webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 118

Tila nasisiraan man siya ng bait pero pakiramdam niya ay dapat na talaga siyang humanap ng malilipatang trabaho. Yung lebel of toxicity na palagi niyang nararamdaman at naririnig sa mga kasamahan nito ay nasa limitasyon niya na.

Narinig niya rin kanina kung paano siya pag-usapan ng mga kasamahan niya. Masakit isipin sa totoo lang pero kinakaya niya pa rin. Marami talaga siyang gastusin sa sarili niya maging sa nanay niyang may sakit ay inaalagaan niya pa rin ito. Masakit talaga isipin pero tinitiis niya lamang alang-alang sa gusto niyang kumita para sa pang-araw-araw nilang pangangailangan.

"Kung gayon ay aalis na muna ako batang Li Xiaolong. Naniniwala ako sa sinasabi mo." Nakangiting sambit ng magandang babaeng si Lu Lan habang mabilis din itong lumakad papalabas ng maliit na silid.

"Salamat Ate Lan, kapag hindi pa naniwala sila sa iyo. Sabihin mo lang ang katagang "GodFall Ruins"." Malakas na pahabol ng batang lalaking si Li Xiaolong habang nagpapasalamat pa ito at nagpaalaala sa papaalis na magandang babaeng nagngangalang Lu Lan. Hindi niya alam na nag-eexist pa ang ganitong klaseng empleyado. Tila ba hindi niya mapigilang magkaroong ng magandang impresyon sa magandang babaeng halos kaedaran lamang ng kaniyang Ate Li Jianxin.

"Walang anuman batang Li Xiaolong. Aalalahanin ko ang iyong sinabi." Sambit ng magandang babaeng si Lu Lan at mabilis na itong lumabas sa maliit na silid na kinaroonan nila ng batang lalaking si Li Xiaolong.

Mabilis namang lumabas sa Interrogation Area ang magandang babaeng si Lu Lan at mabilis itong lumakad papunta sa second floor ng nasabing establishimentong ito.

Sa kabilang banda naman ay gulat na gulat naman ang mga kapwa-empleyado ng magandang dalagitang si Lu Lan kung saan ay maging ang mga customers na naririto pa rin na nakasaksi kanina sa pangyayari ay tila mas naging apparent sa mukha ng mga ito ang kakaibang tingin at kakaibang ngisi sa kanilang mga labi.

Hindi na nakapagpigil pa ang mga customers sa nakasaksi sak ung paanong tila aligaga sa pagtakbo ang magandang babaeng nag-aassist kanina sa batang lalaking nakabuntot sa kaniya kanina.

"Ano na namang pakulo ang ginagawa ng batang lalaking iyon sa magandang babaeng nag-aassist rito?!"

"Hahaha... Mukhang napakatuso ng batang iyon ah!"

"Ang sabihin mo ay uto-uto lamang ang magandang babaeng iyon hahahaha!!!"

"Napakatanga naman ng magandang babaeng iyon, nagpaloko lamang sa bata hahahaha!"

"Ganito na ba katanga ang Feathers Guild para maghire ng empleyado nito?! Mas bagay pa ang alaga kong aso na magtrabaho dito kaysa sa babaeng iyon!"

"Sinabi mo pa. Napakaganda sanang dalaga ngunit yung utak niya ay masahol pa sa alimango!"

"Gusto ko ang ganitong klaseng babae, napakamasunurin hehehe!"

"Ako rin, kung papayag ang magandang babaeng iyon ay maaari ko siyang maging concubine hehe!"

"Ulol ka, as if papatol siya sa mukhang Ogre na katulad mo!"

"Ganito ba ang mga empleyado ng Feathers Guild, mga uto-uto? Hahahahahahahahahaha!!!"

Sa isang sulok naman ay kung saan nagkakatipon ang ilang mga empleyado na nag-aassist sa mga customers nito.

Nakatunganga lamang sila ngayon dahil tila interesado pa ang karamihan sa pangyayari kani-kanina lamang maging ng kasalukuyang pangyayari kung paano naging aligaga ang babaeng si Lu Lan paakyat sa second floor ng establishimentong ito o papataas ng gusaling ito.

