1 Kabanata 1

BRIANNA GIBBS Point of View

"Dok Ivann, ano po ang kailangan gawin?" pag-aalala na tanong ko.

"Bria, alam mo naman ang kalagayan ng tatay mo, hindi ba?! Kailangan na natin siyang maoperahan. Alam ko wala kayong kakayahan, pero tanging operasyon lang ang makakapag pahaba ng buhay ng tatay mo!"

Napababa ang aking tingin habang nilalaro ang aking daliri, "Alam ko po iyon. Gagawan ko ng paraan."

"Don't worry, I'll help you. I will try na ilapit ang case ng tatay mo sa mga government agencies to lessen your expenses. May mga kilala din ako na mga foundation na tumutulong sa mga kapos na katulad niyo."

"Salamat, Dr. Ivann. Sige po!" paalam ko. "Puntahan ko muna si tatay."

Umupo ako sa gilid ng kama. Pinipilit kong huwag umiyak at tatagan ang loob ko, pero paano? Sarili ko lang ang makakapitan ko sa ngayon. Wala ng iba. Saan ako kukuha ng malaking halaga para sa pag papa-opera ni tatay?

'Lord, help me! Ayoko mawala si tatay. Kahit hindi niya ako mahal, siya na lang ang pamilya na mayroon ako.'

Hinawakan ko si tatay na nakaratay sa kama. Pinipisil ko ang kamay niya habang umiiyak ng tahimik. Nananalangin ako na sana, kayanin ko lahat. Alam ko malampasan ko ang lahat.

"Tay, lumaban ka lang!" Mahinang humahagulgol at umiiyak.

Nagtanong-tanong ako sa aking mga kaklase kung may mga part time jobs silang alam na pwede kong pasukan. Halos mawalan na ako ng pag-asa, pero isa sa aking mga kaklase ang nag magandang loob para alukin ako ng trabaho. Si Liz.

She is my classmate from my second year in high school up to now in my 3rd-year college na kami. We are taking a BS in Information Technology at Metro University.

"May raket ako mamaya, gusto mo sumama sa akin?" tanong niya.

Agad akong tumugon sa raket na inaalok niya. Kailangan na kailangan ko kumayod para maghagilap ng pera.

"Kahit ano pa 'yan, go ako." Hindi na ako nagdalawang isip pa para tumanggi.

She explain everything. Lahat ng dapat kong malaman. Kung nung una ay desedid sa trabahong inaalok niya, ngayon ay nag dadalawang isip na ako.

'Wala ka nang choice, Bria." Sinusubukan kong patatagin ang aking loob.

"Paradise", sa tunog pa lang ng pangalan ng club ay matutukso ka na pumasok. Isa sa mga high-class club. Mayayaman at kilalang tao ang nagpupunta dito. Lugar din ng mga college student na naghahanap ng sugar daddy.

Nakatayo ako sa entrance ng club kasama si Liz. Nandito ako dahil sa isang rason. Ang rason na iyon ay para mapagamot si tatay na may sakit. Kung hindi siya o-operahan ay malalagutan siya ng hininga. 'Ito na ang pinaka madaling solusyon na gagawin ko.'

I sigh, 'Ito na ang gabing magpapabago sa buhay ko. Tama o mali ang desisyon ko ay kailangan kong sikmurain ang ganitong klaseng lugar.'

Lumingon ako sa paligid. Maingay, magulo, at nangingibabaw sa ere ang usok ng sigarilyo. Lahat ng nakikita kong mga tao ay napaka energetic. Para silang mga taong walang kapaguran. Sanay na sanay sila sa ganitong lugar.

Napaisip ako, 'Kagaya ko ba ang mga babaeng mga makikita ko ngayon?' I have no choice! Kailangan kong sikmurain ito. 'Kaya ko to! Kakayanin ko.'

Pinilit ko mag suot ng maikling mini skirt, sexy off shoulder sleeve at mataas na heels. Kinapalan din ni Liz ang make-up ko upang mag mukhang fresh. Dahil sa make-up ay natago ang maitim kong eyebugs at namumutlang mukha.

"Hindi ko yata kaya to!" Hinabol ko ang kamay ni Liz upang hawakan iyon. Pinigilan ko siya papasok sa club.

"'Wag ka na mag pakipot, Bria. Normal na lang na kumita gamit ang katawan."

