1 Successful Transportation

Success!

Sa wakas, ang pangarap ko na makapunta sa ibang mundo ay natupad narin. Ilan taon ko ring pinagaaralan kung paano nga ba ko makakapunta sa ibang mundo at sa wakas ngayon ay nagawa ko na rin.

Inaalala ko pa lang yung mga paghihirap ko ay... ay... well di na mahalaga yun. Sa ngayon nandito nako sa ibang mundo.

Ang matagal ko ng pinapangarap.. na ibang.. mundo?

Teka lng nasan nga ba ko?

Alam ko nasa ibang mundo nako pero, anong lugar.

Tumingin tingin ako sa aking paligid upang malaman kung nasaan ako.

Sa paligid ko ay gubat. Ye puro puno lng. Pero wait lng! Ibig sabihin nito ay may buhay nga sa mundo na to!

Tumingin din ako sa aking likod.

Sa aking likod ay ang Portal kung saan ako nanggaling. Sa likod ng portal ay isang malaking pader ng bato. Sobrang taas pa nito.

Nasan na si Lin?

Lumapit ako sa portal at tinawag ang aking Assistant na si Lin.

Sino si Lin? Sya lng naman ang assistant ko na tumulong sakin upang gawin ang portal na nagdala sakin sa mundo na to.

Lin!?

Bakit wla ka pa dito?

Maririnig ang boses ni Lin galing sa loob ng portal.

"Ay sry po, kasama pala ko. Akala ko ikaw lng."

Syempre naman kasama ka, pano ako makikipagusap sa ibang tao kpag wla k dto?

"Ay oo nga.. no wait bakit ba laging kailangan mo pa ko kapag may kakausapin ka?"

Ha?!

Eto na po!.. eto na papunta.. na... wait... hala! Lagot! Kuya Juan! May problema tayo!

Sa harap ko ay nakikita ko yung portal na para bang may mali ito at unti unti nawawala ang ilaw sa paligid nito.

Oo nga nakikita ko nga.

"Kuya Juan?

Bakit parang normal ka lang. Malaking bagay to no.

Hello?

Pag nasira ang portal ngayon ay baka dka na makabalik! At ikaw lng ang nakakaalam kung paano nagana itong portal na to.

Dko alam kung bakit pero ikaw lng ang nakakaalam kung pano to paganahin."

Ha? Ano bang sinasabi mo dyan?

Ku...

Di ko naman kailangan bumalik dyan sa lugar na yan.

Kuy..

Dba nga kaya... wait lng bakit ba nandyan ka parin? Pumunta ka na dto! Ngayon na..

Hello?

Hello?

After ng huli kong sinabi ay nakita ko ng tuluyang nawala ang portal ngunit bago paman ito huling nawala ay may nakita akong isang bagay na lumusot sa portal na wla n ngayon.

What?

Nawala n yung Portal?

Hala lagot!

Malaking problema nga to.

Pano ko makikipagusap sa ibang tao kung wla si Lin para tulungan ako?

Shit!

Habang ako ay nagpapanik ay may nakita akong isang bagay na nasa lupa.K

inuha ko ang bagay na yon.

Hmmm ano to? Prang ito yung isa sa mga imbensyon ko ahh?

Pero sa pagkakaalam ko dko pa to tapos.

Iniwan ko na nga tong project ko na to.

Ang bagay na to na mukhang Scouter sa Dragon Ba** ay isa sa mga inimbento ko. Inimbento ko ito upang tulungan ako sa pakikipagusap sa ibang tao.

Iaanalyze dapat nito ang mga taong nakakausap ko para malaman ko kung ano bang intensiyon nila. Pero sa di malamang dahilan, ang mga inaanalyze nito ay ang mga bagay sa aking paligid at inaalam nito ang lahat ng impormasyon sa bagay na inaanalyze nito.

Dahil dito ay sinukuan ko na ito dahil sa wala namang silbi to sakin. Sa unang tingin mukha itong bagay na maraming silbi pero sa panahon ngayon isang search mo lang sa Go*gle ay makikita mo na lahat ng bagay na gusto mo.

Sa pagkakaalala ko ay hiniram to ni Lin sakin kesa daw sirain ko.

Hmmmm....

!!!

Ang talino talaga ni Lin!

Siguro naayos nya na siguro ang scouter na to!

Thank you Lin, hulog ka ng langit! Kahit di na kita kasama okay lng dahil dito sa gadget na to.

Ibig sabihin di na ko kakabahan pag may kausap ako dahil alam ko na intensiyon nila.

Malaking bagay to.