They find it really annoying at kung paano sila nadamay sa kalokohang pangyayaring naganap ay namuo ang labis na inis at galit sa mga ito.

" Pesteng babae ka talaga Lu Lan, humanda ka mamaya sa akin!"

"Hmmp! Kakalbuhin ko talaga ang ulo ng babaeng si Lu Lan!"

"Napakalaki niyang tanga, nang dahil sa kaniya ay nawalan ako ng customer!"

"Bakit nadamay tayo sa katangahan niya, she's getting into my nerves!"

"Oo nga dapat sa kaniya ay maturuan ng leksyon!"

"Kung gaano ba naman kasipsip ay ganoon din ito katanga!"

"Like mother like daughter, napakauto-uto talaga ng babaeng yan!"

"Lahat ng kahihiyang ginawa nito ay nadamay pa tayo!"

"Sinabi mo pa, di niya ba iniisip na sa katangahan niya ay damay-damay tayong lahat?!"

"Grrr.... Naiinis na ko, ang sarap niyang patayin!"

Tila nagpupuyos naman sa galit ang halos lahat ng mga nag-aassist na empleyado ng Feathers Guild. Halos ang lahat ng mga customers nila ay tumambay na lmng muna rito at nag-aabang ng maaari pang maganap.

Hindi nagustuhan ang pangyayaring ito. Masyado silang nagagalit sa mga pangyayaring nagaganap na ito. Sino ba naman kasi ang gugustuhing maapektuhan sila hindi ba?!

Para sa kanila, kasalanan itong lahat ng babaeng kapwa nila empleyado ng Feathers Guild na si Lu Lan hindi na sila makapaghintay na makaganti sa ginawa nitong malaking komosyon at kahihiyan na damay sila. Ang matinding inis at galit na nararamdaman nila rito ay dumoble.

...

Lingid sa kaalaman nila ay maraming mga eksperto na galing sa loob ng Feathers Guild ang tila nagpalaganao ng mga pangyayari sa loob ng nasabing gusali kung saan ay marami ang naging interesado sa pangyayaring ito.

Ang tila authentic na impormasyon ay tila naging exaggerated at tila wala na sa ayos kumpara sa orihinal na nangyari.

Ang ending ay napakaraming mga nilalang ang nasa labas ng Feathers Guild at nakikiusyuso na ang iba.

...

Hindi na nakapagtiis ang mga empleyado ng Feathers Guild at mabilis na silang nagpunta ang ito sa loob ng Interrogation Area kung saan ay masasabi nilang naroroon pa ang batang lalaking nagsimula ng lahat ng gulong ito.

Tila ba ang pangyayaring kani-kanina lamang ay tila mas naging mainit sa mata ng mga nilalang na nakasaksi sa pangyayaring ito.

"Mukhang mayroong magaganap na mainit na tagpo sa loob ng interrogation Area heheh!!!"

"Sinabi mo pa, mukhang magiging kapana-panabik ang pangyayaring ito!"

"Ano kaya ang magiging reaksyon ng magandang babaeng taga-assist kapag nalaman nito ang pangyayaring ito!"

"Never in my dream na mangyayari ito. This is the first time na makakasaksi ako ng ganitong pangyayari sa loob ng Feathers Guild!"

"Mabuti na lamang at di ako nakaalis kanina kung hindi ay hindi ko masasaksihan maya-maya lamang ang pangyayaring ito!"

"Napakagandang makita ang buong pangyayaring ito. Mas exciting pa ito kumpara sa paghahanap ko ng impormasyon sa lugar na ito!"

Tila ilan lamang iyan sa mga maririnig na pahayag o komento mula sa mga customers ng Feathers Guild. Tila ba mas nagustuhan nila ang nagaganap na pangyayari na ito kaysa sa pag-acquire ng mga impormasyon. Tila ba ang mga pangyayaring ito ay painit ng painit at tila ba ang mismong Feathers Guild ay gagawa ng panibagong yugto ng kanilang pagkakatayo rito sa loob ng kaharian ng Sky Flame Kingdom.