si Yì Hua.

"Thank you Uncle! Hehehe..." Nakangiting sambit ng magandang dalagang si Yì Hua habang hindi nito mapigilang mapabungisngis.

Samantala...

Napaikot-ikot na lamang ng ulo ang batang lalaking si Li Xiaolong habang sinusuri nito ang nasabing pill na nasa loob ng kahon na hawak-hawak ng magandang babaeng host na si Miss Hee.

"Nakakadismaya naman ang ganitong klaseng Pill. Hindi ko alam na may pagkatuso din ang Alchemist na gumawa nito. Kung hindi ako nagkakamali ay purong High Grade na mga herbs at mga Cultivation materials ang ginamit nito sa paggawa ng pambihirang Blue Crystal Pill na ito. Alam siguro nito na maraming maglalakas loob na kunin ang Xiantian Pill item na ito at hindi lang ito Middle Grade Xiantian Realm item dahil maikokonsidera na ito na isang Peak Xiantian Pill!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang isipan lamang. Tanga lamang kasi ang mag-aakala na ordinaryong Xiantian Pill lamang ito dahil hindi ito normal na pill na tinatawag na Blue Crystal Pill.

"Simulan na natin ang pagpapasubasta ng Blue Crystal Pill na ito. Magsisimula ang pagpapasubasta na ito sa halagang 50,000 gold coins!" Nakangiting sambit ni Miss Hee na siyang host ng Pagpapasubasta na ito ng Jade Auction House.

"60,000 gold coins!"

"62,000 gold coins!"

"65,000 gold coins!"

"75,000 gold coins!"

"85,000 gold coins!"

"95,000 gold coins!"

Tila hindi magkamayaw sa pagbig ang mga martial artists na naririto. Nagkaroon ng mainit na atmospera rito lalo pa't isang pambihirang item ang kanilang pinag-aagawang makuha o makamit. Talagang hinihintay ito ng lahat.

Hindi na makapagpigil ang isang martial artist sa ika-sampong numero ng pribadong silid.

"150,000 gold coins!" sigaw ng isang baritonong boses mula sa nasabing pangsampong pribadong silid.

Nagulat naman ang lahat ngunit hindi maipagkakailang hindi pa rin nawawalan ng kumpiyansa sa sarili ang karamihan sa mga ito.

"200,000 gold coins!" Malakas na sigaw ng isang babaeng tinig mula sa isang silid na siyang ikalimang numero ng pribadong silid na wlaang iba kundi ang silid mismo ng magandang dalagang si Yì Hua.

"Hmmp! Hindi ako magpapatalo sa hunghang na katulad ng mga ito. Sa akin lang ang Blue Crystal Pill na ito!" Sambit ng magandang dalagang si Yì Hua sa kaniyang sarili lamang habang nakstingin sa direksyon ng pangsampong pribadong silid.