Habang tinitingnan ko ang scouter na hawak ko ay may nakita akong isang papel na nakaipit dito. Kinuha ko ito at tiningnan ang laman.

Hindi?

Ang nakasulat sa papel.

...

Ha! Anong hindi?

Ibig sabihin ba nya di nya to naayos?

Edi wala pala rin pala tong silbi?

Bwisit ka talaga Lin! Ang laki pa naman ang expectation ko sayo tas ganto.

Itatapon ko na sana ang scouter ko na to ng bigla kong may naisip.

Hmmm wait lang. Hindi naman niya siguro to ihahagis kung wla tong silbi. Well tago ko nalang muna to siguro...

Sige Lin, papagbigyan Kita. Pero pag nagkita ulit tayo lagit ka talaga sakin!

Hmmmp!

Yaaa...Yaaa...

Dugudun dugudun dugudun

Sa di kalayuan ay may narinig akong ingay na para bang galing sa mga kabayong natakbo.

Ano yun?

Sinundan ko ang pinanggalingan ng tunog. Nanggagaling ang tunog sa gubat sa. Well, puro gubat ang nasa pagilid ko pero di na mahalaga yun basta sinundan ko yung tunog na narinig ko.

Ilang saglit lng at nakita ko ang parang dulo nito at nakita ko na rin ang pinanggagalingan ng tunog.

...

Hmmmm...

Hmmm...

Mmmm..

Yep definitely..

Im in a different Earth

Yeah, alam ko. Pero di ko tinutukoy yung simpleng ibang planeta kagaya ng Mars. Ang tinutukoy ko ay ako ay nasa ibang mundo na ako na katulad ng mundo ko... "Dati" na meron ding buhay.

Dati talaga yun. Ha!

Sa totoo lng, nung una paman ay alam ko na may malaking posibilidad na may buhay dito dahil bago pa man ako pumasok sa portal ay ilang beses muna kami gumawa ng test para malaman kung may buhay nga ba sa planetang Ito.

Syempre, dahil din sa mga punong ito kaya masasabi kong may buhay nga dito. Pero hindi yun ang tinutukoy ko. Ang tinutukoy ko ay ang mga nakikita ko sa aking harapan ngayon.

Mga taong nakasakay sa mga kabayo at mga taong mukhang baboy na nakasakay sa mga lobo!

I'm definitely in an isekai!!!

"Ajsd hjk"

Sigurado akong sila ang mga nakatira sa lugar na to.

"Ahshdh djdjfj dhdj"

Mukhang magkaaway sila.

Sa aking harapan ay dalawang grupo ng mga tao.

Isang mga tao na katulad na katulad ng mga tao sa original kong Planeta at mga taong baboy na nakasay sa mga lobo.

Yung mga taong mukhang baboy ay merong mga mukha na katulad ng sa baboy pero prang hindi rin. Ang mga mukha nila ay yng prang makikita mo sa mga body builder.

Body builder na baboy?

Ang mga tao naman sa kabila ay mukang mga tao na taga Europe. Meron silang mga balbas at ang mga buhok nila ay kundi maiikli na prang sa sundalo, ay mga mahahabang buhok na nakatirintas.

Ang dalawang grupong Ito ay kasalukuyang nakahinto sa gitna ng kalsada. Hindi yng kalsada na gawa sa bato. Kung hindi ay yng mga kalsada na daan lng talaga na normal mong makikita sa mga probinsya.

Kung may mga damo sa daan na to ay sigurado akong d mo to makikilala bilang kalsada.

Prang ganon.

Ang dalawang grupong Ito ay may mga hawak na armas at mga gamit na parang sa mga sundalo.

Ang grupo ng mga tao ay may hawak na sibat... Oh at mga spada rin sa kanilang tagiliran.

Sa mga suot nila, mukha silang mga sundalo na makikita mo sa mga painting mula sa mideival age!

Ang grupo naman ng mga taong baboy ay mga naka palakol at parang.

Nagtitinginan lang ang dalawang grupo.

"Ansnd ginagawa adhd?"

Ha? May narinig ba kong nagsasalita?

Tumingin tingin ako sa aking paligid at nakita ko ang isang batang babae malapit sa aking tabi.

Hah! Putek na yan! Sino ka?!!

"Ahshs sabi ah. Hshfhd?

Di kita maintindihan.

Di ko maintindihan ang sinasabi ng batang ito.

Sa bagay ay ibang mundo to kaya syempre may ibang linggwahe siguro dito.

Pero prang yng ibang mga sinasabe nya ay naiintindihan ko.

"Ksjfhfhs sino ka?"

