webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 120

"Sa bagay. Siya nga pala, ano naman ang kailangan ng batang lalaking sinasabi mo?! Mukhang urgent ang pinunta mo rito ha?!" Sambit ng lalaking si Manager Chi upang ibahin ang usapan nila.

"Oo nga, muntik ko ng makalimutan. Gusto kasi nitong makausap ang Guild Master ng mismong Feathers Guild." Kasuwal na sambit ng magandang babaeng si Lu Lan habang nakatingin na ito sa lalaking si Manager Chi.

Tila muntik ng mapatalon sa pagkagimbal ang lalaking si Manager Chi nang marinig niya ang sinabi ng magandang babaeng nasa harapan niya na si Lu Lan.

"Nagbibiro ka ba Lu Lan?! Tingin ba ng batang lalaking sinasabi mo ay simpleng tao lamang ang Guild Master?! Minsan lang makipag-usap ang Guild Master ng Branch na ito, may saltik ba sa utak ang batang lalaking sinasabi mo?!" Tila hindi makapaniwalang sambit ng lalaking si Manager Chi habang nakatingin ito sa magandang babaeng nasa harapan niya.

"Wala naman itong problema sa pag-iisip pero ang kapwa ko empleyado at mga nakikiusyusong mga customers dito ay meron ata. Tsaka ang Guild Master naman ay kilalang-kilala naman niya ako at panahon na siguro upang lisanin ko na din ang lugar na ito." Sambit ng magandang babaeng si Lu Lan. Ang tila ang babaeng mahinhin at napakaganda ang vibes nitong inilalabas ay masasabing nag-iba lalo na kung paano niya sambitin ang Guild Master na word.

"Sigurado ka ba Lu Lan? Huling pag-uusap niyo ng Guild Master ay hindi naging maganda ang kinahinatnan nito at ngayon ay tila ba nag-iba ang ihip ng hangin?!" Tila nagtatakang sambit muli ng lalaking si Manager Chi.

"Hahaha ano pa ba ang inaasahan nito mula sa akin. Nagpapatawa ka ba Manager Chi. Alam mo kung gaano siya labis na kinagagalitan hindi ba?! Tsaka ginagawa ko lamang ito para sa sarili ko." Bakas ang inis sa tono ng pananalita ng magandang babaeng si Lu Lan. Tila nawala ang composure nito sa kaniyang sarili.

Napatahimik naman saglit si Manager Chi dahil sa sinabi ng magandang babaeng si Lu Lan. Naisip niyang labas na siya sa usaping ito.

"So ano'ng plano mo ngayon Lu Lan?!" Pag-iiba ng lalaking si Manager Chi habang makikita ang labis na pagtataka sa magandang babaeng nasa harapan niya. Hindi niya kasi aakalaing aabot sa puntong gustong umalis ni Lu Lan sa lugar na ito. Masasabing baguhan lamang rin ito sa ganitong larangan ng trabaho. Ang mas nakakaawa lamang rito ay masyadong mababa ang pwesto nito rito na ayon rin sa kagustuhan ng Guild Master ng branch na ito.

"Ano pa nga ba, edi inisin pa lalo ang Guild Master!" Nakangiting sambit ng magandang babaeng si Lu Lan habang tila nakalahad ang kanang kamay nito sa harap ng lalaking si Manager Chi.

Tila napalunok naman ng laway ang lalaking si Manager Chi. Tila dumating na ang kinakatakutan nito.

"A-anong g-ginagawa m-mo L-lu L-lan?!" Pautal-utal na sambit ng lalaking si Manager Chi habang nanlalaki ang mata nitong nakatingin sa magandang babaeng si Lu Lan na nasa harapan niya.

"Edi hihiramin ko ang Guild Key mo. Hindi naman ako makakaakyat sa pangatlong palapag ng gusaling ito kung wala akong espesyal na susi hindi ba?!" Nakangiting sambit ng magandang babaeng si Lu Lan habang tila mayroong kakaiba itong naiisip sa kasalukuyan.

"Ah eh, Guild Key?! Mukhang naiwan ko ata sa bahay eh na--------!" Sambit ng lalaking si Manager Chi ngunit hindi niya na natuloy pa ang sinasabi niya ng makita niya lamang na nasa kamay na ng magandang babaeng si Lu Lan ang nasabing espesyal na susi o Guild key.

"Ibalik mo sakin yan Lu Lan, hoy Lan, pakiusap naman oh. Mawawalan ako ng trabaho dahil sa kagagawan mong yan eh." Sambit ng lalaking si Manager Chi habang tila mukha atang sinaksak ito ng patalim dahil sa labis na takot na nararamdaman niya ngayon. Ang Guild Key ay espesyal na bagay na nagrerepresenta ng kanilang pagiging Manager ng Feathers Guild. Sinong gustong ibigay ito sa sinuman lalo na sa magandang babaeng si Lu Lan.

Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng babaeng ito at alam niyang hindi ito gagawa ng ikabubuti niya dahil sa paraan ng kilos at pagsasalita ng magandang babaeng si Lu Lan ay hindi ito gagawa ng mabuti. Mas mabuting sabihing madadamay siya sa gagawin nitong hakbang laban sa Guild Master ng Branch na ito.

Nakita niya lamang na humuni ang pintuan pasara. Nakita niya kung paano ito maharas na nasara.

Creeakk! Bangg!!!"

"Ahhhh! Paano ako makakaalis sa opisina kong to, pahamak talaga ang pasaway na si Lu Lan. Paano ko to malulusutan huhu...!" Nangangambang sambit ng lalaking si Manager Chi habang labis ang pangambang nararamdaman nito. Alam niya kung gaano kaistrikto ang Guild Master at kung paano ito magalit. Siguradong sobrang parusa ang kakaharapin niya mula rito.

...

Sa kabilang banda naman ay dali-dali namang umakyat ang magandang babaeng si Lu Lan paakyat ng mga hagdanan sa lugar na ito patungo sa pangatlong palapag.

Mahigpit nitong hinahawakan ang nasabing Guild Key na hawak ng magandang babaeng si Lu Lan. Tila ba hindi nito mapigilang mapangiti habang binabaybay nito ang nasabing pangatlong palapag kung saan namamalagi ang Guild Master na si Chen Hui.

"Sigurado akong matutuwa siyang binisita siya ng kaniyang sariling anak o kung anak nga ba talaga." Nakangiting sambit ng magandang babaeng si Lu Lan.

Ngunit saktong-saktong pagkarating na pagkaratingi niya sa isang magarang pintuan ay saka naman ito bumukas.

Nanlaki naman ang pares ng mata ng magandang babaeng si Lu Lan nang makita Kung sino ito.

Ang nasa harapan niya lang naman kasi ang ang Guild Master na si Chen Hui at ang dalawang nilalang na masasabi niyang tila bodyguard ito dahil sa anyo ng mga ito. Kapansin-pansin rin na balot ang mga mukha nito na animo'y issng misteryosong nilalang.

Kabaliktaran sa reaksyong inaasahan ng magandang babaeng si Lu Lan ay makikita ang saya sa mukha ng lalaking nasa harapan niya na sobrang pamilyar sa kaniya, ang mukha ni Guild Master Chen Hui.

"Lan'er bakit napunta ka rito? Na-miss mo ba ko anak?!" Masayang saad ni Guild Master Chen Hui na animo'y mayroong kakaiabng emosyon ang gumuhit sa mukha nito.

"Hmmmp! Tsk!" Malamig na saad ng magandang babaeng si Lu Lan habang makikita ang labis na inis sa paraan ngpagkakasabi nito.