webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 11

"Uhm... Masyadong malaking surpresa ang paglitaw ng isang Superior Fourth Grade Martial Talent at Superior Fifth Grade Martial Talent sa ating angkan ng Li ngunit hindi nangangahulugan na dito magtatapos ang ating Martial Talent Trial lalo pa't mayroon tayong mga espesyal na bisitang dadalo rito sa ating angkan. Halina't bigyan natin ng masigabong palakpakan ang ating mga mahahalagang panauhin ng Apat na magigiting na kaharian." Masayang sambit ni Li Jianxin habang matamis ngumiti sa kaniyang mga manonood.

Isang masigabong na palakpakan at hiyawan ang namayani.

"Ang kahariang matatagpuan mismo sa Fire Blazing Lake kung saan pinaniniwalaang noon ay naging tirahan ng Fire Phoenix. Halina't bigyan natin ng masigabong palakpakan ang Sky Flame Kingdom!"

" Isang kahariang matatagpuan mismo sa Glacial Ice Mountain na pinaniniwalaang nasa itaas ng kaulapan ng kaharian matatagpuan ang isang maalamat na Ice Beast na hindi pa nakikita ninuman. Halina't bigyan natin ng masigabong na palakpakan ang Sky Ice Kingdom!"

"Ang kahariang na pinaniniwalaang pinakamalakas na kaharian noong unang panahon kung saan kinabibilangan ng mga mandirigmang mga Martial Artist dahil sa natural na angking lakas ng mga ito. Halina at bigyan natin ng masigabong palakpakan ang Hollow Earth Kingdom."

"Ang misteryosong kaharian na naniniwalang ang pakikiisa sa hangin ang siyang natural na daloy ng buhay. Ang pagkakaroon ng immortal na buhay ay makakamit kapag magiging kaanib ka ng kahariang ito. Halina't bigyan rin natin ang pinakahuling kaharian, Ang Wind Fury Kingdom!"

Halos nagkaroon ng nakakabinging hiyawan ang buong lugar na pinangyayarihan ngayon sa loob ng teritoryo ng Li Clan. Hindi nila kasi aakalain na mgkakaroon ng interes ang apat na kaharian lalo na ang Immortal Air Kingdom. Hindi kasi nila alam kung anong klaseng kaharian ito dahil bibihira lang silang tumanggap ng mga Martial Artist lalo na ng mga batang Martial Artist.  Napakamisteryoso nito at maraming naging ruckus patungkol sa kahariang ito ngunit lahat ng iyon ay agaran namang nalutas na walang impormasyong lumitaw kaya medyo kinakatakutan rin ang kahariang ito na walang detalye kung sino ang namumunong hari o reyna rito.

Ilang minuto pa ang nakakalipas dahil inaasikaso nila ang kanilang mga mahahalagang bisita sa kanilang angkan. Isa itong magandang balita para sa Li Clan dahil ngayon lamang naging mas nabuhay ang buong teritoryo ng Li Clan.

"Paumanhin sa hindi inaasahang pagka-interrupt ng ating Martial Talent Trial. Hindi pa ito tapos kaya't baka magkaroon pang muli ng mas nakakamanghang talento na meron ang ating angkan." Sambit naman ni Li Jianxin habang makikita ang saya nito sa mukha.

Nagkaroon muli nang masigabong na palakpakan ang buong lugar na ito dahil lahat ay naniniwalang ito na ang araw kung saan ay maipapakita ng Li Clan ang ipinagmamalaking talento ng kanilang mga bagong henerasyon.

Nag-umpisang magtawag ng mga pangalan si Li Jianxin at maraming mga kabataan ang pumunta sa malawak na entablado habang tini- test ng Boulder ang kanilang Martial Talent. Halos puro White lamang ang mga kinalabasan ng mga resulta ng trial ng mga bata na siyang ikinalungkot ng mga madla na siyang halos lahat rito ay puro miyembro ng Li Clan lalo na ng mga bisita nila. Inaasahan na rin ito sa maliit na angkan ng Li kaya hindi rin nila obligasyong pakihimasukan ito.