Sino ako? Sigurado akong yn ang huli niyang sinabi.

Alam mo ang salita ko?

"Ha, kanina lang ibang ajshdh ang sinasabi mo pero jdbfbd salita ko na ang ajdjdjsjd mo"

Medyo naiintindihan ko na ang mga sinasabi niya pero may mga salita parin akong di maintindihan. Pero pano ko ba sya naiintindihan?

"Kuya, ano yang nasa mata mo."

Ha, napahawak ako ng mabilis sa aking mata at nakapa ko ang scouter na ibinato sakin ni Lin kanina.

Ahhh, Eto kaya yon? Eto siguro ang nagsasalin ng mga sinasabi ng batang ito. Sa pagkakaalala ko, nagpapadala to ng mga mga waves para maitransfer sa mga may gamit nito ang mga impormasyon na nakakalap nito.

Baka dahil doon Kaya ko sya ngayon naiintindihan.

Ahh eto ba? Gamit ko to, salamin to.

"Oo nga, pero bakit isa lang? Tsaka sino ka ba? Bakit ka nandito ka sa gitna ng lugar na to? Di mo ba alam na mapanganib dito? Dto ang lugar kung saan namumugad ang mga Orc!

Kagaya ng itsura nya. Para syang bata na sobrang daming tanong.

Wait lang, naintindihan ko lahat yon!?

Ohhh, magsalita ka nga ulit bata. Kung pwede yng mas mahaba.

"Oy, nagiging bastos ka ha! Baka di mo alam, isa akong maharlika! Ako ay anak ng namumuno sa Bergen! Kaya umayos ka ng pakikipagusap sakin, oy!"

Oh, I can definitely understand her!

Ohhh, baka naglagay si Lin ng language analyzer sa scouter na to!

Kahit papaano ay malaking tulong ito sakin si Lin.

Kahit papaano may silbi ka parin talaga!!

"Uy, kuya. Tumahimik ka dyan. Baka marinig nila tayo. Shhhh"

Ay oo nga no. Pero Ang galing talaga ni Lin. Pag nagkaroon ako ng time, iaanalyze ko tong scouter na to.

Tumingin ulit ako sa dalawang grupo at napansin ko na prang naghahanda n silang maglaban.

Maglalaban na ba sila?

"Oo kuya, sigurado ako dyan."

Sino kayang mananalo sa kanila? Sa nakikita ko, mas konti ang mga tao sa mga taong baboy.

Baka matalo sila dahil sa konti nila.

"Dyan ka nagkamali kuya."

Ha?

Ano namang alam mo batang bulinggit?

"Wag mo nga akong tawaging batang bulinggit! May pangalan ako no!"

Bakit ano bang pangalan mo batang bulinggit?

"Ah eh, ako si Alruna, Alruna Bergen. Ang anak ni Arne... Saglit lng.. tinawag mo kong batang bulinggit ulit! Oy!"

"Shhh.. hinaan mo yang boses mo. Baka marinig nila tayo?"

"Grrrr!!! Hmmp! D nko bata pra sa gantong kalokohan kaya Itutuloy ko na lang yng sinasabi ko.. kahit na ikaw naman ang nagsimula nito."

"Di basta bastang matatalo ang mga sundalo ng Bergen. Pag tiningnan mo ang mga armas nila ay dapat mapapansin mo na kaagad yun. At isa pa di sapat ang bilang lang pra masabi kung sinong mananalo."

Oh?

Tiningnan ko ulit ang mga armas nila pero wala naman akong nakita na magdidikta ng laban kundi ang mga dami nila.

Ha? Eh ano bang meron sa mga armas nila?

"Hay kuya, wla ka talagang alam. Kaya ako nagtataka kung pano ka nakapunta dito sa hangganan na kung saan may gyera eh..."

"Makinig ka kuya, ang mga sundalo ng Bergen ay magaling sa paggamit ng mga kabayo.

Ang mga Orc nayan ay bago lng sa paggamit ng istilo ng kabalyero at ginawa lang nila yan pra matapatan ang mga tao namin.

Sa madaling salita mas malalakas ang sundalo ng Bergen.

Pati ba naman yun, di mo alam?"

Tsss. Nakakainis talaga tong bata na to. Nagmamagaling kahit na hamak na batang bulinggit lang siya.

Oh eh ano naman. Eh sa sobrang dami ng mga Orc na yan ay matatalo rin yang mga tao nayan!

"Wala ka talagang alam kuya. Hay.. Pagdating sa laban di ganon kahalaga ang dami kung di mo naman tong alam gamitin. Manood ka na lang muna at makikita mo."