Tinulak niya ang pintuan ng club at hinila ako papasok sa loob. Hindi ko na siya mapigilan at kasalanan ko iyon.

Napabuntong hininga ako habang sinasabi sa aking isip, 'Wala na talagang atrasan.'

Nasa third floor ng club ang mga VIP rooms para sa mga college student na nagbibigay ng special service. Kapansin-pansin rin ang malaking glass door kung saan may napaka gandang babae na nakahubad.

Napalunok ako. 'Ito na ba ang tadhana ko?' Kanina may lakas pa ako ng loob na gawin ito, pero ngayon wala na. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera, nag walk-out na ko kanina pa.

Ramdam ko ang tingin ng ilang babae sa akin. Tinatawanan pa nila ako. Sa itsura nila, sanay na sanay na sila dito. Hindi tulad ko na walang muang sa ganitong mundo. Wala akong lakas ng loob para makipag halikan sa kung kani-kaninong lalaki. Hindi ko kayang umupo sa mga hita ng mga lalaki na at hindi ko kilala.

Ang pangarap ko na mala Cinderella na storya ay malabo na mangyari. Mababahiran na ng dumi ang wagas na pag-ibig ko para sa isang lalaki. 'Matatanggap pa ba ako ng lalaki na mamahalin ko?' tanong ko. 'Wala na siguro, dahil kapag nalaman nilang nagawa ko ang ganitong bagay, pandidirihan na ako.' sagot sa aking sarili. Hindi ko inaasahan na sa buong buhay kong ito ay hahantong ako sa ganitong sitwasyon.

"Hay, naku! Bria, wag ka ngayon mag drama! Kailangan mo nang gawin ang misyon mo para kumita at makauwi na. Worth-it ang desisyon mo dahil kapalit ng pera pampa-opera ng tatay mo ang makukuha mo. Go for the goal, Bria.

Nilakasan ko ang aking loob kahit dignidad ko na ang binaba ko. 'Kailangan mo ng kumita ng pera. Aja, Bria,' kausap ko sa sarili.

"Ano pang tinutunganga mo d'yan? Halika ka na!" yaya ni Liz. Hatak-hatak ang kamay ko. "Tumatakbo ang oras. Ang bagal-bagal mo! 'Di ba gusto mo kumita ng pera?" iritang sabi sa'kin ni Liz.

"O....." sasagot na ako sa kanya nang kinaladkad ako ng mabilis.

Nakita ko ang mga babaeng nakatayo roon. Mas maikli pa ang mga suot kaysa sa akin. Mas makapal ang mga make-up at puno ng borloloy sa katawan. Habang nakatingin sa kanila ang mga lalaki, nag po-pose at nakikipag flirt.

'Ito ba ang paraan nila para maakit ang mga lalaki?' Napakagat labi ako dahil hindi ko mapigilan mapa-isip. 'Papa G, tulungan mo naman ako. Please!" sabi ko sa sarili.

Lumapit sa akin ang isang babae. Sa unang tingin ay mukhang bata dahil sa make-up, pero matanda na ang boses.

"Ikaw! Bago ka dito?" tanong niya. "Gayahin mo kung ano ang ginagawa nila. 'Wag ka pa virgin diyan! Tandaan mo mahalaga na mapaligaya ang magiging client mo. Isa lang ang gusto ng mga 'yan. Ang maghubad ka sa harap nila at ariin ang katawan mo. Naiintindihan mo?!" iritang dugtong na sabi.

"Opo," papikit kong sagot.

"Pumasok ka na!" bulong ng manager sa tenga ko.

"Ako lang mag-isa?" pag da-dalawang isip na tanong kung tama ba ang aking pagkarinig.

"Talagang kailangan mo pa sa akin tanungin 'yan? Boba! Hindi mo ba alam ang gagawin mo? Sabi ni Liz ako na bahala sa iyo. So I'm telling you, hindi ka pumunta dito para uminom o makipag kwentuhan at mag party. Ibebenta mo ang sarili mo! Paliligayahin mo ang lalakeng makakasama mo ngayon gabi. Nang pumasok ka sa club na ito, wala ka ng karapatan para mag-inarte. Walang lugar ang hiya dito, naiintindihan mo?" buylyaw niya.

Namula ako at natahimik sa dami ng sinabi niya. 'Tama! Nandito ako para ibenta ang sarili ko kapalit ang pera.'