Maya-maya pa ay tinawag ang panghuling nasa listahan ni Li Jianxin.

"Li Gumu!"

Agad namang pumunta entablado ang batang lalaking may nakasukbit na espada sa likod nito. Walang duda at ito'y kilala ng maraming madla lalo pa't konti lamang ang nakadamit ng magara rito lalo na ang uri ng telang meron ito.

Whoooo! Hindi ba siya ang anak ni Li Mo na isang magiting na cultivator ng Li?!" Sambitn g isang lalaking manonood lalo pa't isa itong tagahanga ni Li Mo.

"Oo, siya nga ang anak nito na binasagang Little Mo!"

"Walang dudang magiging kamangha-mangha ang resulta nito dahil nagmula siya sa mga lahi ng mga totoong cultivator!"

"Siguradong walang panama ang mga nauna sa kaniya na likas na pinalaki para maging magiting na mandirigma na martial artist kumpara sa atin na normal lamang!"

Maraming mga sari-saring komento at pahayag ang pumailanlang sa buong paligid partikular na ang mga papuri nito at ang pagka-inggit ng mga miyembro ng Li Clan patungkol kay Li Mo na isang cultivator na malayo na ang narating nito. Bilang isang ordinaryong miyembro ng angkan ng Li ay mahirap sa kanila ang makamit pa ang mga narating ni Li Mo na lubos na pinagpala sa angkin nitong talento kumpara sa kanila na masyadong malupit ang tadhana sa kanila.

Napangiti na lamang si Li Gumu sa mga papuri na kaniyang natatanggap at mga pagkainggit ng kaangkan niyang Li. Naniniwala siya ang pinakamalakas na batang henerasyon at pinakatalentado sa grupo ng mga batang henerasyon ng mga Li. Marami siyang inilaang oras para sa mga delikadong mga trainings na personal niyang tagaturo o taga-gabay ang kaniyang ama kaya malaki ang kumpiyansa niya sa kaniyang sarili at hindi siya papatalo sa sinuman.

"Hahaha... Ako ang pinakamagaling sa lahat ng barang henerasyon ng Li Clan at ako lang dapat ang mapansin ng Wind Fury Kingdom at wala ng mas magaling sakin!" Sambit ni Li Gumu sa kaniyang isipan habang lihim pa itong napangisi. Tandang-tanda niya ang mga habilin ng kaniyang ama at hindi niya aaksayahin ang kaniyang sarili sa tatlong kaharian at ang Wind Fury Kingdom ang gusto niyang mapabilang.

Maya-maya pa ay nakarating na siya sa harapan ng malaking Boulder at mabilis niyang pinadaloy rito ang kaniyang enerhiya o Qi dito. Mabilis na nagliwanag ang boulder.

Maya-maya pa ay biglang nagliwanag ang boulder kung saan makikita unti-unting nag-vibrate ang boulder sa hindi maipaliwanag na dahilan at unti-unting nagkaroon ng mga bitak-bitak ang boulder hanggang sa sumabog ito!"

"Hala, ano ito? Kung nakaya niyang pasabugin ang boulder ay nangangahulugan lamang ito na mas mataas ang Martial Talent kumpara sa iba!" Sambit ng isang lalaking medyo may edad na habang nahintatakutan sa naging resulta ng anak ni Li Mo na si Li Gumu. Masyadong marami ang lumilitaw na mga talento sa batang henerasyon ng kanilang Li Clan.

"Namamalikmata lang ba kami? Nakaya niya talagang pasabugin ang Boulder ng ganon-ganon lang?! Sambit ng isang matandang ale habang kinukusot niya pa ang kaniyang pares na mata. Pawang hindi siya kapani-paniwala.

"As expected para sa anak ng isang tanyag na cultivator ng Li Clan. Hindi ko aakalaing mas higit na talentado pa ang anak nito kaysa sa kaniya. Siguradong isa itong Golden Age ng ating Li Clan!" Nagagalak na sambit ng isang binatang lalaki habang makikita ang galak nito ngunit may halong inggit. Masyadong mababa ang yalento niya para makipagsabayan sa batang henerasyon.

