webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 104 [ Volume 2: Upheaval]

"Paano mo naman nasabing matutulungan nila ako? Pag ako binibiro mo ng ganyan Binibini ay baka umasa lang ako sa wala. Maraming buhay ang mawawala kung sakaling mangyari ang hindi namin inaasahang pangyayaring kinatatakutan namin mangyari." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang tila pinapaalalahanan ang magandang babaeng nasa harapan.

"O siya, oo na. Wag na tayong magpaligoy-ligoy pa dito. Gusto ko pa namang makipag-usap tayo ng matagal dito pero mukahng nagmamadali ka ata pero naiintindihan ko naman ang kasalukuyan mong sitwasyon na hindi kaaya-aya para dumaldal ako." Sambit ng magandang babaeng habang nakangiti pa ito

Tila napanguso naman ang batang lalaking si Li Xiaolong at muling nagwika.

"Hindi pa ba pagdadaldal yung ginawa mo kanina. Napansin ko ngang napakatagal nating mag-usap Binibini pero sabihin mo na yung naiisip mong solusyon at sa susunod na tayo magdaldal ng magdaldal. Pakiramdam ko kasi ay nauubusan na ako ng oras sa ngayon at anytime ay baka sumiglab ang gulong babagsak sa buong lugar ng Green Valley." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang tila ba hindi magiging madali ang lahat para sa kaniya lalo na at hindi Basta-basta lamang na gulo ito. Mabuti sana kung sa ibang lugar sa Sky Flame Kingdom pero sila ang naunang pinupuntirya ng nasabinf kahariang kinabibilangan nila. Masakit man isipin at tila mukhang halatang desperado siyang makaligtas ang Green Valley ay masasabi niyang okay na rin ito.

"Okay, sinabi mo yan ah. Deal na natin iyan tsaka siguradong magugustuhan mo ang aking surpresa sa iyo." Sambit ng magandang babaeng nakangiting nakatingin sa direksyon ng batang lalaking si Li Xiaolong.

"Hmmm... Ano naman iyon?!" Sambit ng batnag lalaking si Li Xiaolong habang makikitang tila naningkit ang mata nito sa sinabing ito ng magandang babaeng nasa harapan niya. Masasabi niyang tila mayroon itong maitim na binabalak?!"

Tila napasimangot naman bigla ang magandang babaeng matamang nakatingin sa batang lalaking si Li Xiaolong.

"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan batang Xiaolong as if naman na isa akong masamang tao este masamang nilalang na isang munting kaluluwang nakareside sa lugar na ito." Sambit ng magandang babaeng walang pangalan habang tila hindi pa rin matanggal ang pagkasimangot sa pagmumukha nito.

"Weh, sigurado ka ba sa sinasabi mo? So, ano nga ba ang sinasabi mong surpresa o kung anumang naisip mong solusyon sa problema kong ito?!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang tila hindi ito kumbinsido sa sinasabi ng magandang babaeng nasa hindi kalayuan mula sa kaniyang kinaroroonan. It's no doubt na mahirap ang gagawin niyang ito.

"Oo nga, ang kulit mong bubwit ka. Ang naisip kong surpesa o solusyon o kung ano pang katawagan ang maisip mo ay ang pag-absorb ng Soul Fragments ng Remnant Soul dito. It is wonderful idea right?!" Nakangiting asong sambit ng magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong. Tila ba mayroon itong naiisip na kalokohan.

Mistulang napangiwi naman ang batang lalaking si Li Xiaolong. Hindi na siya magugulat sa sasabihing ito ng magandang babaeng nasa harapan niya. Yung tipong kung hindi lang bawal pumatay ng magandang babaeng nasa harapan niya na walang pangalan na ito ay matagal niya ng ginawa. Napakawalang hiya kasi nito at alam niyang mahilig magpahirap ang magandang babaeng ito. There's no way na maaawa ito sa kaniya at ibibigay na lamang ang gusto niya. Paano niya nasabi? Just rewinding their first conversation kani-kanina lamang ay halos mag-alburuto na sa inis ang babaeng ito sa kaniya.

Bored naman siyang tiningnan ng batang lalaking si Li Xiaolong habang mabilis din itong nagwika.

"Remnant Soul? Mukha bang makakaya kong gawin iyon?! Di ko nga alam kung paano ko makakamit ang Soul Fragments na naglalaman ng ilan sa mga alaala nito." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang tila ba hindi siya makapaniwala sa sinasabing ito ng magandang babaeng nasa hindi kalayuan mula sa kaniyang kinaroroonan.

Imbes na malungkot ang ekspresyon ng dailagang nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong ay tila ba mas lumawak pa ang ngiting nakapaskil sa nagpupulahang mga labi nito.

"Mas maganda nga iyon eh. Matutunan mo lamang ang pag-absorb ng soul fragments kapag naranasan mo na talaga ito ng actual. Isa pa ay nakabase naman ang iyong paghigop sa enerhiya ng nasabing remnant soul na ito kung gaano kalakas ang will mo." Sambit ng magandang babae habang nakangiti pa ito. Tila ba nasisiyahan siya sa ekspresyong ipinapakita ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong.

Tila hindi naman maipinta ang pagmumukha ng batang lalaking si Li Xiaolong nang marinig niya ang mga katagang binitawan sa kaniya ng magandang babaeng nasa harapan niya.

"Wala na bang ibang solusyon magandang Binibini? Yung mas safe naman at reliable? Pwede bang bigyan mo nalang ako ng alternative na solusyon?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong na tila ba nag-aalangan ang tono ng boses nito. Masasabing tila hindi ito sang-ayon sa nasabing suhestiyon ng magandang babaeng nasa harapan niya.

Tila naningkit naman ang pares ng mga naggagandahang mata ng magandang babaeng walang pangalan habang matamang nakatingin ito sa direksyon ng batang lalaking si Li Xiaolong.

"Desperado ka dibang makahanap ng solusyon diba? Ito na yung tsansa mo pero ayaw mo pa? Sa ayaw at sa gusto mo batang Xiaolong ay wala ka ng pagpipilian dahil sa kasalukuyan mong kalagayan ay ako lamang ang makakatulong sa iyo este sarili mo lang pala. Gusto man kitang tulungan pero wala din akong maitutulong sa iyo dahil wala naman akong lakas o kapangyarihan na tulungan ka. Hello, isa lang akong nakakaawang Spirit Artifact dito." Malumanay na sambit ng magandang babaeng nasa hindi kalayuan mula sa kinaroroonan ng batang lalaking si Li Xiaolong. Ta ba sa sitwasyong ito ay hindi niya magawang magsinungaling. In the first place ay alam naman ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong na hindi siya buhay na nilalang at isang Spirit Artifact, kung wala ang Artifact na ito ay malamang sa malamang ay wala rin siya.

Tila napatahimik naman sa kinaroroonan nito ang batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang tila nag-iisip ito ng malalim. Masasabing tama naman ang magandang babaeng nasa harapan niya. Sino ba kasing niloloko niya? Mas naiinis siya sa kaniyang sarili dahil napakahina niya pa ngang talaga.