"Ano ba? Papasok ka ba? Dahil kung hindi, umalis ka na dito ngayon din. Hahanap ako ng kapalit mo!" Nauubusan na ng pasensiya akin ang manager dahil sa delay na ginagawa ko.

Bago ko pinihit ang doorknob para buksan iyon, muli akong tumingin sa manager. Kita ko sa mukha ang inis sa akin.

Madilim ang kwarto. Halos wala na akong makita. Pagpasok ko sa loob ay bigla naman sara ng pintuan sa likuran ko. Napahawak ako sa ding-ding upang kapain ang bukasan ng ilaw.

Ang madilim na kwarto ay nagkaroon ng kulay kahel na liwanag. Bumungad sa akin ang isang malaking kama. May nakaupong lalaki sa gilid habang pinaglalaruan ang ilaw.

AIDEN ALDER Point of View

Huminto ang black Porsche car ko sa labas ng club. Pina-park ko iyon malapit sa entrance. Napatingin ako sa babaeng naka mini skirt at off shoulder habang papasok sa club. I don't know, pero tumalim ang tingin ko sa kanya.

"Nagkakamali lang ba ako o siya talaga ang babaeng matagal ko ng hinahanap?" tanong ko sa sarili.

Nabawi ko lang ang aking tingin mula roon ng magsalita ang aking driver.

"Sir Aiden, papasok po ba talaga kayo sa loob?" pagtatakang tanong ni Nestor sa akin.

Alam kong magtataka siya dahil madalang ako magpunta sa ganitong lugar.

"Wait me here!" sabi ko sabay bukas ng pintuan ng kotse.

Dumiretso ako papasok sa club. Importante sa akin na makilala ang babaeng iyon. 'I can't take my eyes of her.' Habang nakatayo sa entrance hanggang sa makapasok sa loob. 'Pamilyar na pamilyar ang mukhang iyon.'

Sumalubong sa akin ang mga usok ng sigarilyo, maingay na sounds at mga taong yumuyugyog sa dance floor. I ask one of the bouncer kung saan ang mga VIP rooms. Tumila at Itinuro ang third floor.

Habang paakyat, iba't-ibang babae na ang lumapit sa'kin. 'I'm not interested with anyone.' Sa mga itsura pa lang nila ay alam kong sanay na sanay na sila sa ganitong gawain.

May ilan na akong napuntahan na ganitong club. Ang babae ang lumalapit kapag alam nilang may pera ang prospect customer nila. Mga babaeng magaling mambola at magagaling sa kama.

Isang tawag lang sa mga galamay, kahit ano magagawa at makukuha ko. Tatlong minuto lang at heto na. Nandito na ang babaeng nire-request ko. Napakadali ng lahat, basta pera ang usapan.

"Hi Bria, it's an honor na makilala ka," masayang bati ko. Tumayo ako sa kama at ngumiti.

Nakita ko sa mga mata niya ang pagiging inosente at takot. Bigla na lang akong tinalikuran at hindi malaman ang gagawin. Bubuksan sana ang pintuan upang lumabas.

Napangisi ako sa kanyang ginawa. 'May mga babae pa lang mga ganito sa panahon ngayon.' Matalim kong tinignan ang likuran niya. Hinagod ko ang tingin mula sa buhok, pababa sa suot niyang high heels.

"Gusto mo mag back out? Pero bakit hindi mo magawa?" pangising sabi ko.

Humarap muli si Bria sa akin. Kita sa mata niya ang halo-halong emosyon na nararamdaman niya.

"Magkano ang ibabayad mo sa akin?" diretsong tanong sa akin.

Napangiwi ang labi ko sa sinabi niya. Akala ko nagkamali ako nang pagkakakilala sa kanya. 'Akala ko lang pala iyon.' Tulad ng mga babaeng umaaligid sa akin, pera lang din ang gusto niya.

Dalawa lang ang klase ng babae. Una mukhang pera.at pangalawa dahil sa kama. Obviously ang babaeng nasa harap ko ay mukhang pera.

"I will pay depending on your performance tonight," pangisi sagot ko.

"Gagawin ko lahat. Lahat ng gusto mo. Gagalingan ko para sumaya ka ngayon gabi." matapang na sagot sa akin.

"Hindi ako naniniwala sa salita lang. Ang gusto ko ay ginagawa!" sarkastikong tugon kay Bria.

avataravatar
Next chapter