webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 112

Kumbaga ay tila nagtuturo siya ng isang batang hindi pa nagcu-cultivate at nasa estado pa lang ng lecturing at wala pang cultivating na nangyayari. Kung sa Tang Empire pa ito nangyari ay baka pagtawanan ng dalawa o tatlong taong bata ang batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong dahil sa pagiging ignorante nito. Hindi niya din masisisi ito at wala siyang alam kung anong klaseng environment ito nabubuhay pero alam niyang tila normal na pamumuhay ng isang mortal na Masasabi niyang sobrang baba ng quality.

Wala siyang mataas na ekspektasyon sa batang lalaking si Li Xiaolong o kung ano man ang gustong gawin nito pero nasa loob siya ng teritoryo niya na walang iba kundi ang buong pambihirang lugar na ito.

Hindi niya hinahamak ng batang lalaking si Li Xiaolong pero ang lugar na ito ay hindi laruang maaaring lugar palaruan ng batang ignorante at hindi siya isang lecturer o guro upang turuan ang batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong pero sa tingin niya ay magiging ganon na nga ang magiging papel niya. Kung bakit ba kasi napadpad itong pambihirang lugar na ito sa batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong diba?! Hindi niya masasabing parusa ito o tadhana ang mga bagay na mangyari ito.

Parang malaking sampal naman ang sinabing ito ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong ang mga sinabi ng magandang babaeng walang pangalan sa kaniya. Tila ba ang mga bagay-bagay na sinabi nito ay masasabi ngang common sense pero hindi naman niya alam na dapat ganon ang gagawin niya. Nasambit kasi ng magandang babaeng walang pangalan na dapat siyang magcultivate pero ipinapaliban niya lamang ito.

"Pasensya na po magandang Binibini dahil sa aking kapabayaan. Susubukan ko pong maging maayos ang aking ginagawa sa loob ng pambihirang lugar sa loob ng lagusan. Masyado lamang kasing biglaan ito sa akin at unang beses ko lamang makakuha ng Soul Fragment kung saan ay naninibago lamang ako." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa mababang tono ng boses. Mahihimigan sa tono ng pananalita nito na ang mga bagay-bagay na nangyayari ay hindi niya inaasahan at inaamin nitong may pagkakamali ito sa pangyayaring naganap kani-kanina lamang lalo na kung paano niya hindi niya namamalayan ang kaniyang nagawang pagkakamali.

Sa kabila nito ay natutuwa ang kaniyang puso sapagkat mayroong isang magandang babaeng walang pangalan na isang Spirit Artifact ng pambihirang lugar na ito na siyang tagapangalaga nito na sinisermunan siya o pinapagalitan niya. Yung tipong hindi niya darating ang araw na ito, wala siyang nakasalamuha na maaaring maikumpara niya sa magandang babaeng walang pangalan na nasa harapan niyang nagpipigil ng inis at galit rito.

Namuhay siyang mag-isa sa gitna ng pagtahak niya sa larangan ng kaniyang sariling Cultivation lalo na sa pagpapataas ng kaniyang sariling lebel ng Cultivation. Nakamit niya ang Xiantian Realm na lebel ng Cultivation dahil lamang sa mere luck siguro. Wala siyang kaaalam-alam sa pagtahak niya rito. Hindi naman siya maaaaring umasa sa kaniyang sariling mga magulang dahil abala ang mga ito sa gawaing bahay at gawaing bukid lalo at nagbabantay pa ito at inaalagaan ang kaniyang nakababatang kapatid maging siya. Sa lagay pa lamang iyon ay lubos-lubos na ang pasasalamat niya bilang anak ng mga magulang niya.

Hindi man niya sabihin o magbingi-bingihan ngunit halos lahat ng mayroong mababang resulta ng nasabing Martial Talent Trial na ginanap sa loob ng kanilang angkan ng mga Li ay piniling mamuhay na lamang ng normal at hindi na nagsumikap na magcultivate pa. Napakasakit isipin ngunit ang mga magulang ng mga ito ay ito mismo ang isa sa tumulak sa mga itong tumigil ang mga ito sa kakapangarap na maging Cultivator o tumahak sa daan ng Cultivation. Ang karaniwan niyang naririnig noong minsang napapadaan siya sa mga kabahayan kapag tumutulong ang batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang ina at ama ay " tumigil ka na sa kakapangarap na maging katulad nila Li Mo at ng magandang dalagang si Miss Jianxin dahil hindi ka magiging katulad nila!", "Mas mabuting magbanat ka ng buto ngayon kaysa magcultivate kang bata ka, masyado kang ambisyuso!", " Mga bata nga naman, akala nila ay ganoon rin ang magiging kapalaran nila sa mas mataas na Martial Art Talent sa kanila. Bilang mababa ang Cultivation Level ay katapusan na mismo ng pagkakataon niyong maging malakas na Cultivator!", "Humanda kang bata ka, magugutom tayo sa ginagawa mo!", "Gastos lamang yan!" at marami pang mga masasakit na salita ang maririnig niya nula sa iabng tao at mga kapitbahay sa kapwa niya bata. Minsan nga ay narinig niyang nagsalita nga ng masama sa kaniya mula sa mga kakilala at kapitbahay nila ngunit palaging ipinapagtanggol siya ng kaniyang mga magulang mula sa mga ito. Ito ay dahil naniniwala sila sa kaniya, na may silbi at kabuluhan ang pagcucultivate niya at pagtahak niya sa daan ng Cultivation. Bakit mahal niya at mahalaga sa kaniya ang kaniyang mga magulang ay dahil sa ito rin mismo ang tagapagtanggol at nagpapalakas ng loob niya na hindi mawalan ng pag-asa. Hindi lang sila pamilya basta pamilya dahil sa parehong dugo at laman na katangian nila kundi mayroong kakaibang bond na nagdudugtong sa kanila.

Kaya ang magandang babaeng walang pangalan na siyang Spirit Artifact sa pambihirang lugar na ito ay masasabi niyang totoo ito sa kaniyang sarili at nagagawa nito ng maayos ang kaniyang sariling papel na mangalaga ng lugar lalo na ng nilalang na pumapasok rito.

Natigil na lamang ang pag-iisip ng batang lalaking si Li Xiaolong nang marinig nitong nagsalitang muli ang magandang babaeng walang pangalan.

"Kung gayon ay pwede ka ng umalis bata. Nakuha mo na ang gusto mong impormasyon tsaka naiinis ako sa pagiging ignorante mo. Sa susunod na pumasok ka sa lugar na ito ay dapat marami ka ng alam at nalalaman sa lugar na ito dahil ikakapahamak mo lang ang pagiging walang alam sa lugar na ito.

Hindi kasi ito laro tsaka may pagkakamali din ako sa mga nangyari, nakakapansisi sa sarili bata Kung alam mo lang. Akala ko talaga ay may nangyari na sa iyo na masama at di ko nagampanan ng maayos ang aking trabaho. Sa susunod na pumasok ka sa loob ng pambihirang lugar na ito ay dapat handa ka na, Spirit Artifact ako at hindi isang guro na turuan ka ng lahat ng bagay.