Ayan nanaman sya, nagmamagaling nanaman sya.

Nakatingin parin naman ako sa dalawang grupong ito na kasalukuyan ay nagsusuguran na.

Ang grupo ng mga tao ay dikit-dikit habang nangangabayo na pra bang bumubuo sila ng mga linya papunta sa kanilang kalaban.

Ang kanilang mga sibat ay nakatutok ng diretso sa kanilang kalaban.

Para bang yung nakikita ko sa mga lumang palabas na laban ng mga kabalyero.

Dahil sa konti nila ay meron lang silang dalawang linya ng kabalyero.

Sama sama nilang sinugod ang mga Orc.

Ang mga orc naman sa kabila ay sumugod ng hiwalay hiwalay.

Pra bang lahat sila ay sabik na sabik na sugurin ang mga tao.

Dahil sa pagkakahiwalay hiwalay at dami nila ay napupuno nila ang buong daan di kagaya ng sa mga tao na meron lang na dalawang linya.

Dahil dito, mahahalata mo talaga ang pagitan ng numero ng dalawang grupong Ito.

Ooohh.. Ito na, magsasagupa na sila!

Ngayon lang ako makakakita ng totoong laban kaya naman ay excited na excited ako.

"Grabe kuya, prang excited ka talaga... Isa ka ba sa mga kagaya ng mga tao na gustong gustong makakita ng dugo?"

Ang boses ni Arne ay para bang may tono ng lungkot pero dko na masyadong pinansin yun dahil sa magsasagupa na sila.

*Clash*

Pagkabangga ng dalawang grupo ay nakita ko ang isa sa mga bagay na di ko malilimutan.

"Ano kuya sabi ko sayo ehh!"

"Go Bergen!"

Habang nagchecheer batang bulinggit sa gilid ko ay ang mga orc na bumangga sa mga tao ay nagsisitalsikan!..

Ang mga sinasakyan naman nilang lobo na halos kasing laki na ng mga kabayo ay walang nagawa kundi matapakan ng linya ng mga kabalyero na bumangga sa kanila!

Ang mga armas ng mga Orc ay walang nagawa dahil sa ikle ng mga ito.

Karamihan sa kanila ay pinatalsik lng ng mga tao sa kanilang mga sinasakyan gamit ang mahahaba nilang mga sibat.

Literal na dinadaanan lang sila nito.

Pagkatapos dumaan ng unang linya ay sumunod na ang pangalawang linya na syang tumapos sa mga Orc at mga lobo na napatalsik ng unang linya.

"Grabe! Ang galedjfjd"

Napatahimik ako sa aking nakita.

Kinilabutan? Parang ganon ang naramdaman ko. Nung sinabi kong tinapos.. ay sinaksak nila ang mga orc at lobo ay nagtalsilan ang mga dugo nila.

"Oh ano kuya, bat parang nasusuka ka?"

Grabe, bago to sa paningin ko.

"Eh, dba kanina excited ka pa na maglaban sila. Akala ko naman sanay ka na na makakita ng ganyan. Mahina ka pa pla!"

Tumahimik ka nga dyan Alruna! Shit, this is so gross!

Di ko talaga inasahan yon. Oo alam ko na magkakalat ang dugo, pero di ko inasahan na ganto ang magiging reaksyon ko!

Kahit papano, nakikita ko yung dugo ko pagnapatay ako ngmga lamok kaya ang lagi kong nasa isip ay kapag nakakita ako ng totoong patay at dugo ay kakayanin ko yon.

In short im wrong! Fuck shit! Bweeah...

Napasuka ako.

"Oh kuya, ayos ka lang ba?"

Oo ayos lang ako, di ko lang talaga inasahan na magiging ganto ang reaksyon ko.

..

"Uy Kuya tingnan mo, patapos na ang laban."

Hah...

Tumingin ulit ako sa laban at nakita ko ang sobrang daming patay na mga lobo at mga orc.

May nakita rin akong mga nasa taong nasa lupa pero di kagaya ng mga orc, buhay pa sila.

Oh my God...

Total annihilation!...

Pagkakita ko ng sobrang daming patay at mga sinasaksak pa ulit na mga tao na mga bangkay ay inalis ko na ang tingin ko sa kanila.

"Mukhang tinatapos na lang nila ang mga kalaban."

Ha, edi ba patay na yung mga Orc na yan?

"Di yon ganon kadali kuya. Pwedeng may mga buhay pa sa kanila at malaking bagay yon para saming mga Bergen kaya kaylangan siguraduhin na wlang makakaligtas sa kanila."

