webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 143

Halos hindi magkamayaw at hindi mahulugang karayom ang nasa labas ng Jade Auction House. Kinakailangan pang isarado mismo ang nasabing Gate ng Jade Auction House na siyang pasukan rito habang maraming mga bantay ang nasa labas nang nasabing Jade Auction House maging ang looban ay meron din to make sure na lahat ay nasa plano at hindi maaapektuhan ang kasalukuyang nagaganap na pagpapasubasta ng iba pang mga items ng Jade Auction House.

Mabuti na lamang at napaghandaan na ito ni Master Liwei st tila hindi na niya ito ipinagtaka pa dah naanalisa njya na ang mga bagay-bagay nitong nakaraang mga linggo pero nang makita niya na ang aktuwal na pangyayari at nangyayari ay talaga namang nagugulat pa rin siya sa pangyayaring ito.

"Ano bang balak mong gawin Honorable Long. Naku mukhang mamomroblema din ako kung paano ko ihahandle ang ganito karaming mga nilalang ang pupunta rito. Paano ko to ipapaliwanag sa lider namin huhu..." Sambit ng matandang lalaking si Master Liwei habang nagkakamot pa ito sa kaniyang batok. Halatang hindi niya lubos aakalaing sobra pa sa inaasahan niyang mangyayari ito sa kasalukuyan. Hindi niya alam kung maiiyak siya o matatawa na lamang sa pangyayaring ito pero alam niyang labis ang kaniyang sariling paghahanda upang paghandaan ang eksplenasyon na gagawin niya sa Jade Auction House Leader. Sana lang ay madeliver niya ng maayos ang sasabihin niya kung hindi ay malilintikan talaga siya.

...

Mabilis namang nakita ng lahat ang pagbukas mismo ng nasabing kahon at mula rito ay makikita ang tatlong kakaibang talisman na gawa sa papel ang bumungad sa kanilang mga pares ng mga mata.

Tila nabalot naman ng kuryusidad ang lahat ngunit makikita naman ang pagka-amuse ng mga ito sa nasabing panibagong paper talisman na naman ang panibagong item.

"Nakikita niyo ba ang paper talisman na ito? Kakaiba diba kumpara sa naunang talisman kung oobserbahang mabuti. Kung naiisip niyong kakaiba nga ito ay tama kayo dahil pambihirang bagay na naman ang nagawa ng isang craftsman na nasa hanay ng inscriptionists ang gumawa ng paper talisman na ito. It basically considered as an offense type na paper talisman na tinatawag na Burning Sword Light Talisman! ..." Nakangiting sambit ng magandang dalagang si Miss Hee habang tinitingnan ang mga manonood na mga martial artists sa abot ng kaniyang tingin.

Labis namang nabalot ng pagtataka ang lahat sa sinabing ito ng magandang dalagang si Miss Hee na siyang host ng pagpapasubasta sa kasalukuyan. Kaya hindi mapigilan ng iba na magpahayag ng kanilang sariling hinaing.

"Huh? Burning Sword Light Talisman? Tama ba yung pagkakarinig ko?!"

"Akala ko ba ay Shining Sword Light Talisman dapat hindi ba? Mali lang ba ng pagkakabigkas si Miss Hee?!"

"Aba'y oo nga, nakakapagtaka naman ito. Hindi ko pa narinig ang ganitong klaseng Talisman ah."

"Tama, baka nagkamali lang si Miss Hee sa pagkakabigkas ng salita."

"Sang-ayon ako sa inyo. Nagkamali lang talaga si Miss Hee."

"Kahit ako rin naman kung nasa itaas ng entablado at nakaharap sa maraming tao ay talagang magkakamali't magkakamali ka."

"Ewan baka pinagtitripan lamang tayo ni Miss Hee!"

"Palabiro rin pala si Miss Hee, gusto ko yan hehe!"

Tila iba-iba ang naging opinyon ng mga nanonood na mga martial artists aa loob ng malaking bulwagang ito pero lamang ang iniisip ng mga ito na nagkamali lamang sa pagjakasabi ng termino ang magandang dalagang host sa kasalukuyan na si Miss Hee.

Napangiti naman ng malawak ang magandang dalagang si Miss Hee sa naging pahayag ng mga martial artists na naririto dahil sa kaniyang sinabi.

"Gusto ko lang klaruhin na tama po ang pagkakabigkas ko sa pangalan ng nasabing talisman na ito. Isa itong 5 meter radius na talisman ang maaapektuhan nang nasabing lugar na sakop ng paggamit ng pambihirang talisman na ito. Ang kakaibang liwanag na magmamaterialized sa ere ay hindi lamang katulad ng nasa Shining Sword Light kundi mas malakas pa sa hindi inaasahan lalo na't kaya nitong sunugin ang sinumang nialalng na nasa Early Xiantian Realm pababa. Isang one time item ito at isang nilalang lamang ang maaaring maapektuhan ng nasabing skill na ito. Kagaya ng nauna ay magsisimula ang pagpapasubasta ng item na ito sa Zero!" Nakangiting sambit ng magandang dalagang si Miss Hee na siyang host ng pagpapasubasta sa kasalukuyan sa loob ng bulwagang ito. Makikitang binigyan niya ng maayos na eksplenasyon ang bagay na ito.

"Woah! It turns out na isang pambihirang item ito na maituturing na Xiantian Realm item ulit!"

"Oo nga, nakakatakot ang ganitong klaseng paper talisman na tinatawag na Burning Sword Light!"

"Ibig sabihin pala nito ay isa itong talisman na mas mataas pa ang kalidad at kakayahan kaysa sa Shining Sword Light Talisman!"

"Sinabi mo pa, akala ko ay isang ordinaryong talisman lamang ito pero hindi pala."

"Gusto kong makuha ang bagay na ito!"

"Kung sino man ang may gawa nito at talagang sa Zero pa talaga ang price point nito ay talaga namang napakabait nito. Talagang may tsansa akong manalo rito! 1000 gold coins!"

"As if naman na papatalo ako sa bid mo, 2000 gold coins!"

"Mga pesteng to, ang baba ng bid niyo... 5,000 gild coins."

Tila nagtalo-talo na ang mga martial artists ba naririto lalo na sa nagtutumpukang mga martial artists na naharap mismo sa entablado. Bawat isa ay ayaw magpatalo kaya mabilis nilang isinasambit ang kanilang sariling bid.

Walang pang isang minuto ay mabilis na tumaas ng tumaas ang bid ng mga ito na umabot na sa 20,000 gold coins ang nasabing unofficial highest bid. This is really amazing lalo na at gusto rin ng lahat na mapasakanila ang nasabing item.

"50,000 gold coins!" Sambit ng isang baritonong boses mula sa Vip na silid sa pangalawang palapag na mayroong numerong anim (6). Kung hindi nagkakamali ay nanggaling ang tinig na ito sa isang Elder ng Kāng Clan.

Tila napatahimik naman ang kani-kaninang mga martial artists na nasa unang palapag ng bulwagang ito. Tila makikita ang pagkadisgusto sa mukha ng mga ito pero sa huli ay tanging sa mga isip lang nila sila nag-isip ng mga masasamang salita patungkol sa nasabing Elder ng Kāng Clan. Isa pa ay sila lamang ang nasa kahihiyan kung ipapahayag nila ng malakas ang kanilang sariling mga hinaing. Yun ay dahil hindi sila ganoon ka-capable naagkaroon ng ganoong klaseng halagang ibi-bid kagaya ng malaki at marangyang angkan ng Kāng Clan.