Marami pang mga papuri at mga komento ang oumailanlang sa paligid na siyang ikinangisi naman ng palihim ni Li Gumu. Expected niya na kasi ito. Isa siyang Six Grade Martial Talent ang kaniyang talento kaya Mas higit siyang malakas kaninuman rito lalo na sa kapwa niya kaangkan. Naniniwala siyang siya ang may talento na ipinapanganak lamang sa isa sa isang daang taon kaya hindi niya kailanman maaaring ikumpara ang kaniyang sarili sa mga ito. Siya lang ang may ganitong talentonghindi mapapantayan ninuman.

" Sobrang nakakamangha ang ating Martial Talent Trial sa kasalukuyan. Hindi ako makapaniwala na magkakaroon tayo ng mas mataas pa na Martial Telent kaysa sa anak ng Patriarch. Walang duda na mataas ang nakuha ni Li Gumu dahil ang ama nito'y isang ganap na cultivator at naglalakbay sa ibat-ibang lugar!" Sambit ni Li Jianxin habang nakangiti. Sigurado siyang magkakaroon ng malalakas na martial artist ang kanilang angkan upang maging protector ng mga ito sa hinaharap.

Ang ngiti nito na napakatamis na bumagay sa ganda nito ay biglang bumighani sa puso ng mga manonood lalo na ang mga kalalakihan.

"Woooooohhhhooooo! We love Li Jianxin!!!!"

"Sobrang ganda mo talaga Li Jianxin!!!!"

"Ikaw ang aming diyosa Li Jianxin!"

Marami pang papuri at magagandang komento ang binitawan ng mga kalalakihan para kay Li Jianxin na siyang ikinapula ng pisngi ng dalaga.

...

Ang resulta ng Martial Talent Trial ngayon ay dahilan para magkaroon ng mga diskusyon ang Elders ng dalawang kaharian ng Sky Flame Kingdom at Hollow Earth Kingdom gamit ang kanilang divine sense. May alitan pa rin sa pagitan ng Sky Ice Kingdom at Sky Flame Kingdom kaya binawalan silang makihalubilo sa bawat isa layon sa utos ng hari at reyna nila. Ang Wind Fury Kingdom ay likas na hindi nakikihalubilo sa kanila. Hindi rin Elder ang naririto sa pagbisita ng Li Clan kundi isang lalaking nasa magti- 30's na siguro dahil medyo bata pa naman ito.

"Hindi ko aakalaing malaki na pala ang anak ni Li Mo. Galing siya sa Hollow Earth Kingdom kaya naniniwala akong sa akin pa rin mapupunta ang anak nito na bagay para sa aming mga cultivation techniques hehe..." masayang sambit ni Elder Zhang Xan na Elder ng Hollow Earth Kingdom.

"Hindi ka pasisigurado, hindi tanga si Li Mo upang ipagduldulan ang sarili nitong anak sa iyo. Masyadong mataas ang Martial Talent nito na kung hindi ako nagkakamali ay isa itong 6th Grade Martial Talent ang tinataglay ng anak nito at marami kaming malalakas na cultivation techniques dahil bata pa naman ito." Kontra naman ni Elder Wang Bin ng Sky Flame Kingdom

"Basta naniniwala akong sa akin pa rin ang bagsak nito. Hindi papayagan ni Li Mo na hindi maging swordman ang anak nitong si Li Gumu dahil gusto niyang sundan siya ng kaniyang anak sa kaniyang mga yapak!" Sambit naman ni Elder Zhang na soyang ikinatahimik na lamang ni Elder Wang Bin. Totoo nga ang sinabi nito. Masyado ring stubborn si Li Mo at masusunod palagi ang gusto nito. Napakaistrikto pa naman ito lalo na sa mga alituntunin nito at maging ang anak nitong si Li Gumu.