webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 139

Tila natigil naman ang kaninang namumuong tensyon kanina na nagkakainitian ang mga tumpok-tumpok o nagtutumpukang mga martial artists kanina ay ngayon ay napasunod na lamang sila na parang maamong tupa sa mapang-akit na tinig at kaanyuan ng magandang dalagang babaeng nagngangalang si Miss Hee.

Kung sa tingin at estado ay masasabing dalaga pa rin ang katayuan ng magandang babaeng si Miss Hee ngunit sa katotohanan ay malapit na siya magtrenta anyos. Magkagayon man ay hindi pa rin kakikitaan ng katandaan ito lalo na at maalindpg pa rin ito.

Todo naman ang hiyawan ng mga nagtutumpukang mga martial artist sa hindi kalayuan mismo sa kinaroroonan ng batang lalaking si Li Xiaolong. Rinig na rinig pa rin nito ang sinasabi ng mga ito.

"Para kay Miss Hee, gagastos ako ng malaki!"

"Mahal ka namin, aming diyosa!"

"Walang atrasan yan Miss Hee ha!"

"Napakaswerte naman ng makaka-date ni Miss Hee!"

"Hindi ako magpapatalo!"

"Ako rin!"

Tila umalingawngaw naman ang mga pahayag ng mga patay na patay kay Miss Hee lalo na sa pagiging marikit nitong nag-uumapaw. ang mga taong naririto na nasa nakatumpok ay 95% ata ng mga ito ay pumubta rito uoang masaksihan muli ang presensya ng magandang dalagang si Miss Hee.

Mayroon ding nakikitang mga martial artists sa mga VIP rooms ang makikitang interesado din sa magandang dalagang si Miss Hee lalo na at ang iba ay nakabukas ang manipis na tela ng kanilang mga silid upang tingnan ang nangyayari sa ilalim lamang o sa entablado lalo na sa direksyon mismo ng magandang dalagang si Miss Hee.

Napangiti na lamang ng malawak ang batang lalaking si Li Xiaolong dahil sa pangyayaring ito. Masasabi niyang napakaganda ng estratehiyang ito ng Jade Auction House lalo na ni Master Liwei dahil isang magandang dalagang si Miss Hee ang kinuha nito. Hindi niya lubos aakalaing tanyag ang magandang dalagang si Miss Hee sa mga kalalakihan.

Gamit ang mapanuring mata ng batang lalaking si Li Xiaolong ay mabilis niyang sinuri ang lebel ng Cultivation ng Magandang babaeng si Miss Hee.

Mistulang nagulat naman ang batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang nalaman. Masasabi niyang malakas din ito at hindi inaasahan anv kaniyang sariling natuklasan mula sa dalaga.

"Isang Peak Xiantian Realm Expert pala ang magandang dalagang si Miss Hee kaya pala tanyag ito. Hindi ko aakalaing napakalakas niya rin pala at may taglay na kagandahan." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong. Hindi niya aakalaing mayroon siyang nakitang Xiantian Realm Expert muli sa loob ng bayan lalo na sa mismong Jade Auction House. Kung tutuusin ay malakas pa ito sa kay Master Liwei pero isa lang siyang host ng Jade Auction House? Kahit sinong tatanungin ay magtataka talaga sa maaaring iconclude ng mga ito sa pangyayaring ito.

Si Master Liwei ay alam niyang nasa Peak Houtian Realm at masasabing eksperto ito at ang karibal nito na si Master Jing ay alam niyang isang ganap na Early Xiantian Realm Expert pero ang magandang babaeng si Miss Hee ay nasa Peak Xiantian Realm na, kung gusto nitong mag-apply sa pagiging Master ng Auction House na ito ay pwedeng pwede talaga. Pero hindi eh, isa lamang itong host ng Jade Auction House.

Magkaganon man ay isinawalang-bahala na lamang ito ng batang lalaking si Li Xiaolong dahil alam niyang hindi niya naman ito personal na sakop upang panghimasukan.

Nag-umpisa na nga ang pagsususbasta...

Mabilis na ipinresenta ang mga paunang mga bagay kagaya na lamang ng mga simpleng mga jade scrolls, herbs, mga sandata at iba pa na kakaiba rin kung tutuusin pero masyado namang exaggerated ang pagkaka-explain ng mga ito.

Masyado pang malamig at hindi kakikitaan ng interes ang mga nasa itaas na siyang masasabi ng batang lalaking si Li Xiaolong na talagang nakakamangha ang mga martial artists na nasa pangalawang palapag. Amg mga bid kasi na nakakakuha ay hindi ganon kalaki, nasa 10000 taels ng pilak na salapi o sampong taels ng gold lamang ang pinakamataas which is not that much.

Mabilis na lumipas ang oras dahil dito at nagsalitang muli ang magandang dalagang si Miss Hee.

"Tapos na tayo sa paunang pagsusubasta, ngayon ay pinipresenta ko sa inyo ang unang item para dito." Sambit ng magandang dalagang si Miss Hee nang mabilis na lumitaw ang dalawang lalaking trabahador habang bitbit ng mga ito ang isang malaking treasure chest.

Tila makikita naman ng batang lalaking si Li Xiaolong na biglang nagkaroon ng reaksyon ang ilan sa mga nasa loob ng silid na ito. Masasabi lamang na isa ito sa inaabangan ng mga pumunta rito para mapasakanila ang bagay na nasa loob ng treasure chest. Nakaramdam naman ng interes ang batang lalaking si Li Xiaolong dahil sa pangyayaring ito.

Hindi na rin nagtagal ay mabilis na binuksan ni Miss Hee ang nasabing Treasure Chest (malaking kahon na gawa sa matibay na kahoy na may kasamang mga materyales na gawa sa metal). Agad namang tumambad at lumitaw sa ere ang isang kakaibang espada na kulay asul.

Napasinghap naman ang lahat dahil sa kakaibang espadang ito.

"Ang espadang ito ay tinatawag na Blue Sword. Isa itong espadang hindi Basta-basta makikita sa alinmang lugar lalo na sa mga paggawaan ng espada dahil tanging ang mga bihasang mga Craftsman lamang ang pwedeng gumawa nito. Sikat ang espadang ito sa kakayahan nitong gumawa ng pambihirang atake at kasabay nito ay lilitaw ang isang panangga sa iyo. Ideal ito para sa mga martial artists na nasa Houtian Realm ang lebel ng Cultivation." Nakangiting sambit ng magandang dalagang si Miss Hee habang makikita ang confidence nito hàbang sinasabi niya ang mga bagay na ito. Ang pagsusubasta sa bagay na ito ay magsisimula sa 100 taels of gold.

Tila nagkaroon ng malakas na bulung-bulungan ang mga nasa hanay ng martial artists na mga kapwa- Houtian Realm Expert ang mga ito.

"Kung makukuha ko ang pambihirang espadang ito ay siguradong madali ko lamang magagapi ang aking mortal na kaaway!"

"Oo nga, hindi maaaring baliwalain ang kakaibang katangian ng espadang ito. It's dual purpose makes a huge difference in terms sa labanan."

"Ito ang magandang klase ng espada, kahit umatake ka lang ng umatake ay mayroon kang shield na babalot sa iyo. Kukunin ko ang espadang ito kahit ano man ang mangyari!"