Eh ano naman kung makaligtas ang isang Orc, panalo naman na sila diba?

"Sa madaling salita ang mga Orc ay di ganon ka sanay sa aming mga sundalo kaya naman kapag may isa man sa kanilang nakaligtas ay posible nilang matuklasan ang mga taktika na aming ginagamit."

"Posble rin silang lalo pang gumaling sa pakikidigma gamit ang mga kabalyero na sa ngayon ay mas marami ang kanilang kabalyero kesa amin kaya posibleng maging katapusan na ng aming bansa pagnangyari yon."

Di ko maikakaila na tama ang batang ito. Malaking bagay yun kung malalaman nga ng kabila ang mga sikreto nila.

Kahit ako na isang scientist ay alam ang mga gantong bagay.

Malaking pahamak samin pagnalaman ng publiko ang ginagwa ko.

Lalo na ang gobyerno!

Iniisip ko palang kinilabutan na ko.

Kaya nga hanggang sa huli ay isa lng ang nakakaalam ng lahat ng mga ginagawa ko.

"Kuya, kaylangan na natin umalis dito."

Tumingin ako kay Alrune at nakita ko syang parang di mapakali.

Ha, bakit. Anong meron?

"Tapos na silang maglinis. Baka hanapi... Baka mahanap nila tayo dito."

Maglinis? Ano sila kalat. At ano yung dapat niyang sasabihin? Ahh di bale, may tama siya. Baka nga bigla nila kaming makita dito.

Maghahanda na sana akong umalis pero..

Pero teka lang. Ano namang meron kung makita nila tayo?

"Kuya, di nila tayo pwedeng makita. Ahh ehh ano, pagnakita nila tayo ay ikukulong nila tayo dahil sa pumunta tayo dito! Kaya tara na dali!"

Ikukulong, eh? Wait lang, oo nga prang naaalala ko na sabi niya kanina na parang bawal dito. Wait ganon ba yun?

"Kuya ano pa bang iniisip mo dyan? Ah.. kapag nakita nila tayo baka di na nila tayo ikulong, baka patayin nalang nila tayo."

Patayin?

"Magiging dagdag bagahe lang tayo sa kanila at sigurado akong pagod na sila kaya siguradong papatayin nalang nila tayo. Oo tama ganon nga!"

Ha? Patay? Wait lang, kakapunta ko lang sa mundo na to ah?

Di pa ko pwedeng mamatay!

Marami pa kong gustong gawin no!

Nagsisimula palang ako no!

Dahil na rin sa takot ko na mamatay ay di ko na madyadong pinagtakahan ang mga sinasabi ng batang bulinggit.

Ok, sige, tara, alis na tayo dito.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa gitna ng gubat na kabaliktaran ng kung saan namin nakita ang mga grupo ng tao at orc.

Dahan dahan kaming umalis para di kami mapansin ng mga sundalo.

Habang naglalakad kami ay may napansin ako.

Saglit lang.. San ba tayo pupunta? Oy batang bulinggit, san ba tayo pupunta?

"Ha? Ehh.. nasunod lang naman ako sayo ehh. Kala ko naman may alam kang bayan o base na malapit dito."

"Kase imposible na makapunta kung di ka dadaan sa bayan ng Jorvik at di naman tayo nadaan dun ngayon. Sa totoo lang, akala ko may alam kang sikretong lugar dito."

Ha? Eh.. meron pla! Tama! Ok tara punta tayo dun.

"San ba tayo pupunta?"

Ha? Ginaya mo lang ako eh. Pero sige tara ako bahala.

"Wait lang kuya, di nako bata, may alam nako sa nangyayari sa mundo. Baka mamaya, isama mo ko sa isang liblib na lugar at kung anong gawin mo sakin?"

Di ko alam kung bakit pero ang nakikita ko sa mukha nya ay hindi takot.

Para bang sinasabi niya lang yan pero di naman nya yon ibig sabihin.

Gawin? Imposible yon no. Wala kong pagnanasa sa batang bulinggit.

"Ha? Dba sinabi ko na sayo ang pangalan ko. Alruna nga dba? Alruna ang itawag mo sakin."

Oo na sige na, tara na.

Dumiretso nalang ako sa nais kong puntahan.

"Hmmp! Subukan mo lang kuya! May alam akong martial arts no! Bugbugin kita pag sinubukan mo ko."

Ah talaga. Natakot naman ako, hahahaha!

Seryoso ba talaga tong bata na to. Ano namang magagawa niya sakin. Mangurot?

avataravatar
Next chapter